Share

Reclaiming Property
Reclaiming Property
Author: Audenziatic

Prologue

"Make sure to collect your classmates' papers before lunch and bring them to the faculty."

"Yes, ma'am," I said as our professor turned away from me and exited the classroom.

I licked my lips unconsciously and looked around at my classmates, who were busy answering their quizzes.

Ito na ang last class namin sa umaga at may urgent meeting ang mga professor and as the classroom president, tungkulin kong siguraduhing maayos na matatapso ng mga kaklase ko ang quiz bago lumabas ng classroom para mananghalian.

Bumalik ako sa upuan ko at tahimik lang na naupo doon. 

"Did you hear the news, Roxana?" Mahinang bulong saakin ni Cleofa na s'yang katabi ko. 

Tingnan ko s'ya at napansin kong nakatakip na rin ang papel niya at mukhang tapos na kaya bumabaling na saakin para dumaldal. 

"What?" I asked.

Nang-aasar ako nitong tiningnan. She chuckled and put the tip of her finger on my nose, slightly poking it. 

"May nalaman kasi akong balita, Rox." Aniya. "Wanna know what it is?" 

"Nalaman ba talaga o inalam?" Nangiwi ito nang dahil sa sinabi ko habang ako naman at mahinang napatawa at inilingan s'ya.

For all I know, hindi niya nalaman lang ang balita... I know she eavesdrops on someone's conversation and starts to get chika from them, typical Cleofa doings.  

"Yeah, So what is it then?" Pagbabalik ko ng usapan namin kanina at bahagyang inililipat ang tingin ko sa mga kaklase kong nagsasagot pa rin. 

Kanina pa naman akong tapos at meron pang halos kinse minuto bago ang lunch time. 

"Well, narinig ko lang naman sa ibang seniors na Mr. Lofranco gets the highest grade in his math class! I mean, he excels in Mr. Navarro's class. Remember? Who was the most feared professor during the senior year of high school?" 

"Oh?" Bumalik ang tingin ko sa kanya.

Of course, I know Mr. Navarro. The famous professor, famous for being terror. Ang alam ko ay mathematics ang hawak niyang subject sa grade 12, he's also teaching grade 11 but gladly hindi sa amin. 

Tumango-tango saakin si Cleofa. "Ang galing, diba? Usap-usapan s'ya lalo na dahil halos s'ya ang may pinakamataas na marka galing kay Mr. Navarro since last year."

I just looked at her. Hindi ko mahanap ang tamang salitang dapat sabihin sa kanya kaya nang tumingin din s'ya saakin ay napasimangot na ito. 

"Come on! Parang hindi ka naman interesado sa sinasabi ko." 

I shrugged. "Sort of,"

Bumuntong hininga ito t'yaka sumandal sa kinauupuan. 

"Duh? It's Mr. Lofranco! The famous Lofranco, who always got into-" I cut her words and finished it instead.

"Guidance office..." Tumatango-tango ako at ngumiwi. 

Matunog ang naging singhal ni Cleofa at bahagya pang natawa. She patted my head like a kid and laughed more. 

"Nagpapapansin lang 'yun sa'yo... Alam mo naman at alam ng lahat na crush ka no'n! Gosh, I wish I was you! But then, turn off ako sa kanya. Masyadong madaming bisyo sa katawan at bad boy..." Naiiling pa siya saakin. 

Imbis na pagtuunan ng pansin ang sinasabi niya ay itinuon ko ang sariling atensyon sa mga kaklase kong lumalapit na saakin para magpasa ng papel nila. Hindi na rin nagtagal at natapos ang oras ng klase at dumating ang lunch break. 

I started walking down the corridor. Hindi ko kasabay si Cleofa dahil sa malamang ay nasa comfort room iyon at binubutingting pa ang sariling mukha bago sumunod saakin sa cafeteria. 

Dumaan muna ako sa faculty at inilagay ang mga papel na sinagutan namin sa lamesa ng professor namin kanina bago ako dumeretso sa locker room ng volleyball varsity. Ilalagay ko kasi ang dala kong rubber shoes at jersey na paniguradong gagamitin namin mamaya dahil meron kaming practice.

Volleyball is one of my hobbies.I started playing when I was 8. My friends back then influenced me. Pero mas tuon pa din ang pansin ko sa isang sport, which is rhythmic gymnastics. I was 5 when I accidentally watched a movie wherein a girl dreamt of being one. 

Since that day, I have also started dreaming about it. 

Mommy ko ang naka diskubre na may talento ako sa pagsasayaw at higit pa sa pagbaballet. I once actually use my hair ribbon, itinali ko sa dulo ng manipis na kahoy t'yaka nagsimulang ikumpas iyon. Kasabay ng paggalaw ng buo kong katawan at umiikot na parang ballerina ay nakagawa ako ng ilang movements na gaya sa napanood ko. 

One time, ginamit ko rin ang bola ng volleyball. Iniihagis ko t'yaka sasaluhin gamit ang pagitan tuhod at binti habang nakaupo sa lapag. 

Mom noticed my movements and immediately enrolled me in ballet classes. At first akala nila ay simpleng pag-b-ballet lang ang pinag-aaralan ko. Nang maka-tungtong ako sa sampung taon t'yaka ko lang nalaman kung ano talagang gusto ko. 

I'm active in different sports. Majorette is also one of my clubs. I also want to try cheerleading, but then, masyado na akong nagbida kapag nagkataon. And because I am so active, it is difficult for me to devote enough time to academics and other activities.

I was walking down the hallway when someone approached me. 

"Rox, pinapatawag ka raw sa guidance office." Sabi ni Rima saakin.

Kumunot ang noo ko at nagtaka sa sinabi nito. 

"Akala ko nasa classroom ka pa. Buti nalang nakita kita dito." 

"Bakit daw ako pinapatawag?" Tanong ko sa kanya. 

Nagkibit-balikat naman s'ya saakin. "Nakasalubong ko lang kanina si Vice President tapos inutusan akong puntahan ka para sabihing pumunta ka raw sa guidance." 

Tumango-tango ako sa kanya at nagpasalamat bago naglakad patungo kung saan ang guidance. 

Nagtataka ako kung bakit ako pinatawag sa guidance pero may hinuha na ako sa puwedeng dahilan nila kung bakit ako pinapatawag. It's either may ipapagawa saakin o may problema na naman. 

Agad akong kumatok sa guidance office nang makarating. Nang buksan ko ang pintuan ay bumungad na agad saakin ang kunot-noong guidance counselor namin. 

Pinaglapat ko ang labi ko at napatingin sa mga lalaking nakaupo sa harapan nito na bahagyang nag-angat ng tingin saakin ng pumasok ako sa loob ng opisina. 

Pinasadahan ko sila ng tingin at tumagal ang tingin ko sa isang lalaking bahagya pang may ngisi sa labi. 

Muli kong pinasadahan ng tingin ang lalaki. He's tall and got fair skin. Bumagay sa kanya ang dark brown n'yang buhok na naka clean-cut ngunit magulo ang pagkakaayos. He has dark brown eyes, a sharp nose, reddish lips, and thick eyebrows. His features remind me of a young Spanish actor. His aura is intimidating, but his dimples and grins tell you he's not that serious. He's an almost perfect definition of an ideal man...kung hindi lang binawi sa ugali. 

Napangiwi ako sa sarili nang makita naman ang polo n'yang hindi nakabotones. He's wearing a t-shirt inside his uniform.

Umiwas ako ng tingin lalo pa at nakita ko ang titig niya saakin. Bumati ako ng tahimik sa guidance counselor bago dumeretso sa tabi ni Zion. 

"What happened?" Tanong ko rito. 

Zion strictly looked at me. "Nahuli ko silang nagsusulat sa dingding ng lumang building." Anito saakin. 

Tumalim ang tingin ko at bumaling sa mga lalaking sakit ng ulo ko. 

This is not the first time na gawin nila iyon. This is a hundred plus times! Kailan ba sila titigil? 

Buti nga at nakokontrol ko pa ang sarili sa tuwing gagawa sila ng kalokohan. Lalo na kapag ako ang nakakahuli sa kanila. Kung dati ay kailangan ko pa ng kasama para habulin kapag nahuhuli ngayon ay hindi na. 

I know their names. I know every one of them. Kung may bago, nalalaman ko din naman at namumukhaan.

Ilang beses na ba silang na suspended? Ilang beses na silang naparatangan ng parusa? Kung hindi lamang malakas ang kapit sa school ay expelled na sila! 

Suki ng guidance at sakit sa ulo naming SSG. 

Kung no'ng una ay nadadaan sa professor lang ang kumakausap or adviser ngayong taon ay guidance office na talaga ang deretso. 

They can't be kicked out of this school, probably because of their family, especially that freak Lofranco! Baka imbis na siya ang umalis ng school ay kami ang mapaalis. 

Bumuntong hininga akong muli at t'yaka tumingin sa limang lalaki na narito sa harapan ko, isama pa ang hindi maalis na ngisi at titig saakin ng baliw na lalaking ito. 

Gosh! They said he liked me. How can this man like me? Daig niya pang siga lagi sa kanto, he has the looks and the money, but just as Cleofa said, he's a major turn-off. 

Not even my type. 

"Nandito na naman kayo, alam niyo bang sawang-sawa na ako sa pagmumukha niyo?" The guidance counselor told them. 

I second the motion.

"Sawa na din kami, Miss." I heard Lofranco murmur, and I couldn't help but glare at him. 

Nakita niya iyon kaya agad na natahimik but I can still see his smirks.

"Gago," bulong ni Zion at mukhang narinig din ang sinabi ni Lofranco.

Napatampal sa noo ang guidance counselor t'yaka banayad na tumingin sa katabi ko. "What did they do this time?" Madiin n'yang tanong. 

Zion cleared his throat. "Vandalism, Miss."

Mukhang stress na stress na ang guidance counselor, kulang nalang ay sumabog siya sa harapan namin. Pulang-pula ang buong mukha at ilang beses nang napabuntong hininga. 

Kahit ako ay sumasakit na ang ulo sa limang ito. 

Iniisip kong huling taon na rin naman nila sa high school, sana ay hindi ko na sila makasama sa college, kahit imposible dahil nasa iisang lugar lang naman kami. 

I gazed my eyes on them as I quietly listened to the guidance counselor's decision this time. Nagsimula s'ya sa sermon habang ang lima ay mukhang wala namang pake at bored na bored na nguni't nanatiling nakayuko. 

I crossed my legs as I sat properly when I saw Mr. Lofranco's eyes staring at my thighs.

Naningkit ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Is he perverting me?!? Mukhang napansin n'ya iyon at agad na napatingin saakin. Tiim ko siyang tiningnan habang ang mga mata niya'y naging seryoso din, tiim bagang pang nakatingin saakin bago umiwas. 

"Clean the whole gym after varsity practice. H'wag n'yong susubukang tumakas." Huling anang ng guidance counselor bago paalisin ang mga lalaking ito sa harapan namin. 

Kung meron lang sanang detention room katulad sa ibang school dito saamin ay baka iyon pa ang deretso nila, suwerte sila at wala. Baka magsawa din pati detention sa kanila. 

Tumayo kami ni Zion at balak na ring magpaalam. Naunang umalis saakin si Zion habang pina-iwan naman ako ng guidance counselor.

"Keep your eyes on them, make sure they will do their punishment." 

As always,

Tumango ako at bahagyang yumuko bilang paalam. "I will, Miss." 

Ibig sabihin ay hindi ako makakauwi nang tama sa oras gaya na naman noon. Kailangan ko na naman silang hinatayin at bantayan hanggang matapos sila sa paglilinis. 

Tahimik kong kinuha ang gamit ko at t'yaka naglakad palabas ng guidance office. Hindi ko namang inaasahang pagkalabas ko ay bubungad saakin ang leader ng rebeldeng estudyante dito sa school namin. 

Nakapamulsang naka sandal siya sa gilid ng pintuan, bahagya pa akong napaatras ng lumingon siya saakin. 

My lips parted. 

I admit, this guy is handsome. Most of the girls in our school drool for him, and even though he has a bad reputation nagagawa niya pa ding panatilihin ang titulong meron siya. 

I raised one of my eyebrows at him. He stared back and stood straight after seeing me.

"Galit ka na naman, Miss President..." Anito saakin. 

Suminghap naman ako. "Why are you still here, Mr. Lofranc-" 

"Gideon, Miss President..." Pagpuputol nito saakin. 

I clicked my tongue and glared at him. "What are you still here?" Mariin kong pag-uulit ng tanong.

He narrowed his eyes on me. "I'm waiting for you, Miss President." 

"And why is that?" Kunot noong tanong ko kahit na medyo nagitla sa sinabi niyang nag-iintay siya saakin. 

Again, he looks down at my legs and it makes me gasp. I was about to shout at him and tell him he was a pervert when he looked back at me. "Is that even normal? Your skirt is getting shorter and shorter fucking every time. Boys may see what's inside your skirt, Roxana. You should know that." He even calls me by my first name.  

"What-" nanlaki ang mata ko at laglag ang pangang nakatingin sa kanya. 

Natulala akong napatingin sa isang jersey jacket na inilahad n'ya sa harapan ko. 

"Itali mo ito sa bewang mo o kung gusto mo ako pa ang magtatali para sa 'yo?" He smirked. "Ayos lang naman saakin kung ako ang gagawa..." 

I looked at him unbelievably.

Sa takot na gawin ang sinabi niya ay wala sa sarili kong tinanggap ang jersey jacket at nag-pa-panic na itinali iyon sa bewang ko. 

When I looked up at him, a smile appeared on his lips. "Much better," aniya. 

"I'll get going now, Miss President! See you around!" Daglian pa itong sumaludo saakin at hindi kapanipaniwalang sinundan ko s'ya ng tingin nang maglakad na ito palayo saakin. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status