Share

Chapter 6

Hindi mo makikilala ang isang tao kung ang pagbabasehan mo ay ang panlabas nitong anyo at ang panglabas nitong ugali na ipinapakita sa 'yo. You will know someone well when you choose to see the different sides of him. Makikilala mo lang talaga ang isang tao kung pipiliin mong tingnan ang bagay na hindi n'ya naman basta ipinapakita. 

"He's good in arts pala, 'no?" Out of nowhere ay nasabi ko iyon sa mga kaibigan ko. Nasa iisang lamesa na kami at may kanya-kanyang ginagawa. 

My mind seems off. Hindi ko kasi maalis sa isipan ko 'yung napakagandang pinta na nasa gilid lang namin. 

Nag-angat ng tingin saakin si Imperial na busy naman sa pagsusulat sa sarili n'yang notebook. Bahagyang kumunot ang noo. 

"Sino?" 

"Si Gideon..." 

Bahagyang napaawang ang labi n'ya. Bahagya pang kinagat ang dulo ng ballpen n'ya at napatango-tango saakin.

"Sandali, sandali lang!" Cleofa interrupted. Nasa tabi ko lang ito at nakahawak

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status