"So we needed a place where we could have our group study and at the same time gagawa rin tayo ng research paper at presentation..." I said.
Napatingin saakin ang apat kong group mates. Nagkaroon kasi kami nitong activity. Research paper at sa isa pang subject ay may presentation naman kami. Gladly same group lang ang kailangan sa dalawang subject na iyon.
"P'wede namang saamin," Marylou suggested.
"Isn't your house a bit too far? I mean, if sa inyo, mapapalayo kami. Malayo masyado 'yung house n'yo sa house namin." Anang naman ni Sheena.
Nagkatinginan kaming tatlo nila Cleofa at Imperial. Siguro kami lang ang walang issue dito sa kung saan talaga p'wedeng magkaroon ng group study. But, Sheena and Marylou's parents are a bit strict.
Well, I have a group of geniuses here. Pero tama nga naman, medyo malayo rin kasi ang kayna Marylou.
I played my lips with my fingers habang hinihintay pa ang mga desisyon nila.
"What about Roxana's house? Malapit-lapit lang ang kanila." Sabi pa ni Marylou.
I blinked twice before nodding at them. "P'wede naman."
"I think we can't, Saturday at Sunday ang group study natin. Your brother has a same-day appointment with his doctor, right?" Paalala naman ni Cleofa saakin.
That makes me shut up. Oo nga pala, bakit ko ba nakalimutan iyon? I shook my head and sighed.
"So bawal din sa inyo?" Naguguluhang sabi ni Imperial.
I looked at her. "P'wede naman ang kaso hindi natin magagamit ang study room as well as living room." Iyon kase ang madalas gamitin ng kapatid ko tuwing may session s'ya. Hindi naman p'wedeng istorbohin kasi maaaring mawala s'ya sa konsentrasyon.
Tumango-tango si Imperial. Pare-parehas kaming natahimik, malalim na nag-iisip kung saan kami pwedeng gumawa ng activity at magkaroon ng group study. They suggested coffee shops and libraries na inapilahan naman ni Cleofa, may distraction daw kapag gano'n.
"Edi samin nalang," Imperial suggested. "Walang tao sa bahay kung hindi ako at mga katulong, kanina ko pa naisip na sa bahay nalang namin kaso baka hindi kayo pumayag."
Ako naman ang napatahimik nang dahil sa sinabi n'ya. Mukhang napaisip naman ang mga kasama ko.
"Hindi ba nakakahiyang pumunta sa inyo?" Cleofa blurted.
Imperial lips twitched. "Bakit naman nakakahiya? Tayo lang naman ang tao doon, t'yaka mga kaibigan ko kayo at kaklase. May study room at library saamin, may computer room din na p'wede nating gamitin."
Gusto kong sabihing mayroon din naman kami sa bahay. I suddenly hesitated to do our activity in their house. Maybe it's not a good idea, or maybe it's just me.
Napabuntong hininga si Imperial nang makitang natahimik kaming apat. "Doon nalang tayo. Next week pa naman ang dating nila kuya Gideon galing business trip."
"Oh..." Agad na sabi ni Cleofa at kataka-takang sumulyap pa saakin. "Kaya pala wala s'ya nang isang linggo, ano? Kaya pala tahimik ang school at walang guidance visitors ngayon." kunwari pa itong nagtataka at napatango-tango.
Lihim naman akong napasimangot. Nang-aasar na naman si Cleofa. Himala nga namang tahimik ang isang linggo ko. Ni hindi nga ako nagagawi sa guidance ngayon. I also know that Lofranco has been missing since Monday.
Wala na kaming nagawa kung hindi ang pumayag sa gusto ni Imperial. Wala na rin kasi kaming oras para pagtalunan pa kung saan kami magkakaroon ng group study.
Sinundo si Cleofa ng boyfriend niya dahil may date raw sila. Naging busy din kasi itong boyfriend ni Cleofa at ngayon nalang yata ulit sila lalabas. Si Imperial naman ay sinundo ng driver nila.
Naiwan akong mag-isa dahil may practice kami. Naging maayos naman na iyong tuhod ko, naipahinga ko no'ng sabado at linggo kaya tuloy ang laro ko ngayong week.
It was Saturday morning when I got a message from Imperial. Dadaanan nalang daw nila ako dito sa bahay at sasakyan na raw nila ang gagamitin papunta sa kanila. It means susunduin n'ya kami isa-isa.
I just reply 'okay'.
Iyon din naman ang napag-usapan namin kahapon.
Naligo ako at nagbihis. I wear a simple crop top and fitted high-waisted pants. I pulled my hair up. Dala ko ang bag kong may lamang notebook at libro na sa tingin ko'y kailangan namin.
"You're going somewhere?" Agad na tanong saakin ni mommy nang marating ko ang dining area kung nasaan sila nila daddy para mag-agahan.
I kissed their cheeks and greeted them with a good morning. I did the same to my little brother, who was busy eating his cereal.
"May group study po kami, kailangan din po kasing gumawa ng research paper at presentation." Paliwanag ko.
Tumango-tango ang mga magulang ko. "Last year mo na sa senior high next year. College ka na sa susunod. Anong course ang kukuhanin mo?" Maya-maya ay pagbubukas ng topic ni mommy.
Nilingon ko s'ya. "BECEd po ang naisip kong kunin. Ipagpapatuloy ko pa rin ang pagtuturo." Nakangiti kong sagot.
My mom smiled and nodded. She looked proud as well as my dad.
Stem ang kinuha kong strand pero balak kong kumuha ng BECEd. Well, it was supposed to be Humms, but my mind changed and I guess stem will teach me more things.
"Hindi naman namin hahadlangan ang gusto mo. Kahit gusto namin ng daddy mo na mag-aral ka ng law, kung gusto mo naman ay maging guro, wala na kaming magagawa doon... We're just going to support you, and you'll be successful." Sabi ni mommy na s'yang ikinalambot ng puso ko.
"Thank you, mommy." I sincerely said.
"Pero kailangan mag asawa ka ng attorney." Daddy interrupt.
Bahagya naman akong natigilan sa sinabi n'ya. My parents laughed at each other.
"Walang magmamana ng law firm natin kung walang magiging lawyer sa pamilya. You'll get a course about education, but you need to marry a man who'll take the law course." Hindi ko alam kung biro ba iyon o totoo.
Pero may punto si daddy.
Wala nga namang magmamana ng law firm namin kung walang lawyer sa pamilya. Malapit na rin s'yang magretiro sa trabaho. Mas'yado nang tumatanda si daddy at maging si mommy.
"By the way, how's your training? Have you talked to your coach?" Mom's referring to my rhythmic gymnastics coach.
Bahagya akong umiling. "I think she's still on vacation. Nasa Manila pa po siguro si coach Nella."
"Oh, maybe I should talk to her. I want to know if you have a possible tournament this year."
Napatango-tango ako at hindi maiwasang mangiti. My parents believe in me. They're supportive. Ni minsan yata ay hindi nila ako pinagbawalan sa gusto ko as long as alam ko yung limitations ko.
Naghintay pa ako ng kalahating oras pagkatapos namin mag-umagahan bago dumating ang sundo ko.
I bid goodbye to my mom. I told her I was going home before dinner. Kumpleto na ang mga kagrupo ko sa sasakyan. Ako pala ang huli nilang sinundo kaya natagalan.
"May laptop naman siguro sa inyo na p'wede nating gamitin, diba? I didn't bring mine o kahit bukas nalang natin gawin 'yung presentation." Sabi ko sa kanila.
"Meron naman, may available akong laptop sa bahay. But I think hindi naman natin magagawa 'yung presentation today. Sa research paper lang tayo panigurado matatapos ngayon." Imperial answered. She's sitting in the front seat beside her driver. Kami naman ni Cleofa sa likuran nila at sa huling upuan si Marylou at Sheena.
Sumang-ayon ang iba pa naming kasama sa sinabi n'ya at maging ako ay napatango. Imposible nga namang matapos namin iyon lahat ngayon. May nasimulan na kami noong nakaraang araw sa mga bakante naming oras ngayon ay tatapusin nalang namin.
Bahagya kong siniko si Cleofa upang kuhanin ang pansin niya.
"Bakit?" Tila nagugulat n'yang tanong.
I smiled. "Hindi ka nagtext saakin kahapon na nakauwi ka na. Kamusta ang date n'yo ni Jam?" Pang-uusisa ko.
Isang ngiti ang kumawala sa labi niya at bahagya pang namumula sa pisngi. Animo'y kinikilig sa naalalang date nila ng nobyo kahapon.
I'm smiling while looking at her. I'm really glad that she's happy with her current boyfriend. Ang huli n'ya kasing boyfriend ay nagloko sa kanya.
Humagikhik at umiling ito saakin. "Mamaya ko nalang ikuwekuwento."
Tumango-tango ako at napatingin sa labas ng sasakyan nang makitang malapit na pala kami sa mismong hacienda ng pamilyang Lofranco.
Bungad pa lamang sa gate ay malalaman mo nang malaki ang sakop ng lupain nila. Hindi man ganoon kamoderno ay maganda naman ang European style nito.
It wasn't my first time here. Ilang beses na akong nakapunta dito kasama ang pamilya ko tuwing may mahalagang event.
The Lofranco family is hella rich. Their family is far more prosperous than my family. May plantation sila sa likod nitong mansyon. May rancho kung nasaan ang mga inaalagaang kabayo at hindi lang dito ang base ng negosyo nila.
Lofranco Group of Companies. They have a five-star hotel and resorts around Luzon and are already expanding here in the Visayas. Iyon ang alam ko.
"Uh-oh" Rinig kong angal ni Imperial. Nakatingin ito sa harapan ng mansyon nila habang nanlalaki ang mga mata.
"Hala? Akala ko ba walang tao dito sa bahay n'yo?" Gulat pang tanong ni Sheena.
Bumaling ang tingin ko sa labas ng sasakyan. Bahagya ring napaawang ang labi nang makita ko ang ilang sasakyang nakaparada sa gilid ng mansyon nila. Malapit sa rancho at naroon ang ilang pamilyar na tao.
"What are they doing here?" Wala sa sarili kong naisantinig.
"Ay syempre, bahay nila 'to!" Pamimilosopo pa saakin ni Cleofa. Tinawanan n'ya lang ako nang samaan ko s'ya ng tingin.
Humarap naman saamin si Imperial at tila ba hindi rin inaasahang may tao sa kanila.
"I didn't know that Kuya Gideon would come home this early. Mukhang nandito rin pati ang mga kaibigan niya..." tila humihingi ng paumahin ang boses n'ya saamin. She looked at me I saw her sincerity.
Bahagya akong napasinghap. "Nandito na naman tayo... T'yaka hindi naman siguro sila manggugulo saatin." Napipilitan kong sambit t'yaka muling napatingin sa grupo nila Lofranco. Nahagip s'ya ng mata ko at sa tabi n'ya ay isang babae.
Napangiwi ako nang makita ang usok na nanggagaling sa hawak nilang cigarettes.
I licked my lower lip.
They're still smoking, hu? Akala ko naman ay tumigil na sila...
"Hey! Can you please throw those cigarettes away and stop smoking here?" Hindi ko maiwasang mamangha sa tila nagtataray na boses na iyon ni Imperial.
Nauna itong bumaba sa sasakyan t'yaka agad na sinigawan ang pinsan n'ya at mga kaibigan nito.
"Tiklop pala si Mr. Lofranco dito kay Impe, eh." Natatawang bulong saakin ni Cleofa bago kami bumaba ng sasakyan.
Lofranco's eyes met mine. Tila nagulat ito ng makita ako ngayon dito sa kanila. Agad na naibaba ang hawak na sigarilyo at t'yaka itinapon sa kung saan.
Napangiwi naman ako. Ni hindi pinatay ang sindi noon. Paano kung makasunog?
Lihim akong napasingal t'yaka ko nahuli ang pagtapik n'ya sa kaibigang malapit. Tila sinabihang itapon ang hawak nila.
His friends unconsciously looked at me. Nakita kong napaawang ang labi nila at tila gulat din na makita ako.
Kung siguro nasa school sila ay maiinis na ako at pagsasabihan sila. But now it is different. I'm on their property. Wala ako sa teritoryo ko.
Umiwas ako ng tingin sa kanila. Ramdam na ramdam ko ang palihim na pagsundot ni Cleofa sa gilid ko na hindi ko ipinapansin.
"What are you guys doing here?" Tanong ni Lofranco sa pinsan n'ya nang makalapit.
Imperial put her hands on her waist and raised an eyebrow at his cousin. Oh, I'm seeing the different side of Imperial here...
"Oh bakit, ayaw mo ba?" Tila makahulugan ang sinabing iyon ni Imperial na s'yang ikinatunog ng dila no'ng isa.
Hindi naman nakaligtas saakin ang lihim nitong pagsulyap kaya napatikhim ako. Why does he need to look at me?
I saw a grin form on Imperial's lips. "May group study kami. Hindi mo naman sinabing uuwi ka na ngayon at may bisita ka rin kaya dito ko sila niyaya... Akala ko kasi ay walang istorbo."
"Ouch naman Impe! Istorbo na pala kami ngayon sa'yo." Yael was the one who reacted first.
Napahawak pa ito sa dibdib at tila umaarteng nasasaktan. Tinawanan ito ng iba habang si Imperial naman ay tila hindi nagustuhan ang itinawag sa kanya.
"Hoy! Ria 'yon, hindi Impe! T'yaka hindi ka lang istorbo, asungot ka! Asungot!" Nanggigigil na anito kay Yael.
Naalala kong tinawag rin ni Cleofa si Imperial ng gano'ng palayaw. Magagalit din kaya ito kay Cleofa kapag tinatawag siyang gano'n?
"Ah, basta! H'wag kayong istorbo samin!" Naiinis pa ulit na anito bago kami hinarap. "Tara pasok na tayo." anyaya n'ya.
Nagtanguan naman kami.
"You can use the study room nang sa gano'n ay hindi kayo maistorbo." Pahabol pa ni Lofranco.
"Doon naman talaga kami."
"Alright, I'll tell Manang that you have visitors. Para maipaghanda kayo ng pagkain." Anito pa.
"Hi, miss president!" Nakangiti pang bati ni Yael nang madadaanan ko.
I looked at him and his other friends, including those girls, na kasama nila. I just gave them a quick nod at sumunod na kay Imperial.
Nadaanan ko rin si Lofranco at alam kong nakatingin s'ya saakin pero hindi ko pinansin.
Naalala ko ang huling beses na nagkita kami. Naalala ko rin kung anong sinabi n'ya.
"Ang laki pala ng study room niyo!" Namamanghang anang ni Cleofa nang makarating kami sa study room na sinasabi ni Imperial sa pangalawang palapag ng bahay nila.
This is not just a house, this is a mansion!
Kahit ilang beses na akong nakapunta dito ay unang beses ko namang nakatapak sa pangawalang palapag. My eyes searched around. I saw different frames and paintings.
Namangha ako nang makita ang painting malapit sa pintuan na nakapaskil sa dingding.
Hindi ko rin maiwasang hindi mapatitig doon.
Nakapinta kasi ang mukha ng pamilya Lofranco.
Ang pinaka-malaking painting ay ang tila wedding picture ni Mr. at Mrs. Lofranco. They are Mr. Lofranco's parents. Sa katabi naman, sa kanan, isang litrato ng babae ang nakapinta.
I didn't know her, but I was mesmerized by her beauty.
Who is she?
Sa pagkakatanda ko naman ay walang kapatid si Lofranco. May pagkakatulad sila sa hugis ng mata at ilong. Medyo iba ang feature n'ya pero may hawig pa din naman kay Lofranco. Para s'yang may ibang lahi. She looks like a barbie.
Then my gaze was drawn to the last image on the left side, which was of him. Lofranco, the school rebel.
Bahagyang napaawang ang labi ko.
Kamukhang-kamukha n'ya ang nasa portrait painting na ito! Paanong halos perpekto ang pagkakagaya ng mukha n'ya? Bakit hindi man lang pinapangit ng kaunti?
I bit my lip, still looking at Lofranco's painting.
Those almond brown eyes. Those eyes can make you feel hypnotized. Kung siguro hindi ko alam ang ugali n'ya iisipin ko talagang isa s'yang suplado at snob na lalaki.
"Gusto mo bang dalhin pauwi? P'wede naman." I almost jumped in shock when someone appeared beside me.
Nanlaki ang mata ko nang makitang si Lofranco iyon. My jaw dropped and my cheeks blushed. Nahuli n'ya akong nakatingin sa painting n'ya!
Isang mapaglarong ngisi ang gumuhit sa labi n'ya habang nakatingin saakin. Ang yabang pa ng tingin!
"H-Ha?" Kunwari pa akong nagmaang-maangan.
That made his smirk grow wider.
He let out a soft chuckle. "Hindi mo na naman kailangan magkaila, Miss President." Aniya pa. "Pero sige, kung nahihiya ka...kunwari nalang hindi ko nakitang nakatitig ka sa painting mismo kung saan nakaburda ang pagmumukha ko."
Oh, here we go again! The mayabang na Lofranco!
Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Hindi pa ako makatingin ng deretso sa mga mata niya. "I'm just looking at the painting. I admire the one who painted it. Kuhang-kuha n'ya ang itsura mo. Masama ba iyon?" Tapang-tapangan ko pa.
His lips rose, and his eyes remained playful. He licked his lower lip as he fixed his gaze on me. Halos manlambot naman ang tuhod ko sa titig n'ya. Kakaiba ang naging epekto noon saakin.
"Hindi naman... But I'm glad that you admire me."
"Ha?"
He grinned at me. "You said you admire the one who painted it, and Miss President, I was the one who painted those three."
Umawang ang labi ko, hindi lang dahil sa pagkagulat nguni't maging dahil sa pagkamangha.
"Talaga?" Hindi makapaniwalang sambit ko.
He smiled proudly at me and nodded. "Yes,"
"You're... You're good." Nahihiya man ay hindi ko na napigilang sabihin iyon sa kanya.
Isang matamis na ngiti na ang gumuhit sa labi n'ya. Bakas pa ang kasiyahan sa mata habang nakatingin saakin.
"Really?" He mumbled.
I slowly nod. "Yes..." Napapaos kong sabi at muling sumulyap doon sa portrait painting na nasa dingding.
I wonder if he can paint me too...
Hindi mo makikilala ang isang tao kung ang pagbabasehan mo ay ang panlabas nitong anyo at ang panglabas nitong ugali na ipinapakita sa 'yo. You will know someone well when you choose to see the different sides of him. Makikilala mo lang talaga ang isang tao kung pipiliin mong tingnan ang bagay na hindi n'ya naman basta ipinapakita."He's good in arts pala, 'no?" Out of nowhere ay nasabi ko iyon sa mga kaibigan ko. Nasa iisang lamesa na kami at may kanya-kanyang ginagawa.My mind seems off. Hindi ko kasi maalis sa isipan ko 'yung napakagandang pinta na nasa gilid lang namin.Nag-angat ng tingin saakin si Imperial na busy naman sa pagsusulat sa sarili n'yang notebook. Bahagyang kumunot ang noo."Sino?""Si Gideon..."Bahagyang napaawang ang labi n'ya. Bahagya pang kinagat ang dulo ng ballpen n'ya at napatango-tango saakin."Sandali, sandali lang!" Cleofa interrupted. Nasa tabi ko lang ito at nakahawak
"Buti naman nakarating ka na." bungad 'yan saakin ni Imperial nang makapasok kami sa bahay nila.Naroon silang apat sa living room. Makahulugan ang tingin ng dalawa kong kaibigan habang iyong dalawa naman ay nagtataka kung bakit kami magkasama ni Gideon.I clicked my tongue in annoyance. "I brought my laptop." Sabi ko at naupo sa tabi ni Cleofa. Napansin ko ang mga gamit nila sa ibabaw ng coffee table. Ibig sabihin ay dito nila balak mag-aral ngayon.Napansin kong tahimik sila bigla. Nag-angat ako ng tingin at nasalubong ko ang kunot na noo ni Gideon at kulang nalang ay magsalubong ang kilay niya."Kuya pakisabi naman kay manang na dalhan kami ng pagkain, oh?" Biglang pagsasalita ni Imperial sa pinsan.Nilingon s'ya ni Gideon bago nagpakawala ng buntong-hininga at tumango. "Alright,"Ibinaba ko ang tingin sa mga gamit namin. Kinuha ko ang bag ng laptop ko at binuksan iyon para ilabas na. Narinig ko naman ang pap
"Anong ipinaparating mo? May gusto ka saakin, gano'n ba?" Tanong ko kay Gideon.Naghuhurumentado ang puso ko na s'yang hindi ko maintindihan. Bakit kinakabahan ako sa mga lumalabas sa bibig ni Gideon samantalang ilang beses ko na itong narinig galing sa iba..."Paano kung gano'n nga?" He marvelously smiled at me.Hindi ko mapigilang mainis sa pagpapaligoy-ligoy nito. Mas lalo ko tuloy naisip na baka nga pinaglalaruan niya lang ako.I glared at him at hindi na makapagpigil na ipakita sa kanya ang naiinis kong mukha. "Stop playing with me, Gideon.""I thought you guys had already changed! Nagpahinga lang pala."Malalim ang naging buntong-hininga ng guidance counselor namin. Madiin ang bawat salitang binibitawan at tila nagpipigil na sigawan ang mga taong nasa harapan n'ya.Nakagat ko ang ibabang labi. Iniiwasang maging ako ay hindi makapagpigil dito. Makailang beses akong nagpakawala ng buntong-
"What did you say?"Gulat akong umayos ng upo."Break na kami..." Pag-uulit ni Cleofa sa sinabi n'ya kanina t'yaka nagsimulang lumuha. "Nakipaghiwalay ako...kay Jam.""Cleofa," nag-aalalang tawag ko sa kanya. Sunod-sunod na nagpatakan ang luha n'ya kaya wala akong nagawa kung hindi ang yakapin nalang ang kaibigan ko.Tahimik s'yang umiiyak. Bawat hikbi n'ya ay mahina rin. Hindi ako sanay na makitang ganito ang kaibigan ko. Ito ang pangalawang beses na umiyak s'ya saakin ng dahil sa lalaki. Hindi s'ya humahagulhol ng iyak nguni't sa bawat hikbi nya ay malalaman mo kung gaano s'ya nasasaktan at nasasaktan din ako kapag nakikita s'yang ganito."What happened? Bakit ka nakipaghiwalay? Sinaktan ka ba n'ya? Niloko ka ba? May ibang babae ba?" Nagtitimpi kong tanong nang medyo kumalma ito.She chuckled. Tumatawa s'ya nguni't nandoon pa rin ang luha sa mga mata. Napalabi naman ako habang nakatingin sa kanya.
"Grabe talaga, akala ko tatamaan na tayo dito no'ng bola. Lalo na ikaw, dadaplis lang saakin 'yun kung sakali pero sa 'yo naman sakto ang bola! Buti naharangan agad ni kuya, pero sigurong masakit 'yon..."Pinaglapat ko ang labi ko habang patuloy na nakikinig sa kung ano-anong sinasabi ni Imperial. Para s'yang nangungunsensya na ewan.Tapos na ang practice ng basketball at meron pa kaming kailangan gawin kaya nagyaya na ako paalis."Oo nga, tapos 'yung isa d'yan 'di man lang nagpasalamat do'n sa tao. Basta nalang umalis..." Cleofa murmured.Napalabi ako, totoong natatamaan sa mga ibinabato nilang parinig saakin.Gusto ko naman kasi talagang magpasalamat kay Gideon kaya lang ay nahiya ako. Inunahan ako ng hiya kanina at nawalan ng lakas ng loob na harapin s'ya.I wanted to thank him for protecting me.But then I remember how I've been treating him over the last few days.Simula noon
Hindi ko alam kung kailan ako naniwala at kung kailangan ko natagap. I always told myself, "No, he's bluffing." He's just fooling around with me. He was out for vengeance. But since then, since the day he has held my hand...looked me in the eyes and said that he really likes me.My mind and heart began to argue, and at the end of the day, I just found myself believing him. Believing that Gideon Lofranco likes me..."Para kanino naman 'yan?"Kinuha ko ang tatlong box ng paper puzzles t'yaka iyon nilagay sa hawak kong basket. Nandito ako ngayon sa national bookstore sa city kasama si Gideon.He insisted on accompanying me. Hindi ko alam kung paano n'ya ako napapayag.Linggo ngayon at bukas naman ang start ng activities sa school. The truth is, may plano talaga akong pumunta dito ngayon sa Ayala. I need to buy some things na kailangan ko para bukas katulad ng barrette at bagong sapatos para bukas. Boots and hanap ko, iyong high calf.
"Kanino galing iyong mga bagong laruan ni Miro? Ikaw ba lahat ang bumili, Roxana?"Nagulat ako sa tanong na iyon ni mommy. Hindi agad nakasagot nang mag-angat ako ng tingin sa kanya. My parents are looking at me with a puzzled expression on their faces."Uh--" Pangunguna ko. "Hindi po..."Bahagyang tumaas ang kilay ni mommy bago n'ya ibinaba ang hawak na kubyertos. "Kanino kung gano'n? I should thank that person. Sobrang nagustuhan ng kapatid mo iyong mga robot." Sumilay ang ngiti n'ya sa labi matapos sabihin iyon.Sumulyap ako kay Miro na busy naman sa pagkain. Mag-isa itong pinapakain ang sarili n'ya nguni't nasa tabi naman ang kanyang nanny na nakabantay, kasabay din namin itong kumain.Hindi ko maiwasang lihim na mapangiti matapos malamang nagustuhan at naging masaya pala si Miro sa mga natanggap n'ya."Sinong nagbigay, Rox?" Tanong pa ulit ni daddy.I licked my lips. I get nervous, iniisip kong
"Tara na?" It was Sunday morning.Gideon called me last night. Nagyayayang lumabas daw kami ngayong linggo.Everything happened so fast. Hindi ko makalimutang sa unang pagkakataon ay overall champion ang Stem noong intramurals. Ilalaban pa ang mga varsity namin sa regional.Natapos ang buong isang linggo ng intramurals na puno ng issue ang school tungkol saamin ni Gideon.Noong una ay naiilang talaga ako, but he didn't seem to mind. Ni hindi n'ya binibigyan ng pansin ang mga usapin tungkol saamin. Lagi pa kaming magkasama sa school.Kung siguro hindi kami nagkaayos, talagang maiinis ako sa pabuntot-buntot n'ya. But then everything changes. I'm comfortable with him. I liked the way he cared for me.Nakikita at mas nakikilala ko ang totoong side ni Gideon.He's sweet and protective. Hindi lang saakin na nililigawan n'ya kun'di maging sa pinsan n'yang.Nililigawan na rin kasi noong si Jere