Share

Chapter 2

Malayo ang tingin ko sa labas ng bintana nitong sasakyan na maghahatid saakin pauwi. 

Hindi ko alam kung paanong napapayag ako ni Lofranco na ihatid n'ya ako pauwi. Basta ang alam ko lang ay ilang ulit akong tumanggi sa kanya. Sinabi kong mag-aantay ako ng tricycle na s'yang madalas kong sinasakyan pauwi saamin. 

Naiinis pa nga ako sa pangungulit niya pero siya naman itong hindi tumigil. Ilang ulit ko ding ibinabalik sa kanya ang jacket n'ya pero hindi n'ya tinatanggap. Sumasakit lang ang ulo ko sa kanya kaya mas pinili kong h'wag nalang pansinin habang nag-aantay ng tricycle nguni't kumakagat na ang dilim, wala pa'rin. 

Lofranco didn't leave the school; he patiently waited for me. At hindi ko alam kung bakit n'ya iyon kailangan gawin. 

Then he suddenly asked me again. Sabi n'ya ihahatid n'ya nalang daw ako, magdidilim na rin daw. I said no again, motorcycle kase ang sasakyan. Hindi ako sanay na sumakay sa motor, takaw aksidente iyon kaya natatakot ako. 

Nagulat nalang ako nang ilang minuto pa ang lumipas ay dumating ang isang sasakyan, turns out na sa kanya iyon. 

Tuloy ay wala na akong choice kung hindi ang magpahatid sa kanya pauwi kahit hindi naman s'ya ang driver ng sasakyan. 

Katabi ko s'ya sa backseat at halos idikit ko ang sarili sa isang tabi h'wag lang akong dumikit sa kanya. Hindi ko naman s'ya pinandidirihan o kung ano, ayoko lang talagang magdikit kami. 

"Alam mo ba kung saan ako nakatira?" I just blurted it out.

As I looked at him and raised an eyebrow, he let out a soft chuckle.

"Alam ko, syempre..." Aniya. "Lahat naman yata alam kung saan ang bahay n'yo." Dagdag pa niya at sinalubong ang mga mata ko.

Nakagat ko ang sariling labi nang mapagtanto iyon. Oo nga, sino ba ang hindi nakakaalam ng bahay namin? Siguro meron pero iilan lang. 

Nabalot ako ng pagkapahiya sa isiping kaya n'ya alam ang bahay namin ay dahil ipinagtatanong n'ya ako. Kung hindi ba naman kasi pumasok sa isip kong baka totoo nga'ng may gusto s'ya saakin, hindi din papasok sa isip ko na baka iyon ang dahilan at ipinagtanong n'ya kung saan ako nakatira. 

I should not have thought of it that way. Hindi dapat ako naniniwala sa mga naririnig ko sa school lalo na kung tungkol naman iyon sa lalaking katabi ko.

"Bakit mo ako hinintay at hinatid?" Muli ay tanong ko sa kanya, lakas loob pang nilingon. 

"Hmm..." Hindi na nawala ang ngisi sa labi n'ya. 

I admit it. Naguwaguwapuhan na talaga ako sa kanya. Tama si Cleofa, g'wapo naman talaga. Hindi ko naman din ikinakaila. 

"Masama bang magmalasakit sa kakilala?" Mapaglaro pa nitong sabi. 

I clicked my tongue. Ilang ulit akong umiling sa kanya at muling nag-iiwas ng tingin. 

Hindi niya na naman talaga ako dapat hinatid dahil bukod sa magkaiba ang ruta ng bahay namin, iyong bahay nila ay malapit na lang sa school samantalang 'yong akin ay malayo-layo pa. Kailangan pa tuloy nilang bumalik ngayon. 

Napatunayan kong alam n'ya nga kung saan ang amin nang tumigil ang sasakyan sa mismong harapan ng gate kung saan ako nakatira. 

"Am I right? Isn't this the Fabrejas Mansion?" he asked confidently.

"Yeah..." Mahina kong sagot. 

"Hindi n'yo na ako kailangan ihatid pa sa loob." sabi ko sa kanya nang lingunin. Napansin ko kasing patingin-tingin na ang guard namin sa sasakyan ni Lofranco, hindi naman kasi pamilyar sa kanya kaya nagtataka. 

He licked his lower lip. "Hindi mo ako yayayain sa loob?" 

Hindi ko alam kung nagbibiro ba s'ya o ano kaya bahagyang tumaas ang kilay ko. That makes him chuckled. "Kidding," 

Pinilig ko ang ulo, naiinis. Hindi talaga ako sanay sa presensya niya, kapag naalala ko ang mga kalokohan niya ay parang kumukulo ang dugo ko. 

"Salamat sa paghatid." Hindi pa naman sukdulan ang inis ko sa kanya at tumatanggap naman ako ng utang na loob galing sa ibang tao. 

His lips parted, animo'y may narinig na kamangha-mangha mula saakin. Isang tango ang ibinigay n'ya bilang tugon. 

"My pleasure, Miss President. Kahit nga araw-arawin ko pa ang paghatid sa'yo." 

"I will consider that a joke, Mr. Lofranco." Kaswal kong pambabara sa biro niya. 

Bukas na ang pinto ng sasakyan kaya madali na akong nakababa, bumungad saakin ang driver ni Lofranco. 

"Salamat po sa pahatid." Magalang kong sabi sa kanya at tipid na ngumiti. 

"Wala po iyon ma'am," aniya at tinanguan ako. 

Muli kong hinarap si Lofranco. Nakatingin pa'rin ito saakin, hindi nawawala ang ngisi sa labi at ang kakaibang pagkamangha sa mata n'yang nagmistula namang madilim. 

I parted my lips, searching for the right words to say. "Ingat..." Ang tanging salitang lumabas galing sa bibig ko na s'yang nagpalawak ng ngiti n'ya, ako naman ay ramdam ang pag-iinit ng pisngi. Ramdam ko ang pagkapahiya nang tumawa s'ya, tunog nang-aasar pa! 

"Don't worry. I will, Miss President." 

I scoffed and looked at him seriously. "Wala ka na sana munang kalokohan bukas, nakakapagod kayong pagsabihan at bantayan." 

Muli n'yang hinagod ang magulong buhok gamit ang daliri n'ya. The grin on his lips grew wider. 

"I'll tell them, then." 

Naiwan akong naguguluhan sa huli n'yang sinabi. Sunod pa ang tingin ko sa sasakyan n'yang papaalis habang ako ay nakatayo rito sa loob ng gate namin. 

That guy is impossible. 

'Yung isip niya magulo pa sa bituka ng manok. 

Napalabi ako at tuluyang nang naglakad papasok ng bahay. Naabutan ko sa sala ang nag-iisa kong kapatid. Naka-upo ito sa sahig at naglalaro ng kung ano-anong mga binubuong bagay, lego raw ang tawag doon. 

Ngumiti ako at marahang nilapitan ito. "Miro," tawag ko.

Bahagya s'yang nag-angat ng tingin saakin nguni't ganoon nalang ang pangungunot ng noo niya nang tamaan ako ng mga mata. Tila ba inaalam niya kung sino ako. 

Kinagat ko ang ibaba kong labi. "Ako ito...Si ate Roxana," marahan kong sabi t'yaka pumantay sa kanya.

"Ate?" Aniya na tila nagulat pa. Bigla ay tumayo ito at sinalubong ako ng yakap. Napangiti ako at niyakap din s'ya pabalik. 

"What are you doing? Where's your nanny, baby?" Marahan kong tanong habang hinahaplos ang malambot niyang buhok. 

Miro is just a 6-year-old baby. Malaki ang naging agwat namin dahil tinaguriang miracle baby ang kapatid ko. Matagal na ang lumipas nang malaman naming may sakit s'yang prosopagnosia. 

Face blindness. Masyadong mahina ang resistensya n'ya, isabay pa na noong panahong nagbubuntis si mommy sa kanya ay no'ng panahong may complication din ito sa puso. 

Everything turns into a miracle. My mom is alive. My brother is alive. 

But then, parang pinagbabayaran lahat ng kapatid ko ang pagiging milagro n'ya na s'yang ikinadurog ng puso naming lahat. 

Hindi namin matanggap. He has prosopagnosia, which affects his behavior. Autism, ASD, naging mahirap para saaming tingnan s'ya araw-araw at maalalang naghihirap s'ya ngayon sa sakit niya. 

Kahit sabihing hindi namin natanggap ng buo kailangan pa rin naming magpakatatag para sa kapatid ko, lalo na at suporta ang kailangan n'ya at hindi awa. 

He undergoes therapy. May kinuhang private doctor si mommy at daddy. Sa totoo lang ay sinabing namana daw ni Miro ang sakit n'yang prosopagnosia, iisa lang sa pamilya namin ang mayroon noon. It is my late grandfather na matagal na ding namayapa. 

Glady, Miro's body responds to his treatment. Lifetime ang face blindness n'ya nguni't ang autism n'ya ay nabibigyan naman ng lunas kahit papaano. 

Autism cannot be cured as well as prosopagnosia, but it can be treated. Malaking pasalamat namin na nakakaya n'ya, nakakaya n'yang labanan ang sakit n'ya. 

Miro is strong. 

"Nanny's getting my snacks, ate!" Pagsagot nito sa tanong ko at muling bumalik sa ginagawa n'yang lego. 

Kapag ganito s'ya, madalas ay hindi mo maiistorbo. Makakausap mo naman pero hindi ka lilingunin hanggang sa matapos n'ya ang ginagawa. 

I sighed and caressed his hair. "Do you want a new box of Legos, Miro? Ate can buy you another. "  

"Really?!" Bakas ang kasiyahan sa boses nito na ikinangiti ko. 

"Yes, Ate will buy a new box of Legos." 

"Thank you, ate!" Anito kahit hindi naman ako nililingon.

Nang dumating ang nanny n'ya ay t'yaka ko muna s'ya iniwan para makaligo at makapagpalit ng damit. 

My dad is a lawyer. Our family owns a law firm that Dad inherited from my grandfather. My mother, on the other hand, is not interested in the law. Ang alam ko ay may mga properties din si mommy na ipinamana sa kanya ng mga magulang niya. 

Only child si mommy at daddy sa pamilya nila. Wala akong pinsan, wala rin akong tito at tita maliban nalang sa mga pinsan nilang malalayo naman. 

Dumating galing sa trabaho n'ya si daddy saktong maghahapunan kami. Si mommy naman ay kanina pa ring nandito sa bahay. Sabay-sabay kaming kumain ng dinner.

Nagkaroon ng usual topic. My parents ask about school.

Nagrereview ako nang magtext naman saakin si Cleofa na kauuwi n'ya lang daw galing sa birth-date nila ng boyfriend n'ya. Tumawag pa para magkwento saakin. 

Matiyaga naman akong nakikinig habang nag-aaral, nangingiti pa ako sa tuwing mababakas ko ang totong kasiyahan sa boses niya. Tumagal ang tawag namin hanggang sa tanungin niya ako tungkol kayna Lofranco kanina, bumalik tuloy saakin ang kung ano-anong pinagsasabi noong lalaking iyon. 

Nagpalusot ako kay Cleofa na katulad lang naman din noong dati, binantayan ko lang sila hanggang matapos t'yaka umuwi. Ayoko nang pahabain pa ang usapan namin, knowing her, aabutin kami ng siyam-siyam bago matapos ang kwento ko dahil magsusunod-sunod din ang tanong niya. 

Kinabukasan, maaga akong pumasok gaya ng nakasanayan. Dumeretso ako sa guardhouse para kunin ang susi ng ilang classroom sa floor namin at ilang susi din ng stock room, library, at music room na kadalasan ako naman talaga ang inatasang magbukas. 

Routine ang magkaroon ng flag ceremony araw-araw sa unang month ng pasukan, kaya kailangan ko iyong susi. 

I made sure that everyone was doing their duties. Wala pa ang iba kong kasama sa SSG kaya ako ang mag-isang nag-ikot sa buong school namin. 

Dumeretso ako sa classroom pagkatapos no'n, bago sumapit ang oras para sa flag ceremony. 

Nakapila na ang lahat sa field, bago ako bumalik sa sarili kong pila ay tumulong ako sa ilang advisers na ayusin ang pila ng bawat advising class nila. Katulong na rin ang ibang SSG members. 

"Good morning, Miss President!" My lips twitched as I approached the Stem student's line.

Linya kung saan ang din ang grupo nila Mr. Lofranco. 

"Good morning," bati ko sa isang lalaking bumati saakin galing sa section nila. 

Inilibot ko ang tingin para masigurong nandoon ba ang mga pasaway sa school and to my surprise, they're complete. 

Naroon sa dulo ng pila, nagdadaldalan pa.

Napangiwi ako ng makitang bukas na naman ang mga butones ng polo nila. 

I placed my hands on my back as I gracefully walked towards them.  

Sunod ang tingin saakin ng ibang students nang makita kung kanino ako papalapit, mukhang natunugan din naman ng mga ito kaya napalingon saakin. 

I met Lofranco's eyes.

Kung kanina ay seryoso s'ya ngayon ay gumuhit na ang ngisi sa labi.

"Miss President!" Bati ng isa sa kabarkada nito. 

Tumingin ako dito, his name is Yael. Napabuntong-hininga ako at seryoso itong tiningnan. "Buttoned your shirts," I said. 

Akala ko ay hindi ito susunod, but he did. He buttoned his uniform at inayos pa ang gusot!

"Hoy! Ibatones niyo daw 'yung polo n'yo!" Pandadamay pa nito sa ibang kaibigan na ikinaawang ng labi ko.

I watched them start to clean their polo shirts as they gave me a satisfying smile. I looked at Lofranco. Ngayon ko lang napansing sa kanilang lima ay s'ya itong kanina pang maayos ang uniporme at himalang nakasuot ng ID. 

"Ayos ba, Miss President?" Bigla ay tanong n'ya saakin. 

Napasinghap ako at tumango nalang bago umalis sa harapan nila at tuluyang bumalik sa kung saan ang pila namin. 

"Kita ko 'yun, ah!" agad na salubong ni Cleofa saakin at binigyan pa ako ng malisyosong tingin. 

"Ngayon ko lang yata sila nakitang nakaayos ang uniporme at kumpleto sa flag ceremony." 

Nagkibit-balikat ako. "Kahit ako ay nagulat, baka sinapian sila ng mabait na espirito." biro ko na ikinatawa n'ya. 

"Baka nga!" 

Natahimik na ang lahat nang magsimula ang flag ceremony. Deretso ang tingin ko sa harapan nang biglang lumingon saakin si Cleofa, nakataas pa ang kanang kamay at nanunumpa.

Sasawayin ko sana siya sa bigla niyang paglingon nang unahan n'ya ako. 

"Iba naman yata ang pinanunumpaan ni Gideon, nanunumpang magbabago na mapasagot ka lang. Tutunawin ka na sa tingin!" Parang baliw s'yang humagikhik bago ako muling talikuran. 

Naniningkit naman ang mga mata ko at dumako ang tingin sa kaliwa namin kung nasaan malapit ang pila nila Lofranco and then there I saw him, staring at me while raising his right arm. 

Bigla ay umangat ang gilid ng labi n'ya bago nangiti at bahagyang kumindat saakin bago umiwas ng tingin. 

I frown, Nailing pa sa inasta nito. 

Dumaan ang pang-umagang klase, naging payapa naman ang buhay ko at walang kung anong dumadating na problema. Nang tanghali ay sabay kaming naglunch ni Cleofa sa cafeteria. 

Tahimik akong kumakain habang busy na naman sa pagkuwekuwento itong kaibigan ko. Natatawa ako sa tuwing nagbibiro s'ya, bagong chika na naman daw kasi ang nasagap n'ya. 

Nasa kalagitnaan kami ng lunch nang biglang may magpatong sa lamesa, sa mismong tapat ko, ng isang cup ng guyabano juice. 

Sabay kaming natigilan ni Cleofa at napaawang din ang labi nang mag-angat kami ng tingin at bumungad sa harapan namin si Lofranco. 

Inilagay niya ang parehas na kamay sa bulsa ng slacks n'ya. "You're welcome, Miss President." nakangising anito kahit wala akong sinasabi bago tumango saakin at naglakad paalis. 

Hindi ko pa maiproseso ang nangyari nang bigla namang tumili si Cleofa at kulang nalang ay lumipat dito sa tabi ko para manghampas. 

"O my god! 'Kita mo 'yun?! Ano 'yun?!" Hindi ko maintindihang sabi niya saakin.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Napatingin ako sa juice na nasa harapan ko at doon ko lang napagtantong wala pala akong nabiling inumin kanina. 

Nakagat ko ang labi habang nakatingin doon. Ano na namang trip niya at pano niya nalaman kung anong paborito kong inumin? Coincidence lang ba 'yon? 

"Omeji! Sabi naman sa 'yo may gusto talaga si Gideon sa 'yo eh!" Pangungulit pa ni Cleofa hanggang sa matapos ang lunch ako naman 'tong paulit-ulit ng sinabi sa kanyang wala naman siguro iyong malisya. 

"Gusto mo ba?" I asked and tried to give her the guyabano juice that Lofranco gave me.

Umismid naman s'ya. "Ay 'teh! Bigay sa 'yo iyan kaya h'wag mo ding ipamigay! Inumin mo na nahiya ka pa!"

Ngumiwi ako at naiiling na'lang sa kanya. I don't have a choice. Dala-dala ko ang cup ng inuming iyon, meron namang straw kaya nagawa kong unti-untiin habang naglalakad kami pabalik sa room. 

T'yaka ko lang napagtantong dadaanan nga pala namin ang classroom nila Lofranco sa first-floor ng building kung saan din kami nang makita namin s'ya sa labas ng classroom nila kasama ang barkada n'ya at mukhang nagkakatuwaan pa. 

I gulped twice when his gaze was drawn to me. His lips curled into a smile when he saw the juice he gave me in my hand, and I'm still sipping it.

Halos masamid ako nang dahil sa kanya sabayan pa ng biglang sundot ni Cleofa sa tagiliran ko. 

"Ihh! Nakatingin s'ya sa 'yo!" Asar pa nitong bulong saakin. 

Parang gusto ko nalang tuloy na higitin ang buhok ng kaibigan ko at hilahin s'yang pabalik at patungo sa kabilang dereksyon dahil sa biglang kahihiyan na nararamdaman ko. 

Laking pasalamat ko nang malagpasan namin sila ng walang kung anong nangyayari. Patay malisya naman ako habang si Cleofa ay walang tigil sa pag-aasar saakin. 

Sa unang pagkakataon, naging tahimik ang buong maghapon ko at walang kahit anong dumadating na problema. 

Wala ni isang ginawang kalokohan ngayon ang grupo nila Lofranco.

"Manonood ako ng practice n'yo, sabay tayong umuwi." sabi ni Cleofa saakin na sinangayunan ko. 

Nagbihis agad ako nang makarating sa court. Kagaya kahapon ay may mga ilang nanonood saamin. 

"Bakit nandito ulit sila Gideon?" Tanong ni Lyssa sa kalagitnaan ng pag-uusap namin. 

Gulat akong tumingin sa entrance ng court, ganoon din ang iba. 

My lips parted when I saw Lofranco and his friends approaching the court. I snapped and returned my attention to my knees. Inayos ko ang knee pad ko kahit ramdam ko ang mga tumatapon na tingin saakin. Rinig ko din ang mga hagikhikan ng ilang teammates ko na agad ding sinita ni Andrea. 

Kinuha ko energy drink ko na katabi lang ni Cleofa na pataas-taas ang kilay saakin. 

"Oh?" Tanong ko at kumunot ang noo. 

She chuckled. "Alam mo may napapansin talaga ako mula kanina pang umaga."

"Alin?" 

Ngumisi s'ya at inilingan ako. "Hindi ko alam kung nagtitino na ba sila Gideon at walang ginawang kalokohan sa buong maghapon o nagpapapansin lang talaga sa 'yo..." Aniya t'yaka ngumisi. 

I blinked. "Ewan ko sa 'yo, kung ano-anong napapansin mo." 

"Sus! Buti nga napapansin kong nagpapapansin s'ya kaysa naman sa 'yo, minamanhid na." 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status