Share

Wakas

MAGKAHALONG nerbiyos, excitement at tuwa ang nararamdaman ni Raquel habang sakay sila ng bridal car ng kanyang inay.

Bago ang kasal ay nag-hire si Zeus ng private detective para hanapin sa Davao ang kanyang inay. Wala pang isang buwan ay nakatanggap sila ng balita. Ang galit at sama ng loob niya para sa ina ay parang yelong nalusaw nang malaman ang mapait na dinanas nito sa piling ng bagong asawa.

Sinasaktan at ginugutom ni Ricardo Alvarez ang kanyang inay. Nagkaroon ng anak na babae ang dalawa, edad isang taon at dalawang buwan. Nang malaman niyang binenta ng lalaki ang kapatid niya sa halagang bente mil, halos magwala siya sa galit.

Naghain sila ng reklamo laban kay Ricardo Alvarez. Nakapiit ito pansamantala sa Davao Provincial Jail habang patuloy pa ring dinidinig ang kaso.

Sa tulong ni Zeus ay nahanap nila ang mag-asawang bumili sa kapatid niya. Nang una ay ayaw pang ibalik sa kanila ang bata, ngunit sa takot na makulong ang mga ito ay napilitan na ibalik s
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status