Share

Kabanata 44

BUMUKA ang bibig ni Raquel pero hindi nagawang sagutin ang tanong ni Zeus. Oo at hindi lang naman ang pwedeng isagot niya pero parang hirap siyang bigkasin kahit ang isa sa mga 'yon.

Tinalikuran niya ito. Walang lingon-likod na tinungo niya ang pinto at lumabas ng silid na 'yon.

“Sabihin mo nga sa akin kung bakit ayaw mo akong pakasalan!” Hindi niya namalayan na sinundan siya ni Zeus. Hinaklit nito ang braso niya dahilan para lingunin ito.

“Sabihin mo muna sa akin kung bakit gusto mo akong pakasalan,” balik niya sa tanong nito.

“I was the first. You should answer first,” giit nito. Nag-isang guhit ang mga kilay nito at lalong dumilim ang anyo.

Tumaas ang sulok ng labi niya. Sarkatikong nginitian ito. “Ayokong magpakasal sa ‘yo dahil wala ka naman matinong rason para pakasalan ako.”

“Hindi pa ba rason na magkakaroon na tayo ng anak?” Nasaktan siya nang dumiin ang mga daliri nito sa braso niya pero hindi siya nagpahalata. Ayaw niyang bigyan ng dahilan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status