Share

Kabanata 42 [ R-18️ ]

ANG mabangong aroma ng kape ang nagpagising kay Raquel.

“Good morning, sleepyhead.”

“Good morning–” Hindi natuloy ang sasabihin niya. Boses ni Zeus ang kanyang narinig.

Tuluyang nagising ang diwa niya nang may humalik sa labi niya. Noong una ay naisip niyang nananaginip pa rin siya. Kinurot niya ang sarili at nasaktan siya.

Nang imulat niya ang mga mata ay sinalubong ng liwanag ang kanyang paningin. Ikinurap niya ang mga mata at nang masanay siya sa liwanag ay nakita niya si Zeus na nakangiti habang pinagmamasdan siya. Nasundan pa ng tingin niya ang hawak na tasa nito na inilapag sa bedside table.

Napabalikwas siya ng bangon. Iginala niya ang paningin sa paligid. Simple lang ang kinaroroonan nilang silid. Ngunit napakaaliwas dahil sa kulay puting mga kurtina at kagamitan.

Akmang bababa siya ng kama nang matigilan. Agad niyang nasapo ang magkabilang sintido dahil nakadama siya ng pagkahilo. Saka unti-unting bumalik sa alaala niya ang magandang panagin
corasv

Author~ Read at your own risk✔️ [R-18⚠️]

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status