Share

Kabanata 6

SUMANDAL si Raquel sa railing ng balkonahe upang may sumuporta sa nanlalambot niyang katawan. Nagpapahiwatig ang tono ni Zeus na hindi maganda ang sasabihin nito sa kanya.

“Tungkol saan naman ang pag-uusapan natin?”

“Stay away from my brother, opportunist!”

“Ano ulit?” tanong niyang nabingi sa sinabi nito.

“Darn it! Sabi ko layuan mo ang kapatid ko. Hindi niya kailangan magpakasal sa isang hampaslupang katulad mo!” matigas na sabi nito.

Napatuwid siya nang tayo. Humigpit ang hawak niya sa telepono.

“Sandali, Mr. Del Prado! Sumosobra ka na,” sagot niya sa kontroladong boses. “Ang iyong dila ay parang tabak at tulis. Hindi dahil mahirap ako pwede niyo na akong pagsalitaan ng masakit. Ni hindi niyo nga ako kilala.”

Inaasahan na niyang palalayuin siya nito kay Arthur subalit hindi niya inaasahang tahasan na iinsultuhin nito ang pagiging mahirap niya. Ayaw niya sa lahat ay ang mga mayayaman na kung umasta ay pag-aari ang buong mundo. Na ang mahihirap ay p
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status