Share

WANTED MR. GROOM
WANTED MR. GROOM
Author: Fiercelywrites

Chapter 1

"Gusto kong mag-asawa ka na, hija. Matanda ka na kaya bigyan mo na ako ng apo ko sa tuhod," sabi ni Federico sa apo niyang si Cally.

"Matanda na po ba sa inyo yung edad na 25? Ayoko pang mag-asawa madami pa 'kong gustong gawin sa buhay," reklamo ni Cally sa kanyang Lolo Fredrico.

"Aba, at kailan mo balak? Kapag lagpas ka na sa kalendaryo? Ang tao ay hindi pabata kaya dapat lang na mag-asawa ka na," giit ni Federico kay Cally.

Nag-iisang apo lang si Cally na naiwan ng kanyang nag-iisang namayapang anak na si Suzanne. Gusto niya, bago man niya iwan si Cally ay may makakasama na ito sa buhay kaya gusto niya na itong pagasawahin hangga't maaga pa.

"Hay nako! Tigilan niyo nga ako Lolo, kayo ang magpakasal kung gusto niyo," nababagot na sagot ni Cally sa kanyang Lolo.

"Hindi ka man lang ba nababahala? Niisa ay wala ka pang nagiging boyfriend sa talang buhay mo," panguusig ni Federico.

"Eh, ano naman po kung wala pa? Kailangan ba dapat may experience na sa pag-bo-boyfriend?" tanong ni Cally.

"Kaya walang magtangkang manligaw sa 'yo dahil napaka-taray mo kasing bata kaya dapat magbago ka na, kung ayaw mong tumanda ng dalaga," sabi ni Federico na ikinasalubong ng kilay ni Cally.

"Bakit po ba madaling-madali kayo na pag-asawahin ako?" tanong ni Cally.

Tila naging seryoso ang mukha ni Frederico at kinuha niya ang kanyang tungkod mula sa tabi niya at ipinakita sa kanyang apo.

"Nakikita mo ba ito, hija?" tanong ni Federico na ikinakunot naman ng noo ni Cally dahil parang nahihibang na ang kanyang Lolo.

"That's your tungkod," nababagot na sagot ni Cally.

Ilang sandaling natahimik ang kanyang Lolo Federico habang pinagmamasdan nito ang hawak na tungkod na parang kay lalim ng iniisip.

"As you can see, it's been years since I've started to use this. You know what I mean?" sabi ni Federico na may kasamang pahulang tanong.

"No, I don't get it," sagot ni Cally na siyang ikinangiti ni Frederico at muli niyang binalingan ang hawak niya.

"It's a sign that I'm weak and old," sabi ni Federico habang nakangiti ngunit bakas ang lungkot sa kanyang boses.

Pinakatitigan ni Cally ang kanyang Lolo nang mapansin niyang nagbago ang himig ng boses nito na parang bigla itong nalumbay.

"Lolo... " tawag ni Cally kay Frederico.

"I want you to understand the value of age. So, let me educate you," sabi ni Federico kay Cally.

"Go on, I will listen," sabi ni Cally.

Kung kanina ay pinagtataasan niya ito ng boses ngunit ngayon ay tila nag-iba ang atmosphere at mas gusto niya na lang makinig sa gusto nitong sabihin.

"I'm too old, my child. I'm already 70 years old man. Madami na akong naging karanasan sa buhay at mga pinagsisisihang desisyon na kailan man ay hindi ko na maibabalik pa dahil lipas na ang panahon," madamdaming sabi ni Federico.

Hindi nagsalita si Cally at tahimik lang siyang nakikinig at naghihintay sa susunod nitong sasabihin.

"You know why I want you to get married at the age of 25?" tanong ni Federico sa apo.

"Why?" tanong din ni Cally.

"Like what I've said, I'm too old hija, sandaling panahon na lang ang ilalagi ko rito sa mundo. Kaya bago man ako mawala gusto ko ay may kasama ka na dahil ayokong maiwan kang mag-isa sa buhay kapag wala na ako sa tabi mo, mahirap ang nag-so-solo apo," sabi ni Federico.

Biglang nakaramdaman ng lungkot si Cally sa sinabi ng kanyang Lolo Frederick. Kahit noon pa ay naiintindihan niya naman ito. At kung minsan man naiinis na siya sa kakulitan nito ay wala pa rin makakapantay ng pagmamahal niya para dito dahil ito na ang taong tumayong magulang niya at ito lang din ang nag-iisang pamilya na meron siya.

"Don't say that, tingnan niyo nga oh! Ang lakas niyo pa! Tumayo kayo at sasayaw tayo!" sabi ni Cally sabay tumayo siya para pasayahin ang kanyang grandpa.

Tumawa lang si Federico at tumanggi siya sa pagaaya ni Cally na sumayaw ng salsa dahil nanakit na ang kanyang mga tuhod.

"Maupo ka na, hija. Hindi ako makakasayaw at masakit ang mga tuhod ko," tanggi ni Federico sa apo.

Bumalik na si Cally sa pagkakaupo at muling pinakatitigan ang kanyang Lolo Frederick na hindi mapalis ang ngiti sa mukha. Kilala ni Frederick ang apo niyang si Cally simula pagkabata nito. Aam niya na ubod ito ng bait at masiyahin din sa likod ng masungit nitong panlabas. Kaya alam niyang makakatagpo rin ito ng lalaking karapat-dapat para dito.

"Kaylan niyo po ba 'ko gustong magpakasal?" biglang tanong ni Cally na labis na ikinagulat ng kanyang Lolo Frederico.

Natawa naman si Cally sa nakita niyang reaksyon ng kanyang grandpa na halos malaglag ang pustiso sa gulat.

"Sandali, ibig sabihin ay pumapayag ka na? Teka, wala ka pa ngang naipapakilala sa 'kin na boyfriend mo tapos itatanong mo sa 'kin kung kaylan ko gustong maikasal ka?" gulat na tanong ni Federico sa apo.

Naisip ni Cally na pagbigyan na ang hiling kanyang Lolo para maging masaya na ito at nakaisip siya ng isang paraan ngunit hindi niya ipapaalam dito ang tungkol sa gagawin niya.

"Basta po, ako na pong bahala sa lalaking mapapangasawa ko. May tiwala ba kayo sa taste ko?" sabi ni Cally na may kasamang pabirong tanong.

Nangunot bigla ang noo ni Federico dahil pakiramdam niya ay may pinaplano ang apo niya at wala itong balak ipaalam sa kanya.

"Baka kung ano 'yan, Cally. Ikaw ay mag-hunus dili kang bata ka. Baka kung saan ka kumuha ng lalaki para lang ipakilala sa 'kin," dudang sabi ni Frederico na ikinatawa ni Cally.

"Of course not!" natatawang sabi ni Cally.

Akmang hahampasin ni Federico si Cally ng baston nang awatin siya nito habang tuloy pa rin sa pagtawa.

"Lolo, naman, syempre hindi. Ikaw itong gusto na 'kong mag-asawa tapos ngayon namang pumayag na 'ko saka ka magagalit. Ano ba talaga grandpa?" nalilitong sabi ni Cally.

Tumikhim si Frederico sabay umayos na ulit ng upo. Muling niyang hinarap ang apong si Cally at ibinalik ang tungkod sa tabi ng inuupuan niyang sofa.

"Kaya nga, pero h'wag ka naman kukuha d'yan sa tabi-tabi para lang may maipakilala ka sa 'kin. Mas maganda ay 'yung makikilala mo siya unexpectedly," paglilinaw ni Frederico.

"Mamimili naman po ako. Hindi ako basta papatol kung kani-kanino lang d'yan. Anong tingin niyo sa 'kin, cheap?" sabi ni Cally sabay napairap sa ere.

"Sinasabi ko lang naman, dahil baka ganu'n ang gawin mo. Kilala kitang malikot din ang isip kaya ako ay nangangamba sa kung anong natakbo d'yan sa utak mo," sabi ni Frederico kay Cally.

"Relax, grandpa. Leave it to me. Ako naman ang makikisama hindi ikaw kaya magkamali man ako kasalanan ko na 'yon labas na kayo ro'n," sabi ni Cally na ikinasalubong ng kilay ni Frederico.

"Cally, always remember na ang pag-aasawa ay hindi isang biro kaya ayusin mo ang pagpili" paalala ni Frederico sa apo.

"You sounds odd, kanina lang ay kayo itong madaling-madali sa 'kin na mag-asawa pero ngayon parang ang daming daga d'yan sa isip at dibdib niyo," puna ni Cally sa kanyang Lolo.

"Iyon ay paalala lang naman, hija. Kaya matuto kang makinig," giit ni Frederico na ikinangiti ni Cally.

Kilala na talaga siya ng kanyang Lolo, alam nito ang takbo ng isip niya kaya ganu'n na lang ang mga pagpapaalala nito sa kanya.

"I know that, and thank you for your love and concern to your dearest granddaughter. Don't worry, I will grant your wish the way you wanted." Nakangiting sabi Cally.

Tumungo-tango na lang si Frederico at ibinibigay niya ang buo niyang tiwala sa kanyang apo dahil alam niyang hindi nito ipapahamak ang sarili pagdating sa mga desisyon sa buhay. Tiwala siyang magaling itong pumili kaya naman iwinaksi niya ang kanyang pangamba.

"Sana ay makatagpo ka ng isang lalaking kayang unawain ang kagaspangan ng iyong ugali pati na rin ang malakas mong soy sauce sa utak," pabirong sabi ni Frederico na siyang ikinasimangot ni Cally.

"Lolo! You're bringing me down!" angil ni Cally na pagak na ikinatawa ni Frederico.

"Biro lang, hija. Sige na at maiwan na muna kita. Aalis ako at may kailangan aasikasuhin sa company," sabi ni Frederico.

Nagtaka namang tiningnan ni Cally ang kanyang Lolo nang tumayo na ito na may kabagalan dahil na rin sa kanyang katandaan. Kaya agad niya itong nilapitan para alalayan.

"Bakit pa kayo pupunta sa company? Anong gagawin niyo doon? Pupunta pa kayo hirap na nga kayong humakbang," pigil ni Cally sa Lolo niya.

"Hayaan mo na ako at kasama ko naman ang PA ko. Kahit na ikaw na ang nag-ma-manage ng company ay kailangan pa rin ng presensya ko doon dahil hindi ko pa naman ganap na naililipat sa 'yo ang mga shares ko," ayaw papigil na sabi ni Federico.

"Sige, gusto niyo 'yan eh. Baka lang madapa pa kayo ah. Saka niyo sasabihin na sana hindi na lang kayo nagpunta doon," sabi ni Cally na may paalala.

Ngingiti-ngiting binalingan ni Frederico si Cally sabay ginulo ang buhok nito na siyang ikinainis ni Cally.

"Not my hair, old man!" angil ni Cally sa kanyang Lolo Frederick na ikinatawa lang nito.

Mayamaya lang ay lumabas na sila ng mansion at sinalubong sila ng ilang maids para alalayan si Frederico sa paglalakad nito hanggang makarating sa sasakyan. Dumako ang tingin ni Cally sa PA ng kanyang Lolo na si Ryan nang makalapit sila sa sasakyan.

"Ryan, please take care of my grandpa and look after him. Understand?" utos ni Cally sa personal assistant ng kanyang Lolo Frederico.

"Yes, Ma'am. Don't worry, ako na po ang bahala kay Sir," sagot ni Ryan kay Cally at tumango lang ito sa kanya.

"Lolo, maupo ka na kaya sa wheel chair, kapag nakarating na kayo doon?" suhestyon ni Cally na ikinakunot ng noo ni Frederico.

"Ginagawa mo naman akong lumpo! Hala at pumasok ka na nga lang sa loob o di kaya ay maggala ka at maghanap ka na ng boyfriend!" sabi ni Frederico dahil sa kakulitan ng apo niya at pumasok na siya loob ng sasakyan.

Dumako ang tingin ni Cally kay Ryan at sa mga maid, halatang nagpipigil sila ng tawa sa sinabi ng kanyang Lolo Federico kaya naman sinamaan niya lang tingin ang mga ito sabay tumalikod na at pumasok sa loob ng mansion.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status