Share

Chapter 47

Palabas na sila ng Club Solitas para sana umuwi na nang may isa na namang kakilala si Vin ang humarang sa kanila nang patungo na sila sa exit.

"Vin? Is that you?" may gulat na tanong ni Nat, ang lalaking minsan nang nakainitan ni Vin noon, ilan taon na ang nakakalipas.

"Woah, ikaw nga... Kamusta na pare? Long time no see ah?" pangangamusta nito ngunit halata kay Vin na hindi niya ito gustong makita.

"Ayos lang naman, ikaw ba? Kamusta ang ilegal mong negosyo? Going smooth pa rin ba?" sarkastikong tugon ni Vin at talagang sinadya niyang sabihin 'yon kahit na kasama niya ang Lolo ni Cally.

Naramdaman naman ni Vin ang pagsiko ni Frederico na tila sinasaway siya nito sa paraan ng pakikitungo niya.

"Pasmado pa rin bibig mo kahit kailan, oo naman pre, going smooth pa rin," tila proud pang sagot nito habang nakangising loko.

Dumako naman ang tingin nito sa kasama ni Vin na si Don Frederico at ganu'n na lang din ang panlalaki ng mga mata nito dahil sa gulat nang makilala ang matanda.

"Don Fred
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status