Share

Chapter 2

Kinabukasan, naisipan ni Cally na makipag-kita sa kaibigan niyang si Ellise upang hingin ang tulong nito para humanap ng lalaking p'wedeng upahan o bayaran para maging asawa niya gaya ng hiling ng kanyang Lolo Frederico. Alam niyang mali ang gagawin niya pero susugal na siya para sa ikaliligaya ng Lolo niya.

Kasalukuyang pababa ng hagdan si Cally nang salubungin siya ng kanyang Lolo sa baba at nagtataka itong tiningnan siya.

"Mukang may lakad ang maganda kong apo, saan ang punta mo?" tanong ni Frederico kay Cally nang mapansin niyang bihis na bihis ito.

"Makikipag-kita lang po ako kay Ellise, baka mga hapon na ang uwi ko h'wag niyo na po akong hintayin," sagot ni Cally sa kanyang Lolo.

"O, siya ika'y mag-ingat sa lakad mo," sabi ni Frederico kay Cally at naglakad na ito paakyat.

"Lolo, kaya niyo ba?" pahabol na tanong ni Cally nang mapagtanto niyang paakyat nga pala ito ng hagdanan.

"Oo, kayang-kaya," lakas-lakasang sagot ni Frederico at nagpatuloy na sa mabagal na paghakbang sa baitang.

"Yaya Jhai! Halika nga rito!" sigaw ni Cally sa pangalan ng isa sa maid ng mansion at agad naman itong lumapit sa kanya.

"Yes, Ma'am?" tanong ni Yaya Jhai nang makalapit siya sabay tiningnan siya ng masama ni Cally.

"Personal maid ka ni Lolo pero palagi kang wala sa tabi niya! Aware ka ba sa duties mo?" pagalit ni Cally sa kasambahay at bigla itong napayuko.

"Cally, apo. Sinabihan ko siya na hayaan ako kaya h'wag mo na siyang pagalitan," awat ni Frederico sa apo niya.

"Paanong hindi ko siya pagagalitan? Eh, naka-assign nga siya sa pag-alalay sa inyo. Kahit pa inutusan niyo siyang hayaan kayo ay dapat palagi pa rin siyang nakaantabay. Paano na lang kung ma-out of balance kayo? Sino sa tingin niyo ang sisisihin ko?" katwiran ni Cally.

"Ma'am, pasensya na. Hindi na po mauulit," hinging paunmanhin ng maid kay Cally.

"Dapat lang! Kung ayaw mong mawalan ng trabaho! Umagang-umaga pinaiinit mo ang ulo ko," galit na sabi ni Cally sa maid ng Lolo niya.

Pagdating sa Lolo niya ay nag-iiba ang ugali ni Cally at lumalabas ang pagiging arogante niya dahil ang pinaka-ayaw niya ang napapabayaan mahal niyang grandpa kaya ganu'n na lang ang galit niya sa personal maid nito.

"Tama na 'yan, wala siyang kasalanan. Ako talaga ang nag-utos sa kanya maniwala ka man o sa hindi," awat muli ni Frederico kaya inis siyang binalingan ng apong si Cally.

"Ipagtanggol niyo pa, Lolo. Kaya ang mga kasambahay dito sa mansion mga prente kapag wala ako!" sarkastikong sabi ni Cally.

Napakamot na lang ng ulo si Frederico sa pinakikitang ugali ng kanyang apo. Wala na siyang magawa kapag galit na ito dahil alam niyang nag-aalala lang ito sa kanya.

"Kumilos ka na at gawin ang trabaho mo. At kapag nakita ko pa ulit si Lolo na mag-isang kumikilos, lahat kayo rito papalitan ko!" galit na utos ni Cally sa maid na may kasamang pagbabanta.

Bakas ang takot sa mukha ng personal maid ni Frederico kaya agad niyang sinunod si Cally at nilapitan ang matanda para alalayan na ito.

"You're too harsh, apo. Maliit na bagay lang pinalalaki mo pa," sita ni Frederico kay Cally.

Para kay Cally ang kaligtasan at kalusugan lang ng Lolo niya ang mahalaga ngayon sa kanya at wala siyang pakialam kung anong maging tingin sa kanya ng ibang tao kapag umiiral ang matalim niyang dila.

"Hindi kayo maliit na bagay para sa 'kin kaya ako nagagalit at ayokong nakikita kayo na napapabayaan. Kaya sila andito para gawin ang mga trabaho nila, because they are paid," katwiran ni Cally sa kalmado niya nang boses.

Hindi na nakasagot si Frederico dahil hindi naman siya mananalo sa apo niyang gusto lang siyang pag-ingatan at pangalagaan kaya nginitian niya na lang ito kasabay ng pagtango niya.

"Sige na, Lolo. Aalis na po ako at baka ma-late pa ako sa usapan namin ni Ellise," paalam ni Cally kay Frederico.

"O, sige mag-iingat ka," sabi ni Frederico at muli nang nagpatuloy sa pag-akyat habang inaalalayan siya ng kanyang personal maid.

Nang makasigurado si Cally na inaalalayan na ito maid nito nagdesisyon na siyang lumabas na ng mansion. Sakto naman pagkalabas niya ay nagaabang pala sa kanya si Ryan. Ang PA ng Lolo niya kaya nagtaka siyang tiningnan ito.

"What are you doing here? Hindi ba ay day off mo ngayon? At bakit ka naghihintay rito, eh, si Lolo ay nasa loob na?" tanong ni Cally sa PA ng kanyang Lolo Federico.

"Inutusan po ako ni Don Fred na samahan daw po kayo sa lakad niyo ngayon," sagot ni Ryan.

"Parang hindi ko naman nakitang inutusan ka ni Lolo dahil kani-kanina niya lang din naman nalaman na may lakad ako ngayon," dudang sabi ni Cally habang naka-ekis ang dalawang braso.

"Kanina lang din po habang pinagagalitan niyo ang personal maid ni Don Fred. Pasimple niya lang kong sinenyasan," paliwanag ni Ryan.

"Ayos ah, hndi ko man lang kayo napansing nag-usap sa pamamagitan ng senyas. By the way, halika na. Ma-le-late na ako sa lakad ko," sabi ni Cally at pumasok na sa loob ng passenger seat.

Umikot si Ryan at sumakay sa driver's seat. Binuhay niya na ang makina nang tuluyan na siyang makasakay. Naging tahimik lang ang buong biyahe nang maisipan bigla ni Cally na tanungin ang tahimik na si Ryan.

"Kamusta ang lakad niyo ni Lolo kahapon?" tanong ni Cally na nakapagpabasag ng katahimikan.

"Ayos lang po, Ma'am. Naging smooth naman ang transaction," sagot ni Ryan na ipinagtaka bigla ni Cally.

"Anong klaseng transaction 'yon?" curious na tanong ni Cally dahil wala siyang alam sa kung anong pinaggagawa ng kanyang grandpa.

Tila natigilan si Ryan at napagtanto niyang hindi pala niya dapat sinabi rito ang bagay na 'yon dahil kabilin-bilinan ito ni Don Frederico na h'wag sasabihin sa apo niya.

"Uhm... Sa tingin ko po ay si Don Frederico na lang ang tanungin niyo d'yan dahil wala po ako sa posisyon para ako ang magsabi," alangang sagot ni Ryan.

Hindi na nagtanong pa si Cally. Mamaya niya na lang tatanungin ang kanyang grandpa kung anong transaction ang biglang nabanggit ni Ryan.

Naging tahimik ulit ang biyahe hanggang sa makarating na sila sa destinasyon at tumigil ang sasakyan sa harap ng isang mamahaling restaurant.

"Ryan, mauna ka nang bumalik sa mansion. Matatagalan ako dahil may importante pa kaming paguusapan ng kaibigan ko," utos ni Cally sa personal assistant ng kanyang Lolo.

"Sige po, Ma'am. Ingat po kayo at tawag na lang kayo sa 'kin o kahit sa personal driver niyo kapag magpapasundo na kayo," sabi ni Ryan at tinanguan lang siya ni Cally.

Lumabas na si Cally ng kotse at pumasok sa loob ng FINE AND DINE RESTAURANT at agad na hinanap ng mata niya ang kaibigang si Ellise.

Kaagad niya naman itong nakita nang kawayan siya nito at dali-dali na siyang lumapit sa kinaroroonan nito.

"My best friend! Matagal ka bang naghintay?" masayang bungad ni Cally sa kaibigang si Ellise nang tuluyan na siyang makalapit dito.

Niyakap niya si Ellise ng mahigpit at kaagad din naman siyang humiwalay. Natutuwa siya makita ito ulit dahil may limang buwan na rin noong magkasama silang magkaibigan dahil parehas silang busy sa kani-kanilang trabaho.

"Kadarating ko nga lang din. Sinadya ko talaga na magpa-late ng mga 30 minutes dahil alam kong lagi kang huli dumarating," sagot ni Ellise na ikinahagikgik ni Cally.

"Kilala mo na talaga ako," sabi ni Cally at naupo na siya sa katapat ni Ellise.

"So, kamusta na ang Lady CEO ng Y.C Empire? Also known as the CRAZY HEIRESS?" tanong ni Ellise na may diin sabay tinakpan ni Cally ang bibig niya.

"H'wag kang maingay, hindi pa naman official na ako nga lahat ang magmamana," sagot ni Cally sabay inalis niya ang kamay niya sa bibig ni Ellise.

"Anong pinagsasabi mo d'yan? Sino pa bang magmamana ng yaman ng pamilya mo kundi ikaw lang? Solong apo ka, at niisang kapatid wala ka, o kahit pinsan wala rin. Sinong kahati mo?" pabulong na sabi ni Ellise na may diin.

Ilang saglit na natahimik si Cally hindi dahil sa yaman nilang nabanggit ni Ellise. Kundi dahil pakiramdam niya ipinagdiinan nitong mag-isa lang siya sa buhay kahit pa kasama niya ang Lolo niya simula pagkabata. Alam niyang walang ibig sabihin si Ellise pero inaamin niyang nasaktan siya.

Kahit na nasa tamang edad na siya at nasa kanya na ang lahat ng bagay ay mayroon pa pa rin siyang hinahanap-hanap na hindi kaya bilhin ng pera.

"Kung sa bagay, tama ka. Mag-isa lang akong magmamana ng lahat ng ari-arian ni Grandpa, may lungkot na sabi ni Cally.

Napansin naman ni Ellise ang tila pag-iiba ng mood ng kaibigan niya. Nakalimutan niyang sensitive nga pala ito pagdating sa usaping pampamilya.

"Sorry, hindi ko sinasadyang mabanggit ang tungkol sa—" hindi na naituloy ni Ellise ang sanang sasabihin niya nang magsalita ulit si Cally.

"Kalimutan mo na, at pag-usapan na natin kung bakit gusto kitang makausap ngayon," pag-iiba ni Cally dahil ayaw niyang tinatalakay ang tungkol sa pamilya.

"Oh, eh, bakit nga ba naisipan mo makipag-kita sa 'kin?" tanong ni Ellise.

"I need your help, nangako na kasi ako kay Lolo Frederico at ikaw lang ang alam kong makakatulong sa 'kin para maumpisahan ko na itong plano ko," sabi ni Cally na nagbigay katanungan sa isip ni Ellise.

"Ano 'yon? Alam mong game ako kahit saan pa tayo makarating kaya sabihin mo na," sabi ni Ellise na tila may pananabik.

"Tulungan mo akong makahanap ng lalaking p'wede kong ipakilala kay Lolo Frederico para pakasalan. Handa ako magbayad ng kahit na magkano. Let's find a groom that suits my grandfather's taste," sabi ni Cally na ikinanganga ni Ellise.

Gulat niyang tiningnan si Cally at literal siyang napanganga dahil sa isinawalat nito sa kanya.

"Are you insane?! Nababaliw ka na!" hindi makapaniwalang sabi ni Ellise kay Cally kasabay ng pag-inom niya ng tubig.

"Seryoso kasi ako, Ellise. Kahapon, nag-usap kami ni Lolo tungkol sa pagaasawa and guest what? Pilit niya na akong pinagaasawa dahil masiyado na raw siyang matanda at ayaw niya akong maiwan na mag-isa at maging isang matandang dalaga!" paliwanag ni Cally.

Nasapo na lang Ellise ang ulo niya kahit na hindi naman siya ang may kinakaharap na problema dahil hindi naman p'wedeng hindi niya ito tutulungan.

"Bakit hindi ka na lang niya ipakasal sa lalaking ka-level ng estado niyo. Para mas maging madali ang pagaasawa mo," sabi ni Ellise na ikinailing ni Cally.

"Kilala ako ni Lolo na against ako sa arrange marriage kaya hinahayaan niya lang ako," sabi ni Cally sa kaibigan.

"Fine, I will help you, and let's find your groom," pagpayag ni Ellise at nagulat siya nang bigla siyang yakapin ni Cally.

"Thank you! You're the best! Alam kong hindi mo ako matitiis," pasalamat ni Cally kay Ellise at pinaguusapan na nila kung ano ang una nilang gagawin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status