Share

Chapter 3

"Ganito ang unang gagawin natin, makinig ka. Para kasing job hunting 'yan eh, ang kaibahan lang, tayo 'yung hahanap ng tao para pumayag sa trabahong iaalok natin," panimula ni Ellise.

Tahimik lang na nakikinig si Cally sa mga sasabihin ng kanyang kaibigan. Kilala niya ito na magaling pagdating sa mga pag-pa-plano ng kalokohan.

"Magpapakalat tayo ng flyers," sabi ni Ellise na ikinakunot ng noo ni Cally at tiningnan siya nito na tila naguguluhan.

"Flyers?" Kunot noong tanong ni Cally.

"Yes, flyers at ang ilalagay lang naman natin doon ay ang mga katagang: WANTED, MR. GROOM," sagot ni Ellise.

"Hindi ba parang masyado naman atang desperada pakinggan?" tanong ni Cally na may pagaalangan.

"Eh, bakit? Hindi nga ba? Desperada ka naman talaga kaya ka nga nagpapahanap ng lalaking pakakasalan kahit hindi mo pa kilala," sagot ni Ellise na may pagka-sarcastic.

Napaisip bigla si Cally na may punto naman ito sa sinabi niya. Hindi man niya aminin ay muka na nga talaga siyang desperada.

"Kung sa bagay tama ka. O, sige agree na 'ko sa plano mo," sangayon ni Cally sa kaibigan.

"Good! Kasi wala akong naiisip na ibang option, kundi ito lang. H'wag kang mag-alala hndi naman tayo maglalagay ng mga details na ikakabuking mo. Kumbaga eh, anonymous type ang mangyayari," paliwanag ni Ellise na siyang sinangayunan din Cally.

"Sana may magka-interes, 'yung lalaking papasa naman sana sa standards ko at sa standards ni Lolo Federico," sabi ni Cally na siyang ikinatawa bigla ni Ellise.

"You're so funny. Syempre, magkakaroon din tayo ng screening pagdating sa mga lalaking applicants na willing magpakasal sa heiress ng Y.C Empire," naaaliw na sabi ni Ellise.

"Dapat lang talaga na may screening dahil hindi p'wedeng basta lalaking walang class ang pakakasalan ko," maarteng sabi ni Cally.

"Ay syempre! Ari-arian mo nakataya rito sis! Teka, ano nga pala plano mo sa wealth share niyo ng magiging asawa mo incase na may pumatol sa offer natin at pasok sa tipo mo?" tanong ni Ellise na ikinatigil ni Cally.

Ito ang hindi agad sumagi sa isip ni Cally. Ano nga ba ang plano niya before and after the wedding?

"Mabuti nabanggit mo! Wala pa akong plans! Gosh! Hindi ko ito napag-isipan mabuti!" sagot ni Cally sabay napatampal sa sariling noo.

"Ayan ang sinasabi eh! Mabuti at hindi pa tayo nakakahanap kung hindi ay malaki din itong problema," sabi ni Ellise na tila nag-iisip din.

"My properties and wealth... magiging sharable ito sa magiging asawa ko kapag nagkataon," nagaalangang sabi ni Cally.

"Exactly! Pero sa atin dalawa ikaw ang may alam tungkol sa mga batas-batas na 'yan eh. Pero isa lang ang sigurado ako na magiging conjugal lahat ng yaman mo," segunda ni Ellise sa kaibigan.

Napagakat labi si Cally. Dahil sa kagustuhan niyang mapasaya ang kanyang Lolo Frederico hindi niya kaagad naisip ang mga p'wedeng mangyari.

"Mag-file na lang ako sa private attorney ko na walang makukuha sa 'kin niisang kusing ang magiging asawa ko," sabi ni Cally na siyang ikinatikhim ni Ellise.

"Seriously? Niisang kusing talaga? Paano kung halimbawa magka-develop-an kayo, tapos hindi sinasadyang mapahal ka na sa lalaking 'yon at bigla magbago ang isip mo p'wede pa bang baguhin ang kasulatan na 'yon?" sabi ni Ellise na siyang ikinakunot ng noo ni Cally.

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Ako? Mapapahal sa taong babayaran ko ang serbisyo? Ayos ka lang?" sunod-sunod na tanong ni Cally sa kaibigan.

"H'wag kang magsalita ng tapos. Dahil baka mamaya bandang huli kainin mo iyang sinabi mo," sabi ni Ellise na mas lalong ikinakunot ng noo ni Cally.

"Ellise, for your information, scripted lang ang magiging relasyon namin! Kaya sa tingin mo paano ko ipagkakatiwala ang puso at yaman ko sa lalaking simula umpisa pa lang bayad na!" sabi ni Cally na siyang ikinatahimik ni Ellise.

"Kung sa bagay tama ka. So, ayan solved na ang safety ng yaman mo. Pag-usapan naman natin 'yung tungkol sa after the wedding. Ano ang magiging plano mo?" pag-iiba ni Ellise.

"Simple lang, I will divorce him as soon as possible at hindi na kailangan malaman ni Lolo ang tungkol sa bagay na 'yon," sagot ni Cally na siyang ikinailing ni Ellise.

"Lumalabas na parang naglalaro ka ng apoy pero sa huli ikaw lang din ang mapapaso," malamang sabi ni Ellise sa kaibigan.

Sa totoo lang ay hindi sangayon si Ellise sa gustong mangyari ng kaibigan niyang si Cally pero dahil alam niyang ito ang tipo ng taong hindi magpapaawat ay hindi niya na lang ito kokontrahin.

"Kung kailangan kong gumawa ng isang malaking kasinungalingan para lang maging masaya si grandpa, gagawin ko," ayaw paawat na sabi ni Cally na siyang ikinailing ni Elise.

"Wala naman akong magagawa kung 'yan talaga ang gusto mong gawin. Nandito lang naman ako para tulungan ka wala rin ako sa posisyon para pigilan ka," sabi ni Ellise na may himig ng pagsuko.

"My grandpa almost begged me to get married as soon as possible. So, now I'm making a way to find a perfect groom for my perfect taste," sabi ni Cally.

"Minsan hindi rin kita maintindihan kung matino ba utak mo o may sayad ka lang talaga. Maraming namang nanliligaw sa 'yo pero niisa wala kang pinapatos, tapos ngayon nagpapatulong kang humanap ng groom, adik ka ba?" naguguluhang sabi ni Ellise na siyang ikinahagikgik lang ni Cally.

"Wala sa kanila ang gusto ko, miski man ako ay nagugustuhan na rin sa sarili ko kung ano ba talagang gusto kong mangyari," pag-amin ni Cally.

"Ano ba ang gusto mo sa isang lalaki? Bigyan mo ako ng idea," biglang tanong ni Ellise sa kanyang kaibigan.

"Gusto ko sa isang lalaki? Syempre 'yung ako lang din ang gusto. 'Yung tipong, Im the apple of his eyes at hindi pera ko ang habol," sagot ni Cally.

"Mukang mahihirapan tayo doon sa part na, hindi pera mo ang habol. Maliban na lang ba kung likas nang mayaman 'yung lalaking mapapapunta sa 'yo," sabi ni Ellise.

"Bakit kaya nahihirapan ako makipag-commit sa isang relasyon? You know what, It's really hard for me to deal with my own standards," reklamo ni Cally sa kanyang sarili.

"Ikaw na rin ang sumagot d'yan sa tanong mo. Kasasabi mo lang na ang problema sa 'yo ay 'yang standards mo," segunda ni Ellise na siyang ikinairap ni Cally.

"Sa tingin mo, may magka-interes kayang kumagat sa offer ko na maging groom?" tanong ni Cally sa kaibigan.

"Meron 'yan, sa hirap ba naman ng buhay ngayon sigurado akong may papatol d'yan basta pera ang usapan," sagot ni Ellise kay Cally.

"Kung sa bagay, money can buy everything," sabi ni Cally na siyang hindi sinangayunan ni Ellise.

"If money can buy happiness, bakit hanggang ngayon malungkot ka pa rin? Did money give you satisfaction that you're craving for?" tanong ni Ellise na ikatigil ni Cally.

Nasaktan si Cally sa sinabi ng kanyang kaibigan pero hindi maitatangging tama naman ito. Ang kaso lang minsan hindi niya gusto ang pagiging prangka nito masiyado.

"Bakit mo naman biglang naipasok ang tungkol d'yan? Nangaano ka ba?" tanong ni Cally na tila napipikon.

"Sorry! Na-carried away lang ako sa naging usapan natin, kung saan-saan na kasi tayo nakarating," hinging paunmanhin ni Ellise.

Inirapan na lang ito ni Cally at iwinaksi ang inis na kanyang nararamdaman para kay Ellise at pilit niyang ibinalik ang magandang mood dahil ayaw niya namang magkatampuhan pa sila ng kaibigan dahil sa maliit lang na bagay.

"Kalimutan mo na. So, let's go back to our topic, kailan ba tayo magpapakalat ng mga flyers?" pag-iiba ni Cally ng usapan.

"Gusto mo bukas na bukas rin simulan na natin, pero bago ang lahat, kailangan natin kumuha ng tao na magpapakalat ng flyers dahil hindi naman p'wede na tayo ang gumawa no'n," sabi ni Ellise.

"Tama ka, sige, ako nang bahala. Madali lang namang kumuha ng tao," sabi ni Cally.

"Iba talaga kapag mayaman, isang pitik lang napapadali na agad ang mga bagay-bagay," manghang sabi ni Ellise na may ngiti sa mukha.

"Hindi rin. Ikaw na nga ang may sabi kanina na hindi naman lahat ng bagay kayang bilhin ng pera," sabi ni Cally na siyang ikinatahimik naman ni Ellise.

"Bakit feeling ko, ako pa itong kinukunsensya mo?" tanong ni Ellise na ikinatawa ni Cally.

"H'wag mong bigyan ng meaning ang sinabi ko, bruha ka. Sadyang nakukunsensya ka lang talaga dahil alam mong nasaktan mo ang loob ko," Tumatawang sabi ni Cally sa kaibigan kaya natawa na rin si Ellise.

Walang kamalay-malay sina Cally at Ellise na may isang estranghero na kanina pa nakikinig sa usapan nila mula sa kanilang likuran. At bigla na lang itong tumayo at lumapit sa kinaroroonan nila.

Kapwa naman napahinto sina Cally at Ellise nang may lalaking estranghero ang bigla na lang lumapit sa pwesto nila. Nagkatinginan silang dalawa at parehas nag-uusap gamit ang mga mata. Dumako ang tingin ni Cally sa mukha ng lalaki ag ganu'n na lang ang naging pagkamangha niya sa taglay nitong kakisigan na ngayon niya lang nasaksihan.

Napansin naman kaagad ni Ellise ang reaksyon ng kanyang kaibigan kaya naman pasimple niya itong kinalabit para bumalik ito sa katinuan dahil kita niya sa mukha ni Cally na na-star struck ito sa gwapong lalaki na bigla na lang silang nilapitan.

"Sino ka? Anong kailangan mo?" mataray na tanong ni Cally sa estranghero kahit na halata sa mukha niya ang labis na pagkamangha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status