Share

Chapter 4

"I accidentally heard your conversation... " kiming sagot ng estranghero kay Cally sabay napahawak sa batok.

"You accidentally heard our conversation?" pag-uulit ni Cally sabay lumingon sa likuran niya kung saan kaninang nakaupo ang lalaki.

"Yes, and I'm really sorry," hinging paunmanhin ng estranghero na parang pinagsisisihan nito ang nagawang pakikinig.

Dumako naman ang tingin ni Cally sa kaibigang si Ellise na may nakapaskil na kakaibang ngiti sa mukha na para bang may kakaibang natakbo sa isipan nito na hindi niya mawari. Akmang magsasalita na sanang muli si Cally nang maunahan siya ni Ellise.

"Wala 'yon Kuyang pogi! Halika maupo ka rito at baka gusto mo pa malaman ang iba pang kabuuang detalye ay willing naman kaming sabihin sa 'yo lahat!" sabi ni Ellise sa estranghero na tila ba excited.

Dali-daling kumuha ng isa pang silya si Ellise at inilagay sa tabi ng estranghero at sapilitan niyang pinaupo ito sabay kindat niya kay Cally at hindi ito makapaniwalang tiningnan siya.

"So, let's talk with this beautiful creature," sabi ni Ellise habang titig na titig sa estranghero na siyang ikinasalubong naman ng kilay ni Cally.

"So, bakit ka nga nakikinig sa usapan namin kanina ng kaibigan ko?" seryosong tanong ni Cally sa estranghero habang pinagmamasdan itong mabuti.

"Because... uhm... " tanging 'yun lang ang naisagot ng estranghero na para bang nahihiya ito.

"Because?" naiinip na tanong ni Ellise kaya si Cally na ang sumagot para sa estranghero.

"Because, he is interested. Obvious namang interesado siya dahil hindi niya tayo lalapitan kung hindi," maarteng sabi ni Cally.

"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, tayo na nilalapitan ng solusyon sa problema!" sabi ni Ellise habang hindi pa rin mapalis ang titig niya sa estranghero.

"Baka matunaw na 'yung tao kakatitig mo!" mataray na sita ni Cally sa kaibigang si Ellise at inirapan lang siya nito.

"Ang pogi kasi niya oh! Perfect na perfect para sa 'yo!" hayagang puri ni Ellise sa estranghero na siyang ikinailing ni Cally.

"Let's take it seriously. So, tama nga ba ako na interesado ka sa pinag-uusapan namin kanina nitong kasama ko?" tanong ni Cally nang muli niyang balingan ang estranghero.

"Yes," walang pagdadalawang isip na sagot ng estranghero habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Cally.

Ilang sunod na napatikhim si Cally para iwaksi ang atraksyon na kanyang nararamdaman sa mga oras na 'to dulot ng presensya ng lalaki.

"Simula ba umpisa ng pag-uusap namin ay nakikinig ka na?" muling tanong ni Cally habang nakikipag-titigan dito.

"Yes, I heard your whole conversation from the very beginning and I must say that you're too desperate to meet your grandfather's expectations," sagot ng estranghero.

"Ohh... wow. Talaga ngang nakinig siya at inintindi niya. Hindi ka rin chismoso, ano?" pamimilosopo ni Ellise na siyang pagak na ikinatawa ng lalaki.

"Nagkataon lang talaga at saktong kailangan ko rin ng pera," sabi ng estranghero na siyang ikinatahimik ng paligid.

Nagkatinginan sina Cally at Ellise na tila ba nagkakaintindihan na sila sa mga sandaling ito.

"What's your name?" tanong ni Cally sa estranghero na may kaseryosohan na.

"I'm Vin Lycan Delvarra," pakilala ni Vin sa kanyang sarili na ikinatigil ni Cally dahil sa nabanggit nitong apilido.

"Woah! Bagay na bagay sa 'yo ang buo mong pangalan, parang tunog ma-impluwensyang tao," namamanghang sabi ni Ellise.

"Your surname... parang familiar sa 'kin," naningkit ang mga matang sabi ni Cally habang tila nag-iisip.

"Marami akong ka-apilido Ma'am. Kaya hindi imposibleng narinig mo na 'yon kung saan," sabi ni Vin ngunit duda pa rin si Cally.

"Kaya nga! Naku, hayaan mo 'yang si Cally. Ang dami-dami diyan na magkaka-apilido kaya familiar para ka sa kanya," sabi ni Ellise kay Vin.

"Kailangan pa ba namin magpakilala sa 'yo? Mukang alam mo na ata dahil kanina ka pa nakikinig sa 'min," pag-iiba ni Cally.

"Ah, yes. I already know your names, you are Cally and this is your friend Ellise," sabi ni Vin sabay turo sa kanilang dalawa.

"Hindi ka lang gwapo ano? Matalas din ang memorya mo at tutok ka rin sa mga detalye," puri ni Ellise kay Vin sabay napahawak lang ito sa batok na tila nahihiya pa rin.

"Shy type ka?" tanong ni Cally nang mapansin niya ang panaka-nakang kilos nitong mga kilos na nagpapakita ng pagkamahiyain.

"Uhm, sorry, ganito lang talaga ako kapag may bago akong nakikilalang babae," sagot ni Vin.

"Sabihin mo nga, anong tingin mo sa 'kin?" wala sa loob na tanong ni Cally kay Vin dahil naaaliw siya rito.

"Yung totoo?" Well, kung titignan muka kang insensitive na tao at walang pakialam sa iba," diretsuhang sagot ni Vin na ikinagulat ni Cally at Ellise.

"What did you say?!" hindi makapaniwalang tanong ni Cally kay Vin gamit ang mataas niyang boses.

Hindi ito ang inaasahan niyang isasagot ng lalaki sa kanya kaya pakiramdam niya bigla siyang na-offend sa sinabi nito. Ang akala niya pupurihin siya nito sa panlabas pero parang pinersonal siya nito.

"Ays! Bakit mo 'yun sinabi?? pabulong na sita ni Ellise kay Vin sabay natampal ang sariling noo.

"Tinanong mo ako kung anong tingin ko sa 'yo kaya sinabi ko kung anong totoong nasa isip ko. May mali ba doon?" pangangatwiran ni Vin kay Cally na siyang ikinailing naman ni Ellise at napakagat labi na lang.

Mariin na lang na napapikit si Cally at pilit niyang pinapakalma ang sarili dahil nasa public place sila. Ayaw niya gumawa ng iskandalo kahit gusto niya pagwalaan ito.

"Nandito ka ba para mag-apply na maging groom ko o para pakuluin lang ang dugo ko?" nagtitimping tanong ni Cally.

"Pasensya na, sinagot ko lang naman po ang tanong niyo sa 'kin. H'wag ka sanang magalit," sagot ni Vin sa maamo niyang mukha.

Ganu'n na lang ang pagtataka ni Cally sa sarili dahil parang magic na bigla na lang humupa ang inis niya kay Vin nang mapatitig siya sa makisig nitong mukha.

"Fine, let's go back to our topic," sabi ni Cally sa kalmado niya nang boses na ikinapagtaka naman ni Ellise.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Ellise ang ikinilos ng kanyang kaibigan. Siya nga ay nahihirapang pakalmahin si Cally lalo na pag talagang nagalit na ito pero nagtaka siya nang isang beses lang na humingi ng tawad si Vin ay kaagad din humupa ang galit niya.

"Willing ka bang pakasalan ako kahit na niisang kusing ay wala kang magiging hati mula sa wealth and properties na meron ang pamilya ko?" tanong ni Cally.

Kailangan ni Cally na makasigurado siyang wala interes si Vin sa yaman niya at sa yaman ng pamilya nila dahil unang-una sa lahat, hindi naman sila papasok sa relasyon ng totoong mag-asawa.

"Willing akong pakasalan ka, hindi dahil mayaman ka o sa yaman ng pamilya mo. Pakakasalan kita dahil alam kong kailangan mo 'ko," sabi ni Vin na siyang ikinatili ni Ellise.

"Ano ba kayo?! Totohanin niyo na kaya! Bagay kayo! Para akong nanunuod ng romance sa television! Ewan ko lang kung hindi pa siya magustuhan ng Lolo mo!" eksaheradang sabi ni Ellise na may pag-tili.

"Tumigil ka nga Ellise! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao kakatili mo at walang nakakakilig sa sinabi niya," mataray na awat ni Cally sa kaibigan na siyang ikinasimangot nito.

"KJ!" angil ni Ellise.

Hindi na lang pinansin ni Cally si Ellise at muli niya nang binalingan si Vin na muka pangang naaaliw sa nangyayari.

"Mabuti at nagkakaintindihan tayo, Mr. Delvarra," seryosong sabi ni Cally kay Vin.

"Sabihin niyo lang sa 'kin kung anong mga Do's and Don'ts para maiwasan ang aberya," sabi ni Vin na siyang ikinangiti ni Cally.

Sa tingin ni Cally ay mukang professional ito pagdating sa trabaho kaya naman mas lalo siyang nagkaroon ng dahilan para tanggapin itong maging groom.

"Let's discuss first about your monthly salary, ikaw na ang bahala kung magkano ang gusto mo. Name your price," sabi ni Cally na siyang ikinatikhim ni Vin at sandaling nag-isip.

"Mahal ang talent fee ko Ma'am, pero dahil ako mismo lumapit sa inyo ay bababaan ko," sabi ni Vin na ikinataas ng kilay ni Cally.

"So, ikaw pa ang nag-o-offer ng discount sa service fee mo dahil sa tingin mo baka hindi ko afford, ganu'n ba?" naniningkit ang mga matang tanong ni Cally sa lalaki.

"Wala po akong sinasabing hindi niyo ako afford Ma'am," pagdadahilan ni Vin na mas lalong ikinasalubong ng kilay ni Cally.

"Magkano ka ba? Sabihin mo na, h'wag ka nang mahiya," tanong ni Cally na siyang ikinangiti bigla ni Vin.

Kanina pa naaaliw si Vin sa magandang mukha ni Cally lalo na kapag nakikita niya na nagtataray ito at sa tingin niya mas lalo itong gumaganda kapag nagagalit.

"Serbisyo ko po ba ang gusto niyong bayaran o ako na mismo?" malamang tanong ni Vin.

Hindi naman inaasahan ni Cally ang naging tanong ni Vin. Samantala, kilig na kilig naman si Ellise habang nanunuod sa kanila.

"Your service! Idiot!" gigil na sagot ni Cally.

"Relax lang Cally, wala pa nga, LQ na kaagad?" awat ni Ellise sa kaibigan nang makita niyang galit na naman ito.

"Saka na po kaya natin pag-usapan kung magkano ang ibabayad niyong halaga sa serbisyo ko?" patanong na sabi ni Vin na siyang ipinagtaka ni Cally at Ellise.

Nagkatinginan ang magkaibigan dahil ang ang akala nila ay desperado ito sa pera kaya ito lumapit sa kanila kanina.

"Ang akala namin ay kailangan mo na agad ng pera kaya ka biglang lumapit sa 'min para lang mag-apply bilang groom ng kaibigan ko?" nagtatakang tanong ni Ellise kay Vin.

"Yes, kailangan ko nga. Pero may policy akong tinatawag pagdating sa serbisyo ko at 'yun ay trabaho muna bago bayad," sabi ni Vin gamit ang pormal niyang boses.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status