Share

Chapter 5

Kasalukuyang nasa sasakyan sina Vin at Cally na pagmamayari ni Ellise na siya namang kasalukuyang nagmamaneho ng kotse.

"Ano bang next plan?" tanong ni Ellise kay Cally habang abala siya sa nagmamaneho.

"Sa ngayon pumunta muna tayo sa condo mo para pagusapan ang susunod nating gagawin. Hindi pa kasi natin p'wedeng ipakilala agad si Vin kay Lolo dahil siguradong magtataka 'yon kung saan lupalop ko siya nakuha," sagot ni Cally sa kaibigan.

"May point ka, siguradong magtataka ang Lolo mo dahil kahapon lang naman kayo nag-usap tapos biglang may ipapakilala ka na kaagad sa kanya ngayon," pagsangayon ni Ellise.

Bumaling si Cally kay Vin na tahimik lang sa buong biyahe habang nakatanaw sa bintana ng sasakyan. Nagulat pa ito nang humarap siya kay Cally at nahuli niya itong titig na titig sa kanya.

"Kaloka ka, ikaw pa talaga 'yung nagulat sa mukha ko??" mataray na tanong ni Cally kay Vin na siyang ikinahagikgik nito.

"Sorry, kasi naman titig na titig ka sa 'kin, pakiramdam ko parang gusto mo na 'kong tunawin," sabi ni Vin na siyang ikinatikhim naman ni Cally.

"Pinagmamasdan kita dahil hinahanapan kita ng kapintasan o ng kahit anong kapangitan at sa kabutihang palad wala naman ako makita," pag-amin ni Cally na siyang ikinangiti ni Vin.

"Gusto mo talaga ng perpekto ano?" tanong ni Vin kay Cally at huminga lang ito ng malalim sabay sumandal muli sa sandalan.

"Wala namang perpekto... " wala sa loob na sabi ni Cally sabay tanaw sa labas ng bintana.

"Meron sis! Si Fafa Vin! Perfect na siya for you!" sabat ni Ellise na tila kinikilig pa ngunit sinamaan lang siya ng tingin ni Cally.

"Walang perpekto sa buhay, tingnan mo nga siya, sabihin na nga nating he has the looks na lilingunin ng lahat pero wala naman siyang pera," sabi ni Eunice na tungkol kay Vin kaya sunud-sunod silang napatikhim.

"Ang harsh mo naman doon sa part na walang pera si Vin, konting preno friend!" sita ni Ellise kay Cally.

"Totoo lang ang sinasabi ko, kahit ako tingnan mo rin. Mayaman ako pero tanungin niyo ko kung masaya ba 'ko," sabi ni Cally kaya napatingin si Vin sa gawi niya.

"Masaya ka ba?" tanong ni Vin kay Cally kaya napatingin din ito sa gawi niya at binigyan siya nito ng nagtatanong na tingin.

Sandaling tumahimik ang paligid at nag-isip si Cally kung anong tamang isagot sa kanyang soon to be groom.

"Yes, malungkot ang buhay ko dahil kagaya nga ng sinabi ko walang perpektong buhay," pag-amin ni Cally.

"Sa tingin mo, ano pa bang kulang sa 'yo?" seryosong tanong ni Vin na mas lalong nagpatahimik kay ni Cally at muli na lang siyang tumanaw sa labas ng bintana.

"Let's not talk about it," paglilihis ni Cally ng usapan at hindi na muling nagsalita pa si Vin.

"Cally, gutom na ako," reklamo ni Ellise.

"Hindi ka pa nabusog sa kinain natin kanina?" nagtatakang tanong ni Cally sa kaibigan.

"May kinain ba tayo?! Mabubusog ba 'ko sa kapirasong cheese cake??" Iritableng tanong ni Ellise na siyang ikinatawa ni Vin.

Nasapo naman ni Cally ang sariling noo dahil naalala niyang malakas nga palang kumain ang kanyang kaibigan at hindi p'wedeng mabitin ito.

"Let's have a drive thru, sagot ko na," sabi ni Vin at akma sanang bubunot na siya ng wallet nang pigilan siya ni Cally.

"H'wag na, itabi mo na 'yan. Ako na," sabi ni Cally kay Vin at kinuha niya ang kanyang credit card sabay iniabot kay Ellise.

"Ang generous mo naman, Vin. Wala ka pang kinikita mula kay Cally pero parang hindi ka talaga nangangailangan ah? Balak mo pa kaming ilibre," puna ni Ellise kay Vin nang kuhain niya na ang credit card ni Cally.

Napakamot na lang sa ulo si Vin dahil naalala niya na wala na nga pala siyang pera ngayon.

"It's okay, Vin. Relax ka lang diyan ako nang bahala sa 'yo," sabi ni Cally sabay nginitian niya lang ito.

Napansin naman ni Ellise ang ngiting ibinigay ni Cally kay Vin kaya naisipan niya na asarin ito.

"Uy! May pag-ngiti ka nang nalalaman, baka type mo na si Vin in real life huh?" pangaasar ni Ellise kay Cally sabay sinamaan lang siya nito ng tingin.

"Mag-drive ka na lang Ellise at baka ma-bwisit pa ako sa 'yo hindi pa kita pakainin diyan," inis na sabi ni Cally na siyang ikinatawa nila.

"Ang sama mo talaga!" natatawang sabi ni Ellise ngunit hindi na lang siya pinansin ni Cally.

Naalala ni Cally na hindi pa nga pala nila alam kung saan nakatira si Vin at nadismaya siya sa sarili dahil kanina pa nila ito kasama ngayon niya lang naalalang alamin.

"Saan ka nga pala nakatira? Nakalimutan ko nang itanong kung anong pinanggalingan mo," tanong ni Cally kay Vin at sandali pa itong nag-isip na siyang ipinagtaka niya.

"Sa condo ko po sa Makati City," tapat na sagot ni Vin na ikinagulat nina Cally at Ellise sabay nagkatinginan sila sa side mirror ng driver's seat.

"Condo?!" gulat na tanong ni Cally.

"Really?!" hindi makapaniwalang tanong din ni Ellise.

Sabay nilang inulan ng tanong si Vin na ikinagulat ng binata dahil sa nakita niyang mga reaksyon nina Cally at Ellise. Nagtaka siya kung anong nakakagulat sa sinabi niya.

"Ano pong nakakagulat sa nalaman niyong nakatira ako sa condo? May problema ba?" pa-inosenteng tanong ni Vin sa dalawa.

"Ang sabi mo wala kang pera. So, expected namin mahirap ka lang kaya paano ka naman nakaka-afford na tumira sa isang condo unit? Eh, ang mahal tumira doon," panguusisa ni Cally.

"Patira lang po ako doon ng Uncle ko, kumbaga ako ang kinuha niyang care taker ng condo niya habang nagbabakasyon pa siya sa ibang bansa," paglilinaw ni Vin na siya naman naunawaan na nina Cally at Ellise.

"Ang akala namin talagang sa 'yo ang condo na tinitirhan mo! Very shocking ka naman sa part na 'yon! Pero buti na-explain mo agad," singit ni Ellise na ikinahagikgik ni Vin.

"Wala akong kakayanan tumira sa ganoong lugar dahil sa budget ko pa lang sa araw-araw kulang na ang pera ko," sabi ni Vin.

Biglang nakaramdaman ng awa sina Cally at Ellise kay Vin dahil sa sinabi nito kaya naman may naisip si Cally.

"Saan ka kumukuha ng panggatos mo sa araw-araw? May allowance ka ba from your uncle?" tanong ni Cally na ikinatango naman ni Vin.

"Palaki po ako ng Uncle ko, binibigyan niya 'ko ng monthly allowance pero syempre may iba pa akong pangangailangan kaya madalas ay kinakapos ako," paliwanag ni Vin kay Cally na mas lalong nahahabag sa mga oras na 'to.

"Kaya ba nagdesisyon ka nang lapitan kami kanina para i-offer ang sarili mo na maging groom ko dahil desperado ka na kumita ng pera?" tanong ni Cally na may awa sa boses.

"Tama po kayo Ma'am, gustuhin ko man pong magtrabaho ng mas disente ang kaso ay wala namang tatanggap sa 'kin," sagot ni Vin kaya nangunot bigla ang noo ni Cally.

"Bakit naman hindi ka nila tatanggapin? Nasubukan mo na bang mag-apply sa mga companies?" Kunot noong tanong ni Cally.

"Hindi po kasi ako tapos ng pag-aaral, high school lang ang natapos ko," sagot ni Vin at lihim na nagkatinginan sina Cally at Ellise sa side mirror na tila nagkakaintindihan na sila.

"I see, pero h'wag kang mawalan ng pag-asa dahil madami pa namang mga company na may consider pa rin sa mga kagaya mong hindi nakatapos," sabi ni Cally upang palakasin ang loob ni Vin.

"Yes Ma'am, may mga mayayamang mababait pa rin talaga lalo na ngayon na mas lalo kong napatunayan nang makilala ko kayo ni Ma'am Ellise," sabi ni Vin na siyang ikinatuwa nila.

"H'wag kang padadala Vin dahil isang malaking poor lang din 'yang si Ellise, hindi siya mayaman feeling lang," sabi ni Cally na siyang ikinasimangot naman ni Ellise.

"Kaibigan ba talaga kita?? Kainis ka talaga! Nanlalaglag ka sis!" angil ni Ellise na ikinatawa lang nina Cally at Vin.

"I'm just kidding. Pero sa totoo lang hindi talaga poor 'yang si Ellise sa katunayan nga successful business owner na siya," sabi ni Cally na siyang ikinangiti ng malawak ni Ellise na tila nagmamalalaki pa.

Naaaliw si Vin habang pinapanuod niya kung paano mag-usap sina Cally at Ellise. Napansin niyang totoo ang pagkakaibigan ng dalawa at ngayon niya napatunayan tama lang ang desisyon niyang lapitan si Cally.

"Eh, ikaw Ma'am? What do you do for a living? Bukod sa pagiging tagapagmana?" tanong ni Vin na ikinagulat ni Cally dahil wala naman siyang nababanggit dito na isa siyang heiress.

"Paano mo nalamang tagapagmana ako?" nagtatakang tanong ni Cally at si Ellise ang naunang sumagot.

"Gorl! Ano ka ba naman? Baka nakakalimutan mo nang from the very beginning nakikinig na siya sa usapan nating dalawa at ako pa nga ang nakabanggit kanina na tagapagmana ka kaya hindi malabong pati 'yon narinig niya," sabi ni Ellise na siyang sinangayunan ni Vin.

"Your friend is right, I heard it all and I remember all the details about you, Ma'am," sabi ni Vin na siyang naghatid ng kakaibang pakiramdam kay Cally dahil tingin niya kilala na talaga siya nito.

Pilit iwinaksi ni Cally ang misteryosong pakiramdam dahil sino nga ba naman ang hindi nakakakilala sa isang Cally Del Silvia na siyang nagiisa lang na tagapagmana ng Y.C Empire?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status