Share

Chapter 6

Kasalukuyang nakaupo sina Vin at Cally sa magkabilang sofa ng living room ng condo ni Ellise. Umalis sandali si Ellise dahil bigla itong nagkaroon ng urgent meeting sa trabaho kaya ang naiwan lang ay sina Vin at Cally.

"First, I need you to sign this," utos ni Cally kay Vin sabay iniabot niya rito ang isang papel na naglalaman ng mga kasunduan.

Sandali munang binasa ni Vin ang nakasaad sa papel at biglang nangunot ang noo niya nang may mabasang bawal sumama o makipagkita sa kahit na sinong ibang babae.

"What's this?" kunot noong tanong ni Vin.

"Ang alin?" tanong din ni Cally.

"Bawal ako makipagkita sa ibang babae?" patanong na sagot ni Vin na tila naguguluhan.

"Yes?" patanong na sagot ni Cally.

"Bawal ako makipagkita sa ibang babae kahit na peke lang naman ang magiging relasyon natin?" tanong ni Vin na tila hindi siya sangayon.

"Of course! What did you expect? Nakalimutan kong sabihin na ang isa sa mga kailangan sa pagiging groom ko ay dapat single ka at wala kang sabit," sagot ni Cally.

"Baka p'wedeng i-set aside natin itong rules mo na 'to," hirit ni Vin na siyang ikinailing ni Cally.

"Magkalinawan nga tayong dalawa, alam mo ba itong trabahong papasukin mo? Ang akala mo ba isa lang itong malaking joke?" tanong ni Cally na siyang ikinatikhim ni Vin.

"Ma'am, aware naman po ako d'yan ang kaso lang kahit naman sabihin ko kung bakit ayoko ng rules niyo na 'to ay hindi niyo naman po 'ko maiintindihan," sagot ni Vin kaya naguguluhan siyang tiningnan ni Cally.

"Pwes ipaintindi mo sa 'kin kung bakit hindi ka sangayon," naiinis nang sabi ni Cally kay Vin.

"Ano kasi... alam niyo na, may mga pangangailangan din ako bilang lalaki kaya against ako rito," nagaalangang sabi ni Vin na siyang ikinapula naman ni Cally.

"Seriously? Iniisip mo pa talaga 'yan ngayong kailangan mo ng pera?" inis na tanong ni Cally sabay napailing na lang.

"See, sabi ko na nga ba hindi niyo maiintindihan," sagot ni Vin kaya muli itong napataas ng kilay.

Huminga muna ng malalim si Cally at sandaling nag-isip kung ano ba ang dapat niyang gawin sa hiling nitong i-set aside ang rules na ayaw niya.

"Sumasakit ang ulo ko sa 'yo alam mo ba 'yon? Ang pangit kasi tingnan na ikakasal ka na tapos may makakakita pa sa 'yo na may kasama kang ibang babae, ano na lang ang sasabihin at iisipin ng Lolo ko just in case?" paliwanag ni Cally.

"Sige, payag na ako," pagsuko ni Vin na siyang ikinaaliwalas naman ng mukha ni Cally.

"Alam mo sa totoo lang ayoko namang panghimasukan ang personal life mo pero kasi kaya nga kita babayaran para gawing asawa ko so, walang p'wedeng makakita sa 'yo na may iba kang kasama," paliwanag ni Cally na ikinatango ni Vin.

"Naiintindihan ko ka Ma'am," sabi ni Vin na siyang ikinangiti ni Cally.

"Next na tayo, alin pa diyan ang gusto mong talakayin natin?" tanong ni Cally habang nakatingin sa papel na hawak ng binata.

"Bakit walang nakalagay na date kung kailan ako maguumpisang magpanggap?" Tanong ni Vin.

"About diyan naman, kailangan pa kitang i-ready kumbaga sa gera hindi pa tayo basta p'wedeng sumabak ng walang armas at training," sagot ni Cally.

Tumango-tango lang si Vin na tila nauunawaan niya na ang mga nakasaad sa papel at sumagi bigla sa isip niya ang tungkol sa lovelife ni Cally kaya naisipan niyang itanong.

"Ma'am, h'wag niyo sanang mamasamain itong itatanong ko. May naging boyfriend na po ba kayo?" panguusisa ni Vin na siyang ikinatigil sandali ni Cally.

"To be honest, NBSB ako dahil hindi naman ako mahilig makipag-socialize sa mga tao kaya pag may gustong manligaw hindi na tumutuloy dahil ayoko," pag-amin ni Cally na ikinatuwa naman ni Vin.

"Really? Tinataboy mo sila?" naaaliw na tanong ni Vin na ikinatango ni Cally.

"Yes, hindi kasi sila ang tipo ko," sagot ni Cally.

"Eh, ano po bang tipo niyo sa lalaki?" Nakangiting tanong ni Vin.

"Well, wala naman kasi akong ideal man unlike ng ibang babae diyan. Kung sila may dream boy or dream man, ako kasi wala eh," magulong sagot ni Cally.

Imbis na maguluhan si Vin ay mas lalo pa siyang natuwa sa sagot ng dalaga sa kanya dahil ibig sabihin ay wala pa itong minahal na kahit na sinong lalaki.

"Tingin ko ikaw 'yung babaeng mapili pero hindi alam ang gusto," pagtatama ni Vin na siyang sinangayunan ni Cally.

"Exactly! That's what I am. Sabi nila mataas daw ang standards ko pero kahit ako nalilito kung ano nga ba ang standards ko," pagsangayon ni Cally sa sinabi nito.

"Eh, ako ba Ma'am? Estranghero ako na bigla na lang lumapit sa inyo pero hindi kayo nagkuling i-hire ako bilang groom niyo, bakit?" may panguusisang tanong ni Vin.

Napatahimik naman si Cally na tila nag-iisip pa.

"Because... I think you're qualified," tapat na sagot ni Cally na mas lalong nagpalawak ng ngiti sa mukha ni Vin.

"I'm qualified for you because I met your confusing standards? Am I right?" tanong ni Vin na siyang ikinatango ni Cally.

"Yes again, hindi ko naman itatanggi 'yan dahil obvious naman kaya nga kita kinuha," pag-amin ni Cally kaya napatango-tango na lang ito.

"Mabuti at nagustuhan niyo ko," sabi ni Vin.

"I like you physically nothing else, p'wede ka na pang-display," prangkang sabi ni Cally kaya tila napangiwi naman si Vin.

Napakamot siya sa ulo sa sinabi ng dalaga ang akala pa man din niya iba ang tingin nito sa kanya.

"Akala ko pa naman—" hindi na naituloy ni Vin ang sasabihin nang magsalita ulit si Cally.

"Akala mo ano? Na gusto kita in way of romance? You're wrong," diretsuhang sabi ni Cally kaya napakamot na naman ito sa ulo.

"Alin pa dito 'yung part na naguguluhan ka? Sabihin mo na agad ngayon para mabilis nating ma-discuss," pag-iiba ni Cally ng usapan.

Muli pinasadahan ni Vin ang nilalaman ng kasunduan at napako ang tingin niya doon sa rules na bawal niyang yakapin o hagkan si Cally.

"Ma'am, dito po tayo sa rules na nakalagay na bawal kitang yakapin o hagkan? Paano kung kinakailangan na? Bawal pa rin po ba?" tanong ni Vin.

"It depends on the situation, kilala ko kasi si Lolo na hindi basta-bastang naniniwala kaya kung halimbawa kaharap natin siya at hiniling niyang halikan mo 'ko bilang patunay na talagang totoo ang relasyon natin, gawin mo," walang pagdadalawang isip na sabi ni Cally.

"Sigurado ka ba Ma'am? Paano ang first kiss mo? Willing ka bang sa 'kin ibigay?" tanong ni Vin na may pagaalangan.

"Walang problema sa first kiss, halikan mo 'ko kung kinakailangan," diretsuhang sabi ni Cally at walang makita si Vin na pagaalinlangan dito.

"Ngayon ko nakikita kung gaano ka talaga ka-professional," puri ni Vin na siyang ikinangiti naman ni Cally.

"Parang bussiness lang din naman 'yan, walang mangyayari kung hindi ka susugal," sabi ni Cally.

"So, ang una niyong isusugal ay 'yung first kiss niyo?" nanunuksong tanong ni Vin na siyang ikinailing lang ni Cally.

"Mali ka, dahil ang una kong isinugal ay ang tiwala ko nang nagdesisyon akong i-hire ka bilang groom ko, sa 'yo ako unang tumaya kaya h'wag mo kong bibiguin," sabi ni Cally habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Vin.

"Makakaasa ka Ma'am, hindi kita bibiguin at mas lalong hindi kita pababayaan kung sakali man na dumating ang panahon na malaman na ng Lolo mo na kasinungalingan lang ang lahat ng 'to," sabi ni Vin kay Cally na may pagpapangako.

Ilang segundong natigilan si Cally sa sinabi ni Vin. Nakaramdaman bigla si Cally ng konsensya para sa kanyang Lolo Frederico at dahil sa kagustuhan niyang mapasaya ito ay handa pa siyang magsinungaling.

"Hindi niya malalaman dahil hindi natin ipapaalam at pananatilihin nating sikreto ang lahat," may katigasan na sabi ni Cally.

"Alam mo Ma'am, kahit sa panaginip hindi sumagi sa isip ko na isang araw makakatagpo ako ng babaeng desperada na naghahanap ng lalaking p'wedeng bayaran para lang maging asawa," hindi makapaniwalang sabi ni Vin.

"Muka ba talaga kong desperada?" kunot noong tanong ni Cally habang nakaturo siya sa kanyang sarili.

"Yes, Ma'am. Obviously," pag-amin ni Vin na hindi ikinatuwa ni Cally kaya sinamaan niya lang ito ng tingin.

"Kahit naman anong tanggi kong hindi ako desperada 'yon pa rin ang labas ko dahil sa kagustuhan kong maibigay ang gusto ni Lolo," sabi ni Cally sa blangkong ekspresyon.

"Mahal na mahal mo talaga ang Lolo mo," puna ni Vin habang titig na titig siya sa mga mata nito.

"Siya lang ang nag-iisang pamilyang meron ako," sabi ni Cally.

"Pero handa ka rin bang masaktan siya kapag nalaman niya na kumuha ka ng lalaking bayad ang serbisyo?" may pangungunsensya sabi ni Vin na siyang ikinangiti ng mapait ni Cally.

"Kagaya nga ng sinabi ko sa 'yo kanina hindi 'yon mangyayari dahil pananatilihin nating lihim ang lahat sa pagitan nating tatlo ng kaibigan kong si Ellise," sabi ni Cally.

"Gusto kong pag-usapan naman natin ay 'yung mga possible na p'wedeng mangyari incase na naipakilala mo na 'ko sa Lolo mo," sabi ni Vin na siyang sinangayunan din naman ni Cally.

"Sasabihin ko na nga sana naunahan mo lang ako, so, let's discuss the possibilities gaya na lang ng pagkakaroon ng baby after marriage," sabi ni Cally na siyang ikinabigla ni Vin.

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Mizel Dagani
how to unlock
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status