Share

Chapter 14

"Hanggang kailan ka titira dito sa condo ko? May sarili ka namang bahay bakit dito ka pa naglalagi?" reklamo ni Ryan sa kaibigan.

"Pinagtatabuyan mo na 'ko?" tanong ni Vin na may himig ng pagtatampo.

"Hindi sa gano'n man, muka na kasi tayong mag-live in!" angil ni Ryan ka ikinatawa lang kanyang kaibigan.

"Malungkot kasi mag-isa sa bahay kaya gusto ko may kasama, ayaw mo naman sumama sa 'kin para doon ka na tumira," katwiran ni Vin na ikinailing ni Ryan.

"Bakit hindi mga magulang mo ang yayain mong tumira kasama mo?" tanong ni Ryan ngunit tila nag-iba ang timpla nito.

"Para namang hindi mo alam, si Daddy lang ang biological father ko hindi ang madrasta kong 'yon. Paano ko sila patitirahin sa bahay ko? Kung si Daddy lang naman ay siguradong hindi siya papayag na hindi kasama ang muka niyang perang asawa," tabang na sagot ni Vin.

"Malaki pa rin talaga ang galit mo sa bagong asawa ng Daddy mo, ano?" tanong ni Ryan.

"After my Mom died, wala pang isang taon nang biglang lumitaw ang babaeng '
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status