Share

Chapter 46

"Dati po akong umakyat ng ligaw sa apo niyo, hindi niyo na po siguro ako natatandaan kasi dalawang taon na po ang nakakalipas," sagot nito kay Don Frederico.

"Norman? Ikaw na pala 'yan? Hindi kita nakilala. Pumayat ka ata? Nagkasakit ka ba?" may gulat sa tanong ng Don nang mapagsino niya ito.

"Ah, eh... o-opo nagkasakit ako eh, kaya ganito," pagsisinungaling ng lalaking si Norman pero ang totoo, dahil sa bisyo.

"Talaga bang nagkasakit ka lang?" sarkastikong singit ni Vin dito kaya pinanlakihan siya nito ng mata na ibig iparating na manahimik siya.

Tumango na lang si Frederico bilang tugon sa sinabi nito ngunit ang totoo halata niya naman na nagbibisyo ang lalaki at laking pasalamat niya, hindi ito sinagot ng apo niya.

"Kamusta na po si Cally, Sir? May boyfriend na po ba siya? O asawa?" tanong ni Norman na tila interesado pa rin sa dalaga hanggang ngayon.

"Ikakasal na ang apo ko, she has a fiance," sagot ni Frederico at kahit single man ang apo niya hindi naman siya papayag na manligaw
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status