Share

Ups and Downs of Love
Ups and Downs of Love
Author: talesofher

PROLOGUE

This is a work of fiction. Names, characters, places, and events either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locals or persons, living or dead, is entirely coincidental.

---

Copyright © 2021 by talesofher

All Rights Reserved.

---

This story is at its rawest form so expect typographical and grammatical errors.

Contains mature scenes.

Readers discretion is advised.

---

Stay Golden! ✨

Enjoy Reading!

---

Kung mahigpit na ang pagkakahawak niya sa kanyang brief case, mas hinigpitan pa niya ito lalo na nang matapat siya sa kanyang destinasyon.

Ang kanyang gagawin ay taliwas sa kanyang sinumpaang tungkulin. Ang kanyang gagawin ay makakasira sa reputasyon ng kanyang pinagtatrabahuan lalong lalo na ang reputasyon niya.

Umiling siya at pilit na iwinaksi ang kanyang mga alalahanin. Kailangan ko 'to. Hindi lang naman ako ang gagawa nito. Sa larangan ko, maraming tao ang gumagamit ng awtoridad upang makapanlamang.

Tumingala siya at muling binasa ang pangalan ng kanyang destinasyon. José, ngalan ng restaurant.

Pagkapasok sa loob, agad niyang napuna na ito ay isang kainan para sa mga mayayaman. Mula sa mga nagkikintaban at naglalakakihang chandeliers hanggang sa mga velvet couch, hindi maipagkakaila na lugar nga ito ng mga mayayaman. At dahil dito, malaking tao ang kanyang babanggain, walang pagdududa riyan.

Iginala na niya ang kanyang paningin at nang makita ang hinahanap, huminga siya ng malalim. Ito na ang simula.

Naglakad siya papunta sa kinauupuan nito at agad na umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan niya. Natigilan ang lalaking kaharap niya sa pagkain at tiningala siya ng may bahid ng pagtataka sa mukha.

"Excuse me, but I think you're at the wrong table," puna nito.

Imbis na sumagot, isang kapirasong papel ang iniabot niya rito. Dahan-dahan pang inabot ito ng lalaking kaharap niya. Hindi niya kaagad ito binasa, bagkus pasalin-salin ang kanyang tingin sa papel na hawak at sa lalaking kaharap.

"Open the paper, Timothee, and you'll get your answer," ani ng lalaking may brief case.

Ginapangan ng kaba si Timothee sapagkat kilala siya ng lalaking kaharap ngunti hindi naman niya ito kilala. Mabibilang lamang sa daliri ang mga taong tumatawag sa kanya sa ngalan na 'yan.

Dahil sa kaba, dahan-dahan niyang binulatlat ang papel at may pangalan na nakasulat rito. Pagkabasa niya, nakilala na agad niya ang lalaking nag-utos na gawin 'to sa kanya.

Nagawa na ngayong ngumisi ni Timothee. Habang nakatingin sa lalaking kaharap, inipit na niya sa kanyang kamao ang hawak na papel at ibinato sa lalaking kaharap.

"Tell your employer I'm not afraid of him," there was now confidence in his voice.

Huminga ng malalim ang lalaking may brief case at umiling. This is why he hired me. Ipinatong niya sa mesa ang dalang brief case at kinuha mula rito ang isang sobre. Nag-angat siya ng tingin at iniabot kay Timothee ang sobre.

"This will be the consequence."

Kunot-noong inabot ni Timothee ang sobre. Dahan-dahan niyang sinilip ang laman nito at nang masilayan na, para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga nilalaman nito.

"No, no, no," bakas na ngayon sa kanyang boses ang takot.

Nagawa naman na ngayon ngumisi ng lalaking kaharap niya. Ang nilalaman lang naman ng sobre na iyon ay mga larawan ni Timothee at isang babae na hubu't hubad. They were having the time of their lives at a hotel. 'Til his employer came around.

Pinunit-punit ni Timothee ang mga larawan at matalim na tinitigan ang lalaking kaharap.

"Demonyo ka! Kayo ng lalaking kakonchaba mo!"

"We only have two options here, Timothee. One," itinaas ng lalaki ang kanyang hintuturo, "you know what to do with the person who's listed on that piece of paper or two," itinaas na niya ngayon ang kanyang hinlalato, "those pictures get out. Marami akong kopya niyan. Gusto mo padalhan pa kita? Soft or hard copy?"

"I'll sue you! Blackmailing ang ginagawa niyo!"

"Go ahead. Just know that I'm not someone to fuck with so is my employer. Sue me and there will be hell to pay," walang kasing lamig ang kanyang tono.

The odds were never in your favor, bulong ng lalaki sa kanyang isip habang nakikita kung paano naguguluhan at natatakot si Timothee sa kanyang sitwasyon.

"Kumusta si Ellen?" Dagdag pa nito

Umigting ang panga ni Timothee at nagpantig ang kanyang tainga sa narinig. "Never threathen a man's family. Narinig mo na ba ang kasabihan na 'yon, totoy?"

Ngumisi naman siya. "How about Carlton? Ilang taon na ba siya 5 or 6?"

"Huwag mong sasaktan ang pamilya ko!"

"You see, Timothee, I won't hurt your family. You'll be the one to do that."

Napailing si Timothee at napapikit ng mariin. Sinimulan niyang hilutin ang kanyang sentido. I should've known better, tinig ng boses sa kanyang isipan. The man this guy's working for is a spawn of the devil.

"Ikaw ba naman kasi, out of all the women in the world, kapatid pa talaga ng asawa mo ang ginawa mong kabit," ani ng lalaking kaharap niya.

"Kapag ba ginawa ko 'yan mawawala na ang mga litrato?" Hindi makapaniwala si Timothee na lumalabas mula sa kanyang bibig ang mga salitang 'yan.

Ngumisi ang lalaking kaharap niya. "Yes and you'll never see me again."

Inilabas na ni Timothee ang kanyang cellphone. Tumayo na ang lalaking kanyang kaharap at nagawa pa nitong ilahad ang kanyang kamay.

"Nice working with you, Timothee," sarkastiko nitong saad.

Inirapan na lang siya ni Timothee at itinuon na ang atensyon sa taong tatawagan sa kanyang cellphone.

The man with the brief case heaved a sigh of relief the moment he stepped out of the restaurant. Tapos na din. Inilabas na niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang lalaking may dahilan bakit siya nalagay sa sitwasyon na 'to. The man on the other line answered on the second ring.

"Give me some good news, Steve," an impatient voice on the other line commanded.

"Tapos na. Nagawa ko na. All you have to do is wait."

"No wonder your agency recommended you," pagpupuri ng lalaki sa kabilang linya kay Steve.

"Basta tumupad ka sa usapan. My daughter gets attended by the best doctors this country has."

"Already, done. Steve, I hope we never see each other again."

"Iyan din ang ipinagdarasal ko."

Ibinaba na ng lalaki sa kabilang linya ang kanyang telepono. Standing on his balcony with a glass of whiskey in one hand, a smile crossed his face, a gesture that he hasn't done in a while. I've planned for this my whole goddamn life. I am not losing this time.

Ininuman na niya ang basong may alak at nilasap ang malakas na hampas ng hangin sa kanyang katawan.

"Let the disaster unfold."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status