Share

05

Pierre's statement made it difficult for me to sleep well. Seryoso ba siya noong sinabi niya 'yon? Bakit niya naman gagawin 'yon? Hindi niya ba nahahalata na kahit na katiting na atensyon o pake galing sa kanya ay ayaw ko? He's only making a fool of himself.

I stood as my alarm clock beeped. Laking gulat ko naman nang makita ko na nagluluto na si Ada ng almusal.

"Well, what a surprise." Nilapitan ko siya at ngumisi. "Well, its about time, Ada."

Inirapan naman niya ako't ibinalik ang atensyon sa piniprito niyang tapa.

"Concerned lang ako sa 'yo, Calli. After what happened last night, alam ko na hindi ka nakatulog ng ayos."

She read my mind correctly, making me heave a heavy sigh.

"Sinalanta tayo ng bagyong Pierre and who knows, baka bumalik na naman 'yon. Hindi ko alam kung makakapagtimpi pa 'ko."

"Ada," panimula ko, "if I have to file a restraining order against him para lang layuan niya 'ko, gagawin ko. He has no room in my life."

I felt in such a bad mood at 6:30am. Hindi ko kwinento pa kay Ada ang lakad namin ni Lev. I don't want to hear her imaginations.

*****

"Hindi ka pa ba aalis?" tanong ni Ada nang matapos na siya mag-ayos.

Nakakapagtaka naman talaga samantalang lagi akong nauunang umalis sa kanya.

"Mr. Sefiro gave me a few hours to polish some designs."

"Well, then, aalis na 'ko, dear." Yumakap na si Ada sa 'kin at bumeso. "Bye, bye."

"Bye, bye."

Pagkaalis niya, nagsimula na akong mag-ayos. 9am na at sabi ni Lev before 10am daw siya dadating. Time moved swiftly. It was already 9:50am when my phone rang and Lev's number was registered.

Hey, Calli. Good morning.

Good morning, too, Lev.

Nandito na ko sa labas ng

apartment mo.

Ok. Palabas na ko. Bye.

*CALL ENDED*

Ni-lock ko na ang apartment namin at nagtungo na palabas. Laking gulat ko nang makita na may Mustang na naka-park sa labas ng bahay namin. And there he was, leaning on the hood of his car with his hands in his pockets. Seeing him in a fit black t-shirt and faded pants made me feel overdressed in my baby pink maxi dress.

"Calli," saad ni Lev nang magtama ang mga paningin namin.

"You really didn't have to, but thank you, Lev," I said.

"Non-sense," then he gestured to his car. "Shall we?"

Tinanguan ko naman siya at nagpunta na sa shotgun seat. He opened the door for me that made my heart leap. Pumasok na ko sa loob at agad napansin ang panglalaking pabango na hindi naman ganoon katapang.

"I have great news," sabi ni Lev nang magsimula na umadar ang kanyang sasakyan.

My ears perked up at the words 'great news'.

"My friend, Zion Laurent, will be more than willing to meet you pagkatapos natin sa art gallery." Lev's eyes twinkled when he glanced at my direction.

Gusto ko maiyak dahil sa tuwa. Grabe, nag-uumapaw ang blessings na natatanggap ko!

"Nako, Lev, salamat talaga sa 'yo," I was so delighted, I could hug him right now. "Hulog ka ng langit!"

A deep chuckle escaped his mouth. His eyes twinkled with glee. Napapalakpak pa ako dahil sa sobrang tuwa.

"I told you, Calli, hindi ako ang may gawa n'yan. You're simply the best at what you do."

"Aba, binola pa 'ko."

"Seriously, Calli," natawa pa siya, "I've never met such a beautiful and talented woman like you."

I felt my face flush red. Is he hitting on me? I let out a forced laugh. Mukha na siguro akong kamatis dahil sa pamumula ko.

"Natahimik ka 'ata," puna niya nang itinuon ko na ang atensyon ko sa daan na tinatahak namin

"Nabigla ka 'ata when I called you beautiful." He glanced at my direction with a smile that can melt a heart. "Just so you know, I mean it."

Naramdaman ko ang pagkalabog ng puso ko. Why is he saying that? I didn't know how to react, so I just kept my mouth shut, hoping that he wouldn't notice it. Buti na lang tumigil na kami sa harap ng isang building.

"We're here," anunsyo niya at tinanggal ang kanyang seatbelt.

Sinubukan ko naman tanggalin ang akin pero mukhng na-stuck. Ano ba naman 'yan? Wala kasi kaming ganito, e.

"Wait, let me."

Tinulungan ako ni Lev na tanggalin ang seatbelt ko at nagawa niya 'yon sa ilang segundo lang. I tilted my head to thank him when the tip of my nose bumped into his.

We remained staring at each other for a split second. His minty breath lingering in my nose. His hazel-brown eyes shining through the sunlight. Bahagya akong napaatras.

"Uh, t-thank y-you." I bit my lower lip as I began to stammer.

"No worries," he casually said.

Bumaba na agad ako ng sasakyan. Nang makalabas ako, nakahinga ako ng maluwag.

"Tara na?" anyaya ni Lev and I replied with a nod.

The inside of the building was spacious. May stage na nakalagay sa harapan. May mga silya at mesa na nasa gilid na nakataob.

"Ang luwag dito," I said,  glancing at the entire room. "Ilan ba ang dadalo?"

"Uh, siguro mga 300? Depende pa din."

Naglakad pa kami ni Lev hanggang sa makarating kami sa may gilid ng stage. The room was labeled Studio. Lev slid a key and turned it. Nang bumukas 'to, my jaw literally dropped open at the scene.

The room was filled with paintings, sculptures, at kung ano-ano pang may kinalaman sa art. Lumapit ako sa mga artworks ni Lev, taking my time in appreciating the beauty in front of me. Karamihan sa gawa niya abstract.

"Wow." I couldn't come up with a better word to express my amazement.

What stood out the most for me was a sculpture of a woman. Kasingtangkad ko ang sculpture. It was somehow a nude sculpture. Naka-krus ang kanyang mga braso upang matakpan ang kanyang dibdib at ang isang mukhang dahon ng saging ang nagsisilbing pang-ibaba niya.

"You like Cèleste?"

Napalingon naman ako kay Lev, snapping back to reality.

"Excuse me?"

He smiled and looked adoringly at the goddess-like sculpture.

"Cèleste. That's her name."

"It suits her. I like her."

"And I love her," he whispered.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakadama noon pero parang may iba pang kahulugan 'yong 'And, I love her' ni Lev. Maybe the elite bachelor's already a taken man after all. Nawaglit ang aking atensyon nang may tumunog na cellphone. Lev dived into his pocket and retrieved his phone and excused himself to answer the call before going out.

Itinuon ko naman ang atensyon ko kay Cèleste. Para bang hindi isang estatwa ang tinititigan ko kung hindi isang tunay na tao. Pakiramdam ko na baka sa sobrang tagal kong nakatitig sa kanya, bigla na lang siyang gagalaw at kakausapin ako.

"Zion said we can meet him at the resto."

Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita si Lev. Napahawak ako sa dibdib ko at pinakalma ang dumadagundong kong puso. Kumunot ang noo ni Lev at lumandas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Are you alright?"

Tumango ako at nagawa nang ngumiti.

"Nagulat lang."

He pointed the door with his thumb. "You ready to meet your new client?"

Lumapad ang ngiti ko at tumango. "Let's go."

*****

José was jampacked as usual. Ginapangan ako ng kaba pagkapasok namin dito. Paano kung hindi magustuhan noong kaibigan ni Lev ang gawa ko? Baka masungit 'yon.

"Ah, Mr. Tavarella." Isang lalaking naka-polong puti with matching black bow tie and black slacks ang lumapit sa amin. "Mr. Zion is waiting for you in the VIP Lounge," sabi niya at imwinestra sa amin ang daan.

"Thanks, Lionel," sabi ni Lev at tinapik pa ang lalaki sa balikat.

Naunang naglakad si Lev. We walked a set of stairs hanggang sa makarating kami sa floor kung saan may mga mas magagarang set of furnitures. The couch here were velvet and navy blue and the tables were tinted black. Sa far side ng floor na 'to, mayroong bar. Kung maingay sa baba, dito naman walang kasing tahimik dahil konti lang ang mga tao. Classical music was playing on the background. Pakiramdam ko mas mahal ang pagkain dito.

"Lev!" Napalingon kami sa nagsalita.

A man wearing a nude-colored polo and faded jeans was walking towards us.

"Calli, I'd like to introduce you to Zion Laurent, executive chef of José," pagpapakilala ni Lev.

He smiled, flashing his pearly white teeth at me. Inabot niya ang kamay niya sa akin na malugod kong tinanggap.

"It's nice to finally meet you, Mr. Laurent."

Umiling siya at mas lumapad pa ang ngiti. "Drop the formalities. Please call me Zion."

"Then you may call me Calli."

Ginabayan kami ni Zion papunta sa isang mesa. Itinaas niya ang kanyang kamay upang tumawag ng waiter at kaagad naman na may dumalo.

"Specials," sabi nito sa waiter na lumapit at tinanguan siya.

"Mr. Laurent, I mean Zion." Medyo natawa pa siya. "Sorry, hindi kasi ako sanay."

"It's alright, Calli, pero dapat masanay ka na, magiging magkatrabaho na tayo."

"So, pumapayag ka na kahit wala pa akong nape-present?" Hindi ko mapigilan ang excitement sa boses ko.

"Yes, Calli. Pumapayag na 'ko, plus, this man highly recommended you. Hindi naman gagawin ni Lev 'yon kung hindi ka pumasa sa standards niya."

I felt giddy and adrenaline started to rush throughout my body. After an hour of simultaneously eating and talking business, I finally closed another deal.

"The menu for the VIP lounge," pag-uulit ko kay Zion.

Tumango siya. "Yup. Tapusin mo na muna 'yong kay Lev bago sa akin."

"Maraming salamat talaga, Zion. Pagbubutihan ko ang trabaho ko."

"Nako, Calli, don't mention it. Nga pala, kung okay lang maiwan ko na kayo dito, kailangan pa kasi ako ni Dad."

"Oo naman, okay na okay. Salamat ulit."

Isang malapad na ngiti ang iginawad ni Zion sa amin at bumaling na kay Lev. Tinapik niya ito sa balikat.

"Sige, Z. Salamat ulit." Pagkatapos noon ay umalis na si Zion.

Ibinaling ko naman ang buong atensyon ko kay Lev. Isang malapad na ngiti ang iginawad ko sa kanya dahil sa tuwang nararamdaman ko.

"Thank you, thank you, Lev!"

Napakamot naman siya sa batok niya at napangiti ng bahagya.

"It's the least I can do. You really deserve it."

Bago pa maproseso ng utak ko ang gusto kong gawin, ipinulupot ko na ang mga braso ko sa leeg ni Lev at ikinabig palapit sa akin para mahagkan ko.

Nang mapagtanto ang ginawa ko, agad akong pumiglas at nag-iwas ng tingin. I saw Lev staring at me through my peripheral vision.

"S-sorry, n-nat-tuwa l-lang," kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang panginginig ng boses ko.

"Don't be," malambing niyang sagot.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang malapad na ngiti ni Lev na nakapagpapula sa pisngi ko.

"I kinda like it. Like a lot."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status