Share

28

Pagkadilat ko ng mga mata ko, nagulat ako dahil madilim pa rin sa paligid ko. Madaling araw pa lang ba?

Rinig ang lakas ng ulan at hangin mula sa labas. Kaya naman pala makulimlim at nakidlat kasi may bagyo at sa tingin ko nandito na ang bagyo. Inabot ko ang cellphone ko at nakita na alas siete y media na pala ng umaga pero parang alas kwatro pa lang ng madaling araw.

Nag-unat ako at nagtungo na ng banyo para mag-toothbrush. Pagkatapos, nagtungo na ako sa may kusina at nakita na nanonood ng balita sina Mama at Papa. Paniguradong tulog pa si Meiz.

"Oh, gising ka na pala, anak," saad ni Mama.

Tumabi ako sa kanila at nakinood na muna. Signal #2 na rito sa 'min at hanggang bukas ng madaling araw tatagal ang bagyo. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status