Share

01

Corner Stone Advertising Agency

Iyan ang ngalan ng kumpanya na hindi nangahas na tanggapin ako. Pagkatapos ng apat na taong pagtanggap sa mga linyang “Tatawagan ka na lang namin” o ang pinakamasakit, “Napag-utusan lang kami,” ay napalitan na rin ng "Congratulations! You're hired!"

This is the new beginning I’ve been waiting and praying for the last four years.

Pagkatapak ko sa elevator, nakadama ako ng adrenaline rush. Hinding-hindi ko ipapahiya ang kumpanya na ‘to. They may not know it but I owe them big time. Dahil sa kumpanya na ‘to, maraming pinto na punung-puno ng mga oportunidad ang magbubukas para sa akin at lahat ng ‘yon ay papasukin ko.

I held my head high when the elevator doors opened on the 4th floor. Flashing my brightest smile, I walked to my boss’ secretary. “Good morning, Ms. Shanon!”

Her eyes shot up at parang inirapan niya pa ‘ko. Okay, someone’s not in a good mood. 

“Buti naman at dumating ka na, kanina ka pa hinahanap ni Mr. Sefiro.”

Napakunot naman ang noo ko. Hindi naman ako late para hanapin agad ni Mr. Sefiro. Ginapangan ako ng kaba at nagsimulang magpawis ang aking mga kamay, isang mekanismo na ginagawa ng aking sistema tuwing kinakabahan o kaya naman natatakot ako. Matatanggal na ba agad ako sa trabaho?

“Alam mo naman na kung saan iyon,” saad niya habang nakataas ang isang kilay, “o gusto mo ihatid pa kita?"

“Hindi na po, alam ko na po,” sabi ko at nilunok ang namumuong kaba sa aking lalamunan. “Alam niyo po ba kung bakit niya po ako pinapatawag?”

Bumuntong-hininga naman si Ms. Shanon at tamad na tinignan ako. “Siguro may sasabihin siya,” nahimigan ko ang sarkasmong tono niya, “o baka gusto mo puntahan ko pa si Mr. Sefiro para sa ‘yo?”

Umiling na lang ako at pinihit na ang daan papunta sa opisina ni Mr. Sefiro. Pakiramdam ko hindi ko makakasundo si Ms. Shanon. Habang naglalakad papunta sa opisina ni Mr. Sefiro na nasa pinakadulong bahagi ng palapag na ‘to, isang malaking ngiti ang iginagawad ko sa mga taong nakakasalubong ko.

Puro cubicle kasi dito at per department ang hanay. Ang tanging kwarto dito bukod sa CR at conference room ay kay Mr. Sefiro. When I got to Mr. Sefiro's office door, I flattened the non-existent creases on my white blouse and black slacks before knocking gently.

“Come in,” tinig ni Mr. Sefiro at pinihit ko na ang doorknob.

“Hello, Ms. Montecillo! Good to see you,” bati sa ‘kin ni Mr. Sefiro at tumayo mula sa kinauupuan upang kamayan ako.

“Good to see you as well, Mr. Sefiro,” at tinaggap ko ang kamay niya.

“I already have a client for you."

Parang nabunutan naman ako ng tinik sa sinabi niya at muli akong nabuhayan ng loob. Thank God! Hindi ako maaalis dito and finally, a break in my career.

“Tumatak sa 'kin ang portfolio mo when you applied here, that’s why you’ll be working on this project alone.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Mag-isa lang ako? Kakayanin ko ba ‘yon? First project ko tapos mag-isa lang ako?

“Think of this as a test,” ani Mr. Sefiro sabay abot sa akin ng isang folder. "Lahat naman ng empleyado ko dito dumaan sa stage na 'yan."

Binuksan ko ang folder na naglalaman ng mga detalye na nais ilagay sa mga invitations.

"Don't worry, you'll be reporting to the Art department head kasi sila ang gagawa para sa posters para tugma kayo," dagdag pa niya.

Hindi ako papalya dito. I’ll give my best on the first client at hindi mapapahiya ang kumpanya na ‘to at mas lalong hindi ko ipapahiya sarili ko.

“One of our loyal clients, Mr. Tavarella, contacted me yesterday and he’s going to host another charity ball. This’ll be the third time that our company will be working with him. You'll be meeting him tomorrow," saad niya sabay abot ng papel. 

It’s Mr. Tavarella’s business card. Lev David Tavarella ang buong pangalan niya at contact number at e-mail address niya ang nakalagay doon. I flipped it and there was José written on the back.

“José? Ito po ba ‘yong restaurant na malapit dito?”

“Yes. D'yan kayo magkikita bukas at 10am to discuss any other details and answer some of your questions.”

"Hindi ko po ba kasama Art Department?"

"Nope, like I've said, you'll be working on that alone."

I’m always up for a challenge. This is the shot I’ve been waiting for the whole time and I’m going to make it count. 

Iginiya ako ni Mr. Sefiro papunta sa cubicle ko na nakahanay sa Art Department. Nagkawayan at nagngitian naman kami ng mga taong makakasama ko sa departamento na ‘to.

“Ms. Montecillo, these are the people from the Art Department. This is Ms. Merriam Agoncillo, the department head,” at nagtanguan kami. “I'll leave the rest of the team's introduction to Ms. Agoncillo. Kayo na bahala kay Ms. Montecillo.”

“Salamat po, Mr. Sefiro," sabi ko.

Ipinatong ko na sa mesa ko ang mga gamit ko at binuksan na ang computer pagkaalis ni Mr. Sefiro.

"Ikaw ba 'yong gagawa ng invitations para sa charity ball ni Mr. Tavarella?" tanong ni Ms. Merriam.

"Opo."

“Congrats, Ms. Montecillo," ani niya.

“Calli na lang po itawag niyo sa akin.”

“Well, let me introduce you to our team." Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. "That's Sienna. Tapos 'yan si Millie, then si Regan, si Miles, at si DK." Nagngitian at nagtanguan naman kami.

“Welcome to the team, Calli!” bati ni Sienna na katabi ko lang ang cubicle.

“Thanks!"

I busied myself by doing layouts for invitations. Kasama sa folder na nakalagay ang mga tema at color palette na gusto niya—black, silver, red, at gold. Then, a thought crossed my mind.

"Uh, Sienna," tawag ko sa katabi ko.

Nilingon niya 'ko mula sa pagdo-drawing niya.

"Curious lang ako, how's the experience working with Mr. Tavarella? Mataas ba standards niya? I'll be meeting him tomorrow kasi."

Lumawak naman ang ngiti ni Sienna at umiling. 

"Masaya siyang katrabaho. Hindi mataas standards niya kaya 'wag ka mag-alala."

Tumango-tango ako.

"Alam mo ba, kahit big time 'yon he doesn't treat us like we're just employees. You know what I mean? Nakikisalamuha siya sa amin at nakikipagtawanan. We've worked with clients who have superior-mentality at ibang-iba si Mr. Tavarella sa kanila."

"Saan ba siya nagtatrabaho at nabanggit mo na big time siya?"

"He manages Le Grand Ciel Hotel-Muntinlupa."

Isang pamilyar na galit ang nagsimulang dumaloy sa aking sistema. Dahil sa pamilya na may-ari ng hotel na ‘yan, hindi ako nakahanap agad ng trabaho. They basically took my life from me. I didn’t realize that I was tightly gripping my pen ‘til it broke in half.

"Calli, okay ka lang?" sinserong tanong ni Sienna.

Ngumiti ako at tumango. Itinuon ko na lang ang mga mata ko sa aking computer screen. Then, I took a deep breath to calm myself.

Leave the past behind. Eyes on the present. Heads up to the future. You’ll be working with the one who manages it, not the ones who own it. Get your shit together, Calli!

*****

"Ingat kayo," sabi ko sa mga kasamahan ko bago bumaba ng jeep.

It was now 7pm and I wasn't able to focus well on my layouts. Sinasabi ko na lang kay Ms. Merriam na nabigla lang ako sa project na ibinigay sa akin and that's the truth.

Hindi muna ako dumeretso sa apartment namin ng bestfriend ko dahil dadaan muna ako sa isang café at doon ipagpapatuloy ang trabaho ko. I really want to impress Mr. Tavarella badly. I need this job and this break.

"Welcome to Café Bonjour," bati ni Ely, isa sa mga kahera ng paborito naming café ng bestfriend ko.

Lumapit na 'ko sa counter. "You know, the usual," sabi ko at nginitian niya 'ko. Sa sobrang dalas ko dito, kabisado na niya order ko.

"Here's your iced almond latté," sabi ni Ely at inabot ko na din sa kanya ang bayad. 

"Thanks," and I proceeded to my seat.

Binuksan ko na ang laptop ko and connected my earbuds to my phone. While working, nagpapatugtog ako ng classical music dahil mas nakakapag-concentrat­e ako at mas ginaganahan. 

As soon as my laptop opened, I began to work. I got so invested sa pagtatrabaho kaya 'di ko namalayan na 9pm na pala. Kaya naman pala pakiramdam ko gutom na 'ko. I've been here for two hours already. 

I got up and ordered a blueberry cheesecake and another iced almond latté. Pagkabigay ng order at bayad ko, I got back to my place and did my layouts again while alternating sa pagkain. Buti na lang 24/7 ang café na 'to.

All of a sudden, someone placed a coffee mug in front of me.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko and the man in front of me mouthed "May I sit with you?" while gesturing to the vacant seat in front of me. 'Di man lang niya hinintay ang sagot ko at umupo na agad siya.

Iritado kong tinanggal ang earbuds ko at lumipat ng upuan. I heard him chuckle behind me. I was on the verge of crying because of anger. Hindi ka na maaapektuhan sa kanya, Calli. It's been four years. The ghosts of the past won't haunt me anymore.

"Well, I missed you, too, Calli." 

Lumipat din siya sa bakanteng upuan sa harapan ko. Ngayon, taas noo ko siyang hinarap at hindi nagpakita ng bahid ng kahit anong emosyon.

"What the do you want, Pierre?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status