Share

KABANATA 2.

Serenity/Serin's POV

Welcome back U.P. Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin ngayon sa paaralang pinapasokan ko.

Nandito ako ngayon sa harapan ng isa sa mga kilalang unibersidad sa Pilipinas, ang University of the Philippines dito sa Diliman, Quezon City sa Manila. I'm so blessed because I have full scholarship in this prestigious university. Sa dinami-dami nang nagnanais na makapag-aral dito, isa ako sa pinalad. I'm really thankful with God for this opportunity. Now I'm taking BS Architecture course. This is my mother's dream for me, and also my dream too.

Someday I'll see myself as a licensed Architect and managing some of  field projects from local government that I'm working for.

"Pero ngayon kailangan ko muna makapagtapos sa pag-aaral. Kaya dapat na 'kong magmadali dahil baka malate na 'ko." Bumalik ako sa reyalidad nang mapagtanto ko'ng nagde-daydream na naman ako. Hays, nagiging hobby ko na 'yan.

Nagmamadali na ako sa paglalakad when I suddenly saw the girl that I missed these past few months. Tumakbo siya patungo sa 'kin at niyakap ako nang mahigpit.

"Besh, namiss kita." Yakap-yakap pa rin niya ako nang sinasabi niya 'yon.

Nang kumalas kami sa pagyayakapan. "Dalawang buwan lang tayong hindi nagkita ah. Akala mo naman sampung taon tayong nagkahiwalay." B'welta ko sa kanya. "But I missed you too besh. Ba't 'di ka na nagparamdam sa 'kin ha? No text, calls, o kahit chat sa F******k wala manlang. Magtatampo na nga sana ako sa 'yo kasi feel ko kinalimutan mo na 'ko." Nagsad face pa ako para mas feel naman ang pagdadrama ko.

Si Phineloepy ang natatangi 'kong bestfriend dito sa Manila since nag-aral ako dito sa university. Medyo maliit ang height niya kaysa sa 'kin. Mapungay ang kanyang mga mata at maliit rin ang labi niya na hugis puso. Bilugan ang kanyang mukha pero maliit ito, tapos lampas balikat lang ang bouncy hair. Maganda rin ang hubog ng katawan niya at maputi ang balat. In short she's a pretty and cute at the same time. Kung lalaki nga siguro ako baka crush ko na siya, e. Kaso ipinanganak kaming parehas ang kasarian kaya 'di p'wede 'yun. Hindi kami itinadhanang maging lovers. Kadiri. Joke. Siguro destiny talaga kami ni besh as BFF. Best Friend Forever. Kahit ang totoo wala naman talagang forever. Duh.

By the way. Nakilala ko siya dahil sa pinsan niya na schoolmate ko. After that we're very close now and our treatment to each other is like siblings.

"Eh. Sorry naman besh. Napakabusy ko lang talaga no'ng nakaraang buwan. Biglaan kasi ang pag-uwi namin sa probinsya dahil nagkasakit ang Lola ko. Tapos ayun." Naging malungkot ang kanyang mukha na kanina lang ay masaya no'ng magkita kami. "Wala na si lola besh. Sa sobrang katandaan niya siguro kaya hindi na nakayang pagalingin siya. Iniwan niya na kami." Maluha-luha na ang mata niyang nagkukwento.

"Sorry besh hindi ko naman alam. Condolence sa inyo besh." Niyakan ko siya'ng muli.

"Ayus lang besh. Tanggap na naman namin. Ang mahalaga hindi na ngayon nahihirapan si lola." Ngumiti si besh sa 'kin pero hindi pa rin mawala ang lungkot ka kanyang mga mata.

I suddenly looked at my wrist watch when I realized that I'm getting late for my first subject this morning.

"Naku besh tara  na muna. Mamaya na tayo magchikahan dahil baka malate na tayo sa klase." Dali-dali na kaming naglakad papunta sa kanya-kanya naming building.

Pheney (her nickname) and I ain't schoolmates. Nursing ang course na kinuha niya. She's 4th year student right now. Mas ahead ako sa kanya nang one year.

"Sige besh dito na lang ako. Diyan na 'yung building ko, e. Baka gusto mo pa akong ihatid?" Natatawa niyang tanong sa 'kin

"Okay. Kita na lang tayo mamaya."

Pumunta na 'ko sa architecture building kung saan naroon ang room ko. Mabuti na lang hindi pa ako late kasi halos magkasabay lang kami ng teacher namin sa first subject.

Pagkahanap ko sa upuan ko dumiretso na 'ko do'n at naupo. Sa bandang dulo ang upuan ko malapit sa bintana sa right part ng classroom namin.

"Psst." Si Luke.

Nilingon ko kung sino 'yung nag 'psst' sa 'kin. Ito pa lang bayot na pinsan ni besh. Magkatapat lang kami ng upuan. Luke is the only guy (or should I say a Gay) na kaclose ko sa mga kaklase ko. At siya rin ang tinutukoy ko na dahilan kung ba't kami nagkakilala ni besh.

"Oy, 'musta?" I greeted him with smile.

"Ito cute pa rin. Ikaw ba?" With confident pero pabulong niyang sagot sa akin. Baka kasi mahuli kami ni teacher na nagchichismisan dito sa klase. Mabuti na lang nagsusulat siya ngayon sa white board.

"Ayus lang din naman ako. Nagkita nga pala kami ni besh kanina sa entrance nitong university."  I replied.

"I see. Kaya pala muntik ka nang malate, e. Nakita mo na naman yung bruha na 'yon. Sina-"

"Good morning class. Welcome back. It's our first day. So I expecting that there's no absent for today." Naputol ang chikahan namin ni Luke nang mag-umpisa nang magsalita si Ms. Buena. Our youngest teacher here but one of the smart and strict teacher too.

"Oh, well. I think wala namang absent. That's great. Since you are graduating and this is your last year as an architect students it doesn't mean that you can be relax because it's your last year. In fact, this is the hardest part of being an architect students. Your school works, stuffs, and activities wouldn't be lessen. Unfortunately, you'll be having times two of school works than your last school year."

Nakikinig lang kaming lahat kay Ms. Buena. Pansin ko sa iba kong mga kaklase na halatang nadismaya at nalungkot sila no'ng narinig nila ang sinabi ng teacher namin. Nag-expect siguro sila na papetiks-petiks na lang kami this year.

"By the way. Mr. Ramirez submitted his resignation files to Dean's office lately. He will go to America and continue his career there. So, magkakaroon kayo nang new teacher na papalit sa kanya to handle his subject. Maybe this week or next week pa siya magtuturo dito." Pagbabalita ni ma'am sa amin.

"Ok. Let's cut this conversation. Tama na muna ang chikahan. We have to start our class. Copy these before I'll discuss." Tinuro niya ang white board na sinulatan niya kanina.

Ugali na talaga ni Ms. Buena na makipagkwentuhan muna bago magturo. Pero kahanga-hanga siya dahil she's one of the young architect teacher in this university. strict and dedicated siya pagdating sa kanyang trabaho. Sabi niya way niya daw ang konting pakikipagkwentuhan para iwas boring sa mga students niya which is effective naman sa 'min.

"Okay class, dismiss."

Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Masyado kasi akong nag-enjoy at naging focus sa klase namin kaya hindi ko alam na hapon na pala. Kung 'di pa sinabi ng Prof. namin sa last subject na uwian na.

After naming ayusin ang aming mga gamit, isa isa na kaming lumabas sa classroom.

"Serin, sabay na tayo." Habol-habol ako ni bekimon Luke.

"Sige. Baka kasi mamaya marape ka dyan sa daan." Pagbibiro ko sa kanya.

Lumaki ang mga mata niya at tumingin sa akin. Magkasabay kami ngayon maglakad papalabas sa campus. "Ay, grabe. Kung mangyare man yun walang mawawala sa 'kin. Baka sa 'yo pa."

Nilingon ko siya. "Subukan lang nila. Kita mo 'to?" Itinuro ko ang kamao ko. "Baka gusto nilang makaface to face itong kamao ko." Parehas kaming natawa sa sinabi ko.

"By the way. Nakuwento sa akin ni besh 'yung about sa Lola niyo. Nakikiramay ako." Pag-iiba ko ng usapan.

Medyo naging malungkot ang ekspresyon ng mukha niya sana huminga ng malalim. "Yeah. Salamat sa pagdamay. Mamimiss namin si Lola." lang siya at binigayan nang makahulugang ngiti. Alam ko kasi ang pakiramadam ng taong nawalan ng mahal sa buhay. Kaya hindi ko alam kung paano ko sila icocomfort ngayon ni besh. Siguro ipaparamdam ko na lang na palagi akong nandito sa kanilang tabi upang damayan sila.

Nang makalabas kami ni  sa university nagpaalam na sa 'kin si Luke at nauna nang umuwi. Mga ilang minuto pa akong nag-abang taxi bago ako nakasakay pauwi sa bahay nila auntie.

Walang tao sa bahay no'ng pumasok ako. Siguro busy pa si tita sa business niya kaya ginabi na naman siya. Si Insan naman ay working student like me kaya malamang dumiretso na iyon sa trabaho niya after sa school. Mabuti na lang may sari-sarili kaming duplicate keys ng pinto nitong bahay.

Pagpasok ko sa kwarto ko nagbihis muna ako ng damit pambahay bago 'ko bumaba sa kusina para magluto ng hapunan. Habang nagpeprepare ako ng lulutuin ko nag-text ako kay besh.

To Beshie ko:

   'Besh, hindi ako makakapasok sa work ngayon ha? Kasi may tatapusin akong plates and assignments ngayon.'

Nang maisend ko ang message ko ibinaba ko na sa table ang aking phone at nag-umpisa na akong magluto. Ilang minuto lang ang nakakalipas. Biglang nag-ring ang phone ko.

Beshie ko' calling....

Sinagot ko ang tawag ni besh.

"Hi?"

"Anong Hi?" pagtataka niyang tanong sa 'kin.

"Palagi na lang kasing 'HELLO' ang isinasagot sa tawag sa phone. Para maiba naman, 'Hi' ang sa 'kin." I explain to her.

"Ay, haha. Sira ka talaga. Anyway, busy ka na pala besh. Akala ko pa naman makakapasok ka ngayon. Pero okay lang, I understand. Sige ipagpapaalam na lang kita kay ate Susy."

"Hindi ka pa nasanay. Alam mo naman na umaabsent talaga ako 'pag maraming school works."

"Oo na. Sige tumawag lang ako kasi I want to hear your voice. Ayiiieee..  Ang sweet ko 'no? Haha. Oh, I need to hang up this call na besh. Work na 'ko. Bye. Love you. Ingat. Mwa!" Pasabihin niya iyong sabihin sa 'kin she ended the call.

"Tsh. Oa talaga. Hindi manlang ako hinintay makapag 'bye' sa kanya. Bruha talagang 'yon." Sabi ko habang nakatingin sa screen ng phone ko.

Pero kahit ganyan ka-OA 'yang best friend ko, mahalaga sa 'kin ang bruha na 'yan. 'Di niya ako nakakalimutan kumustahin, at lagi siyang nandyan para damayan ako sa tuwing may problema at kailangan ko siya. I'm so thankful to have her.

*'A friend loves at all times, and a brother is born for a time of adversity.

Proverbs 17:17 NIV'*

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status