Serenity/Serin's POV. "Tapos alam mo ba pinsan 'yang si besh at 'yung anak ng boss namin ay dalawang beses na pa lang nagkita bago pa mangyare 'yong kagabi. Matatawa ka kung nakita mo sila kagabi. Ito naman kasing si besh lumaban nang titigan. Lumabas ang pagiging suplada. Haha. Pero infairness nakakakilig kayong pagmasdan besh." natingin lang ako habang nagkukwento itong madaldal kong bestfriend sa pinsan niyang si Luke. Nandito kami ngayon sa isa sa canteen dito sa university. Breaktime kasi namin ngayon kaya napagdesisyonan naming isabay magmiryenda itong si besh. "Tsk. 'Yan ka na naman sa kilig kilig mo na 'yan. Kadiri. Tigilan mo nga 'ko besh. Lalo akong naiinis sa mokong na 'yon." pagsaway ko sa kanya. "Luh. Ang K.J. naman nito. Nag kuk'wento lang, e." umismid na lang ang babaeysot sa 'kin sabay kagat sa burger niyang kinakain. Napalingon naman ako kay Luke na ngayon ay seryosong seryoso na palang nakatingin sa akin. Weird lang ng bayot na ito kasi itong mga nakaraang araw
Srenity/Serin's POV. Mabilis lumipas ang isang lingo ng hindi ko namamalayan. Maybe dahil naging busy ako sa school ko at sa trabaho. Saturday ngayon kaya whole day ako sa work. Bago ako pumasok ngayon sa work naglaba muna ako kaninang five am. Nagluto na rin ako at kasalukuyang naghahayin ng kakainin namin ngayong umagahaan. Sinangag na kanin, pritong isdang tuyo, scrambled eggs at mainit na kapeng barako na nagmula pa sa bayan namin sa Batangas ang mga inihanda ko ngayon sa lamesa. "Wow! Iba talaga itong dalaga namin. Bukod sa maganda na masipag pa." Narinig ko na nagsalita si kuya sa likuran ko na ngayon ay kagigising lang. "Ayus. Tumigil ka nga kuya. Ang aga aga binubola mo na naman ako, e." hindi ko pagsang-ayon sa papuri niya sa'kin. "Hala. Sino namang nagsabi na binubola kita? Totoo naman ang sinabi ko. Hindi ka ba naniniwala sa pogi mong kuya?" pamimilit niya na paniwalaan ko ang sinabi niya. Nagsad face pa siya na tila bata. "Hhhmmmm.... Mukhang masarap itong mga niluto
Serenity/Serin's POV."Huy! Girl, tinatawag ka no'ng costumer, oh." natauhan nang tapikin ni Anna ang balikat ko sabay turo sa costumer na kanina pa pala ako tinatawag para umorder ng food."Ah—eh. Oo. Sorry, hindi ko kasi narinig." napapahiya kong tugon sa kanya. Kanina pa pala ako lutang sa kakaisip. Kainis kasi bakit ko ba iniisip 'yong mga"Sus. Hindi rinig? Baka lutang ka lang kamo kasi nakausap mo kanina 'yung boss natin na super pogi. Tapos kayo lang dalawa." tinitigan niya ako na para bang sinusubukan niyang basahin ang iniisip ko."You're wrong. Never kong pag-aaksayahan ng nerve cells ko 'yong tao na 'yon para lang isipin." iniwan ko na siya at pumunta na ko do'n sa costumer na ooder after kong sabihin sa kanya 'yan. Ako kasi 'yung tipo ng tao na tipid magsalita 'pag hindi ko naman kaclose 'yung kausap ko.Naging abala na ako sa pagseserve ng mga pagkain sa costumers. Hapon na ngayon kaya nagpahinga muna kami ni ate Karla sa kitchen area. Madalas ganito ang ginagawa namin 'p
Phineloepy/Pheney's POV. Tanghali na ako na gising dahil sa sobrang sakit ng ulo ko kagabi kakaiyak. Pagharap ko sa salamin namumugto na ang mga mata ko na parang na stung ng bubuyog. Yay! Instant chinita ang peg ko ngayon. Nakahiya tuloy lumabas sa boardinghouse. Sa boardinghouse kasi ako tumutuloy since ang parents ko ay nasa probinsya. Nando'n kasi ang lupang sinasaka ni tatay na ipinamana ng Lola at Lolo namin. Dito ako nag-aaral sa maynila dahil nakapasa ako sa board exam sa UP and I've got my scholarship. Buti na lang may kamag-anak ako rito. Si Luke ay second cousin ko. Kaya kahit papaano malayo man sila tatay at inay sa akin may malapit akong kamag-anak akong malapit dito na matatakbuhay ko sa oras ng pangangailangan. But I have also one person na laging nand'yan sa akin if I need someone tuwing may problema ako. 'Yan ay si Besh. Kahit hindi ko siya kamag-anak parang kapatid na ang turing namin sa isa't isa. Naghilamos lang ako at nagtoothbrush nang may kumatok sa pinto ng
Serenity/Serin's POV. Almost two weeks na simula no'ng natanggal ako sa trabaho at two weeks na rin akong naghahanap ng bagong trabaho pero ni isa walang tumanggap sa akin. Kung hindi 'unhiring' ang isinasagot nila sa akin minsan 'we'll call you'. Wala naman akong balat sa pwet pero bakit gan'to? Parang ang malas ko yata ngayon? To be honest hindi naman talaga ako naniniwala sa swerte at malas kasi for me ang success ng isang tao ay nakakamit sa pagtatyaga at syempre sa pananampalataya niya sa Maykapal. Hindi d'yan sa mga swerte swerte chuchu na 'yan. Pero ngayon hindi ko talaga alam ang itatawag ko sa nangyayari sa akin. Should I call this bad luck? Kasi naman coincidence ba talaga na ni isa man lang sa ina-apply-yan ko ay walang tumanggap sa akin. Halos libutin ko na ang buong maynila para lang makahanap ng work. "Oh..." nagulat ako ng may iniabot sa akin si Luke na burger. Narito kasi kami ngayon sa classroom at break time namin. Yung iba kong classmates nasa canteen para bum
Serenity/Serin's POV. "Huy besh alam mo nahihilo na ako sa'yo. Para kang trumpo. Kanina ka pa ikot nang ikot d'yan. Natatae ka ba besh?" dirediretsong sabi sa akin ni Pheney. Kanina ko pa kasi kinokontak 'yong damuho—este si Braiv pala. Kaso hindi sinasagot ang tawag ko. Pambihira naman kung kailan namang kailangan ko siya. Iyan tuloy hindi ko namalayan na kanina pa pala ako lakad nang lakad. Nandito kasi kami ni Luke sa boardinghouse ni besh. Tuwing may group project kami dito talaga kami gumagawa. Hindi kasi ako sanay na sumama sa bahay ng isang lalaki lalo na kung ako lang ang kasama. Kaya mas pinili ko dito na lang. "Oo nga Serin. May problema ba?" pati si Luke nagtanong na rin. Dalawa na silang nakatingin sa akin na tila nagtataka. "Ah—eh nangalay lang ako sa kaka-upo kaya gusto muna maglakadlakad muna. Kanina pa tayo dito Luke 'di ba?" nagdahilan na lang ako sa kanila. "Ah. Okay. Akala ko kasi napapraning ka na eh." sabi naman ni besh sa akin saka tumingin pa
Serenity/Serin's POV. This is the day na magmimeet kami ni Braiv para pag-usapan yung pagpayag ko sa hinihingi niyang favor. Hindi ako masyadong nakatulog dahil pa rin sa kakaisip ko kung tama ba talaga ang desisyon kong gagawin. "Hays. Bahala na. Wala nang atrasan Serin. Hindi ka gano'ng tao, hindi ka madaling umurong sa laban. Saka lalong may isang salita ka. Kaya go na." nakaharap ako ngayon sa salamin dito sa kwarto habang nagsasalita. Para tuloy akong baliw. "Ate? Sinong kausap mo?" "Ay! Palaka!" nagulat ako dahil bigla na lang sumulpot itong Sapphire. "Palaka? Nasaan?" inilibot niya pa ang paningin niya sa kabuoan ng kwato. "Wala namang palaka dito sa loob ng kwarto ate ah. Pinagsasabi mo d'yan?" "Bigla bigla ka kasing sumusulpot. Kaya nagulat ako. Palaka tuloy ang nasabi ko." "Ay gano'n? Sorry naman. Narinig kasi kita nagsasalita. Kaya tinanong kita kung may kausap ka ba. Kasi mag isa ka lang naman dito sa kwarto." aniya at lumapit pa siya sa akin ngayon. "Ah-eh. Iy
Serenity/Serin's POV. "So, kanino nga nanggaling ang mga 'yan?" "Oo nga ate. Kita mo 'to oh? Mukhang mamahalin. Ang gaganda oh. Pahiram ako neto, pwede?" Kinukulit ako ngayon nitong si Bheka at Sapphire kung saan ko daw nakuha itong mga daladala ko. After kasi ng mga pangyayare kanina inihatid na rin ako ni Braiv do'n sa mall kung saan niya ako sinundo. Nagbyahe na lang ako pauwi dito sa bahay. Kaya ito ako ngayon sa loob ng kwarto namin—este kwarto pala nila insan na temporary muna naming kwarto, kasama ko itong dalawang babaysot. "Ays, ang kukulit niyo. Sabi ko na ngang kakilala ko ang nagbigay nyan sa'kin. May nirecommend siya sa akin na sideline. Sayang naman 'yung kikitahin kaya tinanggap ko na. Total sagot na rin naman niya ang susuotin ko." mahaba kong paliwanag sa kanila. Hindi yata kasi nila ako tatantanan hanggang hindi ko sinasabi kung kanino galing ito mga pinamili ni Braiv. Ayoko rin naman sabihin sa kanila 'yung about sa kasunduan namin ni Braiv. Napatingin ako s