Share

KABANATA 5.

Braiv's POV.

After one week since I went back here in the Philippines ang dami na agad pinagbago dito sa pilipinas at ang dami rin nangyare sa akin. Most of those are embarrassing moment. Seems I like to go back to US and stay there again. Pero syempre hindi p'wede iyon dahil pinauwi na ako dito ni papa kasi kailangan niya daw ako for our businesses. 

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway ng bahay namin papunta sa office room ni papa after niya akong tawagan dahil may importante daw siyang sasabihin. Kumatok muna ako.

"Come in." Tugon ni dad na nasa loob ng office.

Pagpasok dumeretso na ako sa bakanteng upuan sa harapan ng table niya at naupo. Hindi pa rin niya ako nagawang tapunan nang tingin dahil abala siya sa mga paperworks niya. Nagcellphone na lang ako para hindi maboring. Pinapunta ako dito tapos hindi naman pala ako kakausapin. After few minutes sa wakas binasag niya na rin ang katahimikan. 

"Jexon, tomorrow I'll start to introduce you in our company and in our other businesses as their new boss. Hindi pa naman ito ang time na ipapakilala kita as CEO ng kumpanya natin. But maybe it's the way to train and prepare you to be a businessman and boss in our businesses. Kailangan ko kasing pumunta sa ibang bansa para sa ating negosyo. I stay there in six months. So be responsible Jexon." Mahabang detalye ni dad.

"Okay dad. I'll be there tomorrow. Is that all you want to say?" Bored kung sagot sa kanya. 

"Wala naman na. Bakit may pupuntahan ka ba Jexon? Masyado ng gabi para diyan. Maaga pa tayo bukas." Tanong niya sa akin habang inaayos na niya ang mga paperworks niya.

"Nope dad. I'm just tired. Can I go to my room?" Pagsisinungaling ko sa kanya. Pero ang totoo gusto ko lang talagang umalis na dito sa office niya dahil may pupuntahan pa ako.

*knock~knoc* Hindi pa nakakasagot si papa sa akin nang may biglang kumatok sa pinto at agad rin itong bumukas. 

"Oh? Jather, gabi na bakit gising ka pa?" Nagtatakang tanong ni papa kay Jather, my only young brother. 

"Yeah, we have quiz tomorrow. Kaya nagrereview pa ako." Sagot naman niya habang abala pa rin sa pagbabasa sa kanyang libro. Nerd talaga itong kapatid ko.

"E, bakit ka nagpunta dito?" Ako naman ang nagtanong sa kanya.

Tiningnan niya ako at bahagyang inayos ang eyeglass niya na may mataas na grado. Naroroon pa rin siya sa kanyang pwesto kanina sa may tapat ng pinto. "I just wanna say good night to both of you." He said that without face reaction. Tss, weird talaga itong bata na 'to.

Nagkatinginan muna kami ni dad bago kami sabay na sumagot sa kanya. "Good night, son./Good night, bro."

"Okay, I'll go to my room."

"Wait, bro sabay na tayo." Habol ko kay Jather nang palabas na siya sa office ni dad.

Magkasabay kami ngayong maglakad papunta sa sari-sarili naming room. "Oy, tumingin ka nga muna diyan sa dinadaanan mo. Mamaya ka na magbasa. Baka mabunggo ka." Pagbasag ko sa katahimikan. Masyado kasing book worm itong kasabay ko.

"Don't worry, I'm aware." Maikli niyang sagot.

"Alam mo minsan sumama ka nga sa mga pinupuntahan ko para hindi naman puro libro iyang hawak mo. Tuturuan kitang maghanap ng chicks." Brilliant suggestion ko sa kanya.

Tiningnan niya ako nang nakataas ang isang kilay. "Alam mo rin kuya, tigilan mo nga ako sa mga ganyang bagay? I don't have time and I don't waste my time for those nonsense matters. Diyan ka na nga." Sakto naman na sa tapat na pala kami ng kwarto niya kaya after niya akong sungitan pumasok na siya sa loob ng room niya at sinaraduhan ako ng pinto.

"Ang sungit. Nagmamagandang loob lang naman ako, e. Kaya ang tanda na agad ng itsura niya hindi marunong magrelax. Hindi niya ako gayahin, gwapo na baby face pa. Sexy and hot pa. Saan ka pa? Ako lang naman si Braiv Jexon." With confidence kong sabi sa 'king sarili.

Nagtungo na ako sa room ko at nagbihis ng damit. May hang out kami LJ ngayong gabi. Hinintay ko munang lumipas ang fifteen minutes bago ako lumabas ng kwarto.Pagbaba ko sa may salas nakapatay na lahat ng ilaw. Baka tulog na ang mga maids. Madali akong makakatakas.

"Tired pala?" 

"Ay multo!" Gulat kong sabi nang may biglang nagsalita sa likuran ko. "Ikaw lang pala 'yan Jather. Ginulat mo 'ko. Ba't nandito ka? Akala ko tulog ka na?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Kumuha lang ako ng tubig sa kusina then suddenly I saw you. Ikaw, bakit paalis ka pa? Gabi na, ha. Saka sabi mo kay dad pagod ka na kanina." Pagbabalik niya nang tanong sa 'kin.

"Yeah. Aalis ako. May hang out lang kami ni LJ. Uuwi rin ako agad. Ikaw matulog ka na roon sa kwarto mo. O, baka naman gusto mo nang sumama sa akin para mang-chicks?" Nakangisi kong tanong sa kanya

"Whatever kuya. Sige na, umalis ka na." Iyan na lang ang nasabi niya at tinalikuran na ako.

Umalis na rin ako papunta sa paborito naming bar ni LJ upang doon ko siya hintayin. Ilang minuto ang lumipas nang magring ang phone ko. 

LJ is calling....

"Hello dre. Nasaan ka na? Nandito na 'ko kanina pa." Tanong ko agad sa kanya when I answered my phone.

"Dre, pasensya na kasi ngayon lang ako nakatawag. Hindi ako makakapunta d'yan ngayon, e. Busy kasi ako sa school works, natambakan. Sorry talaga dre." Sunod-sunod niyang paliwanag sa akin mula sa kabilang linya. 

"Anak ka naman ng tokwa dre. Bakit hindi mo agad sinabi? Kanina pa kaya ako naghihintay sa 'yo dito." Reklamo ko sa best friend kong kumag na hindi marunong tumupad sa usapan.

"Dre alam mo naman ang course ko. Masyadong busy. Lalo na ngayon na graduating na ako kaya tambak talaga ang mga school works. Don't worry. Babawi ako sa 'yo. Maybe next week. Saka marami rin tayong pagkukwentuhan." Paliwanag pa rin niya sa akin.

"Sige na nga. Basta bumawi ka na lang sa 'kin ha? Ikaw talaga dre, kaya wala ka pa ring girlfriend, e. Hindi ka marunong mang-chicks. Ayaw mo 'kong gayahin. Gwapo na, habulin pa ng mga babae." Pagmamalaki ko sa kanya. 

Narinig ko siyang tumawa bago nagsalita. "Ikaw talaga dre. Kahit kailan puro ka kalokohan. Wala pa akong time sa mga ganyan. Saka kung mag-gigirlfriend man ako gusto ko siya na ang ihaharap ko sa altar at siya na ang makakasama ko habang buhay." Nag-iba ang tono ng boses ng kumag na para bang in love habang sinasabi niya iyon.

"Aba, dre. Kung maka-emphasize ka sa salitang 'siya' parang may tinutukoy ka na, ah. Saka mukhang inlababo ang best friend ko. Tsk, tsk. May nililigawan ka, 'no?" Kantyaw ko sa kumag.

"Haha. Maybe yes, maybe no. Secret na lang muna dre sa ngayon. Sige na dre, I hang up this call na. I need to focus on my school works. I'll call you na lang kung kailan ako free. Bye dre. Umuwi ka na lang. Baka magpakalasing ka pa." Nagmamadali niyang paalam sa akin tapos binabaan na agad ako ng phone. 

I sighed. "Tsk, 'yung kumag talaga na 'yon. Babaan ba naman ako ng phone." Iyamot kong sabi sabay tungga ng wine na inorder ko kanina.

Mag-isa lang ako ngayon dito sa table ko when I saw a girl sa 'di kalayuan sa table ko. She's sexy at mukhang sanay sa mga ganitong lugar. Sumulyap siya sa akin saka ngumiti. Iba talaga ang karisma ko. Sabi ko sa isip ko. Total wala naman akong kasama ngayon at boring rin nilapitan ko na 'yung babae. 

"Hey, miss sexy. Are you alone?" Panimula kong tanong nang malapitan ko siya.

Hindi agad siya sumagot. Hmmm, I smell something. "Yeah. You can join with me if you want." Nakangiti niyang sagot sa akin.

"Oh, sure. Sino namang tatanggi sa isang katulad mo na bukod sa maganda ay sexy pa. Anyway, are you a single or taken?" Pambobola ko rito. I started to play the game.

Namula siya at parang kinilig. Sabi ko na nga ba, e. Alam ko na kung paano madaling makukuha 'yang mga babae. Konting flowery words lang hulog na agad sa bitag ang mga iyan. "Ay, hihihi. Hindi ka lang pala gwapo, bolero ka rin. Hihi. Ahm, yeap I'm single. Anyway, I'm Cheska and you are...?" Nagpakilala na siya sa akin pero halatang kinikilig pa rin sa pambobola ko.

"I'm your present and soon to be your future." Bumanat na naman ako ng isa mga best line ko. Mas lalo siyang nagblush dahil sa sinabi ko.

"You're so naughty and I like that. Have a sit?" Inalok niya na akong umupo.

Umorder kami ng drinks at nag-umpisa na kaming magkwentuhan. Enjoy na enjoy siya sa kwentuhan namin at halatang kinikilig sa mga lines na madalas kong gamitin sa mga babae. Tsk, mga babae nga naman marurupok.

Kasalukuyan siyang nakahilig sa balikat ko dahil parang lasing na siya sa mga ininom naming drinks nang biglang may lalaking lumapit sa amin at inilayo siya sa akin. Sinundan pa ito nang malakas na suntok niya sa gwapo kong mukha.

Napatayo ako habang hawak ko ang kaliwang pisngi ko. "What the-"

"Loko kang lalaki ka. Nawala lang ako saglit nilalandi mo na ang girlfriend ko!" Naputol agad ang pagsasalita ko nang bigla akong sigawan at duruduruin nitong sunog na boyfriend pala ng babaeng kasama ko kanina. Hays, sabi na nga ba, e.

"Chill lang brad. Masyado ka namang mainit ang ulo. Hindi ko nilalandi ang girlfriend mo. Nagkukwentuhan lang kami, right?" Tumingin ako't tinanong ang babaeng maharot na taken naman pala. Gising na gising na siya ngayon habang nakakapit sa braso ng boyfriend niya.

Hindi niya ako sinagot at nag-iwas lang siya nang tingin. "Hindi ako naniniwala sa 'yo. Balak mo talagang sulutin itong girlfriend ko." Nanggagalaiti pa rin na pagpupumilit nitong nugnog sa itim na lalaking ito at mukhang susugurin pa na ako. Buti na lang dumating ang mga security guard dito sa bar at pumagitan sa amin. Next time regaluhan ko kaya itong si nugnog ng gluta soap para naman pumuti siya. Hindi ko na kasi makita sa dilim.

Ngumiti ako nang nakakaasar saka bahagyang lumapit sa kanila. "Don't worry brad. Hindi ko type 'yang girlfriend mo kaya sayong sayo na siya." Patuloy pa rin akong nakangisi nang ilipat ko naman ang paningin ko sa babae. "Saka pakibantayan nang mabuti itong girlfriend mo para hindi maging single 'pag wala ka." Makahulugan kong sabi sa mokong, pero nasa babae pa rin ang paningin ko. Nakita kong nag-iba ang expression ng mukha niya na parang nagulat saka siya nag-iwas nang tingin sa akin.

Pagkasabi ko no'n lumabas na ako ng bar at dumiretso sa kotse ko. Hindi na 'ko nag-abalang hintayin pa ang isasagot ng kumag na 'yon. Ano siya VIP? "Hays. Nabangasan na naman ang gwapo kong mukha. Tsk, dahil sa babae na 'yon. Ang mga babae talaga sobrang rurupok. May karelasyon na hindi pa makuntento. Tsk, tsk. Feeling angel malalandi naman. But they can't fool me like na other guys. Saulo ko na ang likaw ng bituka nila." Naiinis kong sabi habang nakaharap sa manubela ng sasakyan ko. I start my car at nagmaneho na ako pauwi sa amin. Maaga pa nga pala kami ni dad tomorrow.

___________

Kinabukasan maaga akong nagising dahil may lakad pa kami ni dad. Pagkalabas ko ng kwarto nakaligo at nakabihis na ako ng business attire. 

"Yaya Lolit, nasa'n na po si dad?" I ask our yaya na nagpalaki na sa amin ni Jather. Siya rin ang mayordoma ng mga maids dito sa bahay namin. 

"Nakaalis na ang daddy mo Jexon. Kanina ka pa niya pinapagising pero mukhang napasarap ka sa tulog kaya sabi niya sabihin ko na sumunod ka na lang daw sa kanya sa kumpanya niyo 'pag gising ka na." Aniya ni yaya. 

Mukhang napasarap nga ako ng tulog. "Ah, okay yaya. Aalis na 'ko." Napaalam na ako sa kanya at saka umalis patungo sa company namin. 

Lumipas ang buong maghapon at walang ibang ginawa kami ni dad kundi ang ipakilala niya ako to all our staff in our businesses as their new boss for a half of year because he'll go out of count for business things too. Gabi na ngayon at ang last destination namin is in our restaurant. 'The Lover V.' restaurant is the first business na itinayo ng grandparents ko na magulang ni dad. And after many years pass by we have more branches of this restaurant now. Narito na kami sa main branch ng TLV. 8:30pm na rin kaya pagod at nababagot na ako. Maagang isinara ang restaurant kasi ipinag-utos ni dad kay Ms. Susy na manager ng mga empliyado dito.

"Good evening ladies and gentlemen. I hope we're all complete now here. Our boss Brandon Velazco and his son has announcement- " Nag-umpisa nang magsalita si Ms. Susy sa mga empliyado nya nang biglang may babae na pumasok dito sa part ng restaurant kung nasaan kami ngayon. 

"Sorry po I'm late. Nag-cr kasi ako. Hehehe." I expected na magkikita ulit kami dito kaya napangisi ako. Nakayuko siya ngayon na parang nahihiya. 

"No, it's okay Serin." Muling nagsalita si Ms. Susy. "Sir Brandon pwede mo na pong i-announce ang sasabihin mo." Ibinaling naman niya ang paningin kay dad.

So Serin pala ang pangalan niya? Sabi ko sa isip ko nang marinig ko na tawagin ni Ms Susy na Serin 'yung babae. 

"I guess doon sa mga matagal ng impleyado dito kilala niyo na ang eldest son ko, si Braiv Jexon? Narito ako ngayon at ang panganay kong anak para sabihin sa inyo na siya muna ang mamamahal sa lahat ng negosyo sa ng aming pamilya at kasama doon itong The Lover V. Six months ako sa ibang bansa. Also it's my way too to train him sa pag-handle ng businesses namin because someday he'll be CEO of our company if I'm retired of my position. So, tomorrow he'll start as your new boss. That's all." Mahabang pagpapaliwanag ni dad sa kanila ng pakay namin dito.

After that announcement kanya-kanyang bati sa 'kin ang mga empliyado na dati ko ng kakilala dito. Si dad naman kinakausap ngayon si Ms Susy. But there's somebody captured my attention, yung babaeng nag-ngangalang Serin. Kanina ko pa napapansin na nagbago ang expression ng mukha niya after sabihin ni dad na ako na ang boss nila tomorrow. Para siyang nagulat at hindi na maipinta ang mukha niya ngayon. Hindi siya makatingin sa 'kin.

'Nice to see you again Ms. lampa. It's my turn to pay me back. Babawi lang naman ako sa mga ginawa mo sa 'kin.' Sabi ko loob-loob ko habang nakangisi ako na pinagmamasdan siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status