Share

KABANATA 4.

Serenity/Serin's POV.

Almost 4 hours bago ako nakarating sa bayan namin dito sa Batangas. Nagtungo na agad ako sa hospital na tinext sa 'kin ni kuya, doon daw nakaconfine si itay. Natanaw ko si kuya sa 'di kalayuan. Mukhang kagagaling niya lang sa labas.

"Kuya!" Tinawag ko siya kaya lumingo siya sa gawi ko.

"Oh. Nakarating ka na pala Serin? Mabuti hindi ka ginabi." Sabi niya nang makalapit ako sa kanya.

"Actually, inagaw ko na talaga ang manubela sa driver para ako na ang magmaneho. Kaya ayun pinalipad ko ang bus papunta dito." Pagbibiro ko. Panatag na kasi ako ngayon dahil no'ng nasa byahe ako nagtext si kuya na okay na raw ang pakiramdam ni itay pero kailangan pang imonitor ng doctor. Kaya nakakapag-joke na ako kahit papaano.

"Ah, talaga?" Hindi yata nagets ni kuya na nagjojoke lang ako kaya 'yon ang naisagot niya. Tss, kahit kailan walang sense of humor.

"Haha. Syempre joke lang 'yon, 'no. Ang slow mo talaga kuya. By the way, nasaan si 'tay?"

"Ay, joke pala iyon? Hindi mo kasi sinabi. Hehehe. Ahm, naroon sa bandang iyon si itay binabantayan ni Saph." Itinuro ni kuya kung nasaan ang kinaroroonan ni itay.

"Tara na." Niyakag ko na siya at naglakad papunta doon.

Ilang pasyente pa ang nadaanan namin bago kami huminto ni kuya sa tapat ng pwesto ni itay. Hinawi ni kuya ang kurtinang nagsisilbing pagitan ng mga pasyente dito sa hospital. Una kong nakita si Sapphire (ang bunso naming kapatid), nakahilig pasubsob ang ulo niya sa bed na hinihigaan ni itay at tila pagod na pagod siya habang nakaupong natutulog. Inilipat ko naman ang paningin ko kay itay na mahimbing rin na natutulog ngayon. 

Namiss ko sila. Halos isang taon rin simula noong huli kong uwi dito. Nagdesisyon kasi akong ipadala ko na lang sa kanila bilang allowance ang pera kaysa ipapamasahe ko pauwi.

"Saph...." Kinalabit ko si bunso sa balikat para magising. Hindi pa daw pala sila naghahapunan sabi ni kuya, kaya lumabas muna siya para bumili ng ulam.

"Hhmm...? Kuya naman... natutulog ako, e.... Maya mo na 'ko gisingin...." Antok na antok niyang tugon. Hindi niya manlang ako nabosesan.

"Saph, bawal magpalipas ng gutom." Pagpupumilit ko sa kanyang gumising.

Ini-angat niya ang ulo niya saka binuksan ang mga mata niya. "Ate? Ikaw ba iyan? Nanaginip ba ako?" Hindi niya makapiniwalang tanong sa 'kin.

"Ay hindi ka nananaginip. Hinahangin lang 'yang utak mo dahil natulog ka ng gutom kaya ngayon nakikita mo 'ko." Sarcastic kong sagot sa kanya.

"Hala! Ate!... Ikaw nga 'yan!" Sinunggaban niya ako at niyakap ng mahigpit. "Namiss kita ate."

"I miss you too. Pero bitawan mo na nga ako. Hindi ako makahinga, e. Saka 'wag ka ngang sumigaw. Nasa hospital tayo, oh." Sinermunan ko siya at pilit na kumakawala sa yakap niya. Ito talagang si bunso masyadong clingy. No wonder, she's only twelve years old kaya siya ganyan. Naghahanap pa siya nang kalinga ng isang ina.

Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa 'kin. Tapos biglang inagaw 'yung ulam at kanin na hawak ni kuya. Humarap siya sa maliit na table sa tabi ng bed ni itay saka binuksan ang mga pagkain na nakalagay sa styrofoam. Nagkatinginan naman kami ni kuya at sabay na napa-iling habang natatawa.

"Oh? Anong tinatawatawa niyo diyan? Tara na, kain na tayo." Inaalok kami ngayon ni Saph after niyang maihain ang mga pag kain. Akala namin ni kuya siya lang ang lalamon, e. Iba talaga mag-isip itong kapatid namin na ito. Although may part pa sa kanya minsan na childish siya pero mas lamang ang pagiging matured niya. Minsan iniisip ko kung sino ba talaga ka kanilang dalawa ni kuy ang bunso at panganay. Si kuya kasi may pagka-isip bata.

Sabay-sabay na kaming kumain. Mabuti na lang dinamihan ni kuya ang binili niyang pagkain kasi sigurado daw siya na wala pa 'kong hapunan.

Hindi pa rin nagigising si itay. Sabi ng doctor natural lang daw iyon dahil sa ipinainom nilang gamot kanina. Nakuwento na rin ni kuya ang dahilan kung bakit tumaas ang altapresyon ni itay at inatake sa puso. Sumugod raw kasi si Mang Marshal sa bahay para singilin ang natitira sa aming mga utang. Malaki kasi ang utang namin sa kanya at matagal na kaming hindi makabayad. Pati ang pagmamay-aring lupa na taniman ni itay ay naisangla na namin sa kanya pero hindi pa rin sapat. 

Kaya noong nagpunta si Mang Marshal no'ong isang araw para sabihing kukunin niya rin daw ang bahay namin at lupang tinitirikan nito kung hindi pa kami makabayad sa utang. Namroblema raw si itay at nag-isip ng nag-isip. Kaya pati altapresyon niya ay tumaas at inatake na rin sa puso dahil sa stress. Iniisip kasi ni itay kung saan sila pupunta nila kuya 'pag kinuha na ang bahay namin. Saka nalungkot niya rin ang pag-iisip sa bahay namin na natitirang alaala mayroon sa amin si inay ay tuluyan nang mawawala sa amin.

Nasabi sa akin ni kuya na bukas na lang ang huling araw sa palugit na ibinigay ni Mang Marshal para sa paghahanap nang malilipatan nila itay. Kaya napagdisisyonan kong isama na lang sila sa manila upang doon muna makituloy kina Tita Welma. Tinawagan ko agad si Tita para sabihin ang buong pangyayari, malaking pasasalamat ko dahil pumayag siya na doon muna makituloy sila itay. 

Actually, ulilang lubos na si itay. Matagal nang pumanaw ang kanyang mga magulang na aming Lola at Lolo noong kakakasal pa lang nila ni inay. Wala rin naman daw siyang kontak o anumang impormasyon sa iba niyang kamag-anak. Kaya kami na lang talaga ang natitirang pamilya niya. 

Kinabukasan nagising na rin si itay at lumabas na kami sa hospital. Kinausap ko na rin siya tungkol sa pagsama ko sa kanila sa maynila. No'ng una hindi siya agad pumayag, pero 'di rin nagtagal sumang-ayon na siya. Umuwi muna kami sa bahay upang ayusin ang mga gamit naming dadalahin. Dahil ngayon hindi ko pa maayus ang mga school papers ni Sapphire para mai-transfer na namin siya sa maynila. Sabi ni kuya siya na raw ang babalik sa isang linggo para asikasuhin iyon. Nakausap na rin namin si Mang Marshal kaninang umaga. Napagkasunduan namin na ang bahay namin ay isasangla lang sa kanya bilang kapalit sa natitirang utang namin, ngunit kapag nagkapera na kami ay maaari na namin ito tubusin. He agreed to our deal.

Hapon na ngayon. "Itay, ate aalis na daw tayo." Tinatawag na kami ngayon ni Sapphire na halatang excited na excited lumuwas sa maynila.

Narito kami ngayon sa harapan ng bahay namin at pinagmamasdan ito sa huling pagkakataon. 

"Hayaan mo itay. Konting tiis na lang mababayaran na rin natin ang ating mga utang at mababawi natin iyang bahay." Nalingon ko si itay habang sinasabi ko iyon sa kanya. Nakatingin pa rin siya ngayon sa bahay namin at nakaakbay sa akin. 

"Aasahan ko iyan anak." Mayngiti sa labi akong tinugon ni itay.

Nag-umpisa na kaming maglakad patungo sa sasakyan na aming na-hire upang maging service hanggang maynila. Tinawagan ko kasi si tita upang humiram muna ng pera sa kanya, pinadalahan niya naman agad ako. Babayaran ko na lang kapag nakasweldo na ako sa work.

Makalipas ang mahigit apat na oras naming byahe sawakas nakarating na kami. Madilim na ngayon. Pero may mga kapitbahay pa rin kami sa labas na nakitingin ngayon sa amin at nagtataka siguro kung kaninong sasakyan ang paparating.

"Dito niyo na ho itigil manong Karding." Sabi ko sa driver namin ng sasakyang aming inarkila. Inihinto niya naman ang sasakyan sa tapat ng bahay ni tita.

Inalalayan namin ni Saph si itay pababa ng sasakyan, samantalang si kuya at yung driver naman ang nagbaba ng aming mga kagamitan. Nakaabang na pala si tita at pinsan ngayon sa gate nila. 

"Insan!" Dadali kaming nilapitan ni Bheka. "Hello po Tito, hi pretty Sapphire na nagmana sa 'kin. Hihihihi." Masaya niyang bati at nagmano kay itay.

"Kuya kumusta? Long time no see ah. Dalaga na rin pala itong bunso mo?" Lumapit na rin si tita sa amin. "Halina kayo at pumasok. Ikaw naman Bheka at Serin tulungan niyo muna si kuya Simhon niyo saka 'yong driver sa pagbababa ng mga gamit sa sasakyan." Pinaiwan na kami ni tita dito sa labas at sila muna ang pumasok ni itay at Saph.

After naming ibaba ang mga gamit at ipasok sa bahay sabay-sabay na kaming naghapunan kasama 'yung driver bago siya umuwi sa Batangas. Nakipagkwentuhan muna kami saglit kay tita at insan bago napagdesisyonang matulog. 

Sama-sama kami ngayon ni itay, kuya, at bunso sa kwarto ko. Mabuti na lang maykalakihan rin kahit konti itong kwarto dahil para sa mga bisita nakahanda ang kwartong ito. Pero dahil narito ako ngayon sa akin muna ito ipinapagamit ni tita. Sa ibaba ng naglatag ng another bed si itay at kuya, magkatabi sila. Kami naman ni Saph ang magkatabing natulog dito sa kama ko. Sanay naman kami sa ganitong sitwasyon. Dahil sa probinsya tabi-tabi talaga kaming matilog kasi hindi naman malaki ang bahay namin. Actually, one-fourth nga lang nitong bahay ni tita ang bahay namin. Pero masaya pa rin at hindi kami nagrereklamo kahit gano'n hindi kami mayaman.

Kinaumagahan maaga akong naready para pumasok sa school kasi Monday na naman and second week namin ngayon. Sabi ni tita siya na raw ang bahala kina itay total sa hapon pa naman raw ang punta niya sa kanyang business.

Masyadong occupied ang utak ko ngayon sa problema ng pamilya namin. I know it's just a little problem compare to the other. But I can't help myself to think how can I provide our daily financial needs. Iba na kasi ang sitwasyon ngayon. Hindi na kasi tulad ng dati na ako lang ang pinakakain ni tita sa bahay, ngayon marami na kami. Saka mas magastos dito sa maynila 'di tulad sa probinsya na makakakuha ka kaagad ng makakain katulad ng prutas at gulay lalo na't masipag kang magtanim. Hays, kung wala lang hika si kuya e, 'di sana may katulong ako kahit papaano sa aming financial needs. Kailangan kong mag doble kayod ngayon.

Mabilis na lumipas ang oras, dismissal na agad namin. Pero ako ito lutang pa rin sa dami ng iniisip, hindi ko rin nagawang magfocus sa mga dinidiscuss ng profs namin. After class dumeretso naman ako sa work.

"Hi besh! I miss you." Sinalubong agad ako nang yakap ni besh Pheney nang makarating ako sa restaurant. "Kumusta ang naging byahe niyo galing probinsya?" She ask me. Tumawag kasi siya noong nasa Batangas pa ako kaya alam niya rin ang nangyare kina itay. 

"Ayus naman. Ayun, naiwan sa bahay ni tita sila itay." Walang gana kong sagot. Ewan ko ba pero parang ayaw ko muna ng kausap ngayon.

"Phineloepy, go back to work. Madami tayong costumers ngayon. Sumunod ka na rin sa kanya Serenity. Sa ground floor kayo naka assign." Utos ni ate Susy na manager namin. Matangkad siyang babae, nakasuot ng eyeglass na may mataas na grado. Ang buhok niya ay bouncy at hanggang balikat. Matangos ang ilong niya at maputi. In short maganda siyang babae and still look young even she's already thirty-seven years old and yet still single. Tatlong beses na daw kasi siyang nabigo sa pag-ibig kaya after noong break up nila sa last boyfriend niya hindi na siya ulit nagjowa. Sarap kalbohin at balatan ng buhay ang mga ex niya 'no? 

Pero kahit matandang dalaga—este magandang dalaga slash manager namin iyan si ate Susy dito never niya kaming tinrato bilang mababang impleydo niya. Mabait at parang pamilya na ang trato niya sa aming mga staff niya dito sa restaurant. Actually ayaw niya nga na tinatawag namin siyang Ma'am mas gusto niyang Ate or Miss na lang daw ang itawag namin sa kanya.

After sabihin ni ate Susy iyon nagmadali na akong magbihis ng waitress uniform ko at nagtungo sa ground floor. Nakailang balik-balik ako papunta sa food area para kuhanin ang mga orders ng costumers at saka babalik upang ideliver naman sa kani-kanilang table. 

"Serin, isa ngang carbonara pasta tapos cold water sa table four." Kasalukuyan pa rin akong nag-iisip nang malalim nang tawagin ako ni ate Karla, ang isa sa mga co-waitress namin. 

Sinabi ko naman kaagad sa chief ang order. Ilang minuto lang ang nakalipas nailuto na iyong carbonara kaya dinala ko na ito sa table four kahit lutang pa rin ako sa pag-iisip.

Nang ilang pulgada na lang ang layo ko sa table na pagdadalahan ko ng pagkain hindi ko napansin na may kasalubong pala akong costumer na papalabas ng restaurant at natabig niya ako. Hindi ko sinasadyang maitapon ko ang pagkain kong dala sa costumer na nakaupo ngayon sa table four at abalang nagseselpon ngayon.

"What the heck!?" Halatang galit na tanong sa akin ng lalaking natapunan ko ng pagkain kahit hindi niya pa ako lumilingon. Bigla siyang napatayo at pinapagpagan ang damit niya ngayon. Ako naman naistatwa na dahil sa pagkabilga sa pangyayare.

"Ikaw/You!?" Sabay naming gulat na tanong sa isa't isa nang lingunin ako nitong lalaking kaharap ko. Sa dinami-dami kasi ng tao ito na namang mokong na natapunan ko ng samalamig sa park last Saturday ang kaharap ko ngayon. 

"Are you a blind or you really intention to do this to me?" Pag iingles sa 'kin ng mokong. 

Kinalma ko muna ang sarili ko dahil parang napalitan nang inis ang kaninang kaba na nararamdaman ko saka ako sumagot. "Sir sorry po, hindi ko po sinasadya ang nangyare. Saka baka nagkataon lang na dalawang beses na kitang natapunan." Paliwanag ko sa kanya.

"Sorry? Look at me now, dinumihan mo ang damit ko.  I don't accept your apologize baby." Pagmamatigas niya sa akin.

Aba, mayabang pala ito. "Kung ayaw mong tanggapin ang sorry ko. E, 'di huwag. Hindi namin kita pinipilit." Sinagot  ko na siya kasi napipikon na ako, e. Saka tawagin ba naman akong baby.

He grinned at me. "You have the guts, huh? Baka hindi mo pa ako kilala?" Tanong niya sa 'kin.

"As if I'm interest." Bulong ko naman.

"Ako lang naman si—" Naputol ang pag-seself-introduce niya nang biglang magring ang kanyang phone.

"Hello? Yeah. Okay, I'm on my way." Sagot niya sa kausap sa phone.

Bago siya umalis nilingon niya muna ako at sinabi ang salita na lalong nakapagpainis sa akin. "Don't worry baby. I'll be back and you'll pay this to me." Sabay kindat pa sa akin.

Sana all nagba-back 'no? Hindi tulad ng ex niyong hindi na bumalik. Etchos lang.

Pero kainis talaga 'yung mokong na iyon. Panira ng araw—este gabi pala dahil 9pm na ng gabi.

"Subukan niya lang talagang tuparin ang pa back back niyang sinasabi at makatikim na siya sa akin nang sapak." Tumigil ako sa pagsasalita nang mapansin kong pinagtitinginan na 'ko ng mga kumakain dito sa restaurant. Nanggigigil na kasi ako kaya nacarried away.

Pero ang totoo kinakabahan rin ako kasi mukhang rich kid si mokong. Baka bumalik nga siya tapos ireklamo niya ako sa may-ari ng restaurant tapos matanggal ako sa work. Paano na iyan? 'Di pa ko tapos sa family problem namin saka naman dadagdag yung asungot na 'yon sa isipin ko. Ba't kasi umatake na naman ang kamalditahan ko?  Please Lord help me.

*'Minsan darating sa punto na may mga tao o problemang susubok kung gaano kahaba ang pasensya natin. Kaya kung maikli lang ang pasensya mo madali kang matatalo sa mga hamon sa buhay.'*

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status