Share

KABANATA 3.

Serenity/Serin's POV

This is my second day of school. Compare kahapon mas maaga akong nagising ngayon upang makapag-prepare. Si insan naman hindi na daw makakasabay sa 'kin sa byahe every morning dahil nagbago na ang schedule niya sa school. Nadatnan niya pa kasi ako kagabi na naggagawa ng assignments kaya nakapagchikahan pa kami saglit at nabanggit niya 'yung about sa schedule nila.

"Insan alis na 'ko. Teka, nasa'n nga pala si tita?" Kabababa ko lang ngayon galing sa kwarto ko. Nagpaalam ako kay insan nang mapansin kong wala si tita.

"Sige, ingat ka insan. Si mama, maaga siyang umalis para asikasuhin 'yung business namin." Sagot niya habang nakatingin sa cellphone.

"Ah. Okay. Sige. Mauna na 'ko." Huli kong sinabi bago ako lumabas sa bahay. Sinulyapan ako ni Bheka at tangging pagtango lang ang naitugon niya sa 'kin. Busy kasi sa pagseselpon ang bruha.

Nandito ako ngayon nakasakay sa jeep patungo sa university. Habang nasa byahe isinalpak ko ang earphone sa tainga ko at ikinonek sa aking keypa phone, then I dialed someone's number. 

Usually keypad phone talaga ang ginagamit kong cellphone lalo na 'pag nasa byahe or mataong lugar ako. I never use expensive gadgets because I don't have one. Haha. Mayro'n naman akong touch screen na phone, regalo pa 'yun ni Tita last year no'ng birthday ko. Ginagamit ko lang siya dito sa bahay or dinadala ko sa school kung kailangan talaga. Kaya iniingatan ko 'yun kasi hindi ko afford bumili ng mga gadgets.

Saka dito sa manila dapat maingat ka pagdating sa mga ganyang bagay, kasi maraming masasamang loob sa paligid na maaari kang dukutan. Pero hindi ko rin naman sila mamasisi dahil dala na rin siguro ng kahirapan kaya nila nagagawa iyon.

Ilang ring lang ang lumipas bago sinagot sa kabilang linya ang tawag ko. "Hello. Sino ga areh?"

"Tay si Serin ho ito. Kumusta kayo? Pasensya na ho at ngayon lang ulit ako nakatawag." Hindi siguro nabasa ni itay ang pangalan ko sa cellphone ni kuya. Tinawagan ko ngayon ang tatay ko sa probinsya. Ilang araw ko na rin kasi silang hindi natatawagan dahil busy ako. Na-miss ko ang boses ni itay lalo na ang punto niyang batangueño.

I heard his sigh before he answered my question. "Ayus naman kami anak dine. Si Kuya mo ay naroon sa bakuran, nagpapatuka laang sa mga alaga nating manok. Si bunso naman nasa eskwelahan, maayus naman ang pag-aaral niya. Ikaw ga d'yaan 'nak? Kumusta ka naman? Kayo kumusta ng tiyahin at pinsan mo?" Mahabang kwento sa 'kin ni itay.

"Maayus naman ho kami 'tay nila tita sa bahay. Narito na ho ako sa byahe papuntang university."

"Ah, gano'n ba. Sige anak. Basta pagbutihin mo lang ang pag-aaral mo ha? Mag-ingat kayo lagi lalo na ikaw." 'Yan ang laging bilin sa akin ni itay.

"Opo. Ako pa? Baka nakakalimutan niyo anak yata ito ni Sergio Delpino? Mana kaya ako sa 'yo itay na palaban sa anumang hamon sa buhay." Pagmamalaki ko na sa kanya ako nagmana. Napansin ko na nakatingin sa akin ang mga pasahero dito sa jeep dahil umatake na naman ang pagiging OA ko. Wapakels.

"Diyan ka nagkakamali 'nak. Aba'y ang totoo sa iyong ina ka nagmana. Kuhang-kuha mo ang mga magagandang katangian niya, maging ang itsura ay nakuha mo. Manang-mana ka sadya sa kanya." Ipinipilit ni itay na kay inay talaga ako nagmana.

"Sus. Sabi ko na nga ba 'yan ang sasabihin niyo. Oh, sige na nga ho. Kay inay na ako nagmana. Ahm. Itay, tatapusin ko na muna ho itong tawag ko. Malapit na ho kasi ako sa school. Ingat ho kayo d'yan lagi. Ikumusto niyo na lang ho ako kay Kuya at bunso. Saka itay magpapadala ako ng pera bukas para sa allowance niyo. Tawagan ko na lang ho kayo pag-naihulog ko na" Nagpaalam muna ko kay itay dahil malapit na 'ko sa university.

"Sige anak. Ingat ka lagi. Saka anak minsan bigyan mo naman ng oras ang sarili mo. Bakit 'di mo ga subukan magpaligaw muli? Ala-eh nang may boyfriend ka naman na ipapakilala sa amin dine. Haha. Hindi 'yung puro kami na laang ang iniisip mo." May halong pang-aasar ngayon ang boses ni itay.

"Ay, itay naman. Alam niyo naman na wala akong panahon d'yan. Saka sakit lang sa ulo 'yang mga lalaki na iyan. Okay na akong ikaw at si kuya lang ang lalaki sa buhay ko. Kasi alam kong hinding-hindi niyo ako sasaktan." Pangangatuwiran ko sa kanya.

"Aysus. Oo na nga. Gusto laang naman kitang magkaroon ng inspirasyon, e. Hehehe. Oh, sige na't patayin mo na iyang selpon mo at ako ga ay may gagawin pa rin." Pagtatapos niya sa usapan namin.

"Opo. Bye." After no'n, in-end ko na ang call.

Napatingin naman ako sa kaharap kong pasahero. Isang lalaki at isang babae ito. 'Yung babae ay nakahilig sa balikat ng lalaki at tila nakaidlip dahil sa paghihintay sa byahe. Napansin kong sobrang maka-angkla ang braso ni girl doon sa boy, siguro magjowa sila. Ito naman si lalaki titig na titig sa 'kin

Ilang sandali lang bigla akong kinidatan nitong lalaki. Noong una akala ko napuwing lang siya, pero hindi pala kasi nasundan pa ito. Muli niya akong kinindatan ngayon, not just once but twice. Tapos ngumisi pa siya na parang nang-aakit. Is he trying to flirting me through that? Napataas tuloy ang kaliwa kong kilay hanggang bubong ng jeep. Charot. Basta nakataas ngayon ang kilay ko dahil sa magkahalong pagtataka at inis dito sa lalaking kaharap ko.

"Sinong bababa?" Naagaw lang ang atensyon ko nang magtanong ang driver. Nalahinto na ngayon itong jeep malapit sa university.

"Ako po. 'Eto po'ng bayad ko manong." Sabay abot ko sa pamasahe.

Pero bago ako tuluyan bumaba sa jeep muli ko munang nilingon 'yung lalaki na kanina tapos bigla kong niyapakan ang paa niya na kunwari hindi ko sinasad.

"Aray! Hooo!" Nang makababa ako sa jeep narinig ko pa siyang napasigaw sa sakit. Pero hindi na ako nag-abalang lingonin siya.

"Tsk, mga lalaki nga naman. Nakaidlip lang 'yung jowa saglit kung kanino na agad lumalandi. 'Di marunong makuntento. " Iyamot kong sabi kahit wala naman akong kausap ngayon.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad patungo sa architecture building. Nang makapasok ako sa room namin marami na agad ang nadatnan kong kaklase. Natanaw ko si Luke na nakaupo na sa kanyang upuan habang nagbabasa ng libro. Genius talaga 'tong beki na ito. Dumiretso na rin ako sa upuan ko.

"Good morning baks (short for bakla)." Luke greeted me. 'Tong beki na ito ang daming tawag sa 'kin. Minsan girl, madalas mars, tapos ngayon baks naman. Hindi rin ito stick to one, e.

"Good morning beks." Binati ko rin siya.

Naupo na rin ako at gumaya kay Luke na ngayon ay nagbabasa na ulit. Ilang minuto lang ang lumipas dumating na si Ms. Buena at nag-umpisa na kami sa first subject namin.

Mabilis lumipas ang oras. Dismissal na namin ngayon. Patungo naman ako sa lugar kung saan ako nagtatrabaho.

I'm a working student, since noong nag18 years old ako, nag-umpisa na akong maghanap ng trabaho. Ayaw ko naman kasing lagi na lang umasa sa mga padala ni itay na pera mula sa probinsya. Lalo na't alam ko namang kulang rin iyon sa pang-araw-araw nilang gastusin. Kaya hanggang kaya kong punan ang pangangailangan ko dito sa maynila gumagawa ako nang paraan.

Narito na ako ngayon sa 'The Lover V.' restaurant ang isa sa kilalang restaurant dito sa maynila, at dito ako nagtatrabaho. Halatang inlababo ang may-ari nitong restaurant noong ipinapatayo palang itong negosyo nila. Sa pangalan pa lang mukhang pumapag-ibig, e.

May dalawang palapag itong restaurant at nahahati sa tatlong bahagi ang interior designs nito. Una sa ground floor kung saan naroon ang modern design, magaganda ang mga kagamitan dito na parang nagmula pa sa iba't ibang bansa which is bumagay rin sa mga dishes ng iba't ibang bansa ang ihinahain nila rito. Pangalawa naman ay sa second floor, classic ang pagkakadesign nila dito at mga kilalang Filipino dishes naman ang nasa menu. At ang last is 'yung pangatlong bahagi na nasa second floor lang rin, this part is a romantic place kung saan puwede mong dalahin ang iyong kasintahan dahil sa nakaka-inlove na ambiance nito. Tahimik sa part na ito dahil may glasswall ito na sound proof kaya hindi mo maririnig ang mga ingay sa labas.

"Besh! Alaka ko hindi ka naduduty, e." Bungad sa akin ni besh habang naghuhugas siya ng plato. Narito kami ngayon sa likod na bagi nitong restaurant kung saan namamalagi ang mga staffs at chiefs.

"Nawalan na 'ko ng load, e. Kaya hindi ako nakapagtext." Sagot ko naman sa kanya.

"Ah, see."

Hindi ko na siya tinugon ganito kasi kami sa work, puwede lang magchikahan 'pag break time. Nagtungo na lang ako sa mini dressing room nitong restaurant para makapagpalit ng uniform ko as a waitress. Almost one and half year na akong nagtatrabaho dito. Sa mga past na pinagtrabahuhan ko months lang ang itinatagal ko dahil sa end of contract, ngayon lang ako nagtagal.

Nag-umpisa na akong magtrabaho. Naka-assign ako ngayon sa second floor. Every week kasi sini-shift nila ang assign area namin. Dipende sa dami ng costumers. Per hour naman nila ibinabase ang sahod naming mga working students kasi hindi naman kami whole day sa work. Si Ms. Susy Alvares our manager ang nakakaalam kung ilang oras lang kami nagtrabaho everyday.

Mabilis lumipas ang oras. 10:00pm na ngayon 5hours lang ang duty namin. Sabay pa rin kaming umuwi ni besh besides same street lang naman ang kinaroroonan ng tinitirahan namin.

Naging gano'n ang routine ko sa loob ng isang linggo. After sa school deretso naman ako sa work. Nakapagpadala na rin ako ng pera noong nakaraan kina itay.

    __                       

Weekend ngayon at narito ako sa park nakatanaw sa view ng beautiful sunset. Malungkot kasi ako ngayon kaya gusto ko muna mapag-isa kaya hindi ko kasama si besh or si insan ngayon.

Hindi alam kung ilang oras na ako dito habang umiinom ng binili kong samalamig kanina sa isang street vendor. Nasa ganoon pa rin akong posisyon nang biglang magring ang phone ko.

Kuya Simhon is calling...

Kaagad ko naman sayang sinagot. "Oh? Kuya kumusta?"

"Serin... S-si itay inataki sa puso. Narito kami ngayon sa ospithindi Sunod-sunod na sabi ni Kuya habang hinihingal at halatang hindi mapakali ang boses.

Nagulat ako sa narinig ko at nanlaki ang mga mata ko. "Ha? Teka? Bakit? Anong nangyare?" Natataranta kong tanong kay kuya.

"Mahabang istorya, e. Hindi pa lumalabas ang doctor ngayon kaya hindi ko pa alam ang lagay ni itay. Tinawagan kita para malaman mo kaagad." Sagot ni Kuya.

"Kuya makinig ka, pupunta ako diyan ngayon. Itext mo na lang ako o tawagan habang nasa byahe para ibalita kung ano nang kalagayan ni itay." Pagkatapos kong sabihin iyon ibinaba ko na agad ang tawag ni kuya. Nagpalinga-linga ako para tanawin kung may masasakyan ba agad ako dito sa park. Sakto naman may taxi na dumadaan kaya tinawag ko agad.

Nang patakbo na ako patungo sa taxi hindi ko inaasahan na may mabubunggo akong lalaki at matatapunan ko ng samalamig na iniinom ko kanina.

"Oh! Shit." Pagmumura niya.

"Sorry, sorry. 'Di ko sinasadya. Hindi ka naman kasi tumitungin sa dinadaanan mo, e." Bwelta ko sa kanya.

"So, what do you mean? It's my fault? E, ika"

"Pasensya na nga po. Oh, ito ipunas mo diyan." Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya dahil nagsalita ulit ako sabay abot ng panyo ko. Napatingin naman ako sa taxi na kanina pa pala nag-aabang sa 'kin 'yung driver kaya dali-dali akong pumunta doon para sumakay.

"Hey! Miss."Narinig ko pang tinawag ako no'ng mokong pero hindi ko na siya nilingon.

Kung kailan naman nagmamadali ako saka naman may asungot na sumulpot. Papunta ako ngayon sa terminal ng bus na patungong probinsya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, kinakabahan ako. Sana walang masamang mangyare kay itay. Sa sobrang taranta ko hindi ko na nagawang dumaan sa bahay para magpaalam kay tita, itetext ko na lang si insan mamaya. Buti na lang lagi kong daladala ang wallet ko saka mabuti rin at may savings pa 'ko para ipamasahe. Wala na rin akong pakialam ngayon kung gabihin man ako bago makarating sa probinsya, ang mahalaga makauwi ako.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status