Share

KABANATA 1.

Serenity/Serin's POV.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko simula no'ng iniwan ko si Clark at Lhauren kanina. Ang tanging alam ko lang ay nandito ako ngayon sa dalampasigan habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw na may magandang repleksyon sa dagat. I love sunrise and sunset. Tuwing 'di kasi maganda ang mood ko pumupunta lang ako sa lugar kung saan lumulubog at lumilitaw ang araw. Nakakapagpagaan ito nang pakiramdam ko.

Pero ngayon bakit walang epekto sa 'kin ito? Parang kahit ano o sino ay hindi kayang pakalmahin ang bigat at sakit na nararamdaman ko ngayon? Patuloy pa rin ang pag-iyak ko simula kanina hanggang ngayon. Siguro kung nakaka-dehydrate ang pag-iyak nang sobra baka kanina pa 'ko naubusan ng tubig sa katawan.

Kasalukuyan ako'ng nag-eemote at sumi-senti nang biglang may tumawag sa 'kin.

"Insan! Yohooo!"

Lumingo-lingon ako sa paligid ko para hanapin kung sino man 'yung panggulo sa moment ko ngayon. Pero wala naman ako'ng makita.

"Huy! Insan! Aba! Serenity, Huy!" Patuloy nitong tawag sa 'kin.

Wala pa rin naman ako'ng makita eh. Naisip ko tuloy na baka tinatawag ako nang isang sirena o shokoy dito sa tabing dagat. Baka kasi nakita ako ng sirena o shokoy na mag-isa dito habang nagdadrama. Kinabahan tuloy ako kasi baka ihipnotismo ako bigla no'ng nilalang na 'yon tapos lumusong ako sa dagat ng wala sa oras at malunod ako. OMG! Ayaw ko pa 'no! 'Di pa ko ready na mamatay. Marami pa 'kong pangarap sa buhay ko, pati kay tatay at sa mga kapatid ko.

"Takte! Insan!" Napabangon ako bigla sa higaan ko dahil nagulat ako sa malakas na sigaw nang isang babae at bigla na lang kagatin ang hinlalaki na daliri sa paa ko.

"OMO! Insan, okay ka lang? Kinabahan ako sa 'yo." Naka-upo na sa tabi ko ngayon itong pinsan ko at mukhang alalang-alala sa 'kin. Hays, panaginip lang pala 'yong kanina.

Umayos muna ako ng upo bago ko siya tinugon. "Tss. Ayus lang ako. Saka bakit mo ba ako kinagat sa paa? Ang sakit kaya. Pasalamat ka hindi kita nasipa kanina eh." Napapa-iling kong sabi sa kanya. Minsan kasi OA rin 'tong si Ribheka a.k.a Bheka. Ang pinaka-close ko sa aking mga pinsan.

Tumayo na siya habang nakanguso na sa 'kin at muling nag salita. "E, kasi naman po binabangungot ka na kaya. Alam mo ba, umuungol ka kanina ta's lumuluha na 'yung mata mo na para'ng umiiyak ka while you're sleeping? Hays, natakot lang naman ako Insan kaya ko nagawa 'yon. 'Di ko alam na ako pa ang mali ngayon. Hmmp. Ewan ko sa 'yo." Inirapan pa 'ko ng loka. Tss, OA talaga.

"Hindi naman sa gano'n 'yon. Nagulat lang talaga ako. E, 'di thank you na kasi ginising mo na naman ako sa masamang panaginip na 'yon." I sighed and bitterly smiled. "'Di ko na nga yata mabilang kung ilang beses mo na 'kong sinave sa bangungot na 'yon e. Naku, Insan ikaw talaga ang guardian angel ko." Ngumisi ako sa kanya habang siya hindi pa rin maipinta ang mukha.

"Tse! Kanina lang iyamot ka sa 'kin tapos ngayon kung makapambola ka wagas e 'no? Iba rin." Inismidan muna ako bago bigala'ng nagbago ang expresyon ng mukha niya. "But I bet Insan. For sure 'yung break up niyo na naman ng ex mo 'yang napanaginipan mo, 'no?"

Tumango ako sa kanya. "Hays, Ewan ko ba kung ba't napapanaginipan ko pa ang pangyayaring 'yon? E, almost one and half year na rin naman since no'ng maghiwalay kami."

"Kasi hindi ka pa talaga nakaka-move on. Haha." Pang-aasar niya sa 'kin sabay takbo palabas ng kwarto ko.

Alam niya kasi na 'pag naabutan ko siya ay makakatanggap siya sa akin ng mag-asawang batok. 'Lagi ko kasi siyang binabakutan t'wing sasabihin niya 'yon sa 'kin. Ang kulit rin kasi ng bruha na ito. Ilang beses ko ba kailangan ipaintindi sa kanya na matagal na akong nakamove on do'n sa damuho kong ex. Matagal ko na siyang kinalimutan total masaya na naman siya sa piling ng babaeng ipinalit niya sa 'kin.

Napairap na lang ako sa kawala nang dumungaw na naman sa pinto ng kwarto ko si Insan. Akala ko mang-aasar na naman siya pero hindi pala. "Huy! Serenity. Ano pang itinutunganga mo d'yan aber? Baka gusto mong malate sa first day of school mo this year?"

Ay, oo nga pala ba't ba hindi ko naalala? "Oo na po, oo na. "Eto na oh, maliligo na 'ko. Ba't kasi hindi mo sinabi agad sa akin? Nakalimutan ko, e."

"Ang sabihin mo lutang ka na naman kasi naaalala mo iyang ex mo." Pambabara niya sa 'kin.

"Tsk. Aalis din lang pala mang-aasar pa." Bulong ko sa sarili ko at dali-dali na ako'ng pumunta sa kabinet ko para kumuha ng damit bago maligo. Habang hinahanap ko 'yong uniform ko bigla naman akong napatingin sa portrait sketch na nakasabit sa dingding ng kwarto ko. Larawan ko ito habang nakatanaw sa malayo at iginuhit ito gamit ang isang charcoal pencil.

Nakangiti ako'ng pinagmamasdan ang portrait picture ko. Masarap kasi sa pakiramdam kapag may isang tao na pinaglaanan ka nang panahon kahit konting oras lang para magawa'n ka ng obra o maiguhit ka. I know how it feels because I'm a visual artist too. I always appreciate those artworks of my co-artists.

Because for me every piece of an artwork from artist is valuable. It takes a lot of time, effort, creativity, and wholeheartedly giving to create a masterpiece.

Kaya iba ang kaligayahan na naidudulot sa akin kapag may mga taong nakaka appreciate ng obra ko. Nakakataba ng puso.

Natauhan ako no'ng nagulat ako kasi tinawag na naman ako ni Bheka.

"Serin, ano pa bang ginagawa mo d'yan? Aba. Bilisan mo na. Male-late na tayo sa school." Sigaw niya.

Nagmadali na 'kong bumaba at nagtungo sa cr, may second floor kasi itong bahay nila. Kung 'di niyo itatanong pero itanong niyo na rin para malaman niyo. Nandito ako ngayon sa bahay ng tiyahin ko sa maynila. Ilang taon na 'kong nakikitira sa kanila simula no'ng mag-college ako. Nakakuha kasi ako ng scholarship sa isang sikat na university dito ngayon.

"Tita alis na po kami." Nagpaalam ako kay tita Welma habang nagluluto siya sa kusina. Tapos na 'kong maligo ngayon at hindi na ako nag-abalang mag-ayus pa sa sarili ko kasi nagmamadali na kami.

"Oh? Hindi ka na ba mag-aalmusal Serin?" Tanong ni Tita.

Nagsasapatos ako ngayon nang tugunin ko siya. "'Di na po Tita. Late na kami e. Bye po."

Paglabas ko ng bahay nakita ko na si Insan na nag-aabang sa akin.

"Akala ko wala ka ng balak pumasok, e. Tara na. Baka malate tayo. Traffic pa naman sa dadaanan natin." Hindi ko na lang siya sinagot.

Nang makatawid kami sa kalsada na puro polusiyon at usok mula sa mga sasakyan nandito naman kami ngayon sa jeep at nakikipagsiksikan sa mga pasahero dito sa loob.

Hays, 'di pa ako nakakarating sa school ang haggard ko na, amoy usok at parang sumabak na sa gera. Pero 'di bale, kering-keri ko naman kasi sanay na 'ko. Saka last year ko na ngayon sa college. Isang taon na lang ang bubunoin makakagraduate na ako. Konti na lang Serenity matutupad mo na ang mga pangarap mo na maiahon sa hirap ang pamilya mo. Aja! Fighting! Sabi ko sa isip ko upang palakasin ang loob ko.

"Ang pag-abot sa pangarap natin ay parang byahe sa isang malaking kalsada. Minsan mabilis ang byahe at madali kang nakakarating sa iyong pupuntahan. Pero minsan mabagal rin ito dahil may mahabang traffic o balakid/pagsubok tayong dapat lampasan. Kailangan natin nang tiyaga at mahabang pasensya. May saysay naman ang bawat paghihintay mo dahil sa huli nakarating ka sa iyong pupuntahan, narating mo ang iyong pangarap."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status