Share

Chapter 14: Ice Tower

Hirasaya’s POV

Am I missing something?

Nakatulala lang ako habang pinapanood ang ilan sa mga nakakatandang miyembro ng organisasyon na nakatayo sa labas ng pinto. Kasama nila sina Papa at Mama na nag-aalalang nakatingin sa ‘kin. Gaya ko ay wala ring kaalam-alam ang ilan sa mga mamamayan na nagawa nang iwanan ang kanilang responsibilidad sa pag-aayos ng nalalapit na annual feast. Nagkumpulan na sila upang makiusyoso sa kung anong ginagawa ng nakatataas na miyembro ng organisasyon sa bahay namin. Lalo na ngayon na ang annual feast talaga ang dapat na pagtuunan ng pansin.

Mama locked me in a warm embrace. Siniyayat niya ang mga marka ng natuyong dugo na nabigo akong alisin sa caribou jacket.

“Anong nangyayari?” Saka niya nagawang itanong matapos kumalas sa pagkakayakap sa ‘kin.

Sumunod si Papa na papasok na sana kung ‘di ko lang siya hinarangan. Bahagya kong isinara ang pintuan na nasa aking likuran para wala siyang makita sa loob.

Seems like they know that something wasn’t right.

Seryoso pa rin si Eliseo. Ang presensya niya talaga ang ‘di ko inaasahan. Mukhang normal lang naman para sa iba— kasi ‘di naman nila alam katulad ko na siya ang tunay na namumuno sa mga Elders. Pinuno ng Rozenhart.

“Let us in, Young Lady.” His voice switched on the fear that resides within me.

The house was still a mess. At paano ko naman ipapaliwanag sa kanila kung paanong ang limang tauhan niya ay naging yelo? Alam kong sa oras na buksan ko ang pinto ay para ko na ring ginawang katotohanan ang katapusan namin.

Nanatili ako sa aking posisyon. Naging sanhi lang ito ng paglakas ng bulong-bulungan. Kung hindi naman ako aalis sa pinto ay mas magiging kahina-hinala lang ako. I didn’t even mean anything for this to happen. They brought it to themselves.

Umiling ako kay Papa. Mukhang nakuha naman niya ang senyales na ipinararating ko.

“It will be okay, Hirasaya. Trust me,” sabi niya.

Wala na akong nagawa kung hindi ay pumagilid sa daanan. Litong-lito ang isipan ko sa isinagot ni Papa. Maybe he didn’t understand what I was trying to convey. But either way, I was left with no choice but to let them in. It was already played out by these Elders.

Kung tutuusin, paano nga ba nila nalaman ng ganito kaaga? I know that they learn about what happened anyway… pero ang aga naman ata masyado? It’s only been an hour when their members came to invade our house. Tapos ngayon ay kasama pa nila ang pamilya ko na walang malinaw na ideya sa nangyari.

Napakarami kong gustong sabihin. Pero sa huli ay napili kong kagatin na lang ang dila upang pigilan ang sarili. I hate being helpless but that has always been my state whenever I’m with them.

Torn pieces of fabrics and five chunks of ice had met their vision once Papa opened the door. I heard gasped and varying opinions from the crowd who happened to also be here witnessing the scene. Sapat na ang naramdaman kong lamig sa likod para ma-conclude na nakatitig sila sa ‘kin. Afterall, some of them happened to see our fight earlier when the holes appeared—and I bet they’re squeezing their brains as to why the outcome didn’t match their expectations.

Si Kuro naman ang gumawa niyan but I still felt the joy of proving them wrong. Hanggang ngayon ay nagprocess pa rin talaga sa utak ko kung paano ko sila nagawang patumbahin.

“Go back to work.” Hindi ko mawari kung galit ba siya o ano base sa kaniyang tono.

Nagsibalikan naman ang mga tao hanggang sa kakami na lang uli ang natira. Hindi pa rin naman ito nakatulong sa pagbawas ng nararamdaman kong kaba… kahit kaunti man lang.

Naghihintay ako sa reaction ni Eliseo but his expression only remained still. Kaunti na lang ay iisipin ko nang inaasahan niya talaga ang mga pangyayari.

“My vases! And is that… is that a person?!” hysterical na sagot ni Mama. Napansin niya siguro agad ang pag-iiba ng tint ng vases niya.

Kuro was able to bring it back together. But in order to do so, he will need to use his gift. Similar man ay unique pa rin sa user ang gift nila dahil nababase ito sa ability nila na i-manipulate ito. Since Kuro and Mama isn’t on the same level, then Kuro wouldn’t be able to exactly restore her vases on its original form.

Sunod-sunod ang tingin niya sa ilang nagkalat naming mga gamit na ‘di ko agad naayos. On the other hand, Papa approached the frozen members and freed them. The water which came from the melted ice swirled on every direction before going out of the house. Humahangos ang ilan sa mga myembro na naiwang may malay.

“Inatake nila ang bahay natin, Papa,” sabi ko bago diretsong sinalubong ang tingin ni Eliseo na nanatiling kalmado.

Alam ko kung anong tumatakbo sa isipan nila ngayon: Paanong nakulong sa yelo ang limang mga myembro? Pero dahil hindi naman nila isinasawika ay nanatili na lang din akong tahimik dito.

“Eliseo…” Nandilim ang mukha ni Papa habang naglalakad patungo sa kausap.

Hindi ko iniiwasan ang paglitaw ng tipid na ngiti sa mukha ng huli. I never took him to be the type who smiles. It honestly gives me the creep.

“Ah! So, the members who slipped away were actually here. We are deeply sorry for the trouble they had caused. Rest assured that the Elders will be with you on fixing their mess.”

Halos ‘di magsink-in sa utak ko ang sinabi niya. Ano raw? Sorry? Pati sila Papa ay gano’n din ang iniresponda. All these days that we’re being attacked was caused by them. Tapos bigla na lang silang maghuhugas ng kamay sa harapan namin. ‘E kung tutuusin ay kampi naman sa kanila ang lahat ng mga mamamayan?

“What type of tricks are you trying to play?” Lumabas sa bibig ko ang mga salitang dapat ay nanatili lang sa isipan ko.

Mabilis na bumalik sa pagiging neutral ang ekspresyon niya kaya inakala kong galit siya. “We’re taking them. Please excuse us.” Tumango siya sa ‘min at lumabas ng bahay na parang wala lang.

I heard a series of coughs from the supposedly unconscious members. Lumabas mula sa ilong nila ang mga pumasok na tubig na siyang naggising sa kanila. My parents instinctively stepped forward to shield me from them. They didn’t care and walked away when Eliseo motioned them to.

Seryoso nga si Eliseo sa sinasabi kasi nagpaiwan ang ilan sa mga kasamahan niya upang tulungang isaayos ang mga kagamitan. Hindi pa roon nagtatapos ang lahat dahil pagkalabas ni Eliseo ay tinawag niya ang atensyon ng lahat na kanina pa pasimpleng sumusulyap sa nangyari sa lima.

“Our dear people of Rozenhart. Clearly, you’ve seen what happened to those who caused trouble for Molina family. The matter had reached Leader Gregor and he wants everyone to hear about this: Anyone who dares to cause harm to EVERY family will face the Elders’s wrath,” sabi niya.

Kusang tumaas ang kilay ko bago tignan ang aking mga magulang. Now they’re preaching about protecting us, huh? This definitely seems suspicious.

Nanatili kaming tahimik hanggang sa mawala sa paningin namin si Eliseo. Mama sighed in relief.

“Buti na lang ay may nagsabi sa ‘min ng nangayari rito sa bahay kung kaya’t nakapunta kami agad. Hindi pero kami pinayagan ng Elders na umalis sa responsibilities namin kung hindi sila sasama,” pag-explain ni Mama.

“I’m glad everything’s okay.”

Days after that, I found myself wandering on the streets of Rozenhart. Everything was already producing the festive spirit from the upcoming event. Some were also polishing their hunting weapons for the foods that will be served on that time.

Syempre ay walang sinabi sila Mama na pumapayag na silang palabasin ako. But still… somebody has to do it. Mukhang good mood ang mga Elders ngayon kaya lulubusin ko na ang pagtakas sa bahay. Of course, I don’t believe on their antics of protecting us. Believing their claims was like believing that I have a gift. Ibig kong sabihin, their show was nonsense.

Kailangan kong makipag meet-up kina Kuro at Daire. I’m just hoping na nasa bahay niya si Kuro. Kinakabahan na talaga ako sa galawan ng Elders at may masamang kutob ako that something which is not good is about to happen.

There will be two consecutive celebrations which everyone was preparing for: One for celebrating the last day of the Midnight Sun. Habang ang pangalawa ay ang pagbati sa pagdating ng Polar Night. Kung ngayon ay magdamag na nakatirik ang araw, puwes sa Polar Night ay magdamag namang kadiliman.

Call me paranoid or what… but I am sensing that Polar Night is a good time for the Elders to do something dangerous. Naramdaman ko lang nang bigla silang magplay nice. Hinding-hindi kasi nila magagawa ‘yon, unless may binabalak sila.

“Oh, wow… Hirasaya! Long time no see!” Sinundan ito ng flashes of camera na nakasabit sa leeg niya. When she put her camera down, I saw Everess’s face smiling mischievously at me.

Shoot… ba’t siya pa ang nakasalubong ko.

Nagpanggap akong hindi siya narinig bago kumaripas ng takbo. She’s been helpful in the past, but I won’t trust her again. Simula nang mangyari ang pag-atake sa bahay ay nangako na ako sa sarili ko na ‘wag maging involved sa kanino mang miyembro ng organisasyon.

Pagkarating ko sa bahay ni Kuro ay tanging katahimikan lang ang sumalubong sa ‘kin. Just great! Ngayong kailangan ko pa man din siya. Hindi ko pa naman alam kung paano makapunta kay Daire.

And speaking of…

Dahan-dahang nagbukas ang pinto at iniluwa nito si Daire na mukhang nanghihiram ng damit ni Kuro na siyang hawak niya ngayon. He sighed in relief when he saw that it was just me.

“Puwede ka nang lumabas?” tanong niya sa ‘kin.

Tumango na lang ako kahit tumakas lang talaga ako. Daire is a good guy, baka siya pa mismo magbalik sa ‘kin sa bahay once na malaman niyang bawal ako lumabas.

This part of Rozenhart was empty dahil na rin sa karamihan sa kanila’y nasa sentro at busy mag-ayos. It’s definitely the perfect time for a reunion.

“How are you?” sagot ko habang naglalakad kami patungong North border. Napansin ko ang hawak niyang susi na sa pagkakatanda ko’y para sa Ice Tower.

“Don’t worry, everything’s good. How about you? Hindi ka pa ata… kumakain.” Napatingin siya sa tiyan ko nang tumunog ang aking sikmura. Buwisit nakakahiya. Sa pagmamadali ko ay nakalimutan kong magsnatch ng biscuit.

Bigla na lang siyang lumingon kaya gumaya ako. What’s wrong? Binalik niya rin naman sa harap ang tingin bago ngumiti matapos mapansin ang nagtataka kong ekspresyon. “It’s nothing, really.”

Okay?

Nakarating kami sa North border at kapansin-pansin ang malakas na ihip ng hangin. Humigpit ang hawak ko sa braso niya nang hindi namamalayan. Saka ko lang napansin nang mahina siyang tumawa sa itsura ko.

“Right. So, you were afraid of that guy?” tanong niya. Hindi na lang ako kumibo pero nanatiling nakahawak ang kamay ko sa kaniya. I’m just afraid that uh… I might get lost.

There was a strong vibration on the floor— something like a heartbeat when Daire used the key to open an invisible door. Just then, the Ice Tower emerged in our sight. Para ngang may pa-lighting effect ang tore dahil bigla na lang may umilaw.

‘Di ko pa rin maisip na may access si Kuro rito. Paano nga ba niya ito nagawa? Ni mga miyembro nga ng organisasyon ay itinuturing itong isang mitolohiya lamang.

Isa lang naman ang masasabi ko sa tore, it looks majestic. Every part was made of a stalagmite-shaped crystals na pinagdikit-dikit to form its structure. Bawat piraso ng stalagmite na ito ay may naiibang kulay pero within the spectrum of blue color din.

Pagkapasok ay sumalubong sa ‘min ang carvings sa pader na tila ba ay nagsasaad ng kuwento.

“That was the Tower’s history… according to Kuro.” Nag-echo ang boses ni Daire sa paligid and the sound was haunting in a beautiful way.

Nakuha ng paningin ko ang carving ng apat na tao. Each of them possesses one of the four elements na naririnig ko sa historians: Fire, Water, Earth, and Air.

Malawak ito, ngunit mas malawak pa rin ang mansion ng Elders. The only thing is mas mataas ito. Sadly, the tour ends here since there were no stairs. At may mga carvings pa na umabot hanggang sa pinakatuktok.

“Daire?” tanong ko sa katabi nang makarinig ng kalampag. It seems to come from the upper part of the tower which is weird dahil wala ng upper floor. Nakikita ko na nga ang kisame ‘e na may disenyong dalawang kamay na hawak ang puso ng tao.

“May kasama ka ba rito?” natanong ko sa kaniya.

Agad naman siyang umiling. “It’s only me, unless pag bumibisita si Kuro.”

“But anyway, kamusta na?” saad pa niya.

“Hmm… okay sana kung walang mga Elders na nag-uutos atakihin ang bahay namin.”

Everything about the Ice Tower is empty. Gamit lang ni Daire which is iilan pa ang natatangi rito. Ano pa nga bang inaasahan ko? Wala namang nakatira rito dati.

“Really?”

Tumango ako bago ikuwento na sa kaniya ang buong detalye. Kasama na roon ang pagbisita ni Eliseo sa bahay.

“So… why are you out here? It’s dangerous for you!” Tumaas pa nang kaunti ang boses niya.

“Anong gusto mong gawin ko? Tumunganga sa bahay? ‘E ‘di parang nanalo na agad sila.”

“You don’t understand… everything will not be finished until the guardians has finished their warfare.”

A-Ano raw? Siya ang dayo rito pero bakit parang mas marami pa siyang alam?

Sasagot na sana ako nang bigla uling magvibrate ang sahig. The doors had opened for the person waiting outside… nga lang, hindi ito si Kuro.

It was Everess.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status