Share

Chapter 12: Window Talks

Hirasaya’s POV

Tanging ang tunog lamang ng kubyertos namin na gawa sa yelo ang maririnig. Naka-focus lang ako sa paghahalo ng kinakain kong hoosh kanina pa. Halos maging powderized na nga ‘yong biscuit na ingredient nito dahil sa intensity ng paghahalo ko. Kahit ano, ginagawa ko para lang magkaroon ako ng dahilan kung bakit isang oras na ang lumipas ay ‘di pa rin ako tapos kumain. Mukhang gano’n din naman sila Mama kasi napapansin ko pa rin sa peripheral view ko ang pagsubo nila.

Hanggang ngayon ay wala pa ring nagbabalak magsalita sa ‘min. Sa paglipas ng oras ay nararamdaman ko lang ang pagbigat ng atmosphere sa hapag-kainan. We’ve been like this for how many days now. I hate it. That’s why this time, I promised myself not to leave the dining table early. Kakausapin ko ang mga magulang ko lalo na’t ako rin naman ang may kasalanan ng lahat nang ito.

Inangat ko ang tingin habang kinakalma ang sarili. May sari-sarili pa rin silang mundo. ‘Di ko naman mabasa ‘yong ekspresyon nila but for some reason, it was something that I’d never want to see again because of the tragedy it made me feel. Nasanay kasi akong lagi kaming nag-uusap tuwing kainan pero ‘yong pakiramdam ngayon ay wala nang pinagkaiba sa pagkain ng mag-isa.

“Hmm? Ano ‘yon, anak?” Tumingin sa ‘kin si Mama matapos niyang mapansin ang mga mata kong nakapukol sa kaniya. Mababakasan nang pagkapagod ang kaniyang mata.

Natigil din si Papa sa pagkain. Napalunok ako ng laway at bumalik uli ang tingin sa kinakain. Umiling ako sa kanila kaya nagpatuloy lang din sila.

Kinagat ko ang ibabang labi at kaunti na lang ay nais ko nang hampasin ang ulo. Sabing ngayon ko na nga lang ‘yon sasabihin ‘e! Nakita ko ang determinasyon sa ‘king mukha mula sa salamin na nasa likuran ni Papa. Heto na nga…

“Pa, Ma, sorry… para sa lahat-lahat.” Pumiyok pa ang boses ko habang sinasabi ‘yon.

Nakikipagkarera na naman ang mga luha ko sa pagdaloy mula sa ‘king mata. Parang may nakaapak sa puso ko na mabigat. Nagdaan ang mga araw na pilit kong isinisiksik sa isipan na wala akong kasalanan, kaya para saan at hihingi ako ng tawad? Lahat ng nangyari sa ‘min ng pamilya ko ay nangyari lang naman dahil sa kagustuhan ng mga Elders. Pinaniwalaan kong kapag humingi ako ng tawad ay para ko na ring inamin na ako ang may kasalanan sa lahat.

Pero sino nga ba ang niloloko ko?

I was so focused on listening to my pride to the point that I’ve became deaf to my parents’ pain. Kasi kung tutuusin, hindi naman ito mangyayari sa kanila kung ‘di ako dumating sa pamilya.

Nakatingin lang ako sa kinakain kong hoosh na ngayo’y naliligo na sa luha ko. Ipinatong ni Papa ang kaniyang kamay sa ‘king balikat kaya bumalik ang tingin ko sa kaniya. He was giving me a gentle smile, although it didn’t reach his eyes at all.

“For what?” ani niya. “Hirasaya, wala kang kasalanan sa nangyari.” He gave me a comforting squeeze at my shoulders.

Tumango naman si Mama. “That’s exactly what the Elders want you to think, Hirasaya— to blame yourself for everything. Don’t give them that satisfaction,” sabi niya. Para siyang handang makipaglaban sa kung sino man.

Nanatili pa rin sa ‘king bibig ang isang mapait na ngiti. “And you’re all suffering because of it.”

“Sshh… let’s not talk about that for now.” Tumayo siya sa kinauupuan at naglakad papunta sa ‘min ni Papa. She enveloped us in a hug.

“Tatandaan mo ito, Hirasaya… wala kaming pinagsisisihan ng Papa mo sa pag-adopt namin sa ‘yo. Pamilya mo kami, at wala pang kahit na anong bagay ang makapipigil n’yon.”

Mayro’n pa ring nakabara sa ‘king d****b ngunit kahit papaano ay gumaan naman ‘yon dahil sa sinabi ni Mama. Napakasuwerte ko dahil sa kabila ng pagiging impyerno ng lugar na ‘to ay sila ang nagsilbing liwanag ko.

Wala na akong ibang mahihiling pa kung hindi ay ang kaligtasan nila…

Agad ding humiwalay sa pagkakayakap si Mama. Ngayo’y mababakasan na ng pag-aalala ang kaniyang mukha. “Hirasaya, ayos ka lang ba? Bakit ang taas ng temperature mo?” mataas ang tono na kaniyang pagkakasabi.

Maging si Papa ay nakakunot noo na rin.

Matapos ang pagkikita namin ni Elder Gregor ay nagkaroon na ako ng lagnat, pero hindi ito alam nila Mama dahil ayaw kong ipaalam. ‘Di ko na kayang dagdagan pa ang kanilang pag-aalala. Ngunit sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo lang tumataas ang temperature ko. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay wala naman na akong iba pang nararamdamang epekto ng lagnat. Nakalimutan ko ngang nilalagnat ako e.

“Weird mang pakinggan pero ayos lang naman ako, ‘Ma at ‘Pa,” katuwiran ko pero umiling si Mama. Alam ko namang hindi ko na uli siya mapipigilan sa pagiging sobrang protektibo niya.

The next thing I knew, I was already lying on my room’s bed. Nag-e-echo sa ‘king isipan ang mga paalala nila Mama bago nila ako iwan dito. Pinagbabawalan nila akong lumabas ng bahay.

“Hay naku…” I muttered under my breathe while pulling the blanket towards my face. “Kahit naman wala akong lagnat ay pagbabawalan pa rin nila ako.” Considering every single thing that the Elders plotted against me and my family.

Mas lalo akong magkakasakit pag ganitong nakahiga lang ako buong magdamag e. Pagka-boring pa nga ata ang papatay sa ‘kin kaysa sa lagnat ko. Ang tanging bagay lang na pinagpapasalamat ko ay ang scenic view ng karagatan mula sa kalayuan. Walang bumibisita sa ‘kin sa mga nagdaang araw, kahit si Kuro man lang ay wala.

Napatitig na lang ako sa kisame namin. Mas lalo akong ginagambala ng mga palaisipang pumapasok sa ‘king isipan, maging ng mga memorya mula sa nagdaang mga araw. Napakalupit ng mga taga-Rozenhart sa ‘kin. Kaya minsan ay naiisip ko… kung magkakaroon man ako ng oportunidad na makatakas dito ay susunggaban ko agad.

If only Daire can remember how he got here… then that would be helpful on our escape.

Isinantabi ko na lamang ang ideyang ‘yon. Because let’s be realistic here… escaping Rozenhart is synonymous to impossible.

Ipipikit ko na sana ang mata nang biglang may bumungad sa ‘king bintana. Napaupo ako upang kunin ito at napagtantong galling ito sa labas dahil maging ang bintana ko ay nakabukas. ‘Di ko man lang namalayang may nagbukas… gano’n na ba ako kalunod sa mga iniisip ko?

“S-Sino ‘yan?” tanong ko habang maingat na tumitingin sa labas gamit ang bintana. Sinikap kong ‘wag mahawakan ang bagay na nasa aking bintana.

Pero napapatingin pa rin naman ako rito dahil may kulay itong kagaya ng apoy. It also has a faint but sweet smell. I never seen anything like this in my entire life so I can already my expression being filled with curiosity. Ano ba ito?

“That’s called flowers…” Lumitaw si Daire sa field of vision ko. Sa’n siya galling? Bakit hindi ko siya nakita kanina?

“F-Flowers?” ulit ko at sa wakas ay hinawakan na ito. Ito ba ‘yong flowers na sinasabi niya noon sa ‘kin? ‘Yong mayro’n sa bayan niya? It was very smooth… and probably the most beautiful thing I’ve ever seen.

“We call it fire lily.” Muli siyang naglakad palayo ngunit bumalik din naman agad na may dala nang upuan. Well, he’s prepared.

“Thank you…” Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. “Saan mo ito nakuha? Were you able to come back in your country?” sunod-sunod kong tanong.

It seemed that I knocked him off guard. Pero bigla rin siyang napangiti. “N-Nakita ko lang na may tumutubo palang ganyan sa Ice Tower.”

May ganito pala sa Ice Tower? I just hope that I could go there someday, even with my situation.

He was just sitting quietly. But somehow, having an acquaintance during this difficult time for me makes me grateful. The loneliness that was kept inside me was lesser. The only thing that kept us apart was the window.

“Okay ka lang ba ro’n? Does Kuro visit you?” sabi ko.

“Yeah, rest assured that everything’s… fine.” Ngumiti siya sa ‘kin pero halatang pilit.

“Is there something wrong?” I gestured to him na pumasok siya sa kuwarto dahil baka may makakita sa kaniya sa labas. My parents wouldn’t know since he can just enter the window.

“Wala naman…” He looked at my face na nagsasabing hindi ako naniniwala. “It’s nothing, okay? I guess I’m just missing home,” dagdag niya.

Oo nga pala. Syempre ay may pamilyang naghihintay sa kaniya roon. Dahil tuloy sa sinabi niya ay pumasok sa ‘kin ang posibilidad na may pamilya rin ako sa labas. Afterall, hindi naman talaga ako taga-rito. I wonder, how are they doing today? If only I can remember…

I hate to say it… pero ang hirap nang isipin na may iba pa akong pamilya bukod sa pamilyang natagpuan ko rito. It may seem weird but I consider them to be my real ones now.

“I hope I can be of help. But we only have small boats that we only use for fishing. Not to mention, the Elders would definitely spot us.” I don’t like to be the killer of hope, but what I said was the truth. Alam kong aware na rin naman siya sa katotohanang lahat ng mga tao rito ay may kakayahang kontrolin ang tubig.

“Small boats? Hindi ba’t mayroon kayong ships?”

Ships? Is he pertaining to the large watercrafts?

“I’m familiar with ships since it was commonly stated in our history. Pero simula nang masira ang ibang kontinente ng Harature ay wala nang gano’n.” I’m sure that I already told him about how Rozenhart came into existence.

“Really? That’s weird…”

“How? Natatandaan mo na ba ang nangyari kung bakit ka napunta rito?” I was so curious that I already leaned towards the window.

“Yes, although it was still on a blur. I can remember that I was held captive and they put me in the ship. Hindi ko pero matandaan kung paano ko sila natakasan.”

Oh? Now, that’s something.

“B-But I’m not really sure. Kasi may ship naman kami sa bayan. It’s just weird that I heard them saying Rozenhart. Because if they really came from my country, then they wouldn’t know that. Your place doesn’t exist on our maps.” Palipat-lipat ang tingin niya na tila ba ay hindi mapakali.

That’s a very helpful information, considering if it’s true. Hindi naman sa ‘di ko siya pinagkakatiwalaan pero kasi ay parang may mali sa sinabi niya. Kasi kung totoo man, then why would the Elders hold him captive?

Malinaw kong narinig kay Gregor na tinuturing nila ako bilang isang banta sa lugar na ito. Then, why would they capture him too?

“Now that I think of it, may mga iba pa akong kasama na hinuli rin. If only I can remember more…” Pinalo niya ang ulo kaya pinigilan ko siya.

“Please, don’t force yourself. Matatandaan mo rin ang lahat,” sabi ko. “By the way, about the world you came from… maganda ba ro’n?” pag-iiba ko na lamang sa usapan. He already told me about it. Sadyang gusto ko lang uling marinig mula sa kaniya.

“Of course. Hindi gaya rito ay may mas sense of equality sila roon.”

“Wow, sounds like a paradise to me.” Dumagan ako sa pader na katabi ng bintana.

“I hate to say it to you but… mayro’n pa ring mga tao roon na gaya ng mga Elders dito. There’s also people like you who receives unfair treatment just because of the color of their skin, the way they identify themselves, or in your case here— having mastery with your gift. It is also a cruel world.”

Wala na akong masabi kaya nanahimik na lamang ako. Everywhere is a cruel place, as long as people like the Elders exists. Nakakalungkot lang isipin. Why does being unique feel like a burden?

“I would still like to be there, if it means being with more people like you.” ‘Yon na lamang ang nasagot ko. Daire gives this comforting vibe, kaya hindi na nakapagtatakang mas madali ko pa siyang naka-close kaysa sa mga tao rito.

If there’s people like him who lives there, then I would also want to be there.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status