Share

Chapter 13: Uninvited

Hirasaya’s POV

Ilang araw pa lang ang lumipas simula nang mag-usap kami ni Daire pero parang ang tagal na nitong nangyari. Siguro ay dahil sa mga nagdaang araw na ‘yon ay napakarami nang nangyari sa ‘kin… at sa buong pamilya ko.

Isa lang ang masasabi ko upang ilarawan ang mga araw na ‘yon: Impyerno.

Nagsisimula nang maging katotohanan sa ‘min ang epekto ng pagkawala ng posisyon ni Papa na siyang nagsilbing proteksyon sa pamilya ko. Araw-araw ay hindi naaalis sa ‘kin ang pangangamba hindi para sa buhay ko— kung hindi ay sa mga taong malapit sa ‘kin. Tapos, dumadaan ang mga araw na umuuwi laging may pasa sila Papa kapag galing sila sa labas.

They’re defending me and only wishes for my safety. Pero dahil naman sa concern nilang ‘yon ay pinagbabawalan na nila akong lumabas. Our home is a fortress where I was meant to stay, they say. Alam kong ‘di sumagi sa isipan nila na mas nagiging desperado lang akong makatakas dahil sa ginagawa nila.

I want to shout in their ears and tell them that I’m part of the family too! I can’t just sit here and hope for the best. Kapag sangkot ang pamilya ko sa isang bagay, lahat ng pag-aalala ko sa incapabilities ko ay naglalaho na lang din. Susugod at susugod ako kahit sino man ang kailangan kong harapin. That’s how eager I am to protect them, hindi ba nila naiintindihan ‘yon?

I crossed my arms and stared at them in disbelief. Madali lang sa kanila na tanggihan ang kagustuhan kong lumabas dahil wala silang alam sa ‘king nararamdaman. Their focuses were towards the walls of our houses which they try to strengthen using their gifts. The sound of water being frozen dominated the sound of my stomping foot due to irritation.

“Ma! Pa! Can’t you see? Gusto kong tumulong!” sabi ko. Naagaw ng atensyon ko ang pulang mga marka sa braso ni Mama na dala ng ice burn.

“And we want you to be safe,” pag-diin ni Mama.

Saka lang naman bumalik ang presensya ko sa kanila dahil tapos na sila sa kanilang pinagkakaabalahan. Naka-ready na sila sa muli nilang pagpunta sa labas. May kaniya-kaniya na rin silang bitbit na materyales na gagamitin para sa okasyon sa labas.

“Look…” Papa gathered himself before heading towards me. “If you want to help, then stay at the house. Kagagaling mo pa lang naman.” Bumalik siya sa tabi ni Mama na naghahanda nang buksan ang pinto.

How can I help by staying in the house anyway? Sa tindi ng seguridad na dinagdag nila ay malabong may makapasok pa.

“Hindi pa namin alam kung anong oras kami makakauwi ng Mama mo. So until then, you are in-charge of guarding the house,” dagdag pa ni Papa.

I rolled my eyes. As if, naman. I know that he actually means the other way around. ‘Yong ako ang kailangang bantayan ng bahay namin.

“But still—!” Natigil din ako kasi wala na sila.

Hinilig ko ang ulo habang ang aking bibig ay pumorma ng tuwid na linya. Padabog akong naglakad patungo sa kuwarto pero para namang may makakakita sa ‘kin na galit. Nagmukha lang din akong baliw. I pushed the door of my room violently pero tenga ko lang din ang nasaktan sa malakas na kalabog nito.

Medyo naiintindihan ko naman sila pero kasi hindi ko na kaya. Lahat na lang ng posibleng pag-lulugaran ko ay pinupunit sa ‘kin paalis. No’ng una ay nananahimik lang ako kaya ako ginawang basahan. Inaral kong ipaglaban ang sarili tapos dahil do’n ay nanganib ang aking pamilya. Dumating ang huli na wala akong magawa kung hindi ay umiwas na lang… at tignan mo nga naman! Ako pa ang naging perpetrator sa nangyari sa East border.

Pinunasan ko ang sarili nang magpawis na naman ako. Magaling na ako mula sa lagnat ‘e, pero mayro’n pa rin ‘yong biglaan uli akong umiinit. Syempre ayaw ko nang ipagbigay alam pa ito sa kanila. Makakuha lang talaga ako ng tiyempo ay makikita nila… tatakas ako sa bahay.

Umupo ako sa ‘king higaan na katabi ng bintana. Kahit na malinaw kong nakikita ang kaganapan sa labas ay ‘di nila nakikita itong sa loob. Parte ang feature na ‘to sa seguridad na dinagdagan ni Mama— na wala akong ideya ay may illusion gift pala.

Punong-puno ng mga tao sa labas na siyang nagkukumahog sa paggawa ng responsibilities na iniatang sa kanila. Pinanood ko ang isa sa kanila na nakaapak sa umaalon na tubig mula sa batiya. Looks like siya ang in-charge sa paglagay ng bandiritas na may cool theme colors.

Napakarami na nga talagang nangyari sa taon kong ito kung kaya’t naalis sa isipan ko ang nalalapit na annual feast. Ako lang ang tanging miyembro ng Rozenhart na never pang matry makasali kasi alam na kung bakit. Ngunit lagi ko pa rin inaabangan ito bawat taon. Dahil nga busy ang lahat ay walang nanti-trip sa ‘kin. It’s a Freedom Day for me. Hopefully, maging gano’n pa rin ngayon.

Tumigil na lang ako sa panonood nang makarinig ng kakaibang tunog. Galing ‘yon sa dining table at tunog ng bagay na nahulog. Sila Papa ba ‘yon? Ang aga naman ata nila makabalik?

Iniisip kong sila ‘yon kahit na ang katawan ko ay maingat na gumagalaw. Doon tumambad sa ‘kin ang hindi lang isa o dalawa, kung hindi ay limang mga tao. Maliit lang naman ang Rozenhart pero karamihan pa rin sa residente ay ‘di ko kilala, at kasama na ang mga kaharap ko ngayon.

Kumapit ang aking kamay sa d****b pagkabalik ko sa kuwarto. What kind of monsters are they? Our home was on its maximum security, my parents made sure of that. But I saw huge holes in the walls which served as their entry. Anong gusto nila sa bahay?

Pumikit ako habang humuhugot ng malalim na hininga. Nilinaw ko ang isipan. Pagkabalik ng paningin ko ay na-magnet ang mata ko sa bagay na ‘di ko akalaing magagamit ko uli ng ganito kaaga— ang aking bolas. ‘Di na ako nag-atubiling kunin ‘yon bago lumabas upang muli silang kaharapin.

Humigpit ang kapit ng namamawis kong kamay sa hugis singsing na dulo ng bolas. Nagngangalit ang aking ngipin. Mukhang ang tanging balak nila ay manira at guluhin ang mga gamit namin.

Pinaikot ko ang aking bola sa taas ng aking ulo bago ito itapon sa babaeng hawak ang wooden necklace ng Mama ko. Her colleagues tried to counter my attack but it was too sudden that the girl was already lying on the floor before they can do that. Siya rin ang pinaka malapit sa ‘kin.

Bumulusok ako patungo sa kaniya bago siya daganan. Kinuha ko ang wooden necklace mula sa pagkakahawak niya. “This is not yours,” nagawa ko pang isaad.

I positioned my hand into a chopping position and rendered her unconscious. One down.

Pinulot ko na rin ang bolas. Akma na sana akong tatayo nang mapagtanto kong hindi ko kaya. Something was locked in my feet. Nang tignan ko ito ay nakahawak ang kamay niya sa may bandang ankle ko and it was frozen in place!

“Lucky! It was only the girl without a gift,” nang-uuyam na sambit ng kasama nitong lalaki.

I don’t believe that they don’t have a clue. Afterall, it was a requirement for every able body to help in the upcoming feast.

Mas nairita lang ako nang itulak nila paalis sa shelves ang crystal figurines ni Mama pati na rin ang kasangkapan namin sa pagluluto. They’re doing all of those without any sign of remorse. Mahigpit akong kumapit sa kamay ng babae na wala pa ring malay to the point na halos mamula na rin ito.

All I could hear was the sound of our shattering equipment. Hindi rin nagtagal ay nakita ko ang isang tower-shaped crest na suot ng walang may na babae. Pati ang kasamahan niya ay may suot ding ganito. Suminghal ako. Kaya naman pala… the pest organization is here to cause chaos again.

Isinilid ko ang kaniyang crest sa ‘king caribou jacket. Something tells me that I’ll need it for… you know… future purposes.

Tinignan ko ang bolas bago ang binti na ngayo’y nagdudugo dahil sa nakabaon na mga crystal shards. Lima sila… and sadly, with the type of weapon I have, I’ll only have one shot.

“I wonder why the Elders keep warning me about you. You’re not even a threat,” sabi ng isa pang lalaki. He was at the other shelf.

Oh yeah? Let me hear about that again pagkatapos ng gagawin ko.

I can’t risk them noticing, kaya ‘di ko na pinaikot pa ang bolas sa itaas ng ulo ko. I waited for the moment where the jerk would swipe away the crystal vases. Bago pa bumagsak sa sahig ang vase ay itinapon ko ang bolas sa likod ng kaniyang ulo. The force I exerted was enough to push him towards the vases he dropped. Imbes tuloy na sa sahig ay nabasag ang vases sa ulo niya.

“Nasabihan na tayo, hindi ba? Huwag nating mamaliitin ang babaeng ‘to,” their leader said in a monotonous voice.

I figured that it was their leader who said that. ‘Yong pin niya ang determinant kasi siya ang naiiba ang kulay. This leader and I haven’t crossed each path. But for some reason, his voice is familiar… very familiar.

Tumayo ako at nanlaki ang mata ko dahil nagawa ko iyon. I looked at the puddle of water which I believe was supposed to be the ice that locks my feet and her hand together. Their leader was also looking at it. Did he remove it? My hands were warm though, even with the cold water dripping from it.

“This girl is a threat…”

“… and will always be a threat.”

Another member stepped forward. Tumabi siya sa leader nila. Nahihilo na ba talaga ako? O sadyang magkakaboses silang tatlo? Their voices were only slightly altered to produce difference.

Nawala na ang mga butas sa pader ng bahay. Papa had designed the walls to regenerate. Kaya medyo dumilim na naman ang paligid. Even though there are holes and people outside could see us, I doubt that they would care anyway.

The leader stretched his hands and slowly moved it in a rising motion. Spikes of ice sprout from the floor and sent the crystal shards flying in random directions. Ilan lamang sa kanila ay tumama sa bawat parte ng kamay ko na siyang nagtatakip sa ‘king mukha.

It left me with no choice but to rely on my instincts and jump away from wherever the spikes would possibly grow.

“You’re always running away. Why not choose to fight, even just for today?” Nagsalita na naman siya. I swear! His voice was really familiar!

It’s obvious that he was torturing me. Kasi kung gugustuhin niya, he could just easily kill me in an instant. Napulot ko naman ang bolas ko pero bago pa tumama sa kaniya ay nagawa itong ibalot sa tubig ng kasamahan niya. The three of them were like a single person sharing the same mind. Saka tumitigil sa paggalaw ang isa pag gumagalaw ang isa.

Then that only means distraction is the solution for them.

Napapangiwi ako sa bawat pagpulot ng crystal shards sa sahig. I was doing that while evading ice spikes at the same times. Once I collected enough, magkakasunod kong tinapon ang mga piraso alternately sa kanilang tatlo. Tama nga ako… bumabagal ang pagproduce ng ice spikes dahil sa ginagawa ko. Para silang biglang nagkaroon ng malfunction.

In the end, I was able to get close to them and snatch my bolas. Nagtapon ako ng malalaking shards sa dalawa bago itapon ang bolas sa leader… and I can’t believe that worked.

Habol-habol ko pa rin ang hininga nang matapos ‘yon. I was so filled with adrenaline that I nearly forgot I was covered in blood. Satisfaction? That’s all I can feel while watching their unconscious state on the floor. Agad ding naalis ‘yon nang magregister sa utak ko ang sira-sira naming kagamitan.

How they managed to enter was still a puzzle piece to me. No one was supposed to enter the house, kaya nanlalaki na lang ang mata kong nakatingin sa bagong pasok na si Kuro. He was shocked like me too as he takes in the chaos view of our house.

“W-What happened?” Saglit lang ang tingin niya sa walang mala na tauhan ng organisasyon dahil lumipat agad ito sa duguang  kalagayan ko.

The adrenaline didn’t stay for too long dahil bigla na lang bumigay ang katawan ko at unti-unti nang bumabakas ang sakit.

“The organization… kept on attacking… our home,” paliwanag ko habang napapapikit pa rin sa sakit.

“K-Kuro…” saway ko sa kaniya dahil humigpit ang pagkakahawak niya sa mga sugat ko. His eyebrows were creased.

Nabigla na lamang ako nang lumabas ang malaking alon ng tubig mula sa kamay niya. He attacked it at someone who’s in my back. Lumingon ako at nakitang may malay pa pala ang lima sa kanila. But now, they were encapsulated inside a chunk of ice and was unable to move.

Bihira ko lang makita si Kuro na gamitin ang gift niya… and I never expected him to be this strong. He’s almost as equal with Everess’s capabilities— which is a prodigy from the organization.

“So, they’re breaking the deal, huh?” sabi niya. But it only looks like he’s talking to himself.

“Anong deal?” tanong ko sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin at itinuon niya lang ang atensyon sa paggamot sa ‘kin. Water has healing abilities, but I never knew that he was this knowledgeable of using it to the extremes. Ang lalim kasi ng mga sugat ko pero sa huli ay wala nang bakas.

Tumayo siya at sa isang pitik, the crystal shards assembled themselves again. Bumalik din sila sa dating ayos. Only those who were made of ice was assembled though.

Napakarami ko pa palang hindi nalalaman sa kaniya. Bumalik na lang ako sa huwisyo nang walang pasabi siyang umalis ng bahay.

I called him, but he never turned his back again.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status