Share

Chapter 04: Left in the Cold

Hirasaya’s POV

Tatlong magkakasunod na katok mula sa kung sino man ang nagpatigil sa katahimikang nangingibabaw dito sa loob ng bahay.

“Ako na,” sabi ko at tumayo mula sa puwesto kong nasa tapat ng fireplace.

Ang tunog na nanggagaling mula sa bawat paghakbang ko ang siyang tanging maririnig. Naka-focus lang ang ulo ko sa pinto ngunit ang mata ko’y paminsan-minsang sumusulyap kay Papa at Mama na nakatuon lang ang pansin sa kani-kanilang ginagawa. Ano ba kasi talagang nangyari?

Hinawakan ko ang doorknob at pinihit ito. Bahagya ko lamang binuksan ang pinto upang silipin kung sino ang kumakatok sa labas. Agad na nagsalubong ang kilay ko pagkakita sa pamilyar niyang mukha na wagas kung makangiti.

“Wow, himala! Hindi pa naman lunch time pero narito ka na,” sabi ko sa kaniya.

He scratched the back of his head while laughing. May secret agenda siguro ‘to. Pumupunta lang naman ‘yan lagi rito sa bahay kapag oras ng kainan saka aalis pagkatapos. Himala lang kasi ang madaling araw pa lang pero nandito na siya.

Hmm… siguro breakfast naman ngayon ang puntirya niya.

“For your information, hindi pa kami nag-aagahan. Kakaubos lang nang imbak naming pagkain. Hulaan mo sinong nag-ubos?” Diretso ko siyang tinignan sa mata at tinaasan ng kilay.

“Uhm, ako?” he said with an innocent look.

Ugh, he’s really clueless.

“Si Kuro ba ‘yan? Aba’t, papasukin mo na kaya!” Narinig ko papalapit na boses ni Mama. Pagkalingon ko ay nasa likuran ko na siya.

My Mama, Nieves Molina, had always been fond of Kuro. Palagi kasi sinasabi ng loko na favorite raw niya ang luto ni Mama… na kesyo para sa kaniya ay si Mama ang best cook sa buong Rozenhart. Sobrang flattered naman si Mama at magluluto pa nang marami.

Alam na kung bakit mabilis maubos ang stock of foods namin.

Tuluyan nang binuksan ni Mama ang pinto, sa kaniyang labi ay nakadikit ang isang malawak na ngiti. Pumasok na nga si Kuro habang ako’y naiwan dito sa pinto.

“Hello, Tita! Tito!” pagbati niya sa kanila.

Napuno ng kulay ang kaninang awkward na atmosphere rito sa bahay. At dahil iyon sa presensya ni Kuro. He has this vibe that is similar to a sunshine— as what my parents would tell. I can’t argue more.

He gets along pretty well with other people. Kapag nga tinitignan ko sila nila Mama ay para silang pamilya dahil sa kung gaano sila kalapit sa isa’t isa.

“Oh, Hirasaya! Ba’t hindi mo gayahin itong batang ‘to na palaging nakangiti!” sabi sa ‘kin ni Mama. Mas lalong nalukot ang ekspresyon ko.

“Palaging nakasimangot, ‘yan tuloy walang nanliligaw!” panggagatong naman ni Papa.

Geez, ang hilig talaga nila akong pagkaisahan.

Busy pa rin si Mama sa paghahanda ng mga kagamitan namin habang si Papa naman ay naghahasa ng weapons namin para sa pangangaso. Pero hindi katulad n’yong kanina ay may ngiti na sa kanilang labi.

“Alam niyo po ba? Nakita po namin ni Hirasaya ‘yong legendary Ice Tower no’ng nakaraan? Sobrang cool! Pun intended.” With matching hand gestures pa si Kuro habang isinasalaysay iyon.

“Talaga? Hindi ‘yan nasabi sa ‘min ni Hirasaya, ‘a.”

“K-kailangan pa ba?” depensa ko sa sinabi ni Papa.

Inakbayan ako bigla ni Kuro kaya agad kong pinalo ang kamay niya.

“Nakalimutan po siguro ni Ate Hirasaya. Pero ‘di ba nakita niyo na po ‘yon nang malapitan?”

I glanced at my parents before looking back at him. Ibig ba niyang sabihin ay ‘yong time na natagpuan ako noon nila Mama sa Ice Tower?

“‘A, yes I remember… that was the time we discovered Hirasaya.”

“Do’n po ba kayo mag-ha-hunt ngayon? Sama ako! I mean, madalas naman nang narito si Tito. Baka matsambahan natin ‘yong Ice Tower!”

With those two sentences that came from him, the heavy atmosphere came back again. Kuro doesn’t seem to notice since he was too occupied with his goal of seeing the Ice Tower again.

And that’s when I confirmed that something is wrong with Papa… and Mama seems to be aware of what it is.

Napapansin ko lang kasi these past few days na palaging narito sa bahay si Papa. Of course, it makes me happy. But as a member of the most influential organization in Rozenhart, nagiging mandatory na sa kanila ang madalas na pagtira sa mansion. Hindi madalas nakakauwi si Papa dahil dito at tuwing training na lang namin ko siya nakikita. Kaya nakakapagtaka na madalas ay narito siya sa bahay.

I’m happy that he was able to somehow relax, but I just can’t change the fact that I’m also worried.

They looked at each other. Hindi man bumuka ang bibig nila ngunit para ba silang nagkakaintindihan sa simpleng pagtitig lang. I was about to speak ngunit naunahan ako ni Papa.

“Hirasaya, pwede bang mauna na muna kayo? Susunod na lang kami ng Mama mo. May kailangan lang kaming i-prepare.”

“I believe Kuro can manage to do that alone. Sasabay na lang ako sa inyong—” Nahinto ako sa pagsalita nang mariing umiling si Mama.

“Please.”

I snorted but stood up anyway while picking-up my bolas. Bakit ba palagi na lang nila akong pinag-iiwanan? Am I not a part of their family? Kung tutuusin, hindi naman talaga.

Tumingin ako kay Kuro na siya namang binigyan ni Papa ng War Harpoon. Nang magtama ang tingin naming ay sinenyasan ko na siyang sumunod sa ‘kin sa pamamagitan ng paggalaw ng aking ulo.

Padabog akong lumabas habang rinig ko naman ang boses ni Kuro na nagpapaalam kina Mama.

“What was that for?” sabi niya sa ‘kin matapos niyang ipihit pasara ang pinto.

We were again welcomed by the cold breeze the moment we stepped outside.

“I know something is wrong and yet, they always left me out!” pagmamaktol ko. I mean, hindi ba nila ako pinagkakatiwalaan para ipaalam ang impormasyon na ‘yon?

Huh?

Kumunot ang noo ko nang tanging katahimikan ang sumagot sa ‘king katanungan. Nagpatuloy sa paglalakad si Kuro hanggang sa tanging likod na lamang niya ang aking nakikita.

Tumakbo ako hanggang sa maabutan ko siya.

“They have their reasons, Hirasaya. Sigurado akong sasabihin din naman nila ‘yon kapag tama na ang oras.”

Akala ko ay hindi na siya magsasalita kaya mas lalong nagpataka sa ‘kin ang sinabi niya.

Binalik ko ang tingin sa daan kung saan ay isang tao ang agad na nagpakuha ng atensyon ko. Her white hair that reached her waist can be almost compared to that of snow. She’s wearing a caribou jacket just like everyone else did but somehow, you know she can still stand-out with those clothes even when she’s with a crowd. Maybe because of the aura that she possesses.

On her neck was a lace made of crystal. Nakakonekta sa lace ang camera na lagi niyang dala-dala.

I unconsciously bit my lower lip. Sa dinami-rami pa talaga ng oras ay ngayon pa mag-ku-cross ang landas namin?!

“H-hey!” bulalas ni Kuro nang bigla ko siyang hilain sa collar niya.

I quickly dragged him at buti ay agad naman siyang nagpatangay. Mabilis kaming nagtungo sa pinakamalapit na corner na nakita ko upang magtago. I hope Everess didn’t saw me!

“Sino naman ang pinagtataguan mo? Isang manliligaw?” panunukso sa ‘kin ni Kuro. He’s back to usual self again.

“What? No!” I said in a whisper.

I pointed my lips to where Everess was currently walking. She was so occupied with the pictures that was in her camera na hindi niya kami nakita. Buti na lang.

“Everess…? Bakit mo naman siya pagtataguan? Dapat sugurin natin!”

I covered his lips using my hands bago siya senyasan na manahimik. Minsan napapaisip na rin ako kung nag-iisip ba talaga ng matino si Kuro. Everess’s presence just screams danger! Usap-usapan nga na may elder siyang napabagsak. There’s no way we could win against her.

“But your hands! We can’t let that slide… oh, look! Papunta siya sa bahay niyo.”

O-oo nga… pero ano namang gagawin niya ro’n?

Natuod lang ako sa posisyon ko habang pinapanood si Everess na ngayo’y kumakatok na sa ‘ming pintuan. Siguro kung marami nang gising ngayon ay pinagtitinginan na siya ngayon.

“Balik tayo—”

“No, ‘di ba nga sabi ni Mama ay mauna na tayo. We can’t afford to let her see us.” I grabbed Kuro by his arms at lumabas na kami sa pinagtataguan.

Siguro ay pinapatawag lang si Papa ng mga elders at Everess ang napag-utusan. This is the first time though…

She was facing the opposite direction mula sa kinaroroonan naming kaya maingat kaming naglakad ni Kuro palayo hanggang sa mawala na siya sa paningin namin.

“Well, that was a close call.”

Huminto ako sa paglalakad matapos may mapagtanto. We’re not heading in the West… kung saan ay madalas kaming nag-ha-hunt nila Papa. Naglalakad kami ngayon ni Kuro sa direksyong pa-Norte.

“Kuro… anong gagawin mo sa Norte?” Sinamaan ko siya nang tingin. Siya lang naman kasi ang nangunguna ngayon sa paglalakad at hindi ko na namalayang malapit na kami sa Norte.

“Uhm, sa North?”

“Correction lang ha, pero sa West kami nag-ha-hunt.” This is the first time nga pala na sasama siya sa pag-ha-hunt. Present lang kasi ‘yan pag handa na ‘yong pagkain.

“Pwede rin naman sa North ‘a. Saka naroon kaya ‘yong direksyon ng Ice Tower. Malay mo magpakita!”

Nakarating na nga kami sa Norteng bahagi ng Rozenhart kung saan ay dati kaming nag-t-training ni Papa. Gaya ng dati ay bakante lamang ang lugar pero napakalawak. Hindi na nakapagtatakang dito nakatayo ang Ice Tower.

I saw Kuro in the distance. His hands were extended as if may something invisible siyang pinapakiramdaman. He only ended up looking like an idiot.

“Ano namang ginagawa mo d’yan?” sabi ko habang nagpipigil ng tawa.

“‘Wag mo nga akong tawanan! Hinahanap ko lang naman kung nasaan mismo ‘yong kinatatayuan ng Rozenhart! Malay mo ‘di ba… invisible lang pala pero narito.”

“Pasalamat ka a-ako lang ang nakakakita ngayon ng kabaliwan mo. At pasalamat ka rin na wala akong camera katulad kay Everess. Pero saying pala ‘no! Sarap mong kuhanan ng pic ngayon.”

Umalingawngaw sa paligid ang malalakas kong tawa lalo na nang bigla na siyang madapa kasi feeling niya raw ay nakapa na niya ‘yong walls ng Ice Tower. I know it’s impossible anyway… na magpakita ito sa ‘min. My parents were the first and last to witness the Ice Tower’s beauty nang malapitan.

“Tawa pa! May nakapa nga ako kanina…”

Muli siyang tumayo at nagpatuloy sa ‘paghahanap’ daw niya sa Ice Tower. Napabuntong hininga na lang ako. Ine-expect ko naman nang hindi ko siya maasahan sa pag-hunt.

Tinalikuran ko na siya bago lumapit sa ocean. Tutal ay nasa pinaka-Norteng dulo kami ng Rozenhart ay mismong harap na naming ang ocean. Sana lang talaga ay walang magpakitang polar bear ngayon. Wala pa naman si Papa.

Umupo na ako… at buwisit. ‘Yong bolas ko lang pala ang nadala ko! Paano na ako makakapangisda nito? Malas mo naman, Hirasaya!

…I guess I have to rely on his gift instead.

Nilingon ko si Kuro pero wala na siya sa kinaroroonan. Agad akong napatayo at sinundan ang footprints niya sa niyebe… ang bilis naman niyang makalayo!

Nagsimulang umulan ng niyebe kaya’t mas lalo kong binilisan or else baka mawala ang footprints niya! Ano na naman ba kasing nasa kokote niya at aalis siya nang walang paalam!

“Kuro! Buwisit ka, nasaan ka na!” sigaw ko pero tanging boses ko lang din ang sumasagot sa ‘kin.

Mas lalong kumakapal ang pagbuhos ng niyebe. Sa bawat pagbuhos nito ay siya pagbilis ng tibok ng puso ko. Bakit pakiramdam ko ay parang nangyari na ito?

Hindi ko na namalayan ang sunod-sunod na pagbuhos ng aking luha. I know Kuro will be okay, right? Si Kuro ‘yon! He has a gift to defend himself. Kung mayro’n man akong dapat alalahanin ay sarili ko ‘yon. Pero habang mas kumakapal ang pagbuhos ng niyebe ay mas natatakot ako sa kalagayan niya. Bakit?

Before I knew it, I was already in the middle of nowhere. I can’t see anything… even the ocean. My line of vision was entirely covered by the blizzard around me.

I shouted for his name, but it was only in vain. The wind current was too strong that it was able to push me backwards. Nagawa ko itong labanan at nanatili lamang na nakatayo sa kabila ng panginginig ng paa ko.

No matter how much I fight it, the feeling of loneliness and being hopeless continued to burden my chest. Ang bigat-bigat…

“…Hirasaya.”

I returned to my senses when a gust of wind whispered my name into my ear. It was soft but haunting at the same time that it sent chills down my spine.

Lumingon ako sa pinanggalingan nito pero gaya ng dati ay wala pa ring tao. I was still trapped in the middle of a blizzard.

“Hirasaya…”

There it goes again. Napakalapit lang ng boses na halos mangiliti pa ang tenga ko sa tuwing ito’y bubulong sa ‘kin. Lalaki ang boses, pero hindi naman kay Kuro ‘yon. His voice was calm, but the way he said it doesn’t have any trace of emotions.

I found the courage to walk backwards when a silhouette appeared not from afar.

“K-Kuro?” sabi ko. But my body tells me its not him with the way it trembles because of fear.

“Sino… ka?” Ako lang din ang nakarinig sa sarili kong boses dahil halos mawalan ako ng lakas upang sambitin ito.

Memories of my training with Papa starts to flood my mind, but my body won’t follow. It seems to recall how dangerous the person in front of me is.

Pero… bakit?

Nang ilang dangkal na lang ang layo niya sa ‘kin ay nagawa ko agad siyang makilala. His androgynous features gave it away. Napako ang tingin ko sa labi niyang kasing-bughaw ng kalangitan. Siya ‘yong misteryosong tao na nagligtas sa ‘kin.

But why does his presence scream danger?

“Who are you?”

Hindi siya kumibo. His face doesn’t display any emotions. His icy blue orbs continue to stare at me, and I suddenly feel bare deep within my soul.

“Hirasaya… you must be killed,” sabi niya. Sa kaniya nanggaling ang boses na naririnig ko kanina.

I tried to step backwards, only to find both of my feet frozen at the ground.

Nang muli ko siyang tingnan ay napapaligiran na siya ng mga shuriken na gawa sa yelo. Tinalikuran niya ako at kasabay n’yon ay ang pagtama sa ‘kin ng mga ice shurikens.

“Aaahh!” My screams only echoed in the surroundings.

The shurikens’ blades penetrated deep within my skin which causes my blood to splatter around. Ang kaninang purong puti na kumot ng niyebe sa sahig ay halos magkulay pula dahil sa dami ng dugo na lumalabas sa ‘kin.

And yet, sa kabila n’yon ay tanging pighati at pait ang nangibabaw sa ‘king kalooban.

How can the person who saved me be also the one who will kill me?

Ito ang huli kong mga salita bago tuluyang bumagsak ang aking katawan sa sahig.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status