Share

Chapter 07: Curious

Hirasaya’s POV

Wala pa ring tao rito sa bahay ni Kuro nang dumating ako. I don’t know why but the house feels empty when he’s not around. Siguro ay nakasanayan ko lang na maingay ang bahay na ito kapag pumupunta ako rito. Ibang klase rin kasi ang lalaking ‘yon, katumbas yata ng sampung tao ang kadaldalan niya.

Now, I understand kung bakit madalas siyang tumambay sa bahay. Hindi naman sa nakakalungkot tumira nang mag-isa dahil depende naman iyon sa tao. Sadyang ‘yong atmosphere lang nitong bahay ay malungkot. Lalo na’t aware ako sa trahedyang sinapit ng pamilya niya sa kamay ng mga Elders. Wala pa ako noon dito, naikuwento lang niya sa ‘kin.

Hindi mo aakalaing may ganito siyang nakaraan dahil palagi siyang palangiti. Kung hindi pa nga niya ito nasabi ay hindi ko mahuhulaan. Binibigyan pa nga siya ng offer ni Mama na makitira na lang din sa ‘min pero tumatanggi siya. Gusto pa rin niyang tumira nang mag-isa rito… even if this house always reminds him of the tragedy that his parents went.

Kung ako sa kaniya ay gano’n din siguro ang pipiliin ko. But I still can’t imagine myself having to face that. Mahirap. That’s why I am willing to do anything, even if it causes me harm and others stepping on my rights. As long as mailayo ko si Papa sa galit ng mga Elders na ‘yan. They are worth more than anything I have.

That’s why I vowed not to include them on the possible danger I am about to face… and that includes Kuro. Itong risk na gagawin ko ngayon ay sisiguraduhin kong hindi sila madadamay sa consequence na aking kakaharapin. The risks will be mine alone.

Bago nga pala ako iwan ni Kuro kanina sa northern border ay nasabi niyang may kailangan siyang gawin, kaya siguro ay hanggang ngayo’y wala pa rin siya. Mas okay na rin lalo na’t hindi niya maaaring malaman ang gagawin ko.

Nagtungo ako sa kaniyang kuwarto at kumuha ng mga damit niya. Kinuha ko rin ang dalawa sa mga extra niyang caribou jacket at isinilid ito sa malaking wool bag na kaniya rin. ‘Yong isa ay isinuot ko na. Hindi ko pa naman magawang makauwi upang sana ay kunin ang sarili kong damit.

Mapapansin at mapapansin ni Kuro na may nawawala sa mga gamit niya. Kaya bago pa man mangyari ‘yon ay sisiguraduhin kong naibalik ko na ito.

Mas lumalakas ang bawat tibok ng puso ko sa bawat paghakbang na aking ginagawa. I hope things will work out for me, kahit ngayon lang. I hope Kuro won’t catch me stealing his things.

Isinabit ko na ang sling ng wool bag sa ‘king balikat bago ipihit ang door knob. The cold air from the outside immediately caressed my face. Inilibot ko ang tingin upang masigurong wala si Kuro o ang mga magulang ko sa lugar bago ako umalis ng tuluyan.

Mas mataas pa naman ang risk ngayon dahil maghahapon pa lang.

I wanted to run… because I’m battling with time right now. Ngunit paniguradong mapapatingin sa ‘kin ang mga dumadaang tao. Inayos ko na lang ang hood ng jacket ko upang maitago ang pagmumukha ko. I’m also wearing a scarf which hides the lower part of my face. Binibilisan ko na lang ang paglakad.

Sana… sana ay wala pang nakaka-discover sa kaniya roon. But what if may nakakita na sa kaniyang mga mamamayan dito? Or worse, the Elders themselves discovered him? He will be in danger if that happens…

I tried to shake-off those thought. Habang umiiling ay napahawak ako sa ‘king ulo. That’s impossible! I hid him with a thick layer of snow… but still, baka mapansin pa rin nila kasi may umbok!

Argh! Now, I’m just overthinking.

The guy whom I discovered was still unconscious when I left him. I wonder if he’s awake now? Na sana ay hindi dahil paniguradong mapapahamak siya.

Look, Hirasaya… madalang lang ang mga mangingisda na pumupunta sa Northern Border dahil nga raw ay ito ang lokasyon ng Ice Tower. Calm yourself, wala pang nakakakita sa kaniya roon. Mukha na akong tanga sa paulit-ulit kong pagkumbinsi sa sarili. Ang hirap din makipag-debate sa sarili madalas.

Muli kong nadaanan ang Mansion ng mga Elders na kanina lang ay pinasok naming nila Everess. Bumalik na naman sa ‘king alaala sa kung gaanong nakakatakot ang abilidad ng mga miyembro nito. Kulang pa rin ang nakakalap naming impormasyon tungkol dito. I hope there will be more opportunities next time.

I walked towards the Northern Border. At sa entrance pa lang n’yon ay may nakita na agad akong grupo ng mga tao. Anong ginagawa nila roon? N-Nakita na kaya nila ‘yong lalaki?

Namukhaan ko agad iyong leader nila. It was Russel. Argh! Those group of bullies again? Sa dinami-rami na nga lang ng mapapadpad, bakit sila pa? They’re literally the worse! Except sa mga Elders, of course. The Elders still takes the Number One Spot of people who gets in my nerves.

Maingat akong naglakad patungo sa likuran nila. Hindi pa rin nila ako napapansin dahil masyado silang entertained sa kuwento o chismis na pinag-uusapan nila. The peaceful atmosphere of the Northern Border was immediately taken away because of their mere presence. Their laughs were too loud that even echoes in the place. Kung maglakad ay akala mo sa kanila ang lugar na ‘to.

Basing on how they act, hindi pa siguro nila nakikita ‘yong lalaki. They were too occupied na hindi napansing may umbok ng yelo sa ‘di kalayuan.

Tumakbo ako patungo sa harapan nila upang harangan sila. My face was stern enough that they immediately stopped on their tracks.

“What are you doing here?” I told them. Presensiya pa lang nila pero ewan at sobra na akong naiinis.

“Ikaw dapat ang pinagsasabihan naming niyan, babae. Bakit, sa’yo ba ‘tong lugar na ‘to?” sabat ni Russel. Walang magawa ang minions niya kung hindi ay tumango, ngunit medyo alanganin pa sila.

Sobrang nagkasalubong ang kilay ni Russel, siguro ay the feeling is mutual at inis din siya sa presensya ko. I could already see his palms curled into a fist. Hindi lang talaga niya magawang manuntok dahil alam na niyang kaya ko siyang labanan.

“Didn’t you learn your lesson already?” Matapang ko siyang tinitigan sa mata.

“B-Boss… parang mas maganda yata sa South Border? Tara na, hehe.” One of his minions gently pulled him in his jacket. Nanginginig ang kanilang kamay. Cold sweat was running down on their faces.

Hindi ko sila masisisi… they suffered the most.

You should listen to them, Russel. Go back and never return again.

Russel turned back, pivoting in his feet. Deep inside, I immediately felt relief. Well, not until he faced me again. He raised his hands and looked straight at me. This time, a mocking grin was visible on his face.

“Lesson? What lesson? Do you mean, those petty punches you gave us?” he said in a mocking tone.

Napakuyom agad ang aking kamay. T-The nerve of this guy…

“Nyaaaahhh! Boss alis na tayo!”

Hindi ko na napigilan ang sarili. Kanina pa ako nagpipigil ‘e! But the face of this guy… sumosobra na siya! I found myself raising an arm and was about to throw a punch at his face. He remained his composure, his confident smile never vanished.

Bago pa man tumama ang kamao ko sa mukha niya ay agad din akong napatigil. My fist was just inches away but I suddenly couldn’t move. Malakas siyang napatawa.

“What? Hirasaya? Bakit bigla kang napatigil? Scared?” he said, trying to trigger me.

Nanginig ang aking kamao sa pagpupumilit na tumama sa kaniya mukha. He deserves it, but still… I can’t afford to hit him in the face.

“That’s how you’re supposed to be… a scaredy cub. It’s about time you learn your position.” Russel lowered his knees so our faces will be at the same level. His face were just inches away. My hood was removed so he caressed my hair like I am his pet. Mas lalo akong nanginig sa galit.

“Woaahh, Boss! Pa’no mo ‘yon nagawa?” The fear on their faces vanished after realizing their superiority.

“My Alpha presence… maybe.”

Their laughters kept ringing in my ear at para na yata akong mabibingi.

Russel did nothing to me. However, bago ko pa man siya tuluyang masuntok ay bigla kong nakita ang mukha ni Papa sa kaniya. He was smiling to me. At bigla na lamang bumalik sa ‘king alaala ‘yong warning ni Everess sa ‘kin— na maaaring tanggalin ng Elders ang posisyon ni Papa dahil sa ‘kin.

It was at this moment I realized that my rights weren’t mine again. Sa oras na malaman ng Elders na ‘nagsimula na naman ako ng away’ ay mas lalong mapapahamak si Papa.

How can this place be so unfair?

Nanlaki ang aking mga mata nang malakas akong tadyakan ni Russel sa tiyan. He and his minions surrounded me and hitted me like I am their punching bag.

“Brings back memories, ‘e?” sabi ni Russel.

They were all grinning and it becomes wider every time they hit me. Wala akong ibang magawa kung hindi ay mapangiwi.

I could feel my bruises opening again. Nag-uubo na rin ako ng dugo but they just keep on going. They never see me as a person. Para sa kanila ay isang akong laruan na nag-e-exist para sa kasiyahan nila. So, this is what the Elders means when they’re preaching about equality. Equality for people whom they only like.

Maybe, I was too filled with bitterness that my body went numb. The pain I could only feel came from how the law of Rozenhart was so messed up. And I am the unlucky person that needs to experience it.

“This is your lesson for acting like someone that is superior—” Napatigil siya sa pagsasalita.

I laughed bitterly. Dapat ako ang nagsasabi sa inyo n’yan…

“A-A polar bear? Aaahhh!”

Mariin akong napapikit nang sumigaw si Russel. He immediately loses his cool and ran away while his scared minions followed him. Halos madapa pa sila sa sobrang pagmamadali nang magpakawala ang polar bear nang galit na tunog.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa dahil sa mukha silang ewan at umalis na sila… o hindi. Gusto kong tawanan si Russel lalo na’t hindi ko alam na takot pala siya sa polar bear, pero same ‘e. Kapwa kami takot sa polar bear.

Ang suwerte ko talaga…

I tried to stand-up and walk, even if I’m limping. The unconscious man… he’s in danger too.

Pinilit kong maglakad patungo sa pinagtaguan ko sa kaniya kahit na malapit lang sa ‘kin ang polar bear. Sh*t, duguan pa man din ako, patay talaga ako nito.

The Polar Bear approached me cautiously. Mas binilisan ko ang paglakad. I’m already good as dead, but might as well do something heroic before that happens. Agad din naman akong natigil nang tuluyan na itong makalapit sa ‘kin.

The Polar Bear was sniffing me to the point na hindi ko na napigilan pang magsalita.

“Mind you, Mr. Polar Bear… h-hindi ako masarap.” Gusto ko na lang masapo ang noo dahil sa ginawa. Hindi ko talaga akalaing sinunod ko lang naman ang advice sa ‘kin ni Kuro. Of course, I’m aware that his advice was a joke. Pero wala na talaga akong maisip!

The Polar Bear growled kaya napapikit na lang ako. His tone was soft but still… I didn’t expect him to lick my wounds and go away!

Natulala na lamang ako habang pinapanood ang likod nitong palayo na. Uhm… was that even a bear? I mean, realistically speaking, walang matinong kauri niya ang hindi lalapain ang isang duguang tulad ko!

Never did I expect that I’ll be able to witness such scenario. But I’m relieved…

Still limping, I approached the unconscious man which I buried in the snow. Buhay pa naman siguro ‘to? Hindi ko naman tinakpan ang ilong niya. I removed the layer of snow covering him and let out a sigh after observing his chest moving upside down. Buti na lang ay ipinasuot ko sa kaniya ang caribou jacket ko bago siya takpan ng snow.

I found myself staring at every inch of his features and being mesmerized by it. I never saw someone like him in my years of staying in Rozenhart. He has a tanned skin and a black hair just like mine… thick eyelashes… and pinkish lips. My heart skipped a beat. Where did he came from?

I wonder… does he also have the same eye color like mine? I’m already dying to know.

It was so ironic that I feel more comfortable with him, a total stranger, kaysa sa mga taong nakakasalamuha ko na rito.

I gasped when he suddenly opened his eyes. His brown orbs met my gaze and I already feel like he’s staring deep within my soul. Biglang nag-init ang pisngi ko.

How can he make me feel this way?

 Agad kong iniwas ang tingin nang mapagtanto ang ginagawa. Nanghihina siyang bumangon at hinarap ako.

“Are you okay?” tanong niya habang nakatitig sa mga sugat ko. His voice was gentle and kindI became so numb na nakalimutan ko nang sugatan nga pala ako.

“Who are you? At pa’no ka napunta rito?” I asked him instead. I was never this curious to a complete stranger.

“M-Me?” halos pabulong niyang sambit. He scratched the back of his head, but his gaze was still focused on my wounds. “I-I don’t know…”

I can sense his pain as he tried to remember.

“Don’t force yourself,” sabi ko na lamang. I tossed the wool bag into his feet. “Get changed… so we can get out of here.”

Tinalikuran ko na siya. Muli na sana uli akong tatayo pero agad ding nawalan ng balanse. Bago pa man ako tuluyang mapaupo ay agad na niya akong nasalo. “Careful… my Savior.” I could feel his cold breath on my neck, even his chest was pressing on my back.

Feeling ko ay pulang-pula na ang pagmumukha ko dahil sa sinabi niya kaya agad kong inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak. ‘Yon na nga po… napaupo na ako nang tuluyan sa sahig.

“J-Just get changed already!”

“How can I though? When someone is looking at me…”

“FYI hindi po ako tumitingin.” Napipikon na ako. Tumitingin daw? ‘E Heto na nga ako’t nakatalikod sa kaniya.

“No, what I meant was that guy… err, lady over there?”

Binalik ko ang tingin sa kaniya at tumingin sa direksyon na tinitignan niya. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng hininga nang muling makita ang misteryosong lalaki. It’s been a while since I’ve seen that androgynous face and pale skin.

And he’s looking directly at me.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status