Share

Chapter 08: Beyond the Ocean

Hirasaya’s POV

Sinarado ko agad ang pinto pagkarating naming sa isang abandonadong bahay. Yumuko ako habang nakahawak sa aking tuhod bilang suporta. Hinahabol ko ang hininga at ang pintig ng puso ko ay napakalakas pa rin. Tinignan ko ang kasama na siyang nakasandal lamang sa pader. Naka-cross arms siya at humugot lamang ng malalim na hininga.

Grabe! Ang layo kaya ng tinakbo namin pero parang wala lang sa kaniya?

“Nawa’y lahat mataas ang endurance,” sabi ko habang nakaangat ang tingin sa kaniya.

Nanlalaki ang mga mata niyang inilagay ang kamay sa noo. Animo’y may pinupunasan siyang pawis niya raw kahit wala naman akong makita.

“Well, pinagpapawisan ako ng sobra…”

Napairap na lang ako sa isinagot niya.

Sinandal ko ang kamay sa pader upang maituwid ang pagkakatayo. Nauna na akong maglakad patungo sa hagdan na nasa kabilang dulo ng abandonadong bahay na ito. Sinenyasan ko siyang sumunod at para naman itong trained wolf na agad tumalima.

Honestly, I don’t have any idea what the upper floors look like. This is my first time entering this house, too. May iilan din namang abandonadong bahay rito sa Rozenhart, at napasukan ko na ang ilan dito—Matinding pasasalamat kay Kuro na kunsintidor. Sadyang itong hindi pa pamilyar sa ‘kin ang una naming nadaanan kanina habang tumatakbo.

The only sound I could hear was our footsteps while ascending the stairs… and my heavy heartbeats. Hanggang ngayon ay ganito pa rin kalakas ang epekto sa ‘kin ng misteryosong tao na ‘yon. He instantly transitioned from being my savior to my living nightmare. The minute our eyes met, my feet started to run on its own.

Pumapasok din sa isipan ko ang posibilidad na… paano kung tama nang hinala sina Everess at Kuro? What if that person was actually the Elder Eliseo? I hope not… kasi kung tama nga sila ay talagang katapusan ko na. Madadamay at madadamay pa ang pamilya ko rito.

“Hirasaya… ano na naman bang gulo ang pinasukan mo?” My lips produced the words that was meant to be only available in my thoughts.

Nabalik na lamang ako sa huwisyo nang makita ko ang naka-extend na kamay ng kasama ko sa ‘kin. He was already in front of me, a gentle smile plastered on his face. Hindi ko rin namalayang kanina pa pala ako nanatiling nakatayo.

Tinitigan ko siya ngunit agad din namang tumango. Sobrang napahalata ko na ata ang pagiging tensed na maging siya ay nakaramdam na rin. Bahagya ko na lamang siyang nginitian bilang sukli at nagthumbs up. Nagpatuloy na lamang ako sa pag-akyat ng hagdan hanggang sa muli ko siyang maunahan.

A warm breeze caressed my face as I reached the upper floor. Hindi katulad sa baba na walang kahit na ano mang bintana ay may bintana rito kahit saang sulok. Wala pang kahit na anong pagsaraduan ito. I guess I’ll at least bring a curtain when I get home.

“Woah.” Bahagyang bumuka ang bibig ng kasama ko. Some strands of his hair dances with the wind. Isa-isa niyang nilapitan ang mga bintana rito habang bakas pa rin sa kaniyang mata ang pagkamangha. Hanggang nga ay lumapit na siya sa bintana na nasa malapit ko at sumandal doon.

Nagtungo ako sa bintana na kalapit ng kaniya. Natulala na lamang ako sa napakagandang view ng karagatan sa labas. I never tried viewing it from this height.

“I don’t know what kind of magic just happened, but I’m just glad that you’re okay,” sabi niya sa gitna nang pagtunog ng mga alon sa karagatan.

Napatingin ako sa kaniya ngunit nakatitig lamang siya sa mga seagulls na nasa himpapawid. Bumalik ang tingin ko sa sarili. Kahit na ilang ulit kong tingnan ang bawat parte ng katawan ko ay wala talagang kahit na ano mang bakas ng pasa o sugat. Maging patak ng dugo ay wala. I was so consumed by my fear that it slipped in my mind how wounded I am! Pati pakiramdam ko ay okay na okay… parang ‘di ako ginawang punching bag kanina lang.

B-But how?

“Hirasaya… I believe that I didn’t introduce myself—”

“How did you know my name?”

Kinamot niya ang ulo. “Uh… you said it in your monologue. Not that I’m prying… I just kinda heard because you—”

“Okay! Okay! I get it.” Muli na akong tumingin sa view sa baba kung saan ay may mga mangingisda nang nagsisimulang pumalaot.

Sobra na talagang nakakahiya… I mean, lahat ba talaga ng nasa isipan ko kanina ay nabigkas ko nang malakas?

“So, as I was saying… uhm, I’m Daire.”

He extended his arms once again. I can’t totally see his face though since he’s looking at the opposite direction. I accepted his hand and we handshake.

“Nice meeting you, Daire. So, you can finally remember now?”

Tumango siya. “Yeah… although my memory of how I came here was still in a blur.”

I suppose that my questions about that can wait.

“By the way, is this your house? Why is it so empty?” Inilibot niya ang tingin at muli itong dumapo sa panibago na namang hagdan.

“No, it’s not mine. This is an abandoned house. First time ko lang ding makapasok dito.”

Nakakapanibago pa rin kasi si Kuro madalas ang kasama kong pumapasok sa mga abandonadong bahay. Hindi sa ako ang nagtatawag, ‘a. Kasi siya naman ‘yong may impluwensya.

He looked at me and it looked like he wants to ask a lot of questions. Agad din naman siyang nagkibit balikat kaya’t napahinga ako nang maluwag. Nagpatuloy na siya sa muling pag-akyat habang ako nama’y nakatitig lamang sa ngayo’y magaling ko nang braso. When did this healed? Hindi kaya’y dahil ito sa polar bear? But I never heard of a case that a polar bear was able to heal someone!

“It’s a rooftop there.” Bumaba si Daire. His thumb was pointing towards the open space above the stairs. Hinila ko siya pababa na siya namang ikinabigla niya.

“D-Don’t go there!”

“Why?” Nagtataka niya akong tinignan. Kailangan ko na talagang sabihin sa kaniya…

“Obviously, I’m hiding you! Walang iba na dapat makaalam nang tungkol sa ‘yo.”

“You’re making it look like we just eloped.”

“What?!” Pinanlakihan ko siya ng mata but he still has that innocent look. Is he for real?!

Kapwa na lamang kaming umupo sa dulo ng hagdan, our eyes fixated on the scenery outside. Huminga muna ako nang malalim bago ikuwento sa kaniya ang lahat-lahat— most especially towards people like the both of us who doesn’t belong.

“So, ang ibig mong sabihin ay hindi ka rin taga-dito? At sinasaktan ka nila dahil dito? Wait, can you first explain to me how people here can control the Ice?” sunod-sunod na niyang tanong.

Medyo naguguluhan pa rin ako kung tama ba ang ginawa kong pagsabi sa kaniya ng lahat. As a cautious type of person, I knew that I could have never said that. But… the similarity in our features and the fact that he doesn’t have a gift is already a give away that we’re from the same kind. I feel that I can trust him more than half of the people in Rozenhart.

“Yeah… well, except for me. I don’t have a gift,” sabi ko.

“Really? They seemed nice though…”

“Oo, sa mga kauri nila. But to people like us? No. They’ll never be!” Padabog akong tumayo bago siya harapin. Medyo nabigla naman siya dahil sa ginawa ko… maging ako. I’ve been keeping these emotions for such a long time. I never thought that my anger against them would be this strong already. Huminga na lamang ako nang malalim at bumalik sa pagkakaupo.

Napasabunot si Daire sa kaniyang buhok habang ang ulo niya’y nakayuko. He was murmuring something underneath his breath. I can’t understand what exactly it is, but I knew that he’s already frightened.

“T-teka… nakita ba nila ang mukha mo habang tumatakbo tayo kanina?” sabi ko.

Umiling lamang siya. “ I covered half my face with a scarf and wore my hoodie. But tell me, do you already have a plan on how we can get out?”

I wanted to tell him that I already have just to keep him at ease… but I just can’t. Sa huli ay umiling na lamang ako bilang sagot. Even I found a way, I don’t know if I could. Syempre ay gusto kong makalayas sa lugar na ‘to pero paano sila Papa? This may not be my home, but for them it is. Hindi ko rin naman sila magawang iwan dahil tanging ang isa’t isa na lamang ang mayroon kami.

My eyes became fixated with the scenario of fishermen rowing their boats with their family. ‘Di ko man makita nang malinaw ang mga mukha nila ay alam kong masaya sila kasama ang pamilya. I could literally hear their laughters echoing from there. How I wish we could just be like them. Maybe if I just have a gift, then my family wouldn’t suffer this much.

I want to defy the odds by fighting the Elders. But after witnessing their strength, I don’t think that there’s still a possibility for that. Bawat paraan na naiisip ko, it all leads to a dead end.

“Y-You’re trembling,” malumanay na sabi ni Daire. I felt his hands in mine as he tried to squeeze them to keep me at ease. Napatingin na lamang ako rito dahil tunay ngang sobra itong nanginginig.

He immediately let go of my hand when he realized what he’s doing. “I-I’m sorry for touching your hand without your permission,” sabi niya agad.

“H-Halla… sorry!” Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa ‘kin nang biglang magkarera ang mga luha ko sa paglabas sa ‘king mata. Natataranta siya at hindi malaman ang gagawin. That’s when he pulled out a handkerchief from his caribou jacket and handed it to me. Sa tingin ko ay kay Kuro siguro ito kasi sa kaniya naman ang suot ni Daire.

“Kailan ba ako magiging sapat?” bulong ko na lamang ngunit mukhang narinig ito ni Daire.

He spread his arms, inviting me to a hug. “C-Can I—” Hindi pa man siya natatapos ay agad ko siyang dinagma ng yakap. ‘Di ko akalain na darating ang araw na mabilis akong magiging komportable sa isang estranghero na para bang matagal na kaming magkakilala. It’s weird… but somehow… for the first time, I felt belonged.

“You don’t need everyone’s validation before saying that you will be enough. Because not all of them has the good eye to see how special you are,” sabi niya.

I felt something warm building-up inside me. Tumango ako sa kaniya, sa pagkakataong ito ay may ngiti na sa ‘king labi.

“You know, people in my province doesn’t have any kind of magic too,” bigla niyang dagdag kaya tinignan ko siya nang puno ng kuryosidad.

“So, there really is a world beyond the ocean…” Puno nang pagkamangha ang aking mukha habang sa kaniya nama’y napalitan nang pagtataka.

“You’ve never been outside?” Kumunot ang kaniyang noo habang ang tingin ay naka-focus sa wool bag na binigay ko sa kaniya.

“We thought that we’re the only one left, ever since the entity destroyed the neighboring continents of Harature… but enough of that, what was the outside world look like?” Naglakad ako patungo sa bintana. Ang tingin ko’y nasa malawak na karagatan.

“I personally think that this land is cool, rare lang ako makakita ng snow ‘e.”

“Really? Hindi nag-snow sa inyo?”

“Sa ibang mga bansa ay mayroon, syempre. But my country was one of the exceptions. So, you can say that being here is a brand-new experience for me, saad niya. “But don’t get me wrong, I would still choose living in my country kaysa rito,” dagdag niya.

“What was it like?” pagbabalik ko sa usapan.

He grinned. Napatulala siya na parang nag-i-imagine na nasa iba siyang lugar. “Unlike here, it was warm there. The ground was filled with land instead of snow, and different kinds of plants grow there.”

“Plants?”

“Uh-huh… there are flowers, trees, and different kinds of vegetations covering the land. I’m sure you’ll love it there, considering how easily you get cold.” Itinuro niya ang gesture ko na mahigpit na palang nakakapit sa laylayan ng caribou jacket ko.

“I don’t have an idea sa kalahati ng sinasabi mo… but considering on how you describe it, that places seem a lot better in terms of company.”

Parehas kaming natawa sa sinabi ko.

A brand-new world that is away from here? That seems nice…

I can feel the warmth that was only building-up minutes ago. It ignites more with the idea of being in a brand-new world. Maybe it was because of my excitement.

“Can I ask you something?” bigla niyang tanong. Alanganin akong tumango.

“‘Yong lalaki kanina… err, babae… basta ‘yong tao kanina na nakita ko. I was just wondering why did you suddenly— uh, nevermind,” pagbabawi niya rin. “What I’m trying to ask is, you’re trying to hide me, right? Then why did we run in the middle of the town? Halos lahat ng tao kanina ay pinagtitinginan ta’yo…”

I have an idea on what he was about to ask me in his first question, buti na lang ay ‘di niya tinuloy. Siguro ay dahil naramdaman niyang uncomfortable pa ako sa topic. But the second question reminded me of my bad decision. I was so scared of that person na hindi ko na naisipan pa nang mabuti ang hakbang na gagawin. I just wanted to get away from him. ASAP.

“I-It was a mistake,” pag-aamin ko. “Pero sa tingin mo, may nakasunod kaya sa ‘tin dito?”

“I think, none. We’re lucky that no one tried to follow us.”

Napahinga ako nang maluwag pero agad din ‘yong nabawi matapos kong marinig ang mga yabag ng kung sino man na papaakyat sa hagdan. Lumabas mula rito ang taong sinubukan kong iwasan.

Nahigit ko na lang ang hininga nang magtama ang tingin namin at bigla siyang nagsalita.

“Well, except for one.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status