Share

Chapter 11: Danger's Invitation

Hirasaya’s POV

Lubos na ang pagkamangha ko rati sa mansion ng mga Elders nang magpunta kami rito nila Everess. Pero iba pa rin talaga ang experience kapag mismong ang Elders na ang nag-imbitang pumunta ako sa lugar nila. For an instance, wala akong dapat na taguan at malaya kong ma-oobserba ang bawat detalye ng kanilang bahay.

Wala silang ideya na hindi na ito ang unang beses ko na makaapak sa naturang mansion nila. But I doubt that they could notice my familiarity with the place. Kasi ako rin sa sarili ko ay para bang first time ko lang ding makapunta rito. Gaya na lang ng ngayon ko lang napagtantong ang architectural design ng mansion ay similar sa features ng isang palasyo. At ang tubig sa swimming pool ay nasa iba’t ibang shades ng blue.

“I hope you don’t mind the sudden invitation. It’s just that the Elder Gregor has an urgent matter that he wants to talk with you,” sabi ni Yule.

Tumango ako bago tipid na ngumiti.

Sa buong ‘tour’ ay pinanatili kong nasa loob lamang ng aking bulsa ang kamay. Kahit na narito ako sa pinakamalamig na atang parte ng Rozenhart ay namamawis pa rin ang kamay ko. Siguro ay dahil sa malinaw na sa ‘kin kung anong pag-uusapan namin ng leader ng Elders… este figurehead pala. Alam ko naman nang si Eliseo ang tunay na leader at siyang tunay na nag-invite sa ‘kin.

Naka-plaster sa bibig ni Yule ang isang banayad na ngiti. I have this hunch that he is a loyal and caring type of person, base na rin sa mukhang pinapakita niya sa ‘kin. I felt more comfortable in this tour thanks to his personality. Para siyang pinaghalong good side ni Kuro at Daire. I didn’t think that the Elders’ organization would have a member of his type. Lahat kasi ng miyembrong kilala ko ay kung hindi tuso ay napaka-weird naman.

And by the last one, yes, I was pertaining to Everess.

I marvelled at every sight which this place has to offer, while Yule respected my space by keeping his mouth silent. The town proper of Rozenhart is good, but this place is just something else. Para akong wala sa Rozenhart dahil sa mga detalyeng narito na never kong nakita sa labas.

And here I am, thinking that I’ve already seen everything. Pero nang buksan ni Yule ang mataas na pinto ng mansion ay literal kong nahigit ang hininga.

Napakaraming bata at kasing-edad ko. Natatandaan kong may sinabi tungkol dito si Kuro. ‘Yon ata ‘yong itong mga bata ay aspring member ng organization. Pinadala raw sila rito upang mag-ensayo. The Elders just doesn’t have this place all to themselves. They were also offering their expertice to the youth.

Actually, dahil sa katotohanang ‘yan ay minsan ko ring hinangaan ang paraan ng pag govern ng mga Elders. They are willing to help with anything that involves improving the gifts of everyone. Napakabait ng pagtrato nila, ngunit ito ay para lamang sa kauri nila. I learned that the hard way.

I can feel Yule staring at me. Iniba ko ang ekspresyon at nagmaang-maangang tumingin sa kaniya. Binalik ko rin naman ang tingin sa paligid at tinuon ang pansin sa intricate designs ng bawat corner dito sa loob. Isa sa mga napapansin ko talaga kanina pa ay ang masyadong pagkawili nila sa statues. Mayroon na nga labas ay statue naman ng mga past leaders ang narito sa loob.

‘Di ko akalaing ganito kalawak dito sa loob. Ang sala pa nga lang ay kasing lawak na ng sampung bahay na pinagsama-sama! And that wasn’t even an exaggeration! The walls were made of ice, but it was painted in a golden color. Walang ibang nagkukulay ng bahay nila sa labas. The variations of color were only limited to blue and white, depende sa mastery ng gumawa. Parang nasa ibang era ang mansion na ito.

Every detail of this house was carefully thought. It made me intimidated. Lalo na’t ang bawat bahay rito ay produkto ng gift at ability ng mga maninirahan na siyang mismong nagtayo nito. Meaning, the house can be an indication of how gifted its owners can be.

“Are you okay?” Nakangiting tanong sa ‘kin ni Yule na agad ko namang tinanguan.

He has the friendliness of Kuro, na para bang kanina lang ay hindi niya ako sinuotan ng handcuff.  ‘Yong tipong kanina pa lang ang una naming pag-uusap pero para na kaming matagal na magkakilala.

But still, I didn’t let my guards down. No matter how nice he seems, he’s still a member of the organization. And any member of the organization can’t be trusted. Maging kay Everess ay ‘yan ang isinisiksik ko sa ‘king isipan.

Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa ni Yule na pagkontrol sa kalahati ng swimming pool. Ang inosente niyang tignan kung hindi mo kilala. Tapos nakakubli pala sa ngiting ‘yan ang nakakaalarmang abilidad. Bonus point pa na iniidolo niya si Eliseo.

We walked through a series of spiral stairs. The upper the floor is, the grander the design, but also fewer people. Napapaisip na nga ako kung paanong hindi kasingtaas ng mansion ang Ice Tower. Kasi naman ay tatlong floors lang itong mansion pero kanina pa kami umaakyat. Is this some kind of an illusion?

I wonder what’s happening with the others (Kuro and Daire) right now. Bago pa man ako ipunta rito ni Yule ay sigurado akong naglaho si Daire ‘e.

  “Malapit na tayo,” sabi niya.

Dalawang salita lang naman ‘yon pero sapat na upang maramdaman ko ang pagbigat ng bawat hakbang ko. Nililibang ko lang ang sarili pero aware pa rin ako sa kapahamakan na kalakip ng imbitasyon na ito. Sigurado akong tungkol sa nangyari sa East border ang pag-uusapan namin.

“Hanggang dito na lang ako.” Huminto kami sa tapat ng natatanging kuwarto rito sa upper floor. Binigyan niya ako ng nag-aalalang tingin ngunit agad din namang umalis.

Dumapo ang tingin ko sa mga bintana na may isang pulgada lamang ang pagitan mula sa ceiling at sahig. Natatakpan ito ng kulay abo na kurtina kung kaya’t napakadilim dito— tahimik din at aako lang ang tao.

A cold breeze suddenly entered the windows causing the curtains to be partially lifted. Bago pa man nito muling takpan ang bintana ay alam kong nakita ko muli ang paglitaw ng Ice Tower sa labas. Humugot na lamang ako ng malalim na hininga bago pihitin ang doorknob ng namamawis kong mga kamay.

“Here goes nothing…”

Bumungad sa ‘kin ang isang madilim na kuwarto. Isa-isang sumindi ang mga torch na nakabitin sa pader at mga lampara na nakapaikot sa sahig. Sa gitna ng bilog ng mga lampara ay naka-indian sit ang nakatatandang si Gregor, a cup of water was on his hands. He indeed lives up to his position of being an elder leader figurehead kasi matanda na nga talaga siya. I saw his face as one of the statues at the mansion’s entrance.

“Surely, you’re already aware of what will be the topic of our conversation today,” bati niya.

I unconsciously clenched the hands that I brought back in my pocket. Of course, I ‘m aware of the lies that you spread.

Inilibot ko ang tingin upang hanapin ang kasama niya, ang tunay na leader at nagpatawag sa ‘kin sa lugar na ito. Gregor is only a figurehead. Hence, Eliseo must be behind the scenes. Ngunit wala siya rito. Maybe, there’s a hidden camera or something that will make him monitor us.

“Take a seat.”

Tumalima ako sa sinabi niya at umupo sa katapat na sahig. I’m actually a bit surprised on how his office looks like. I never expected it to be surrounded by… fire.

“Why did you put the blame on me? I, too, was a victim. Wala akong kaalam-alam sa pinagbibintang ninyo sa ‘kin.” Binalik ko ang focus sa kaniya. I made it clear on what I feel about their chosen actions through emphasizing my every words.

He gave me a smile that could intimidate anyone, but not me. Naglaho na ang lahat ng kaba na nararamdaman ko kanina. Ngayon, ay purong galit na lamang ang naninirahan sa ‘king puso.

“Well, the town didn’t experience that kind of case when you were still not here. The incident was just too bizarre for it to be considered as a mere accident; don’t you think?” Pinagsawalang bahala niya ang galit na namumuo sa ‘king mukha.

His face was filled with delight as he stares at each of the torches whose fire were on the brink of being extinguished. There was no strong wind but the fire was wildly dancing. Kung kaya’t hindi ko na maayos na makita ang pagmumukha ni Gregor.

“Pero matagal na po ako rito. Kung ako nga ‘yon ay sana matagal ko na po itong nagawa.”

“But still, we’re aware that you brought danger with you.”

“You just—!” Tumigil ako sa pagsasalita nang biglang lumitaw ang imahe ni Daire sa ‘king isipan. H-Hindi kaya… pero imposible…

Ramdam ko ang mas pag-init ng paligid.

“Our dear Hirasaya… the moment that you stepped your foot in our place, I immediately know that you were danger.” Nagpatuloy siya sa pagsasalita. “I just can’t do anything about it because of the people protecting you.”

Pumasok sa isipan ko si Papa. Because of his position in the organization, the Elders can’t get near me. My Papa protected me with everything. And with the tone of this Elder’s voice, I already have a clue on where this is going.

“But now that your father’s position was rescinded, there was no one left to protect you anymore.”

W-What did he just said?

“P-Pero…”

“As a parent, you father is also deemed liable with what happened at the East border. Do you hear me now, Hirasaya? Everything is at your fault.”

My mind went into a frenzy. Every inch of composure that I was trying to maintain in my body was destroyed in an instant. Kusang gumalaw ang mga kamay ko at hinawakan siya sa kaniyang kuwelyo. Hinigpitan ko ang pagkakahawak dahil sa paputol-putol na liwanag na nagmumula sa mga apoy.

Right now, I’m only afraid of letting him go without tasting my wrath.

“Wala na ba talaga kayong puso?!” Tinitigan ko siya nang diretso sa kaniyang mata. “I’m greatly aware of how much you loathe me, iparamdam niyo ba naman sa ‘kin araw-araw? Nakakatawa lang na literal na nababalutan ng niyebe ang lugar na ito dahil para akong nasa impyerno ‘e. ‘Di pa ba sapat lahat ng ginawa niyo sa ‘kin?”

Mas lalo akong nainis nang mapansing parang wala lang sa kaniya ang lahat ng sinabi ko. He was smiling the whole time while here I am, being consumed by my anger.

“Sa ‘kin kayo naiinis… pero bakit kailangan pang madamay ang Papa ko?”

“You still don’t get it, do you?” He touched my hands and I was immediately thrown across the room. Everything was in a blur, but I could still hear his voice echoing.

Pinilit kong tumayo at sumandal sa pader. Namamawis na ako dahil sa init ng paligid. The fire that practically served as the light was larger kaysa kanina. Pakiramdam ko ay anytime, maaaring masunog ang kuwarto sa lakas nito. Gregor remained unbothered.

Despite of his frail structure, he was still physically stronger than me.

“Your mere presence is a threat to our peaceful town.” Lumapit siya sa ‘kin.

“And as the leader of this governing body, I will do anything in my position to exterminate the threat before it gains the capability to harm my people,” dagdag pa niya. He raised his hands and closed it into a fist. The fire from the torches was suddenly frozen. While the lamps on his feet have its glass destroyed and the fire inside it was extinguished by the water coming from Gregor’s cup.

“Later on, you will be like the fire on this room.”

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Kuro. Habol-habol niya ang hininga bago dumapo ang kaniyang tingin sa ‘kin. “I’m sorry to intrude, but we need to go.”

Walang pasabi niya akong hinila palabas ng pinto. I could still feel Gregor’s stares at my back which sent a chill down my spine. “T-Teka… may kailangan pa kaming pag-usapan,” mariin kong sabi pero ‘di niya ito pinakinggan.

“Daire is waiting for us, outside. We need to go.”

The next moment, we were already running even though no one’s trying to catch us. From a far, I could see Daire standing outside the gates. He was looking straight at the window from the upper floor. Sinulyapan ko ito at sigurado akong bintana mula sa office ni Gregor ‘yon.

Mas lalo lang tumindi ang galit ko. Marami pa akong gustong sabihin kung hindi lang ako hinila ng lalaking ‘to!

Daire was still glaring at the same window when we reached his side. Unti-unti ay may usok na lumalabas doon.

“We were waiting here and then Yule told us that you could be in danger! Buti na lang ay nakinig ako sa kaniya! Hirasaya, you could have died there!” sigaw niya sa ‘kin.

I bit my lower lip. Para ngang mas maganda kung ‘yon na lang ang nagyari. Siguro ay malas talaga ang dala ko sa pamilya. Because of me, my Papa lost his everything.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status