Share

Chapter 03: A Piece from What’s Lost

Hirasaya’s POV

“Sigurado ka ba talaga d’yan?” sabi ko kay Kuro pagkarinig ng sinabi niya.

I looked at him in disbelief. Sinuri ko ang mukha niya upang maghanap ng ano mang senyales na nagbibiro lang siya. Mahilig pa naman sa pranks ang isang ‘to.

Ang ekspresyon niya ay hindi ko mawari. Diretso niya akong tinitigan sa mata habang ang kaniyang kilay ay bahagyang nakakunot ang noo. Tinaasan ko siya ng kilay at tanging tango ang kaniyang isinagot.

Ibinalik ko ang tingin sa walang hangganang karagatan sa ‘ming harapan. Ang asul nitong kulay ay nakakasilaw sa mata dulot ng liwanag na nagmumula sa tirik na araw. Kahit gaano ko bahagyang ipikit ang mata ay tanging ang umaalon na karagatan lamang at ilang tipak ng yelo ang aking nakikita.

“Oo nga! Sigurado ako…” Lumapit sa ‘kin si Kuro at ipinatong ang isang kamay sa ‘king balikat. “May iba pang bayan na nag-e-exist maliban sa Rozenhart. Kung mayroon mang makakapagpatunay n’yon ay ikaw ‘yon, Hirasaya!” dagdag pa niya.

Iniangat ko ang tingin. Sumalubong sa ‘kin ang determinado niyang mukha. Hindi ko pa siya nakikitang ganitong ka-seryoso.

What he’s saying has a hint of fact— and I kind of agree with it.

We are currently in the border of Rozenhart. I can still remember… the ocean in front of me were the very same ocean who brought me in this place. Hindi talaga ako taga-rito. That fact alone can already prove that there’s also a city out there other than Rozenhart.

“Naniniwala ako sa parteng ‘yon, Kuro. Pero ‘yung balak mo na tumakas tayo rito sa Rozenhart? ‘Yon ang imposible!” Hininaan ko ang boses dahil sa oras na may ibang makarinig sa ‘min, siguradong lagot ulit kami.

“Hear me out, Hirasaya!” he said, motioning me to sit again.

I crossed my arms but followed anyway. I looked at him and heaved a sigh after seeing that he still has this determined face. It only means that logic won’t go through him anymore.

Bigla uling bumalik sa alaala ko ang huli naming tagpo dito rin sa border ng Rozenhart.

“What do you think lies beyond the ocean?” Those were the words that he said before leaving me dumbfounded.

Sobra akong naging abala sa pag-eensayo na hindi ko na namalayang palagi siyang nawawala. Wala pa rin akong ideya kung ano rin ang pinagkakaabalahan niya… though I already have a hunch that it’s connected to what he’s saying right now.

But why would he go to such extent? I mean… he was always this type of guy that everyone in Rozenhart goes along with. He belongs here… unlike me. Kaya bakit pa siya magta-take risk na tumakas sa lugar na ‘to?

“Natatandaan mo pa ba ang history ng Rozenhart?” sabi niya. Tuluyan akong bumalik sa realidad.

“Of course. ‘Yon kaya ang laging tinuturo ng elders.”

According to them, Rozenhart was originally a part of a world named Harature. Now, this world has four continents. Each continent represents the four main elements: Earth, Air, Fire, and Water— the continent where Rozenhart used to belong. Harature came into existence because of an unknown entity who was believed to be the source of gifts.

Long story short, the four continents was destroyed by that unknown entity. The reason? Each ruler of the four continents had their own schemes of taking control over Harature… and the entity wasn’t pleased.

Only Rozenhart survived… because one of its citizens pleaded the unknown entity to save the city from its wrath. Ngunit simula nang makarating ako rito ay nagsimulang maniwala ang mga elders na siguro ay buong Water continent ang naka-survive. At ilan sa bayan nito ay nasa lagpas ng karagatan.

“Will you believe if I told you that all of the continents survived?”

Nanlalaki ang mata ko siyang tinignan. Kuro, what are you up to?

Umiling ako. Pilit ko pa rin siyang pinapakiramdaman.

“What I’m saying is true. Harature still exists and we are living in it. Sadyang nagkahiwa-hiwalay lang ang mga bayan sa bawat kontinente,” sabi niya.

“Kuro, ito ba ang laging pinagkakaabalahan mo kaya laging kang nawawala?” tanong ko pero hindi niya ito pinansin.

“And my hypothesis is that you belong in the other continent… that’s why you don’t have an ice or water-related gifts,” pagpapatuloy niya na parang ‘di ako nagsalita.

“Ano ba talaga itong pinagkakaabalahan mo—”

“I believe that even the elders believe the same, kaya gano’n na lang ang trato nila sa ‘yo—”

“ENOUGH!” Hindi ko na napigilan pa ang sarili at pinutol na siya sa kaniyang sinasabi.

Everything is overwhelming… I don’t know what to think anymore. Ni wala pa akong kahit na anong ideya sa kung bakit ganito bigla ang inaasta niya. This is not the Kuro I used to know.

“…Before anything else, please tell me first why you’re suddenly acting this way. Ang dami ko nang katanungan sa isip,” sabi ko sa kaniya.

He avoided my gaze. “I’d like to tell you, but I couldn’t. Please trust me on this one.” His voice was almost in a whisper.

I let out an exasperated sigh. Hindi ko talaga siya mapipilit sa parteng ‘to…

“Siguraduhin mong hindi mo ‘yan ikakapahamak ‘a. Kasi kung may death wish ka man, sabihan mo na lang ako at tutuluyan na kita ngayon din.”

He chuckled. “Sasabihan naman kita ‘e. Sadyang ‘di pa ngayon ang tamang oras, Ate.”

My face crumpled and his laugh became even louder. Lakas ng loob mag-Ate! ‘E siya kaya itong mas matanda sa ‘min! Feeling bagets na naman ang damuho.

“Sino naman nagsabing mas bata ka? Feelingero ‘to!”

“Tanong mo sa polar bear!” Itinuro niya ang likuran ko.

Nang lingunin ko ito… may polar bear nga sa likod ko.

“H-hoy!” sigaw ko na lang kay Kuro nang tumakbo ito at iwan ako.

Ay gano’n pala ha! Iwanan! At ‘yung damuho… tawang-tawa pa!

I increased my pace especially when I heard the growling sound of the polar bear. Each polar bears has their own sound, usually depicting their distinct behavior. At ang isang ‘to… galit na galit ang tunog!

“Just freeze it to death!” sigaw ko kay Kuro but he waved his hand while still running ahead of me.

“Asa’n na ang fun part kung gano’n?” Lumingon siya sa ‘kin at mas lumakas pa ang tawa nang makitang sobra na akong napipikon. “‘Di ka pa rin talaga nagbabago! Pikon pa rin!”

Maabutan lang talaga kita! Aahhh!

I felt a tingling sensation in my back. Lumingon muli ako at ilang pulgada na lang ang layo nito sa ‘kin. Without any second thoughts, I sat down and rolled my self in the space between its feet. Nasa likuran na ako nito ngayon. There’s no way I could outrun that thing!

“Hirasaya! Dito!” Kuro shouted from the distance.

Nakasakay na siya sa isa samga bangka. Huh, hindi ko alam na may bangka na pala siya. Nakikisabay lang kasi siya sa ‘min ni Papa tuwing pumapalaot kami upang mangisda.

“Baliw ka ba?! Baka mas magaling pang lumangoy ‘yung polar bear kaysa sa ‘yo ‘e!” sabi ko sa kaniya.

I ran towards his direction anyway. Wala na akong choice!

“Okay lang! Si Bertha naman ‘yan ‘e! Tamad ‘yan lumangoy!”

As if as a response, the polar bear even growled more loudly. Ginalit pa talaga ng loko!

Nagawa kong makatalon patungo sa bangka bago pa man ako maabot ni Bertha—este n’yong polar bear pala. Mabilis namang nagsagwan si Kuro palayo sa yelo. Buti na lang at tama naman si Kuro sa parteng tamad ito lumangoy. Pagkalayo kasi naman ay sumalampak na lamang ito sa yelo na tila ba ay nawalan na ng mood sa paglangoy.

“Balak mo ba akong patayin?!” sabi ko kay Kuro at sinamaan siya ng tingin.

“‘Di mo ba na-enjoy?”

Inirapan ko na lang siya, kahit na hindi na mapigilang ngumiti ng aking labi. Wala akong naramdamang ni ano mang takot. How can I put this? Thrill? Yes, that chase was thrilling.

“Pero pansin mo… mas nagiging bayolente ngayon ‘yung mga polar bears. Bakit kaya?” He put his hand below his chin.

“Parang ‘di naman. Kasi kung oo nga, ‘e ‘di sana talagang hinabol tayo hanggang dito sa karagatan. Sabihan mo ba namang tamad.”

There was complete silence. Well, aside from the sound of his paddling on the waters.

I looked at him and caught him looking at me too. The next thing we knew, we’re already laughing non-stop!

“Kita mo na ngang highblood si Bertha tapos mas nagawa mo pang pagtripan!” I said in between of my laughs.

“Ikaw nga konti na lang sisigaw ka na ng Mama! Mama!”

Buwisit.

To be serious though, I really missed hanging out with him. If it weren’t for him and my adoptive parents, hindi ko na alam ang gagawin.

“Ayaw talaga tayong tantanan ni Bertha ‘o. Nakabantay pa rin doon. Mamaya lumangoy na rin ‘yan. Lumiko na lang tayo,” sabi ko habang kinukuha ang isa pang pares ng pagsagwan.

“Dito na muna tayo. Nakaka-enjoy kaya ang katahimikan ngayon dito sa karagatan.”

Tumango na lang ako pero nanatili akong nakaharap sa direksyon ng polar bear. Mahirap na.

“Chill ka lang, uy!” sabi ni Kuro at humiga na nga sa bangka. “Enjoy the sun… take in the beauty of the ocean. Malapit na naman ang polar night. ‘Di na naman tayo makakalabas.”

Napahinga na lang ako ng malalim. I switched into my relaxed mode and sat beside him. Ipinatong ko ang kamay sa gilid ng bangka at pinagmasdan ang peaceful view ng karagatan.

I can still remember how it felt… being carried by its waters. It was surreal, almost like a lullaby. I was conscious… but I didn’t have any control in my body. Pero sigurado akong polar night noon dahil sobrang dilim ng paligid. It was like being in a dark abyss.

Himala nga na hindi ako nalunod at nawalan ng buhay.

Pagkatapos n’yon, dinala na nga ako ng karagatan sa border ng Rozenhart. And now, this is the part that I didn’t tell to anybody. Not even to Kuro nor my parents. Ito ay ‘yung encounter ko kasama ang isang misteryosong lalaki…? O babae? I’m not quite sure.

His/her features were both feminine and masculine at the same time. Nakasuot din siya ng caribou jacket na ang hood ay nakalagay sa ulo niya. Napakaputi niya… aakalaing walang dugo. Ngunit ang labi niya ay kasing-bughaw ng kalangitan.

“Woah, Joy! Tignan mo ‘o! ‘Yung ice tower nagpakita uli sa wakas! Bilisan mo baka maglaho na naman!” sabi ni Kuro. Kahit talaga kalian, napakarami kong nickname sa kaniya.

Tumingin ako sa direksyon na kaniyang tinuturo. On the farthest north, opposite to where we are right now, lies a majestic tower. Tanging ang upper part lamang nito ang nakikita naming dahil natakpan ng mga infrastractures ng Rozenhart. But it was really there!

And just in a snap, it was gone too. The ice tower was a famous legendary structure of Rozenhart.

It will always have a special place in my heart. Why? Dahil doon ako dinalo n’yong misteryosong lalaki o babae man ‘yon. He/she carried me in his/her arms and brought me there. My adoptive parents discovered me there.

Naiisip ko tuloy, sino ba talaga siya? It was all thanks to him/her that the ones who discovered me there was kind-hearted. Dahil siya rin ang naggabay sa parents ko ngayon na pumunta sa ice tower at matagpuan ako roon. Siguro kung isa sa mga elders, aside kay Papa of course, ay out of existence na ako. Naiisip ko noon, connected nga kaya siya sa parents ko?

“D’yan ka natagpuan nila Tito ‘di ba?” sabi ni Kuro at tumango ako.

“May hinahanap ka pa nga raw ‘e,” dagdag niya bigla at sinulyapan ako.

Yeah… it was that mysterious person. Matapos niya akong dalhin sa entrance ng ice tower ay naglaho na lang din siyang parang bula. That was already years ago.

Weird mang pakinggan lalo na’t maliit lang na bayan ang Rozenhart pero…

After that incident, I never saw that person again.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status