Share

The Young Bride of Mr. Alaric Levine
The Young Bride of Mr. Alaric Levine
Author: youreminestrawberry

Simula

WALA NA akong magagawa pa. Gustuhin ko man o hindi, ipapakasal nila ako. At sa amo pa talaga ng papa ko.

"Isipin mo nalang na ito ang makakapagpabusog sa at—"

"Ma naman...Pwede ba i-iba naman? Pwede ba, isipin niyo rin naman iyong mararamdaman ko?" Ilang beses na akong umiyak sa harapan nila. Ilang beses na akong nagmakaawa at lumuhod para lang hindi matuloy iyong mga binabalak nila sa akin, ngunit hindi pa rin nila ako tinulungan na tumayo.

Hinaplos ni Mama iyong pisngi ko. Narito kaming mag ina ngayon sa kama ng kuwarto ko. Habang ako ay lumuluha, siya naman ay pinapatahan ako. Para niyang inihahatid na wala ni isa siyang magagawa para matigil itong kalokohan na ito.

"Pagkatapos na pagkatapos ng tatlong buwan, ipaghihiwalay namin kayo. K-Kahit na...amo siya ni Glen, gagawa ako ng paraan," nanginginig na paliwanag ni mama. Mas lalo kong nahigpitan iyong pagkakayakap sa bisig niya.

Hindi ko kaya...

"M-Ma, rinig ko...matandang lalaki at mahilig raw sa babae iyong papakasalan ko. M-Mama, ayoko..." Mas lalo akong napaluha. Umiling iling ako at pumikit pa ng mariin.

Alam kong pinipiga ang puso ngayon ni mama. Minsan ay sinasabi niya iyan dahilan para matigil ako sa pag iyak. Ngunit, kung sasabihin niya rin naman iyan ngayon, hindi ko alam. Hindi yata ako matitigil sa kakaluha dahil sa ito na ang huling pag iyak ko ngayong gabi.

Hindi ako galit

Narinig ko kanina sa batang kapatid kong lalaki, bukas na raw iyong magiging alis ko papuntang kabilang bayan.

Nasa kabilang bayan nagt-trabaho si papa, kaya sigurado akong sa matandang babaero ang abot ko bukas. Napahikbi ako at mas lalong nagmakaawa kay mama na hindi na ako patuluyin.

Ngunit, puro iling at paghingi ng tawad lang ang lagi niyang sinusukli sa mga luha ko. Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at saka tinabunan iyong mukha ng puting unan.

Kaya nilang gawin ito sa anak nila? Ibibigay nila ako sa kung sinong 'yon?

Huminga ako ng malalim bago kinalma ang sarili. Kung pwede lang sana akong lumayas. Kung pwede ko lang sanang talikuran nalang ang lahat ng ito.

"K-Kung pwede lang sana..." bulong ko at mahinang napahikbi.

Seventeen pa lang ako. At saka sa edad kong 'to, imposible akong mabuhay mag isa. Kaka-seventeen ko lang rin noong October. Aaminin kong medyo wala pa akong masyadong alam sa kapaligiran. Lalo na sa kabilang mga bayan.

Nasa Cebu kami, sa probinsya. Hindi ko man alintana ang mga nangyayari sa syudad, ang importante pa rin sa akin ay iyong pamilya at pag aaral ko.

Kaya wala. Wala na akong magagawa pa. Kailangan kong magpakasal sa ganitong edad. Kahit na sa batas ay bawal iyon, hindi ko na inisip pa kung paano gagawin ng matandang iyon ang pagpapakasal sa menor de edad na katulad ko.

Mukhang ito yata ang nakatadhana sa akin...

"Sorry, anak..." Dinig kong bulong ni mama bago ko naramdaman iyong paghaplos niya sa buhok ko.

Kaagad akong humarap nang mapansin ko ang ingay ng pagkakasarado ng pintuan. Nilingon ko ang kaninang pwesto ni mama. Wala na siya roon. Malamang ay umalis na siya dahil ayaw ko pa rin tumigil sa pagkakaiyak.

Napabuga ako ng hangin at saka kinuha iyong cellphone ko. Pinadalhan ko ng text ang ka-klase kong si Shiela.

Nagpaalam ako gamit iyong ilang salita bago pinindot ang sent. Sapat na iyon. Si Shiela lang naman ang malapit sa akin sa school namin kaya wala ng dahilan para hingan ko siya ng pabor para ipagpaalam na din ako sa mga ka-klase namin.

Inilagay ko sa unan iyong cellphone ko. Umupo ako sa kama at maya maya ay agad rin na humiga dahil sa napakarami ng iniisip. Napapikit ako.

Kung saan man 'to patungo, sana naman ay walang mangyari sa akin at sa pamilya ko. Gagawin ko, hindi para sa sarili ko kundi para sa kanila. Magpapakasal ako sa doble ang tanda sa akin para lang matustusan ang pangangailangan namin.

Sana naman...maging maayos ang lahat pagkatapos.

TIPID AKONG tumango nang pagtulungan ako ng pamilya ko. Ilang ulit nila akong tinanong ng mga gagawin ko para maging maayos ang pakiramdam ko roon. Lalo na si papa. Humingi siya ng tawad ilang beses bago ako mahigpit na niyakap.

"P-Papa..." Naiiyak ako. Ayokong mawalay sa kanila, ngunit wala na akong magagawa.

Nakita kong kinuha ni papa iyong dalawang bag kong malalaki. Naglakad siya papuntang sasakyan na kanina pa madaling araw na nandito sa labas ng bahay namin. Huminga ako ng malalim bago naglakad ng dahan dahan sa kotse.

Nang nasa pintuan na, nilingon ko sila mama at nakitang lahat sila ay parehas ng reaksyon. Naiiyak na ngumiti sa akin ang kapatid kong si Willy. Kinse anyos.

Napangiti ako at saka kumaway sa kanilang dalawa. Kita ko ang lungkot at pagsisisi sa mga mata ni mama. Nandito na. Tatanggapin ko nalang ng tahimik habang iniisip iyong kinabukasan ng pamilya ko pagkatapos ng lahat ng ito.

"Mag iingat ka." Ngumiti ako kay papa. Siguro ay nakarga niya na lahat ng mga gamit ko sa loob ng kotse.

"Iyan iyong lagi kong iisipin, papa."

"Kung ganon...salamat. Maging maayos ka lang roon, ayos na ako, Lia." Niyakap niya ako ng mahigpit dahilan para maramdaman ko iyong pangingilid ng luha ko. Pumikit ako at dinama ang yakap ng isang ama.

Alam kong ayaw nila itong mangyari. Base sa mga galaw at ekspresyon nila, alam kong hindi nila ako hahayaan na mapahamak.

"Huwag kang mag alala, nangako naman ang amo ko na hindi ka niya ilalagay sa gulo. May tiwala ako roon." Hinalikan niya ako sa noo. Tumango ako kay papa nang nagpupunas ng luha sa gilid ng mga mata.

"S-Salamat, papa," bulong ko. Tumango siya at saka ngumiti.

Pumasok na ako ng tuluyan sa kotse. Ilang ulit akong kumaway sa papalayong mga magulang ko habang hindi maalis ang pekeng kurba sa labi.

Napalunok ako. Huminga ako ng malalim at saka umayos ng pagkakaupo nang mawala na nga sa paningin ko sila mama.

Kailangan kong maging kalma.

"Ma'am?" Napadilat ako at saka napalinga linga sa paligid. Nakatulog ako dahil sa mga isipin.

Umawang ang labi ko nang mapansin ko ang pagkakayuko ang driver ng kotse sa gilid ko.

"Narito na po tayo." Umalis siya sa gilid ko, ngunit nakabukas pa rin ang pintuan ng kotse. Lumunok ako at dahan dahan na bumaba ng sasakyan.

Kaagad kong inilibot ang paningin ko sa paligid. Wala na iyong driver. Ako nalang mag isa kasama iyong mga...bulaklak.

Kinurot ko ang kamay ko para ipaalam sa sarili kong hindi ako nananaginip. Kakagising ko lang, malay ko bang hindi nga ito panaginip.

Inayos ko iyong pagkakatayo ko. Isa sa habilin ni papa sa akin ang pagiging tahimik ko sa lahat ng oras.

Sinabi niya, ayaw raw ng amo niya ng maiingay. Kailangan kong hindi magsalita. Kung tatanungin ako o papasalitain, doon na daw ako dapat gumawa na ng galaw.

Palihim akong napangiti dahil sa kagandahan nang hardin ng lugar na ito. Nasa gilid ang mga ilang klase ng bulaklak habang sa gitna ang daan ng mga tao o sasakyan.

"Ang...ganda.." Hindi ko mapigilan. Malawak akong napangiti habang pinagmamasdan ang iba't ibang kulay ng mga bulaklak.

"Kasing ganda ka nga nila." Natigilan ako nang may marinig na boses. Malalim ang tono nito at hindi mo masasabi kung natural ba o sadya ang pagkakabanggit nito ng mga salitang iyon.

Ilang segundo pa ang lumipas bago ako napalunok at napayuko.

Ayokong balingan iyong nasa gilid ko. Pansin ko sa gilid ng mga mata ko ang tangkad niya sa akin habang pinagmamasdan ako ng mabuti.

Ito na ba iyong matanda? Matangkad na matanda? Siguro ay hindi pa siya ganoon katanda sa inaakala ko kaya ganito katangkad ang isang 'to.

Mariin akong napapikit at kinalma ang sarili.

Hinarap ko ang matanda. Sa oras na napunta na sa kanya iyong buong mukha ko, kaagad kong dinilat ang mga mata ko para tingnan ang itsura ng papakasalan ko.

"Tama nga ako." Walang kurap akong mas tinitigan ng akala ko'y singkwenta anyos ng matanda. Napalunok ako nang makita kong umangat iyong sulok ng labi ng binata.

Hindi ko alam na may kasing edad akong kasama rito. At lalaki pa.

Kaagad na naestatwa ako nang makita ko ang mabilis na pagkunot ng noo niya. Hindi dahil sa pagkakakunot ng noo niya, kundi sa tanong niyang hindi ko aakalain na babanggitin niya.

"Who are you? Bago ka bang kasambahay rito?" Napakurap ako at saka nanigas sa kinatatayuan. Nanginig ang binti ko at hindi makapagsalita.

Wala akong...masabi.

Napalunok ako.

"Hey, I'm asking you." Tinuro niya ako. Pinagmasdan ko iyong seryoso niyang ekspresyon habang nakaawang iyong labi.

"U-Um..." Hindi ako makapagsalita.

Sa perpektong hugis ng mga mata, pababa sa ilong at bibig niya, doon ako nakatunganga. Hindi ko maalis iyong paningin sa mga mata niya. Sobrang ganda ng mga iyon.

"Nakikinig ka ba? Can you hear me?" Mas naging intense ang pagkakatitig niya sa itsura ko. Para siyang binigo ng inutusan niya.

"Damn it! Hindi ka ba nakakapagsalita?" Bumalik ang isipan ko sa akin nang makita ko siyang lumayo at napamura sa gilid.

Maya maya, hindi ko maiwasang hindi makagat iyong pang ibabang labi ko bago nag isip ng sasabihin.

"U-Um...nandito ba ang papa mo?" tanong ko. Mukha siya ang may ari sa bahay na ito base sa pagtawag niya sa aking bagong kasambahay. Hindi na ako magugulat pa kung siya iyong anak ng matandang papakasalan ko.

Hinarap niya ako. Dahil sa bilis ng galaw niya, kaagad akong napaatras ng ilang hakbang habang ilang ulit na napasinghap.

Madilim ang ekspresyon niya akong pinagmasdan.

"You know my father? How?" tanong niya, malamig ang boses. Napailing agad ako.

"A-Anak ako ni Glen De Ner—"

"Oh, so...you.." Nagulat ako at hindi makapaniwala dahil sa mabilis na pagbabago ng reaksyon niya. Malumanay ang mga mata na tiningnan niya ang kabuhuan ng katawan ko.

Kaagad na naalerto ako at napayuko.

"I-Ikaw ba 'yong anak ng...matandang papakasalan k-ko?" tanong ko, hindi na makapagpigil. Alam kong nakakahiya iyong klase ng pagtatanong ko, ngunit wala na akong choice.

Kaagad na nakarinig ako ng mahinang tawa na para bang sobrang nakakatawa iyong sinabi ko.

"Well...yeah. I am...Ric. Son of my father, Mr. Levine." Nang marinig ko ang pagpapakilala niya, hinarap ko siya at saka napakurap ng ilang beses. Mukha siyang hindi seryoso sa sinabi niya base sa ekspresyon ng mukha niya.

"S-Seryoso ka ba?"

"Yes. Bakit? Hindi ka naniniwala?" Humakbang siya papalapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko bago ko nakita ang mabilis na pag angat ng sulok ng labi niya. Nasisiyahan niya akong pinagmasdan.

Baliw ba...ang lalaking 'to?

Umatras ako sa kanya, ngunit nahuli ako. Kaagad kong naramdaman iyong kamay niya sa kamay ko. Napasinghap ako at saka hindi makapaniwala siyang tiningnan.

"A-Anong—"

"Shh! Baka may makarinig." Nakita kong inilapat niya iyong hintuturo niya sa labi niya para patigilan ako sa pag ingay.

Ilang segundo kaming nagkatitigan lang. Puno ng saya at pagtataka iyong mga mata niya habang pinagmamasdan ako. Akala ko ay hindi ko makakaya siyang titigan, ngunit mukhang pinagpala ako sa oras na ito. Napakurap ako nang makita ko siyang agad na umiwas ng tingin sa akin nang kagatin ko iyong pang ibabang labi ko. Inalis niya iyong pagkakahawak sa kamay ko at saka umatras sa kinatatayuan ko.

Narinig ko siyang napatikhim.

"G-Gusto mo na bang makita iyong...kuwarto mo?" tanong niya, nasa mga bulaklak na ang paningin. Tipid akong tumango kahit na nakatulala pa rin sa gilid.

Pagod ako. Hindi ko alam kung saan. Basta ang alam ko, sobra akong nanghina sa mga titig na iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status