Share

Kabanata 6

Asar

NAGLAKAD ako papuntang lababo ng kusina at agad na naghugas ng kamay. Nang matapos, bumalik ako sa mga kasambahay na ngayon ay patuloy pa rin na nagk-kuwentuhan.

"Hala siya, bakit naman 'yon sinabi ng pamangkin mo, Manang Milly?" Nakita kong nagkibit balikat si Manang at saka ako nilingon. Napansin kong sinundan ng ibang nakapalibot sa kanya iyong tinitingnan niya.

Nagsiyukuan silang lahat habang ako ay hindi pa rin nasasanay sa mga trato nila sa akin. Napalunok ako at awkward na ngumiti.

"Ano ang pinag uusapan ninyo, Manang?" tanong ko para maialis iyong hiya sa reaksyon ko. Ngumiti si Manang at agad na tumagilid para siguro papasukin ako sa bilog na ginawa nila ng mga kasama niya. Huminto ako sa paglalakad.

"Wala, Ma'am. Nagk-kuwento lang ako ng mga trato ng pamangkin ko sa akin." Napatango ako at mas lalo pang napangiti.

"Bakit po? Ano po ba ang trato nila sa inyo?" mahinang napatawa si Manang at agad na napatingin sa mga kasama niya. Mukha siyang nahihiya.

"Kanina pa namin pinipilit si Manang na magkuwento pa, Ma'am. Sinabihan niya pa kaming chismoso!" humalakhak si Jose. Driver siya ni Ric base sa pagpapakilala niya noong naglilibot ako sa mansyon kasama si Missy. Napatawa ako ng mahina.

"So, chismoso rin ako, Manang?" Nilingon ko si Manang at napansin ko ang mabilis niyang pag iling sa tanong ko.

"Hindi po, Ma'am! Hindi po kayo kasali." Mas lalo akong natawa. Hindi pa ganoon katanda si manang kung pagmamasdang mabuti. Ngunit, kung titingnan siya na humihingi ng tawad sa akin, para akong mas matanda pa sa kanya.

"Lia nalang po. Huwag na ma'am. Kayo rin. Lia nalang." Nakita kong agad na ngumiti si Jose at ang anak niyang si Jessica na kasambahay rin sa mansyon na ito.

"Sige, Lia," si Jessica. Napatango ako nang nakangiti.

"Siya nga pala, maglalaba po kami ngayon. Gusto ninyong sumama?" Nang marinig ang maligalig niyang boses, natigilan ako. Hindi ko alam pero...hindi ako sigurado sa suhestyon niya. Gusto nila akong isama...ayos lang naman siguro iyon, hindi ba? Mababait sila at mukhang inosente.

Hindi naman yata ako mapapahamak sa kanila kahit na ilang araw ko pa lang silang nakasama rito.

"Ano ka ba, Jes! Baka pagalitan tayo ni amo!" Mas lalo akong natigilan nang sawayin ng isang kasambahay si Jessica. Kaagad na lumarawan sa itsura ni Jessica ang takot at pagtataka.

"Ay, pasensya na po, Ma'am..." Minabuti kong hindi peke ang ginawa kong pagtawa sa nahihiya niyang ekspresyon. Narinig kong napatawa si Jose at ibang nakapalibot sa amin. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang agad na pagngiti ni Manang.

"Sasama po ako. Gusto ko ring maglaba." Nanginginig ang mga kamay na itinago ko ang mga 'yon sa bulsa ng suot kong Jumper. Sa loob noon ay may suot ako sa pang itaas na V-neck T-shirt.

Kaagad na naghiwalay ang ibang kasambahay. Iyong iba ay bumalik sa paglilinis, habang kami naman nila Manang, Jessica at iyong isang kasambahay na sumuway kanina kay Jessica ay nagtungo sa Laundry area. Tahimik lang akong nakasunod sa kanila. Nagsasalita si Jessica tungkol sa napakaraming ginawa niya ngayong araw.

"Nandito na tayo, Lia," si Manang. Tumango ako at tipid na ngumiti. Nakita kong binuksan ni Manang iyong double doors na sana ay papasukan namin. Ngunit, natigilan siya nang malamang nakalock pala iyon. Napatingin siya kila Jessica at agad na nagsalubong iyong kilay.

"Bakit naka-lock, 'to? Kanina nang umalis ako, hindi ko naman 'to sinarado, ah?" Nagtatakang umayos ng tayo si Manang.

"Marie, nasa 'yo ba ang susi nito?" Umiling agad ang kaninang sumuway kay Jessica. Napabuga ng hangin si Manang bago tumalikod. Napakurap ako.

"Manang, saan ka?" si Jessica.

"Pupuntahan ko si amo. Baka nasa kanya na iyong mga susi." Tumango ang mga katabi ko habang ako ay nagtataka pa rin ang reaksyon.

Pupuntahan niya si Ric, kung ganoon...

Napalunok ako. Hindi ba siya natatakot? Base kanina sa reaksyon ni Jessica nang suwayin siya ni Marie, para siyang takot na takot nang mabanggit si Ric. Ano ang reaksyon na 'yon? Nakakatakot ba si Ric? Masama bang tao ang lalaking iyon?

Kumalma ang ekspresyon ko. Pero, sa pinapakita sa akin ng lalaki, mukhang kabaliktaran iyon sa iniisip ko. Napailing ako.

Huwag ko nalang kaya isipin? Hindi naman ako nandito para kay Ric. Nandito ako para sa papakasalan ko. Teka, kailan ba ang kasal? Isang linggo na ako sa mansyon na ito pero ni isang banggit ng mga kasambahay sa papa ni Ric, hindi ko narinig.

"Ano'ng iniisip mo, Lia?" Natigilan ako. Kaagad akong napakurap at napabaling sa gilid ko. Nahihiya kong nginitian si Marie. Hula ko ay siya iyong nagtanong sa akin. Nasa tabi niya pa rin si Jessica, tahimik na nakangiti at mukhang nag aabang rin sa isasagot ko.

"W-Wala." Umiling ako. Nakita kong agad na napanguso si Jessica.

"Ilang taon ka na? Mukha kang mas matanda pa sa amin, e." Napangiti ako sa sinabi ni Marie.

"Mukha namang hindi. Um...seventeen pa lang ako." Tumango tango si Marie.

"Mas matanda ka nga. Sixteen pa lang ako. Ganoon din siya." Tinuro niya si Jessica.

"Sixteen? A-Akala ko, nineteen na kayo." Nanlalaki ang mga mata na napatabon ako sa bibig ko. Napatawa si Jessica at maya maya ay sumunod rin si Marie.

"Madami ring nagsasabi sa amin niyan."

"M-Matangkad kasi kayo..." Ngumiti ako.

"Oh, anong pinag uusapan ninyo?" Natigilan kaming tatlo, ngunit mukhang ako lang iyong nahuli sa paglingon sa taong nagsalita. Kaagad na napalunok ako nang makita si Manang na may dala dalang mga susi.

"W-Wala, Manang. Amo..." Nagsiyukuan ang dalawa habang ako ay hindi alam ang gagawin. Kasama pala ni Manang si Ric. Napansin ko lang nang maialis ko na iyong mga mata ko sa susi na nasa kamay ni Manang. Ulit akong napalunok nang hindi pa rin nagsalita si Ric.

"A-Ano ang ginagawa mo dito?" nagtanong na ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magsalita. Nang natapos kami kaninang kumain sa lamesa, kaagad siyang umalis at iniwan akong mag isa. Ngayon, magpapakita na naman siya at tititigan ako ng walang kurap?

Napabuga ako ng hangin. Para akong kung sino kung makapagsalita.

Kinalma ko ang sarili ko.

Nakita kong nakataas na iyong isang kilay ni Ric. "May problema ba?" Umiling ako sa tanong niya.

Tahimik sila Manang at mukhang nakikinig sa usapan namin ni Ric.

Mas hinarap ko pa ang lalaki.

"Wala naman. M-Maglalaba kami ngayon...hindi ka pwede dito," sinabi ko, matapang ang ekspresyon. Napatawa si Ric at napailing. Para siyang masaya dahil sa sinabi ko.

"B-Bakit?" nagtataka kong tanong nang hindi pa rin siya tumigil. Huminto siya sa pagtawa at agad na ngumiti.

"Ayaw mo ba ako dito?" tanong niya, ngingiti. Nakita kong napunta iyong dalawa niyang kamay sa dibdib niya. Mukha na siyang boss ngayon na nakikinig sa suhestyon ng sekretarya niya.

Umiling ako.

"Wala akong sinabing ganoon. A-Ang point ko lang, puro kami babae at maglalaba kami."

"So, ayaw mo nga akong tumambay dito?" Napasinghap ako.

Hindi nga iyon ang ibig kong sabihin...

Binalingan ko sila Manang na ngayon ay hindi makapaniwalang nakatingin kay Ric. Kahit na sila Marie at Jessica na kay Ric iyong atensyon.

"K-Kung tatambay ka lang naman dito, umalis ka na lang."

"Okay. Hindi ako tatambay. Tutulong nalang din ako." Kaagad na nanlaki ang mga mata ko. Ganoon pa rin ang ekspresyon ni Ric, ngingiti at mukhang nasasayahan sa nakikita.

"Marunong ka?" Nakataas iyong dalawang kilay ko na para bang hindi naniniwala sa sagot niya.

"Of course. That's easy," may pagmamalaki niyang sinabi. Umirap ako. Hindi ko alam sa sarili ko pero nag uumpisa na akong mainis sa mga sagot niya.

"H-Hali ka na po amo?" si Manang. Hindi ko na nilingon pa si Ric. Nasa dalawang pintuan na iyong paningin ko habang tahimik na binabalik sa isipan iyong mga naging sagot niya.

Nakita kong binuksan ni Manang iyong pintuan. Nang matapos, kaagad na lumingon si Manang sa likuran niya at tumango. Siguro ay kay Ric siya nakatingin.

Naunang pumasok si Manang sa loob. Sumunod si Jessica pagkatapos ay si Marie. Nang makapasok na sila, kaagad na akong gumalaw at sumunod. Papasok na sana ako sa loob nang sa pintuan ay hindi agad ako nakapasok. Isang pintuan lang ang binuksan ni Manang kaya isang tao lang ang buo na makakapasok sa loob.

Nilingon ko si Ric nang sabay kaming umatras. Pinanliitan niya ako ng mata at agad na nginitian. Napabuga ako ng hangin at saka siya iniwan na roon.

Ngunit, nang papasok na naman sana ako sa loob, nakasabayan ko na naman siya. Hindi ako makapasok sa loob dahil sa dalawa kaming gusto ng pumasok.

Pinauna ko siya. Pero, kaagad siyang umiling.

"Ikaw nalang, Lia." Nakagat ko iyong pang ibabang labi ko. Nagbalak na naman akong pumasok ngunit, nakasabayan ko na naman siya.

"Ano ba talaga? I-Ikaw o ako?" mahinahon kong tanong. Naiinis na ako. Pero, nasa tama pa naman akong pag iisip. Anak siya ng papakasalan ko. Kaya kailangan kong maging mabuti rin sa kanya.

"Ikaw nalang," ani Ric sabay halakhak. Napapikit ako.

Kalma, Lia. Kalma.

Mabilis akong pumasok sa loob ng area. Naiwan ko roon sa labas si Ric na hanggang ngayon ay rinig na rinig ko pa rin iyong tawa.

Hinanap ko agad sila Manang sa loob. Nang makitang sila Marie at Jessica lang ang kumukuha sa mga labahan, kaagad na akong naglakad papalapit sa kanila para sana sila tulungan. Ngunit, natigilan ako nang may nagsalita sa likuran ko.

"Na asar ba kita?" tanong ni Ric, malambing iyong tono ng boses. Kaagad na napaawang iyong labi ko at hindi makasagot.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status