Share

Kabanata 10

Edad

HUMIGA ako sa kama. Nasa sofa pa rin si Alaric at nagliligpit ng pinagkainan namin. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Ayaw mo ba talaga?"

"Hmm?" Mabilis niya akong nilingon gamit ang nagtatakang ekspresyon.

"Pwede naman akong sa sahig nalang. Sa kama ka..." pangungumbinsi ko. Napakunot ang noo ni Ric bago tinapos ang nililigpit. Tumayo siya at naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Umupo siya sa kama ngunit malayo layo iyon sa akin.

Palihim na nanlaki ang mga mata ko dahil sa paglapit niya. Baka...pumapayag na siya.

"Lia...lalaki ako..."

"Tapos?" mahina ang boses ko. Umusog siya papalapit sa akin bago napabuga ng hangin. Naguguluhan ang ekpresyon niya.

"Hindi tayo pwedeng magsama sa isang kuwarto..." aniya, pagod ang mga mata nang titigan ko. Wala kong nagawa. Naiwas ko ang mga mata ko sa kanya habang kagat ang pang ibabang labi.

"Paano ang ngayon? Hindi ba nasa isang kuwarto tayo?" Nakarinig ako ng mahinang tawa galing sa kanya dahil sa sinabi ko. Nilingon ko siya nang nagta
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status