Share

Kabanata 2

Kapalit

"MOVE!" Napapikit ako nang mariin. Malakas ang boses noong nagsalita dahilan para agad na pumagilid iyong mga kasambahay.

"You? What are you doing here? Hindi ba sabi ko ay ako ang pupunta sa kuwarto mo?" malamig ang boses niya habang pilit akong pinapakumpirma. Hindi ako nagsalita. Nanatiling nasa ibaba iyong mga mata ko habang nakasarado.

Gusto kong tumakbo papalayo sa lalaking nasa harapan ko na ngayon.

Pilit kong pinapababa iyong jersey na suot ko. Sana pala ay 'yong basa nalang ang isinuot ko. Bahala magmukha akong tanga tingnan, basta may maisuot lang. Basta hindi lang ito.

"Answer me, Lia. Huwag mo akong paghintayin." Mas lalong bumigat iyong nararamdaman ko. Natatakot na ako. Pero wala ako ni isang magawa para man lang makatakas.

"I-Iyong bag ko..." mahinang sinabi ko. Idinilat ko ang mga mata ko at saka pinakatitigan ang mga taong nasa gilid ko. Lahat sila ay nakayuko katulad ko.

"Hmm...what about it?" Napansin ko agad ang paghina ng boses niya. Hinarap ko siya nang nanginginig ang labi. Hindi ko na kayang hindi siya harapin.

Kahit na natatakot...may parte pa rin sa akin na gustong makita ang reaksyon ng lalaking 'to.

Nakita ko siyang seryoso na nakatitig sa akin. Ramdam ko na ngayon ang pagiging kalmado niya.

"H-Hindi ko kasi makita. W-Wala akong...damit kaya ito iyong suot ko. P-Pero...'pag nakita ko na iyong bag ko, pangako, lalabhan at isasauli ko agad itong damit..." Humina iyong boses ko. Naiwas ko agad ang mga mata ko sa walang kurap niyang mga titig. Napansin ko ang ilang ulit niyang pagtango matapos kong magsalita.

"Ayos lang. Ang importante may damit ka. And, about sa huli mong sinabi. It's a no for me. Hindi ka maglalaba at hindi mo 'yan isasauli. It's all yours."

"P-Pero, sa inyo ito..." Nahihiya kong ibibalik iyong mga mata ko sa kanya. Nagkibit balikat siya.

"You can have it. Isuot mo iyan kung kailan mo gusto. I don't mind." Hindi makapaniwala ko siyang tinitigan.

Seryoso ba siya? Parang...kanina lang ay ang layo layo niya sa lalaking nagpakilala sa akin. Napalunok ako bago naiwas na naman sa kanya iyong paningin.

"What? May sasabihin ka pa ba?" Umiling iling agad ako.

"Well, then, come on. Kakain na tayo." Tinalikuran niya ako. May inutos siya sa mga kasambahay na ilang ulit na tumango sa mga sinabi niya. Nang matapos siya sa pagsasalita, isang beses niya muna akong nilingon. Tiningnan niya iyong kabuhuan ko at saka siya pekeng napaubo. Iniwas niya iyong paningin niya sa akin.

Nahihiya akong napatingin sa suot ko. Alam kong may mali.

"Come on, Lia." Ngayon ko lang naisip iyong pagtawag niya sa pangalan ko.

Nagtataka man, hindi ko na iyon pinatagal pa sa isipan ko. Siguro ay pinakilala na ako sa kanya ni papa. O baka iyong papa niya iyong nagsabi sa pangalan ko.

Alangan naman papakasalan ako noong matandang iyon nang hindi noon alam iyong pangalan ko, hindi ba?

Sumunod ako kay Ric sa paglalakad. Nang makasabay sa paghakbang niya, kaagad kong naramdaman ang pagsunod ng mga kasambahay sa gilid at likuran ko.

Hindi ako nagsalita.

Pinagmasdan ko ang kapaligiran ng living room. May malaking tv at ilang sofa na mahahaba roon. Sa malayo layo, may hagdanan akong napansin na noon ay mukhang wala naman. Siguro ay hindi ko nga napagmasdan ng mabuti ang loob ng mansyon.

Habang nakasunod kay Ric sa paglalakad, pansin ko ang ilang sulyap niya sa akin habang pekeng umuubo.

Gusto kong magtanong, ngunit naisip ko rin na masyado ng awkward ang nangyayari. Huminga ako ng malalim.

Ilang segundo ang nakalipas, kaagad akong nakakita ng mahaba at napakaraming upuan. Sa gilid nito ay may mga kasambahay na nakatayo habang nakayuko.

"So...um, let's eat?" Napabaling ako sa kaharap ko. Hindi ko akalain lumingon na pala siya sa akin. Nahihiya akong tumango. Naglakad ako papuntang upuan na siyang nasa dulo ng lamesa. Dalawang dulo ang naroon. At sa isa ay si Ric.

Hindi pa man ako tuluyan ng nakakaupo sa upuan, kita ko sa gilid ng mga mata ko ang mabilis na pagtayo ni Ric sa upuan niya.

"Hey...!"

Napaawang iyong labi ko. Napakurap ako bago siya nilingon ng nagtataka ang reaksyon. Seryoso iyong mukha niya. Napabuga siya ng hangin at saka ko nakita iyong pagturo niya sa isang upuan na malapit sa kanya.

"Sit here. Masyado kang malayo."

"U-Um..." Kaagad akong naalerto. Napalunok ako at dali daling naglakad papunta sa sinasabi niyang upuan. Sabay kaming umupo sa upuan ni Ric habang siya ay titig na titig sa akin. Iyong paningin ko ay nasa lamesa dahil nahihiya ako.

"Good girl." Nakagat ko iyong pang ibabang labi ko. Mabilis ko siyang sinulyapan at saka ko nakita iyong nakangiti niyang labi.

"H-Hindi ba sasabay ang...papa mo sa atin?" Kaagad na nawala iyong kurba ng labi niya matapos kong maitanong iyon. Umigting ang panga niya at saka ako pinanliitan ng mga mata.

"He's not even here. Bakit mo ba siya gustong makita?" malamig niyang tanong. Nahimigan ko ang pagtataka sa tono ng boses niya.

"A-Ano...um. Gusto ko lang siyang m-makilala." Iniwas ko iyong paningin ko sa titig na titig niyang mga mata. Para siyang nanonood lang ng palabas habang seryoso iyong mukha.

"Why? Gusto ka rin ba niyang makilala?" tanong niya. Natigilan ako.

May...punto siya.

Kaagad na nakagat ko iyong pang ibabang labi ko habang dahan dahan na napayuko. Kung wala ang matanda, edi wala. Dapat nga ay makaramdam ako ng saya.

Ngunit, kung wala siya, saan ako magsusumbong? Kung may gawin si Ric? Kanino ako hihingi ng tulong?

Sinulyapan ko ang lalaki. Nakita ko siyang ganoon pa rin ang ekspresyon habang dahan dahan na sinusubo iyong pagkain niya. Palihim akong napabuga ng hangin.

Minsan, hindi ko mapigilang hindi mabahala. Kakakilala ko lang sa lalaking 'to. Wala pa akong alam sa lugar na ito. At isa pa, hindi ko pa lubusang kilala ang mga tao rito. Lalo na si Ric.

Galit siya ngayon. Halata naman. Base pa lang sa ekspresyon ng mukha niya at sa klase ng pananalita niya.

"Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?"

"H-Ha?" Natigilan ako at mabilis kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Siguro ay dahil sa gulat.

Nakita kong ganoon pa rin ang mukha ni Ric, matalim ang mga mata habang nakataas iyong isang kilay.

"H-Hindi ko pa natitikman."

"Then, tikman mo na. Alangan naman subuan pa kita." Napayuko ako. Hindi dahil sa sinabi niya, kundi dahil sa mabilis niyang pagngiti matapos niyang masabi iyon.

Mas bumilis iyong pagtibok ng puso ko. Parang iyon nalang ang nararamdaman kong mas lumalakas sa buong parte ng katawan ko.

Kinuha ko iyong kutsara gamit iyong kanan kong kamay. Tinikman ko ang sabaw na inihanda sa akin at maya maya, kaagad na nanlaki ang mga mata ko. Kumuha pa ako ng sabaw at mabilis na tinikman.

Ang sarap.

Palihim akong napangiti. Ngunit, mukhang hindi iyon nakaligtas sa titig na titig sa aking lalaki. Binalingan ko si Ric at nakita ko siyang nakataas iyong gilid ng labi habang walang kurap na pinagmamasdan ako.

"B-Bakit?" Hindi ako nakapagpigil. Umiling si Ric at saka bumaling sa pagkain niya. Kumain siya ng nakangiti pa rin, dahilan para uminit iyong pisngi ko sa hindi malamang dahilan.

Bakit ba nakangiti pa rin siya?

Ilang minuto ang lumipas, uminom ako ng tubig at nakaramdam ng busog. Nilingon ko ang malapit sa akin at nakita kong tapos na rin pala siyang kumain. Pinagmamasdan niya ako gamit iyong malumanay niyang mga mata.

Mabuti naman at hindi na siya galit.

"Amo..." Tahimik akong nakinig sa pinag uusapan nila Ric at kadadating lang na lalaki. Naalala kong ito ang driver ng sinasakyan kong kotse.

Gusto ko sana siyang tanungin, ngunit ang bastos ko naman kung gagawin ko iyon habang may kausap pa siya, hindi ba?

Napabuga ako ng hangin. Hinintay ko ang pagtahimik ni Ric at pagbalik ng tingin sa akin. Ngunit, maya maya pa, may binanggit ang lalaki na siyang nakaagaw ng atensyon ko at mas makinig pa sa pinag uusapan nila.

"Her bags, where is it? Naroon ang mga gamit niya." Seryoso ang ekspresyon ni Ric habang nag aabang ng sagot sa driver. Kahit ako ay tutok na tutok sa pinag uusapan nila.

"Naroon na po sa mga kasambahay. Naghihintay nalang po sila ng utos ninyo." Tumango si Ric. Agad na nakahinga ako ng maluwag.

Salamat naman.

"Good. You can go now." Tumango ang driver at saka nagpaalam.

Mabilis na tumayo sa upuan si Ric dahilan para manlaki ang mga mata ko at napatayo rin. Tiningnan niya ako at saka iyong suot ko.

"Maya maya, nasa 'yo na ulit ang mga bag mo. Change your clothes." Tinalikuran na niya ako. Umalis ako sa lamesa at saka nagpasalamat sa mga nakapaligid na mga kasambahay. Sumunod ako kay Ric.

Alam kong may mali sa damit ko.

Mabilis kaming naglakad at napunta sa double doors na pintuan. Binuksan iyon ni Ric at saka ako hinintay na pumasok nang makapasok na siya.

Sabay kaming naglakad nang makita ko na ang pintuan ng kuwarto ko. Tahimik ako. Ganoon rin ang katabi ko.

Ni isang salita, wala akong maisip. Wala akong masabi. Ayokong magsalita dahil nandito si Ric sa tabi ko. Para kasing kung magsasalita ako, may makikita na naman akong mali sa akin.

"Still six pm. Kung gusto mo ng magpahinga, go. Wala ng iistorbo sayo." Huminto siya sa paglalakad at sinundan ako ng tingin. Dire diretso ang mga paa ko papunta sa pintuan.

Tumigil ako sa paghakbang. Hinarap ko si Ric at tipid na niyukuan.

"Masyado pa pong maaga. Baka...mamaya pa ako matutulog." Napansin ko ang pagtango ni Ric.

"Nasa sayo 'yan. Just don't forget to rest. Mahaba haba pa naman ang naging byahe mo kanina."

"N-Nakatulog naman po ako kanina. Kakagising ko lang nga po." Nahihiya kong nakagat iyong pang ibabang labi ko.

"Damn, stop that." Iniwas ni Ric iyong paningin niya sa akin. Kaagad na may pagtataka ko siyang tiningnan.

May mali na naman ba sa akin?

Napayuko ako.

"Let's make a deal. Sa atin lang dalawa." Hinarap ko siya nang nalulumo ang mga mata. Kaagad kong winala iyon sa mukha ko bago pa man niya mapansin.

"A-Anong deal?"

Tinitigan niya ako. "Let's just say, parang pangako."

"Ha?" Hindi ko siya maintindihan.

Napabuga siya ng hangin at saka napailing iling. Lumapit siya sa akin. Kaagad na nanginig ang mga tuhod ko na para bang alam na alam kung sino ang paparating. Hindi ako magalaw.

Pinagmasdan niya ang kabuhuan ng mukha ko at saka ko nakita ang dahan dahan na pag angat ng gilid ng labi niya.

"I'll give you clothes, gifts, expensive things. Just...don't leave here. Ibibigay ko lahat ng gusto mo, ipangako mo lang na hindi ka na aalis pa rito."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status