Share

Kabanata 3

Drunk

HINDI AKO nakatulog nang gabing iyon. Dahil sa mga salita ni Ric, hindi ko na nagawa pang ipikit iyong mga mata ko. May mga gusto akong malaman pero natatakot akong itanong.

Siguro ay nasabi niya lang iyon, dahil ako ang magiging asawa ng papa niya. Ayaw niya sigurong umalis ako dahil....

"Anong dahilan?" mahina kong tanong sa sarili ko.

Kinaumagan, ang una kong ginawa ay nag ayos ng mga gamit ko. Alas sais pa lang ng umaga, may mga kasambahay na agad na kumatok sa pintuan ko dahilan para magising ako. Nalaman ko lang na dala na pala nila iyong mga bagahe ko.

Sinimulan kong ilagay iyong ibang damit ko sa cabinet. Kaunti lang ang mga damit roon na pang lalaki at masyadong maluwag pa sa loob.

"Kakain na po." Mabilis na tumango ako sa isang maid na kumatok sa pintuan ko. Kaagad na nakaramdam ako ng kaba. Kakain, malamang, sabay kami. Napabuga ako ng hangin.

Naligo ako sa banyo at nagbihis sa labas na. Dali dali kong sinuot iyong t-shirt ko at saka huminga ng malalim. Nagsuklay ako bago lumabas ng kuwarto.

Iyong mga sinabi kagabi ng lalaking 'yon, tumatak sa isipan ko hanggang sa nakatulog ako ng madaling araw. Hindi iyon nawala kahit saglit.

Umupo ako sa upuan na kahapon ay siyang inupuan ko rin. May mga maids pa ring nakatayo sa likod at harapan ko.

Tiningnan ko ang upuan na bakante ngayon. Maraming upuan na bakante, pero itong malapit sa akin ang siyang nagpakunot ng noo ko. Wala siya?

"Ma'am, pinapasabi po pala ni amo, pagktapos niyo raw po kumain, doon lang kayo sa kuwarto ninyo hanggang sa gumabi," biglang salaysay noong isang kasambahay na malapit sa pwesto ko. Dahan dahan akong ngumiti.

Walang...mali kaya kailan kong ngumiti.

"Paano...iyong pagkain ko?" tanong ko. Alam kong masyado akong mayabang kong magtanong. Bago pa lang ako rito pero kung makagalaw na ako, ako iyong amo nila.

Ngumiti ang maid. "Dadalhan ka po namin ng pagkain sa kuwarto ninyo. Huwag po kayong mag alala." Tipid akong napangiti. Ibinalik ko iyong paningin ko sa pagkain na nasa lamesa. Nag umpisa akong sumubo.

Uminom ako ng tubig matapos kumain habang nag isip-isip. Tumayo na ako. Napansin kong kaagad na nagsiyukuan iyong mga maids habang wala ni isang nagsalita. Napatikhim ako.

"S-Salamat po sa pagkain." Tipid akong yumuko at nagsimula ng maglakad pabalik sa kuwarto ko. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng hiya sa mga nakapaligid sa akin ngayon, pati na sa sarili ko. Kasi, bago lang ako rito sa mansyon. Kahapon lang. Tapos, ganito na agad ang turing nila sa akin? Para akong matagal ng nakatira rito. Ayoko ng ginaganito nila ako.

Hindi ako...sanay.

Napabuntong hininga ako nang makabalik na ng kuwarto ko. Humiga ako sa kama at nag isip-isip. Nang walang magawa, kaagad akong tumayo at saka kinuha sa bagahe iyong cellphone ko. Naisip ko kahapon, hindi na muna ako gagamit nito. Pero mukhang hindi ko matutupad iyon ngayon. Wala akong magawa kaya wala na akong choice kundi ang mag-cellphone.

Tinawagan ko si mama. Nag usap kami ng ilang oras habang ako ay papalit palit lang ng pwesto sa kama. Minsan ay nasa may dulo ako habang ang ulo ay sinasadya kong mahulog.

Umayos ako ng higa sa kama. Inayos ko rin iyong pagkakadikit ng cellphone sa tainga ko para marinig ng maayos ang nagsasalita na si mama.

"Maayos ka ba diyan?" Ilang ulit na niya itong itinanong sa akin. Napatawa ako ng mahina.

"Mama, nakakakain ako ng maayos. Nakakaligo rin at nakakatulog sa malambot na kama. Huwag na kayong mag alala." Tumayo ako ng dahan dahan habang kausap pa rin si mama sa cellphone. Maglalakad na sana ako papuntang cabinet para makapagpalit ng damit nang bigla nalang may kumatok sa pintuan.

"Ma'am, iyong tanghalian niyo po?" Naging bilog ang kurba ng labi ko. Dali dali akong naglakad papuntang pintuan para patuluyin ang kasambahay.

"Sino 'yan?" si Mama sa kabilang linya. Nahimigan ko ang pag aalala sa boses niya. Umiling ako na para bang nasa harapan ko lang siya.

"Iyong pagkain ko, mama, nandito na." Tipid akong ngumiti. Nakita ko ang dahan dahan na pagtuloy ng maid sa loob ng kuwarto ko. May dala siyang tray ng pagkain dahilan para manlaki ang mga mata ko.

Anong oras na nga ba?

"Ganoon ba. O siya, kumain ka na muna. Mamaya nalang tayo mag usap." Tumango ako at pinatay ang tawag. Matapos maibaba ang cellphone, tiningnan ko ang oras at nalamang alas onse na ng umaga. Malapit ng maghapon.

"Aalis na po ako." Yumuko ang maid, ganoon din ang ginawa ko.

"Salamat." Isang matamis na ngiti lang ang sinukli niya sa akin. Lumabas siya ng kuwarto ko at siya na ang nagsuhestyon na magsarado ng pintuan.

Matapos ang pananatili sa kuwarto ng ilan pang oras, ilang ulit akong napabuga ng hangin. Kinuha na rin ng kasambahay iyong pagkain ko matapos kong maubos iyon kanina.

Kaagad na napatabon ako ng mukha ko nang maalala ang pagtatanong ko kanina sa kasambahay.

"May gagawin ka pa ba?" mahinang tanong ko sa babaeng nagliligpit ng pinagkainan ko. Ngumiti siya sa akin at tumango.

"Opo, marami marami iyong huhugasin ko." Napatango ako at napaisip.

"Pwedeng...sumama?" Kaagad kong nakita sa reaksyon niya ang pagtataka. Akala ko ay tatanungin niya ako kung bakit ko gustong sumama sa kanya, ngunit imbis na ganoon ang gawin niya, umiling siya sa akin at ilang ulit na nagpaumanhin.

"Ipinagbabawal na palabasin kayo ni amo. Nandoon sila sa labas ng mga kaibigan niya, nag iinuman. Huwag daw po kayong palabasin o pasilipin man lang." Kaagad na natahimik ako at napakurap. Peke akong napangiti.

"Ganoon ba, sige. Bye!" Lumabas ang maid nang ilang ulit na yumuko sa akin.

Hindi ko akalain na iyon pala ang rason kaya hindi ako pwedeng lumabas ng kuwarto ko. Dahil sa nag iinuman?

"Huwag ka ng kumuntra, Lia." Pinatigil ko ang sarili ko. Napailing ako at mabilis na nakagat iyong pang ibabang labi.

Siguro ay nahihiya siya. Nahihiya siyang malaman ng mga kaibigan niya na ikakasal na ang papa niya, at sa isang katulad ko pa. Isang bata at baguhan pa lang sa bahay na ito. Malamang, ganoon ang iniisip niya.

Napapikit ako ng mariin habang gumiling giling sa kama. Huwag ko nalang isipin. Ang importante, maayos ang lagay ko rito.

Alas otso na ng gabi. Kanina pa ako rito sa kuwarto ko tahimik. Hindi na tumawag pa si mama. Gusto ko sana siyang tawagan kaso nalaman ko na expired na iyong load ko.

Huminga ako ng malalim bago nagbalak na lumabas ng kuwarto. Mag a-alas nuwebe na ng gabi. Siguro naman ay wala ng nag iinuman?

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko nang tagumpay akong makalabas ng kuwarto. Kaagad na bumilis ang oras at nalaman ko nalang na sumisilip na ako sa double doors na siyang daanan ko 'pag pupunta akong dining area. Nauunang nakikita rito ang living room. Kasunod pa ang dining area kung saan ako kumain kaninang umaga.

Napatabon ako sa nakaawang kong labi gamit ang kanan kong kamay, natatakot na baka makabuo ng ingay. Titig na titig ako ngayon sa lalaking pagod na nakaupo sa malapad na sofa. Nakaharap ito sa pwesto ko kaya kitang kita ko ang malumanay nitong ekspresyon habang nakapikit ang mga mata.

"Ma'am?" Napasinghap ako. Mabilis akong napalingon sa likuran ko at nakita ko ang isang maid na parehas ng reaksyon sa akin. Gulat siya, ganoon din ako.

"Ayos lang po ba kayo?" tanong niya. Tumango ako. Nahihiya akong ngumiti.

"A-Ayos lang." Liningon ko saglit si Ric na akala ko ay nakaupo pa rin na nakapikit sa sofa. Ngunit, nagkamali ako.

Nakita kong walang kurap na siya ngayong nakatitig sa akin habang seryoso iyong ekspresyon. Nakaupo pa rin siya, ngunit, ang kaninang nakasaradong mga mata, ngayon ay nakabukas na at pinagmamasdan akong mabuti.

Naramdaman kong mas naging maluwag pa ang pagkakabukas ng pintuan. Nilingon ko ang may gawa noon at nakita kong ang kasambahay iyon.

"P-Pasensya, Ma'am." Yinukuan niya ako. May dala siyang bote na mukhang mamahaling alak ang laman. Sa kaliwang kamay niya, may hawak siyang baso.

Pumasok ang babaeng maid sa pintuan na siyang mas naging maluwag pa dahilan para makita ng tuluyan ni Ric iyong kabuhuan ng mukha at katawan ko. Umayos ako ng tayo at nanginginig ang mga kamay na ipinagdikit ko ang mga iyon sa likod ko.

"Why are you still up? Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" may halong banta ang boses niya. Hindi ko alam pero, ramdam ko ang agad na pagtayo ng mga balahibo ko. Lumunok muna ako bago sumagot.

"H-Hindi kasi ako...makatulog." Iniwas ko iyong paningin ko sa kanya. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang dahan dahan na paglagay ng kasambahay ng mga dala niya sa harapang lamesa ni Ric.

"Well, then, come here. Join me." Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pagkabahala. Hindi ako umiinom, at wala akong balak na tumikim man lang kahit kaunti.

Kaagad na natahimik ako at napayuko. Matapos ang ilang segundo, nagsalita ako nang makapag isip-isip.

"H-Hindi po ako umiino—"

"Sinong nagsabing iinom ka? I just want you to join me. Sit here beside me. Tingnan mo lang ako." Napapikit ako habang nakayuko pa rin. Sa klase ng tono ng boses niya, parang alam na niyang iyon ang sasabihin ko.

"Come here, Lia." Inulit niya pa. Huminga ako ng malalim bago siya hinarap. Wala akong nagawa kundi ang titigan ang mga mata niya habang nagsisimulang maglakad papunta sa kinaroroonan niya.

Tinuro niya iyong katabing pwesto niya. Sa harapan, may mga ubos ng bote ng alak.

Napalunok ako matapos makaupo na ng tuluyan sa tabi niya. Nasa akin pa rin iyong mga mata niya habang ako ay nakayuko na naman at tahimik.

"Look at me." Utos iyon. Palihim akong napabuga ng hangin bago sinunod iyong sinabi niya. Kaagad na nagkatitigan kaming dalawa hanggang sa umabot iyon ng ilang segundo. Malapit siya sa akin, ngunit dahil sa walang kurap naming titigan, mukhang sa paningin ko, mas lalo pa siyang lumalapit.

"L-Lasing ka ba?" naitanong ko. Nakaawang iyong labi niya. Dahil nga malapit siya sa akin, amoy na amoy ko iyong alak sa hininga niya. Kaagad na napatawa siya ng mahina at umiling.

"I am not. Hindi ako madaling malasing." Pinagmasdan niya saglit iyong mukha ko bago lumayo sa akin at umiwas ng tingin.

Ngayon ko lang napansin na sa bawat titig ko sa kanya, siya iyong umiiwas ng paningin sa aming dalawa.

Napaisip ako at ibinalik iyong mga mata sa alak.

"How's your day here?"

"A-Ayos lang naman." Hindi ako nakalabas dahil may nag inuman.

Gusto ko sanang dugtungan, ngunit huwag na.

"Good to hear. How about...my suggestion last night? Ayos lang din ba 'yon?" Napabaling ako sa kanya.

Naisip ko kahapon na baka hindi siya seryoso sa sinabi niya. Ngunit, mukhang nagkamali ako. Seryoso siya base sa ekspresyon niya ngayon.

Nilingon niya ako nang maging tahimik ako. Nagkatitigan na naman kami. Umayos siya ng upo at mas humarap pa sa akin. Maingat niya akong pinagmasdan.

"I won't force you kung hindi ka komportable sa suggestion ko, Ailia. Hindi ako namimilit. Lalo na kung sa isang kagaya mo."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status