Share

Kabanata 5

Maynila

NAPANGITI ako nang si Missy ang nakita ko na pumasok sa loob ng kuwarto ko. Kanina nang wala pa siya, kasalukuyan akong naliligo sa banyo. Nang makarinig ng mga katok sa kung saang pintuan, kaagad kong linuwagan ang pintuan ng banyo para makita kung may tao bang pumasok sa loob ng kuwarto ko.

At, meron nga. Si Missy na hindi naka uniporme ng pang maid. Humarap sa akin ang babae nang makalabas na ako ng banyo habang may tuwalyang nakatapis sa katawan. Yumuko siya sa akin at agad na bumati.

"Handa na po iyong pagkain ninyo sa lamesa."

Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa pakikitungo ng isang 'to.

"Salamat...Um, si...Ric?" binanggit ko ang pangalan ng amo nila. Kaagad na humarap sa akin si Missy at ngumiti.

"Hinihintay niya na po kayo sa lamesa." Napatango ako na para bang walang alam.

"Kailan siya...dumating?"

"Kaninang madaling araw po yata. Narinig ko iyon kay Clint, iyong kararating lang po na driver galing maynila." Naging bilog iyong kurba ng labi ko. Napataas iyong dalawang kilay ko at saka napalunok.

"Sige, mauna ka na doon. Magbibihis na muna ako." Tumango si Missy at agad na sinunod iyong sinabi ko. Ayoko sana siyang palabasin dahil nakakahiya kung titingnan. Bago pa lang ako rito. Hindi ko dapat inuutos utusan nalang ang mga kasambahay sa mansyon na ito.

Wala akong karapatan.

Nagbihis ako ng komportableng damit sa pang itaas at pang ibaba. Nang matapos, kaagad na lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa dining area.

Nakabalik na si Ric. At, mukhang ako yata iyong unang nakaalam noon.

Huminga ako ng malalim.

Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Ngunit, sabi nga ni papa. Kailangan kong maging tahimik at masunurin. Hindi ako pwedeng maging madaldal. Lalo na sa harapan ng magiging asawa ko.

Pero...hindi naman si Ric iyong papakasalan ko, hindi ba? Ayos lang naman yatang magsalita ako kahit ilang mahahaba lang 'pag kasama ko siya.

Dahan dahan kong binuksan ang double doors na lagi kong dinadaanan. Kaagad na luminga linga ako sa paligid para tingnan kung may tao bang nasa paligid. Natigilan ako nang malamang meron nga.

Isang lalaki.

Ilang saglit kong pinagmasdan ang napansin kong taong naglilinis ng mga picture frames malapit sa malaking TV. Nasa living room na ako. At sa kabilang banda pa ang dining area.

Kaagad na napakurap ako nang mapansin ako ng lalaki. Tumigil siya sa ginagawa niya at hinarap ako. Nakataas na ngayon iyong dalawang kilay niya na para bang tinatanong ako kung bakit ko siya pinagmamasdan.

Napalunok ako.

Bakit ba ako tumigil sa paglalakad? Napailing iling ako sa isipan ko at agad na humarap sa daanan kung saan papunta ang dining area. Nagsimula ulit akong maglakad.

"Hey, teka!" Natigilan ako at ilang saglit pa bago hinarap iyong lalaking hindi ko akalain na tatawagin ako. Nahihiya ko siyang tiningnan.

Ngayon ko lang napansin ang mabilis niyang pagtakbo papunta sa kinaroroonan ko. Tumigil siya sa harapan ko at agad na napabuga ng hangin.

Naglahad siya ng kamay na siyang nagpagulo sa isipan ko.

"I am Clint. Ngayon lang kita nakita dito kaya ganoon ako kanina makatingin. Pasensya na." Ramdam ko ang paghihintay niya sa paggalaw ng kamay ko. Ngunit, nanatiling lantang gulay iyong balikat ko.

Nahihiyang ibinalik ng lalaki sa kaninang iyong kamay niya nang mapansin niya siguro na wala akong balak na suklian iyong pagpapakilala niya.

Awkward akong napayuko. Napapikit ako ng mariin at agad na dinilat iyong mga mata.

Ito iyong problema sa akin, e. Wala akong mga kaibigan sa eskwelahan ko maliban kay Shiela dahil sa ugali kong ito. Nahihiya ako at natatakot makipag usap sa tao. Para akong nakaranas na ng isang bagay na dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng takot 'pag may hindi pamilyar sa akin na nagpakilala.

"S-Sorry. Aalis na ako." Matapos ang ilang segundo, mabilis kong ginalaw iyong katawan ko patalikod sa taong 'to. Ngunit, kaagad rin na natigilan sa pag abante nang makasalubong ng mga mata. Pagtataka at galit ang nakikita ko sa mga mata ng lalaking ito ngayon.

Noon ay napakaganda nito tingnan. Sa una naming pagkikita, akala ko ay ito na ang pinakamagandang mga mata na nakita ko at makikita ko pa sa buong buhay ko. Ngunit, mukhang may pagbabago rin pala ang mga 'yon.

"Oh, Ala, ikaw pala." Ni sulyap ay hindi ko pinagbigyan ang kanina'y kausap ko. Nakapokus ang mga mata ko kay Ric na ngayon ay seryosong nakatayo akong pinagmamasdan. Kahit siya ay hindi man lang binigyang pansin ang nasa likuran ko.

Napansin ko ang malalaking paghakbang ni Ric papunta sa kinaroroonan namin ng tumawag kanina sa kanya. Napalunok ako at nakaramdam ng lamig sa balikat. Napahawak ang isang kamay ko roon habang hindi pa rin bumibitaw sa mga titig ng paparating na lalaki.

Tumigil sa paglalakad si Ric at doon lang bumitaw. Siya na naman ang sumuko.

Tiningnan niya ang taong nasa likuran ko at saka ako.

"Pinatawag kita para kumain. Why are you here with Clint? Ayaw mo bang kumain?" mahinahon ang boses niya habang tinatanong iyon. Ilang saglit pa ang nakalipas bago ako nakasagot.

"P-Papunta na sana ako. Natigil lang dahil—"

"Sa kanya?" naging malamig ang tanong niya sa akin. Umiling ako.

"Papunta na ako kanina. D-Dumating ka lang..." Naiwas ko iyong paningin sa kanya.

"Woah, may kinalaman ba ako dito? Wala naman siguro, 'di ba?" Rinig kong natatawang tanong noong Clint. Ngayon ko lang naalala iyong sinabi kanina ni Missy.

"Go back to your job, Clint. O hindi kaya, huwag na sa trabaho. Bumalik ka na sa maynila kung pwede." Sinulyapan ko si Ric at nakitang wala na sa akin iyong paningin niya.

Nakagat ko agad iyong pang ibabang labi ko dahil sa lumuwag iyong paghinga ko.

"Kanina lang nga ako dumating, paaalisin muna agad ako. How rude of you, amo."

"Shut up."

Para akong nawala saglit sa mga mata ni Ric. Para akong nakawala sa hindi ko malamang dahilan.

Nakarinig ako ng tikhim. Napakurap ako ng dalawang beses at agad na binalingan ng dahan dahan iyong gumawa noon. Nakaharap na naman sa akin si Ric. Nasa akin na naman iyong mga mata niyang napakaganda kung pagmamasdan mo ng maigi at dahan dahan.

"Come now. Kanina pa mainit iyong pinaluto ko." Tinalikuran niya ako at naglakad sa daanan kung saan banda ang dining area. Sumunod ako sa kanya, ngunit bago ko ginawa iyon, nilingon ko muna ang nasa likuran ko. Wala na si Clint roon.

Napabuga ako ng hangin at mabilis na ibinalik iyong paningin sa daraanan. Sinabayan ko sa paghakbang si Ric at ilang saglit ang natapos, nakarating kami sa mahabang lamesa na sa magkabilang gilid ay may mga kasambahay pa rin na nakapalibot.

"Sit here." Tumigil siya sa upuan na noon ay inupuan niya rin. Umupo ako sa upuan na inupuan ko rin noon. Iyon ang itinuro niya kaya dapat kong sundin.

Nagsimula kaming kumain hanggang sa natapos. Ganoon pa rin ako, tahimik at ni isang kwento sa buhay ko ay hindi ko ibinahagi. Walang dahilan para gawin ko iyon.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? I heard...you were sick." Natigil ako sa pag inom ng tubig sa baso nang makarinig ng salita mula kay Ric. Ngayon lang ulit siya nagsalita.

"Hmm, opo. Maayos na ako." Nakita ko siyang napatango.

"Mabuti naman."

Tahimik na naman ulit kami. Hindi ako nag ingay kaya mukhang wala siyang nagawa kundi ang magsalita ulit.

"How's your sleep? Nakatulog ka ba?" Napalunok ako nang iyon ang itanong niya.

Aamin ako. Hindi ako nakatulog dahil roon sa bigla niyang pagbisita sa kuwarto ko. Hanggang ngayon ay nasa utak ko pa rin iyon. Rinig na rinig ko pa rin iyong mga salita niyang binitawan. Himig na himig ko pa rin iyong lambing sa tono ng boses niya.

"A-Ayos lang din. Nakatulog ako ng mahimbing." Nagsinungaling ako. Wala na akong maisagot pa kaya iyon ang nagawa ko. Labag man sa loob kong hindi sabihin ang totoo, nakakahiya rin naman kung iyon ang isasagot ko kay Ric, hindi ba? Siguradong...matatawa siya sa sagot ko 'pag nalaman niya.

Sinulyapan ko siya at nakita kong nakatitig na naman siya sa akin ng walang kurap. Nataranta ako at naramdaman ko ang pag awang ng labi ko. Nadilaan ko ang pang ibaba noon dahil sa kaba.

Bakit ba ako laging kinakabahan? Epekto ba ito ng hiya ko kay Ric? O, iba? Masyadong malayo, e. Walang dahilan para kabahan ako sa lalaking wala pa namang ginagawa sa aking masama.

Wala pa? I don't know. Nasabi ko lang iyon dahil...natatakot nga ako. Natatakot ako kapag seryoso ang eskpresyon ni Ric. Para siyang galit 'pag ganoon ang itsura ng mukha niya. Para niya akong masasaktan 'pag nagiging matalim iyong mga titig niya sa akin.

"Nga pala, si Missy, iyong laging nagdadala ng pagkain mo, wala na siya ngayon dito."

"H-Ha...?" Napalunok ako at hindi makapaniwala siyang hinarap.

"Nasa kabilang bayan na siya. Sa kabilang mansyon kasama iyong ibang kasambahay," ani Ric.

"Bakit? Bakit...doon sila? Hindi ba pwede dito?" Umiling siya.

"No. Hindi na pwede dahil wala na naman silang pagsisilbihan dito. Tomorrow at eight AM iyong flight natin papuntang maynila."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status