Share

Kabanata 4

Sasamahan Kita Ngayon

"P-PAG IISIPAN ko pa, Ric..." Hindi ako makapaniwala sa bigla niyang sinabi. Ilang saglit akong tahimik habang siya ay patuloy pa rin akong pinagmamasdan.

Natapos ang gabi at sumapit ang umaga. Hindi pa man lumiliwanag ng sobra ang araw, nalaman ko nalang na naroon na ako sa kuwarto ko kinaumagahan. Naalala ko, nakatulog ako habang nasa tabi ni Ric. Ang lalaking iyon ay umiinom pa rin habang parehas kaming tahimik. Wala na ni isang nagsalita sa amin.

"P-Pwede na ba akong lumabas?" nag aalala kong tanong sa maid na siyang laging naghahatid sa akin ng pagkain. Ngayon ay may dala na naman siyang tray. Nakita ko siyang ngumiti at tumango.

"Opo. Nga pala, wala si amo ngayon. Apat na araw siyang magta-trabaho sa bukid nila ng mga kapatid niya. Sa mga susunod na araw pa siguro siya makakabalik rito." Lumabas siya ng kuwarto ko matapos akong yukuan. Hindi ako nakapagsalita.

Napabuga ako ng hangin. Maya maya, nag-desisyon akong maligo na muna. Maingat kong kinuha sa cabinet ang mga nakuha kong damit para maihanda sa kama. Ito ang mga susuotin ko.

Mabilis na tumakbo ang oras, natapos akong naligo at nagbihis. Handa na sana akong lumabas ng kuwarto habang dala-dala iyong tray ng pagkain ko nang pagkabukas ko ng pintuan, isang maid ang agad na sumalubong sa akin habang nagtataka iyong reaksyon.

Napaawang iyong labi ko nang mapansin niya iyong pagkain kong wala ni maliit na bawas.

"Hindi...niyo po ba nagustuhan iyong pagkain?"

Nataranta agad ako. "N-Nagkakamali kayo. Dala-dala ko 'to dahil...gusto ko sanang kumain sa lamesa. M-Medyo, hindi ako sanay na kumain sa kama, e." Awkward akong ngumiti habang siya ay hindi makapaniwalang napatango tango.

"M-Mabuti naman po kung ganoon. Pasensya na." Nginitian niya ako bago ko nakita ang pag iwas niya sa akin ng tingin. Nahihiya siyang napayuko.

Nagpakilala siya sa akin bilang Missy. Taga maynila siya. Narito lang siya sa Cebu para sana mag aral. Kwinento niya sa akin ang buhay niya. Nalaman kong college na pala ang babae. Nagt-trabaho siya bilang kasambahay rito sa malaking mansyon dahil kulang pa raw ang pang tuition niya at medyo malaki ang pangangailangan ng pamilya niya.

Naging komportable ako kay Missy. Hindi lang siya magalang, napansin kong madaldal rin pala. Habang nagk-kuwento ako, napunta iyong usapan namin sa amo nila rito. Tipid akong napangiti. Mag iisang linggo na. Ang sabi sa akin ni Missy, apat lang na araw mawawala si Ric. Ngunit dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang lalaki, mukhang mas matagal pa ang pagbabalik nito.

Ano kaya ang trabaho niya? At...sa narinig ko kay Missy, sa bukid siya nagt-trabaho kasama ang mga kapatid niya. Nagsasaka ba siya? Saang bukid siya ngayon? Nagt-trabaho pa rin ba siya?

"Teka, may huhugasan pa pala ako. Dalhan nalang po kita ng tubig mamaya sa kuwarto ninyo. Mag aalas dies na pala." Mabilis kong tinanguan si Missy at nginitian nang nagmamadali siyang yumuko sa harapan ko.

Nang makalabas si Missy ng tuluyan sa kuwarto, kaagad kong sinarado ang pintuan at humiga na sa kama. Napabuga ako ng hangin. Ang halos ginagawa ko lang rito sa bahay ay makipag usap sa mga kasambahay at maglibot libot sa mansyon. Minsan ay nagpapasama ako, ngunit may ilang beses rin na ako lang mag isa dahil ayoko namang makaabala sa mga seryosong nagt-trabaho rito.

Ilang araw na ang nakalipas, ngunit iyong pagtulog ko sa tabi ni Ric pa rin ang bumabalik sa isipan ko.

Ilang minuto ang lumipas, nagising ako sa pagkakaidlip nang makarinig ng ilang katok sa pintuan ng kuwarto ko. Siguro'y si Missy na ito. Paniguradong may dala siyang tubig kaya hinanda ko na ang isusukli ko sanang ngiti sa kabaitan niya.

"Salamat," ani ko sabay kuha sa kamay niya ng baso. Nginitian niya ako nang muntik ko ng maubos ang laman no'n.

"Siya nga po pala, tumawag kanina si amo." Ibinalik ko sa kanya ang baso at saka nadilaan ang pang itaas na labi. Napalunok ako bago hindi nagpahalatang nagulat. Tumango ako habang pinagmamasdan ang likuran ni Missy para hindi masyadong halata.

"Tinanong niya kung...ayos lang po ba ang lagay ninyo." Hindi ko matingnan ang ekspresyon ni Missy. Masyado akong mapapansin 'pag ginawa ko pa iyon.

"Ano'ng...sinagot niyo?" Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro ay dahil ngayon lang magparamdam sa amin si Ric.

"Sinabi po namin ang nangyari. N-Nagkalagnat kayo at...dalawang araw na nakahiga lang sa kama ninyo." Dalawang araw ang nakalipas matapos ang gabing iyon, naalala kong bigla nalang akong naging mainit. Nanghina ako sa hindi ko alam na rason. Ni wala akong naalalang mali kong nakain.

"Ano'ng...sinabi niya pagkatapos no'n?" Nakita kong agad na napalunok si Missy.

"Pinatay na niya ang tawag. Hindi na siya tumawag pa ulit 'pagkatapos no'n."

"Kanina lang ba siya tumawag?"

Umiling si Missy. "Ngayon lang. Pagkatapos niyang patayin ang tawag, pumunta agad ako sa inyo kasama itong tubig."

Natahimik ako.

Minsan ay si Missy ang nagsasabi sa akin ng nga nangyayari. Hindi ko sinasabing sa kanya ako kumukuha ng mga gusto kong malaman sa kapaligiran. Gusto ko lang alamin ang mga gawain nila rito noong wala pa ako. Lalo na si Ric. Ang mga bagay na hilig niya at ginagawa noong hindi pa ako rito nakatira. Gusto kong malaman iyon. Kahit na hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko iyon ginagawa.

"Sige...matutulog na ako. Matulog ka na rin. Salamat ulit..." sinabi ko at pilit na pinapalawak ang ngiti sa harapan ni Missy. Ngunit, hindi ko iyon natapos. Isang matipid na kurba lang ang naipakita ko sa kanya bago ko nasarado ang pintuan ng kuwarto ko.

Bumalik ako sa kama ko at agad na humiga roon. Huminga ako ng malalim bago umayos ng pagkakahiga. Yinakap ko ng mahigpit ang unan na kanina ay malapit lang sa uluhan ko.

Naalala ko na naman ang gabing iyon. Nakatulog ako sa sofa. At saka tabi pa talaga ng lasing na si Ric.

Napailing ako.

Ano kaya ang reaksyon niya no'n nang malaman niyang nakatulog ako sa tabi niya? Nagulat kaya siya? O baka...nagalit? Posible siyang nagalit. Pinaupo niya lang ako roon. Wala siyang sinabing pwede akong matulog sa sofa nila.

"Bakit ba kasi ako nakatulog?" Nasapo ko ang aking noo. Bakit nga ba? Noong mga oras na iyon, inaamin kong inaantok na ako. Pero...hindi ko naman akalain na dahil sa katahimikan naming dalawa, ganoon ang mangyayari.

Nakatulog ako...at sa tabi niya pa. Nakakahiya!

Napagiling ako sa kama at saka nakagat ng mariin ang labi.

Gusto kong malaman ang naging reaksyon niya ng mga oras na iyon. Ngunit, aaminin kong doble ang nararamdaman ko. Natatakot ako. Takot na baka galit siya ng malaman niyang natutulog na pala ako no'n sa sofa nila.

Nagising ako bandang alas tres ng hating gabi. May ingay akong naririnig sa labas ng kuwarto ko, ngunit pagod na pagod ako para buksan pa iyon. Napakurap ako ng mga mata ko.

Ilang katok pa ang narinig ko sa kuwarto ko bago iyon nawala matapos ang ilang minuto. Bumangon ako. Kahit na pagod, gusto ko rin naman alamin kung sino ang kumakatok.

Naglakad ako ng dahan dahan papuntang pintuan ng kuwarto. Inaayos ko ang magulo kong hanggang bewang na buhok habang pilit na binubuksan ang mga mata.

Binuksan ko ang pintuan nang nasa harapan na ako. Ang una kong napansin ay ang madilim na kapaligiran ng labas. Naisip ko na baka wala lang iyong mga katok na iyon kanina, ngunit, sa ilang segundong kakamasid sa paligid, kaagad akong natigilan nang may napansing matangkad na nakahilig sa dingding malapit lang sa parteng kinatatayuan ko.

"You look well. Mabuti naman kung ganoon." Mas lalo akong hindi nakagalaw. Sa boses na matigas ng nagsalita, parang kilala ko na kung sino ang may gawa noon. Napaatras ako. Muntik pa akong matumba kung hindi lang agad nahawakan ng kaharap ko ang magkabilang balikat ko dahilan para makaayos ako ng tayo.

Napasinghap ako.

"S-Sino ka?"

"Ilang araw lang akong nawala, nakalimutan mo na agad ako. Ang sakit naman, Lia." Napansin ko ang agad na paglayo nito sa akin. Naging madrama ang boses nito na para bang nang aasar. Kaagad akong kinabahan sa tono ng pang aasar ng lalaking 'to.

"Ric...?"

"Hmm, sorry, that's not my name." Nakarinig ako ng halakhak na siyang nagpatigas pa lalo sa kinatatayuan ko. Bakit...siya tumatawa? Ano ang nakakatawa?

"Ano ang...ginagawa mo rito? H-Hindi ba may trabaho ka pa—"

"Stop. Don't push me away." Hindi na ako nakarinig pa ng ingay.

"Um...mag uumaga na. Hindi ka pa ba aalis?" tanong ko para makapag isip na ng tama. Nang dahil sa biglang pagsulpot ni Ric, dilat na dilat na ang mga mata ko. Aaminin kong nawala ang antok ko dahil sa kanya.

Nakatanggap ako ng sagot, ngunit matagal akong naghintay. "I'm here because...I was worried, Lia. A-And..." Ilang segundo rin akong naghintay ng magiging dugtong roon sa sagot niya, ngunit ilang saglit pa ang lumipas, hindi na ako nakakuha pa ng ingay. Napalunok ako at napaatras pa lalo.

Ramdam ko ang mga mata niya kahit na madilim ang paligid. Hulaan ko, hindi na naman siya kumukurap ngayon. Diretso siyang nakatitig sa akin na para bang nakikita niya ako ng malinaw.

"I'm sorry. Bumalik ka na sa pagtulog mo. You can leave me now kung gusto mo." Iyong huli niyang sinabi ay parang may iba pang kahulugan. Hindi ko lang maisip kung ano dahil umiikot pa iyong utak ko sa paghihingi niya sa akin ng tawad.

"Matulog ka na, Ailia." Naging malambing ang tono ng boses niya nang iutos niya iyon. Napabuga ako ng hangin bago nakagat ang pang ibabang labi.

Umatras pa ako ng ilang hakbang bago tumalikod na. Naglakad ako pabalik sa kama ko at ilang saglit pa bago dahan dahan na humiga sa higaan.

Napansin kong naroon pa rin ang matangkad na bulto ni Ric. Mas lalo akong nahirapang makatulog ulit. Mariin akong napapikit.

"H-Hindi ka pa...aalis?" tanong ko sa mahinang boses.

"No, matulog ka na," malambing niya iyong sinagot. Hindi ako nakapagsalita.

Paano niya ito nagagawa sa akin? Bakit...ako nakakaramdam ng ganito ngayon? Ramdam ko ang agad na pag init ng pisngi ko kahit na maliit nalang ang distansya ng unan ko sa mukha ko. Kaunting galaw ko nalang ay matatabunan na ang mukha ko ng unan.

"Sasamahan kita ngayon. Pero kung ayaw mo, just...rest again. I'll leave, don't worry. I know hindi maganda tingnan ang sinabi ko." Nanatili ang reaksyon ko. Gulat at hindi makapagsalita dahil sa mga narinig.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status