Share

Kabanata 1

Jersey

PINAGMASDAN ko ang kapaligiran ng napakagandang mansyon. Kung kanina ay 'yong hardin sobrang ganda, mas dumoble ang kalinisan at kagandahan ng mansyon sa labas, lalo na sa loob.

Napanganga ako. Pansin ko iyong halos sampung kasambahay na may kanya kanyang uniporme habang seryosong naglilinis sa living room. Kaagad na lumiko kami sa isang daan na may double doors. Pumasok kami roon nang buksan ng nasa unahan ko iyong pintuan.

Ganito ba kayaman ang papakasalan ko?

"M-Mabait ba ang papa mo?" Agad na napansin ko iyong paghinto ng nauna sa paglalakad. Natigilan ako at ganoon din ang nagawa.

Hinarap niya ako. Seryoso iyong mukha niya ngunit ilang saglit lang rin ang nakalipas, napatawa siya habang titig na titig sa akin.

Napakunot iyong noo ko at nahihiyang napayuko dahil sa tono ng boses niya. Naramdaman ko ang pagtalikod niya sa akin. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang natatawa pa rin.

May nakakatawa ba?

"Well, mabait iyong groom mo. Mabait at gwapo." Habang siya ay nakatalikod, kita ko ang dahan dahan niyang pag iling na para bang sobra sobra iyong kagwapuhan ng papakasalan ko.

Napakunot iyong noo ko.

"M-Mabait at...gwapo 'yong papa m—"

"Shut up." Natigil ako sa paglalakad. Narinig ko siyang napatawa kahit na patuloy pa rin siya sa paglalakad. Ako nalang iyong hindi pa makahakbang dahil sa gulat sa pagpapatigil niya sa akin.

Dali dali akong sumunod sa kanya nang may maisip. Napasinghap pa ako nang makita sa mga paa niya ang laki ng hakbang habang naglalakad siya.

Huminto kami sa isang kuwarto. Muntik pang mapunta iyong mukha ko sa likod niya kung hindi lang mabilis na napahinto. Huminga ako ng malalim.

"This is your room. Ipinahanda ito ng papa ko sayo." Ramdam ko ang tawa niya habang sinasabi iyon. Siguro may ganito lang talaga sa mga anak. Minsan ganito din ang kapatid kong lalaki, mahilig mang asar.

Tumango ako at tipid siyang yinukuan.

"Salamat..."

"What's my name?"

"H-Ha?" Napaharap ako sa kanya. Kita ko ang seryoso sa ekspresyon niya na para bang kailangan kong alam ang pangalan niya.

Naalala ko...Ric. Isa siya sa anak ni Mr. Levine. O baka isa lang talaga siyang anak.

"R-Ric..." Napasinghap ako bago bumitaw sa pakikipagtitigan sa kanya.

"Say it again." Napalunok ako bago tinitigan ulit. Nakita kong umangat iyong sulok ng labi niya na para bang may tama akong nagawa.

Habang nakatitig sa kulay asul niyang mga mata, napansin ko iyong paghakbang niya papalapit sa pwesto ko. Napaatras ako papuntang pintuan. Akala ko ay titigil na siya sa paghakbang kaya ako ang naunang tumigil, ngunit hindi pa pala. Humakbang siya ng humakbang papalapit habang ako ay pilit na ipinipikit iyong mga mata dahil sa wala na akong maatrasan. Ramdam ko iyong pintuan sa likuran ko.

"R-Ric...Ikaw si...R-Ric." Nanghina ako matapos masabi iyon. Titig na titig siya sa akin na para bang wala ng bukas. Humalakhak siya at saka tinigil iyong paghakbang.

Hindi siya malayo sa akin. Malapit lang. Hindi ko masasabing isang hakbang lang ang pagitan namin dahil malayo iyon. Pinagmasdan niya iyong mukha ko.

"Beautiful. Ang swerte ng papakasalan mo, kung ganoon," mahinang sinabi niya habang hindi matanggal iyong paningin sa labi ko. Napangiti siya at mahinang natawa.

Hindi ko na mapigilan. Tinulak ko siya at saka dali daling tinalikuran. Ilang ulit kong binalibag ang door knob para makapasok na sa kuwarto, ngunit hindi pa rin iyon mabuksan. Sumisinghap akong napayuko.

"I-Isusumbong kita sa papa mo..." matigas ngunit may panginginig habang sinasabi ko iyon. Nakarinig ako ng tawa malapit sa tainga ko.

Habang nakayuko ako, kita ko malapit sa bewang ko iyong dalawang kamay ng nasa likod ko. Patuloy ang dalawang kamay na dumaan hanggang sa napunta na ang mga iyon sa door knob.

"Isumbong mo." Nanghahamon siya base sa tono niya. Nakagat ko agad iyong pang ibabang labi ko.

Kaya ko ba?

"Hmm..." Nakiliti ako at nanghina. Ramdam ko iyong hininga niya sa balikat ko. May nakita akong susi sa isang kamay niya habang hinahawakan iyong door knob. Hindi pa rin siya gumagalaw.

Natatakot na ako. Nanginginig at hindi makapagsalita. Gusto ko siyang isumbong sa papa niya, pero sino ba ako? At hindi ko pa nakikita ang ama niya. Paano kung hindi iyon mabait? Paano kung magkaparehas sila?

Napapikit ako nang marinig ko iyong mahina niya tawa. Rinig na rinig ko iyon dahil malapit lang iyong bibig niya sa tainga ko.

"I'm sorry. Natakot ba kita?" Lumayo iyong ingay ng boses niya at narinig ko iyong pagbukas ng pintuan. Kaagad na naidilat ko iyong mga mata ko. Dahan dahan kong lininga ang paningin ko sa paligid.

"Come on, pumasok ka na. Babalikan nalang kita 'pag kakain na." Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang malayo na niyang katawan. Iniwan niya akong nakatayo habang tulala.

Nanginginig iyong mga tuhod ko. Gusto kong umupo.

Pumasok ako sa loob ng kuwarto at agad na sinarado ang pintuan. Huminga ako ng malalim bago mas pinakalma pa ang sarili. Humiga ako sa kama.

Parang ang dami ng mga kaganapan ngayon. Kinuha ko iyong cellphone ko na nasa bulsa ng suot kong shorts na hindi lampas hanggang tuhod.

Tiningnan ko ang oras. At nang makitang alas dos pa ng hapon, agad na napapikit ako at pinagpahinga ang mga mata.

Mas napagod ang mga 'to kaysa sa ibang parte ng katawan ko.

"MAMA naman!" Napabuga ako ng hangin nang magising dahil sa ingay ng cellphone ko. Iyon, may tumatawag lang pala.

Umupo ako sa kama at saka pinagmasdan ang kapaligiran. Alas singko na. Ilang oras na ako rito pero ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti ang buong kuwarto. Kanina ay pagod na pagod ako kaya hindi ko na nailibot pa ang mga mata ko sa paligid.

Puno ng kulay pink ang kuwarto. Malapit sa banyo ay may disenyo roon na mga butterflies. Napangiti ako. Mukhang pambata ang kuwartong ito, ngunit nagustuhan ko naman. Malaki ang kama at malambot. Iyong disensyo at kulay lang talaga. Pero maganda. Gusto ko.

Tumayo ako sa kama at mas pinakatitigan pa ang mga disenyo ng kuwarto. Naglakad ako papuntang banyo. Binuksan ko iyon at pinagmasdan ang loob.

Maayos at malinis. Mabango pa.

Sinarado ko ang pintuan. Nagsimula akong maghubad ng damit ko hanggang sa naligo na ako. Ang ginamit ko ay iyong shower. May dalawang button roon na pipindutin mo lang kung malamig ba o mainit ang gusto mong iligo mo.

Ang pinili ko ay iyong mainit. Nalaman ko rin kasi na hindi naman talaga mainit iyon sa inaakala ko.

Napapikit ako para mas maramdaman ang pagiging kalma ng kaloob-looban ko.

Ilang saglit ang nakalipas, bumalik sa isipan ko iyong mga kaganapan kanina. Sa klase ng pagtawa ng lalaking iyon at pagngiti. Napabuga ako ng hangin.

Sana naman...wala siyang gawing masama sa akin. Kung anak siya ng amo ni papa, kailangan kong maging kalma at tahimik. Nakakatakot man minsan iyong mga galaw niya, kailangan kong itatak sa isipan ko iyong sinabi ni mama.

Pagkatapos na pagkatapos ng ilang buwan ko rito, ihihiwalay na nila agad kami. Hindi na ako magtatagal pa rito. Hindi ko na makikita pa ang lalaking iyon.

Lumabas ako ng banyo matapos makapagtapis ng tuwalya. May ilang tuwalya sa loob ng napakalaking banyo. Dalawa ang ginamit ko. Isa para sa katawan ko, at isa naman para madaling matuyo iyong buhok ko.

Luminga linga ako sa paligid. Tiningnan ko ang gilid ng kama ko para makita iyong dalawang bag ko, ngunit wala ako ni isang nakita. Napakunot iyong noo ko.

Wala akong damit. Naroon lahat sa bag. Napapikit ako ng mariin matapos maalala iyong pagkarga ni papa ng mga bag ko sa likod ng kotse.

Diyos ko naman.

Napapadyak ako at hindi mapakali.

"Hindi pwede..." Mabilis akong pumasok sa banyo para makita iyong mga damit kong suot ko rin kanina. Basa na ang mga iyon dahil nilabhan ko na rin sa loob ng banyo. Napabuga ako ng hangin bago lumabas ng banyo para pumunta sa kulay pink na cabinet ng kuwarto.

"Lahat panlalaki." Nakagat ko iyong pang ibabang labi ko. Pinagmasdan ko at pinakatitigan ang malaking jersey na damit na sa likod ay may nakasulat na Levine. Ito lang iyong medyo ayos sa akin. Iyong iba ay halos hanggang tuhod ko na.

Wala na akong choice.

Pumunta akong banyo at saka nagbihis roon. Wala akong shorts. Panty at bra lang. Panandalian lang naman ito. Hahanapin ko lang iyong driver na sinakyan ko kanina ng kotse o hindi kaya ay iyong kotse nalang ang hahanapin ko para makuha iyong bag ko.

"Mabuti nalang hindi ko 'to binasa." Tukoy ko sa panty ko. Muntik ko na rin kasi sanang labhan. Napabuga ako ng hangin.

Lumabas ako ng banyo nang nakajersey ang suot. Hindi lumampas ang suot ko sa tuhod ko. Maiksi iyon. Ngunit wala na akong magagawa pa.

Nagsuklay ako habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. May malaking salamin malapit sa cabinet dahilan para makita ko iyong kabuhuan ng katawan ko. Inilagay ko pabalik iyong suklay na ginamit ko sa kung saan ko kanina nakita matapos kong magamit.

Huminga muna ako ng malalim bago tinuloy iyong pagbukas ng pintuan ng kuwarto para makalabas na ako. Sana naman ay walang makakita sa akin. Lalo na iyong Ric. Ayokong makita niya akong ganito.

Luminga linga ako sa paligid matapos makahakbang papalabas ng kuwarto. Sinarado ko agad iyong pintuan.

Mabilis na napunta ako sa double doors na dinaanan namin ng lalaking iyon. Binuksan ko ng dahan dahan ang isang pintuan habang tinitingnan ang paligid.

Baka may makakita.

Nang makita ang mga kasambahay na nagkalat sa labas ng double doors, kaagad na malakas ko na nasarado ang pintuan. Napatabon ako sa nakaawang kong bibig. Diyos ko.

"M-Ma'am? Ano'ng ginagawa ninyo diyan?" Huli na ako. Mariin akong napapikit at saka napayuko. Nakatalikod ako sa kanya nang buksan niya ang pintuan. Wala na akong oras para bumalik sa dinaanan ko kanina.

"U-Um..." Hinarap ko siya nang hindi mapakali. Nanlalaki iyong mga mata niya habang nakaawang iyong labi.

"A-Ayos lang po ba kayo?" Nakita kong mabilis siyang lumingon sa likod niya. Mas umawang ang pintuan dahilan para makita ko ang ibang kasambahay na pinapalibutan na ako.

"Ma'am? Hinahanap niyo po ba si amo?" Napalunok ako. Kaagad akong umiling, ngunit may nagtanong na naman nang nakapagpaalerto sa akin.

"Gusto niyo po bang makita si amo?" Mabilis akong umiling at pekeng ngumiti.

"H-Hindi!"

"Kung ganoon, bakit kayo nandito?" Nagtanong iyong unang nakakita sa akin. May pag aalala sa mga mata niya.

"Um...nawala kasi i-iyong ba—"

"What's happening here?" Natigilan ako. Kaagad na nanginig ang mga tuhod ko at mabilis na napaawang iyong labi. Naestatwa ako. Hindi makagalaw at hindi makapagsalita.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status