Share

The Tommorow's Gone
The Tommorow's Gone
Author: TalesInMind

Simula

Sumisilaw ang liwanag mula sa aking bintana at tumatama ito sa aking mukha. Marahan akong dumilat at iniharang ang aking palad sa liwanag dahil nakakasilaw ito. 

Napangiti ako ng mapait habang pinagmamasdan ang aking kamay na nakaharang sa liwanag na pumapasok sa aking bintana. 

Bagong bukas, bagong umaga... ngunit hanggang saan nga ba ako? Hanggang saan ang relasyon naming dalawa ni Davin? Hanggang saan aabot ang bukas namin? 

Hindi ko alam ang nangyari sa aming dalawa.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.

Wala na akong naiintindihan pa.

Dahan dahang humapdi ang aking mga mata dahil sa nag babadyang mga luha. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na pumapatak na ang aking mga luha. 

Anong nangyari? Ito ang lagi kong tanong sa aking sarili. Anong nangyari sa aming dalawa? At lumayo siya sa akin? 

Masakit makita at maramdaman na malayo na sa iyo ang taong mahal mo.

Alam ko naman ang dahilan, alam na alam ko. Kaya mas nasasaktan ako sa kadahilanang iyon. Bakit Davin? Bakit ka bumitaw sa mga kamay ko? Sa mga kamay kong kapit na kapit sayo? 

Suminghap ako ng hangin at pumikit ng mariin. I hate my self being pathetic, but you can't blame me, i'm really inlove with that fucking-ass man. Umupo ako sa kama at isinuklay ang aking mga daliri sa aking buhok. 

Tumingin ako sa gilid ng aking kama, kung saan wala siya. Hindi ba't dapat mag katabi kami? Magkatabi kami sa pagtulog ... Dahil ganoon naman ang mag asawa hindi ba? Ngunit bakit wala siya sa tabi ko? At wala ako sa puso niya? Nasa kanya ang buong pagkatao at puso ko, ngunit bakit wala siyang binigay sa akin kahit kakarampot?Bakit puro pagdurusa ang ibinigay sa akin ni David? 

Gusto kong tumawa dahil ito nga pala ang usapan namin, ang hindi niya ako mamahalin. 

Inihilamos ko ang aking palad sa aking mukha. Amara stop it! mas lalo ka lang masasaktan. 

Muli kong pinasadahan ng aking mga daliri ang aking buhok at umalis sa kama. Humarap ako sa malaking salamin at tinitigan ang aking sarili doon at napangiti nalang ng mapait. I'm beautiful... pero hindi makita iyon ni Davin. 

Napaigtad ako sa sunod sunod na katok galing sa aking pinto. "Amara! Open the door." Sa boses palang ay kilalang kilala ko na. Ang boses na iyan ang nagpapatalon sa puso ko, ang boses na iyan ang nagpapataas ng mga balahibo ko. 

"Wait!" sigaw ko at agad na pumunta sa pinto upang buksan ito.

"Bakit Davin?" mababang boses na anya ko. 

Kinagat ko ang aking pangibabang labi at yumuko dahil pinasadahan niya ng isang mapanghusgang tingin ang aking katawan. Tanging ang suot ko lamang na lingerie ang tumatakip sa aking panloob. Sumulyap ako sa kanyang mukha at wala itong emosyon at inirapan ako, nahuli pa ng aking paningin ang kanyang pagngiwi.

 Pakiramdam ko ay hinihiwa ang aking puso, really Davin? Ganyan na ba ako kapangit sa paningin mo? 

"Magluto ka." Inirapan niya ako bago niya ako tinalikuran. Napahalakhak na lamang ako ng mapait. Hindi asawa ang tingin niya sa akin... kundi katulong.

Nag ayos muna ako ng sarili bago bumaba at nadatnan ko siya hapag kainan na hawak ang kanyang telepono. Tinitigan ko siya mula sa aking kinatatayuan, walang duda kung bakit minahal ko ng sobra ang lalaking ito. 

Ang perpekto niyang panga at ang makinis at maputi niyang balat, at sa unang paglapat palang ng aking mga mata sa kanyang kulay tsokolateng mga mata ay nabighani na agad ako. Sino bang hindi mamahalin ang isang Davin Villaroel? He's the bachelor of the town, and the most famous model and actor in asia.

Unti-unting gumuhit ang sakit sa dibdib ko noong naka ngisi siya habang nagtitipa sa kanyang telepono. Alam ko na, na isa sa mga babae niya ang ka text niya. Sila lang naman ang nakakapag pangisi kay Davin ng ganyan...  na dati kong nagagawa ngunit hindi na ngayon, nag iba na ang takbo ng mundo naming dalawa. 

Kinagat ko ang aking pang ibabang labi dahil sa nagbabadyang pag iyak. That should be me, dapat ako ang nag bibigay ngiti sa labi niya pero hindi na ata mangyayari iyon. 

Pumikit ako ng mariin at nag buga ng hangin. Pumunta na ako ng kusina at nag hanap pupuwedeng lutuin. 

Noong tapos na ako ay dinala ko na iyon sa hapag kainan, akmang ilalapag ko na ang aking mga niluto ng bigla siyang tumayo. "Where are you going?" aligagang tanong ko kanya. 

Nilamon ng inis ang kanyang mukha, tumingin siya sa akin at suminghal, "Why do you care?" At tinalikuran na niya ako. 

Napaiwas ako ng tingin at nag isang guhit ang aking labi. Nakakasama nang loob, pupunta na naman siya sa mga babae niya at madaling araw ng uuwi. Pero ano bang magagawa ko? 

I'm just his secret wife. 

Yes. Im just his fucking secret wife...

Masakit man sa akin na itinatago niya ay kinakaya kong tiisin, tinataya ko ang puso ko para sa pangarap kong mag kaayos kaming dalawa. 

Kahit araw-araw akong nadudurog dahil sa lamig at sama ng pag trato niya sa akin ay tinitiis ko ang lahat. Pag mamahal pa ba ito? O isa nang katangahan? 

Tawagin niyo na akong tanga, martir, o kahit ano pa... ang mahalaga sa akin ay ang maayos kaming dalawa. 

Kahit masakit, kahit nakakaubos, kahit nakakadurog lahat titiisin ko para lamang sa 

kanya.

Pero minsan hindi ko mapigilang hindi magalit sa sarili ko, hindi ko mapigilang mainis. Maraming lalaki sa mundo na kaya akong mahalin ng buo at hindi ako sasaktan pero bakit sa kanya pa rin tumitibok ang puso ko? 

Bakit sa kanya pa rin kahit ginagawa niya akong tanga at walang kwenta? Bakit sa kanya pa rin ako patuloy na umiibig? 

Ganoon nalang siguro ako katanga sa kanya para pati ang kasiyahan ko at pangarap ko ay ibase ko na sa lalaking ito. 

Siguro nga ay tanga ako dahil kahit nasasaktan na ako nang sobra ay patuloy ko pa rin siyang minamahal. 

Sana nga lang ay may patunguhan ang lahat nang hirap kong ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status