Share

Kabanata 1

Tinatago niya ako sa lahat dahil ikinahihiya niya ako, ikinahihiya niya ang babaeng dati niyang ipinagmamalaki. Nakakatawa hindi ba? Kung dati ay halos isigaw na niya ako sa buong mundo ngayon naman ay kahit isang hibla lang ng aking buhok ay ayaw niyang ipakita sa iba. Pero ano bang magagawa ko? Wala. Wala akong magagawa dahil hindi ko siya makokontrol. 

Nanghihinayang kong tiningnan ang mga pagkaing nasa plato. I miss him, i miss us... sobrang nangungulila ako sa kanya.

Agaran kong pinunasan ang luhang tumakas sa aking mata. Kung hindi lang sana nangyari iyon, kung hindi lang sana. 

Sana ayos pa kaming dalawa, sana maayos pa ang pagsasama namin. 

Hinihiling ko na sana maibalik ko ang kahapon, ang kahapon kaya ko pang ibahin. Kaya ko pang iayos, ngunit totoo nga talaga ang pag sisisi. Pero hindi ko naman kasalanan iyon, ah? Hindi ko kasalanan. 

Sobrang galit siya sa akin. 

Kahit alam ko naman na wala akong kasalanan ay ako iyong nagdurusa, ako iyong nasasaktan. 

Marahan akong umupo sa upuan at walang buhay nag salok ng makakain sa aking plato. I hope we have a baby, para naman maibaling sa iba ang aking atensyon at makalimutan ko naman ang sakit. 

Siguro ay nag papakasasa na siya sa mga babae niya ngayon. Hanggang kailan ba ang laro mo Davin? Kailan ba matatapos ito?

Noong umagang iyon ay mag isa lang lamang ako, dapat masanay na ako hindi ba? Dapat magsanay na ako sa ganitong sitwasyon namin. 

Noong kinahapunan ay namili ako ng mga rekado para sa cake na gagawin ko. I love cakes, iyon lagi ang pinagkaka abalahan ko tuwing wala si Davin.

Pagkalabas ko sa mall ay tirik na titik ang araw at wala man lang akong dalang payong. Naniningkit ang aking mga mata dahil nakakasilaw ito.

Kahit nahihirapan ako sa aking mga bitbit ay pinilit ko pa ring makarating sa aking sasakyan na bigay pa ng tatay ni Davin. 

I just a poor girl back then. Utang ko ang buhay ko sa mga magulang ni Davin, pinag aral at binihisan nila ako. 

Inilagay ko sa back seat ang mga paper bag at sumakay na sa driver seat. Isinuot ko ang seatbelt at binuhay na ang engine ng aking sasakyan. 

Napapangiti ako tuwing may nadadaanan akong mga bata sa daan na nag lalaro. I remember Davin and i, ganyan na ganyan kami dati. Naliligo sa pawis at naghahabulan at puno ng dumi ang mga katawan namin. Galit na galit pa nga si Doña Lecia— ang lola ni Davin, dahil nadudumihan daw ang kanyang apo. 

I miss the old times.

Napabuntong hininga ako.

Inihinto ko ang sasakyan sa tabi at kinuha ang ibang paper nag sa back seat. This is my routine everyday. Wala naman kaming anak ni Davin kaya sa ibang bata ko na lamang ibinabaling ang aking atensyon para kahit sandali ay makalimutan ko naman ang sakit. 

"Mga bata!" tawag ko sa kanila. Napahinto sila sa paglalaro at kuminang ang kanilang mga mata ng makita ako. 

"Ate!" Kumaripas sila ng takbo papunta sa akin. Oh, i love these kids even if they are not from me. Yumakap ng mahigpit sa aking bewang. 

"Ate! Kanina pa po namin kayo hinihintay! Ate gutom na kami!" maligalig na sabi ni Nonoy, parang hiniwa ang puso ko sa sinabi niya. I know the feeling that your stomach is growing because of hunger but you have nothing to eat.

Ginulo ko ang buhok ni Nonoy at umupo. "Sorry, ngayon lang si ate. Kumain ba kayo kaninang umaga?" Tumango silang apat. 

Ngumiti ako. "May dala akong makakain, mamaya babalik ako dito. Magdadala ako ng cake, ah?"  Sabay-sabay silang tumango. 

Umupo kami doon sa isang bench at ibinigay sa kanila ang pagkain. Habang kumakain sila ay nagsalita si Ninay, ang kapatid ni Nonoy.

"Ate? Wala po ba kayong anak? Hindi po ba may asawa kayo?" Bigla akong natigilan sa itinanong niya at napangiti nalang ng mapait. 

"Hmm-hm, wala..." Unti-unti akong yumuko.

"Sino po ba 'yong asawa nyo?" tanong ni Nene na ang pinaka bata sa kanila. 

Ngumiti ako sa kanya at ginulo ang kanyang buhok. 

"Syaka ko nalang sasabihin sa inyo." Sinabi ko sa kanilang may asawa na ako ngunit hindi ko sinasabi sa kanina kung sino iyon. 

Magkakapatid sina Nonoy, Ninay, Nene at si Nathan. Wala na silang mga magulang dahil parehong mga nasa langit na ang mga ito. Tanging lola nalang nila ang nag aalaga sa kanila, wala ang kanilang lola tuwing umaga dahil nasa palengke ito at naglalako. 

Pag katapos nilang kumain ay nagpaalam na akong uuwi at ganoon din sila. Masaya akong nakakatulong sa mga bata, napapasaya nila ako. Napupunan nila ang sakit sa puso ko.

Pagkarating ko sa bahay ay agad kong ipinarada ang aking sasakyan sa garahe at kinuha ang aking mga pinamili sa back seat. Ibinaba ko ito sa island table at agad ko nang hinanda ang aking mga gagamitin.

Habang hinahalo ko ang mga rekado ay tumunog ang aking telepono, inihinto ko ang ginagawa at sinagot ang tawag. Iniipit ko ito sa aking balikat at tenga, bumalik ako sa pag hahalo. 

"Nako! Nakakainis talaga 'yang asawa mo! Nakita ko na naman siya sa hotel na pinag tatrabahuan ko at may kasamang amerikana! Para na silang mga ahas kung makalingkis. Bakit hindi mo pa kasi hiwalayan yang gunggong na yan!?" Bungad sa akin ni Kyla. 

Nanginig ako sa narinig at hindi ko na namalayan na unti-unti nang dumudulas ang telepono sa aking balikat hanggang sa mahulog na lamang iyon sa sahig.

Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng lakas dahil sa narinig. Itinanday ko ang aking dalawang palad sa lamesa dahil nanlalambot ang aking mga tuhod.

Kahit ilang beses ko ng narinig iyon, kahit ilang beses ko nang alam na may ikinakama siyang iba ay masakit pa rin. Parang dinudurog pa rin ang pagkatao ko. Lalong lalo na ang puso ko.

Nag iinit ang gilid ng aking mga mata at marahang lumandas ang mga taksil na luha sa aking pisngi. Luhang tanda na sobrang nasasaktan ako. Ang sakit ay paikot-ikot sa aking dibdib. 

Kahit nandito ako sa tabi niya ay iba pa rin ang hinahanap niya, kahit na kaya kong ibigay ang lahat sa kanya ay sa iba pa rin siya naghahanap. Bakit Davin?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status