Share

Kabanata 2

Napaupo ako sa malapit na upuan dahil pakiramdam ko ay ano mang segundo ay babagsak na ang aking tuhod. Patuloy na lumalandas ang mga taksil na luha sa aking pisngi. 

Ako ang asawa... pero iba ang ikinakama.

Mas maganda ba ang mga babae mo kaysa sakin Davin? Mas may hubog ba ang katawan nila? Hindi ko gustong mainggit sa kanila, pero iyon ang nararamdaman ko. 

Noong hapon na iyon ay hindi na ako nakapag bake at nag kulong na lamang sa aking kwarto at inilabas ang lahat ng aking hinanakit. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na naka tulala habang nakatitig sa aking bintana at kitang kita ko ang nagkukulay kahel na ulap, tanda na papalubog na ito. 

Yakap-yakap ko ang aking mga tuhod habang lumuluhang nakatitig doon at itinatanong ang aking sarili kung hanggang saan ba ang bukas namin? Kailan ito mawawala? Hanggang saan ang pag asa ko sa kaniya? Sa relasyon naming dalawa?

Sinasakop na ng dilim ang aking kwarto, tangi ang liwanag nang bilog na buwan ang pumapasok sa aking bintana. Hanggang sa matuyuan na ako ng mga luha sa aking pisngi at mata ay nakatitig pa rin ako doon. 

Hindi ko na namalayan na naka higa na pala ako sa aking kama. Wala ako sa aking sarili, unti-unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng dilim.

"Vin! Turuan mo akong mag bike! Pinag tatawanan kasi ako ng mga kaklase ko kasi hindi raw ako marunong." tawag ko kay Davin habang nakanguso ang aking labi na mamasa masa pa. 

Naroon siya sa loob ng gate samantalang ako ay nakabilad sa araw habang akay-akay ang aking bisikleta na kakabili lang sakin ni Tita Devine, ang mommy ni Davin.

"Amara, mamaya na 'yan! Tara dito!" Iniwagayway niya ang kanyang kaliwang braso. Lalo namang humaba ang aking nguso.

"Pero kuya!" maktol ko pa. Sa pag kakataong ito ay siya naman simimangot. Ayaw na ayaw niyang tinatawag ko siyang kuya at hindi ko alam ang dahilan. Siguro ay dahil hindi talaga niya talaga ako kapatid? 

"Huwag ka ng makulit! May papakita ako sayo, dali!" mas malakas na sigaw niya.

Wala akong nagawa kung hindi nakangusong pumasok sa gate at inilock iyon. Nakakaramdam ako ng inis dahil alam ko namang ayaw niya akong turuan na mag bisikleta.

Nakabusangot ako noong lumapit ako sa kanya, ngiting ngiti ang kanyang labi. Inalis niya ang helmet sa aking ulo at inayos ang buhok ko. Kinuha niya ang aking maliit na kamay na sakop na sakop nang kanyang palad.

Hinila niya ako papunta sa likod bahay at nag ningning na lamang ang aking paningin dahil bumungad sa akin ang tree house na matagal ko ng inuungot sa kaniya. 

"Ayan! Ginawa ko kanina habang tulog ka." Tumingin siya sakin. "Nagustuhan mo ba?" inosenteng tanong niya. 

Tiningala ko ang kanyang mukha dahil mas matangkad siya sa akin, sunod sunod akong tumango ng malaki.

"Oo Davin! Thankyou!" At tumalon ako upang dampian siya ng halik sa kanyang makinis na pisngi. 

Bigla siyang natulala at hindi ko alam kung anong dahilan. Nag baba siya ng tingin sa akin at hinimas ang aking pisngi. "I love you, baby." 

Ngumiti ako ng malaki sa kanya. "Mahal din kita kuya." 

Mainit na luha ang gumising sa aking diwa. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at naramdaman ko na lamang na basa na ang aking pisngi. 

Mahal kita Davin.

Sa panaginip ko na nga lang talaga makakamit ang dating kami, ang dating saya.

Suminghap ako at umupo mula sa pagkakahiga. Inihilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha at isinuklay ko ang aking daliri sa aking buhok. 

Umalis ako sa kama at humarap sa salamin. Halos hindi ko na makilala ang aking sarili dahil sa pamamaga ng aking mata. Namumula din ang aking ilong at pisngi. 

Nag ayos ako ng sarili. Nilagyan ko ng concealer ang aking nangingitim na mga mata. Nang masigurado kong maayos na ang aking itsura ay bumaba na ako, nadatnat ko si Davin na nasa sala at hirap na hirap sa kanyang kurbata. Ramdam ko ang pagkurot ng aking dibdib dahil sa nalaman kahapon. Tuwing tinititigan ko siya ay magkahalong sakit at pagmamahal ang aking nararamdaman. Walang kasiyahan.

"Why is it so hard to fix this tie?" inis niyang ani at tuluyan ng niluwagan ito. Ganon pa rin siya, kahit na nag bago siya sa akin ay may mga natira pa rin naman sa kanyang hindi pa nagbabago.

May sariling buhay ang aking katawan dahil natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nasa kanyang harapan at marahang inalis ang kamay niyang nakahawak sa kurbata, may dumaloy na kuryente mula sa kanyang kamay at dumaloy iyon papunta sa aking palad. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay habang inaayos ang kanyang kurbata, ganito ang epekto sa akin ng lalaking ito. 

Hindi niya ako pinigilan at hinayaan lamang ako, pagkatapos kong ayusin iyon ay hinimas ko naman ang kanyang dibdib upang maalis ang pagkakalukot niyon. Nang tumingala ako sa kanyang mukha ay nagtama ang aming paningin, inirapan niya ako at tinalikuran.

"H-Hindi ka na b-ba kakain?" nauutal na mutawi ko. 

Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. "Naiirita akong kasabay ka."angil niya bago siya nawala sa aking paningin. 

Sinaksak naman ng milyon milyong kutsilyo ang dibdib ko. Napino ang puso ko dahil sa sinabi niya, ayoko man na manginig ang aking mga luha ay nanginig pa rin ito. Why are you so mean to me, Davin?

Pagod na akong umiyak, pagod na akong masaktan pero hindi ko kayang mapagod sa kanya at sumuko. Dahil kung susuko ako ay sino nalang ang lalaban para sa aming dalawa? Kung matagal na siyang sumuko? 

Narinig ko na lamang ang kanyang sasakyan na lumabas ng gate at umandar papa-alis.

Nang mag gabi at kakatapos ko lang mag linis ng buong bahay ay pagod akong umupo sa sofa. I miss Doña Lecia, kung nandito lang siguro siya ay may mapag sasabihan ako ng sama ng loob. Siya na lang ang kakampi ko ngayon, ngunit nasa malayo siya, nasa California siya at nag papagaling. 

Doña Lecia is now suffering from cancer. Gusto ko man siyang bisitahin at sabihin sa kanya lahat ng hinanakit ko sa kanyang apo ay hindi pwede dahil baka lumala ang kanyang kalagayan. Hindi rin ako pinapayagan ni Davin na pumunta ng California para bisitahin ang matanda. 

Nalulungkot ako dahil sa kondisyon nya, kung pwede ko lamang siyang bisitahin at alagaan ay ginawa ko na.,

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status