Share

Kabanata 11

Pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga dahil sa narinig. M-May nangyayari sa kanila? Gusto kong sabunutan ang aking sarili. Malamang Amara! Kung kayang mambabae ni Davin, kaya niya 'ding gawing babae si Inna!

Pinilit kong buhatin ang aking paa upang humakbang paatras kahit na hindi ko na maramdaman pa ang aking mga binti. Nang matagumpayan kong makagalaw ay hindi ko na napansin pang tumatakbo na pala ako. Gusto kong umalis sa lugar na ito, gusto kong tumakas sa sakit.

Wala ako sa sariling pumasok sa aking sasakyan at napakapit ako ng mahigpit sa aking manibela at napadukdok doon. Habol habol ko ang aking hininga, nanunuot ang sakit sa aking dibdib.

Inalis ko ang pag kakadukdok ko sa manibela at inihilamos ang aking kamay sa aking mukha. Nanginginig pa rin ang aking kamay noong binuhay ko ang makina ng aking sasakyan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung saan ako patungo, kung anong daan na ba ang aking tinatahak. Basta ang alam ko lamang ay gusto kong makatakas sa sakit.

T
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status