Share

Kabanata 10

Sa kalagitnaan ng kanyang pag akyat ay huminto siya. Nabuhayan ako nang pag asa na bakasakaling sumabay siya sa akin na kumain. Lumingon siya sa akin, walang emosyon ang kanyang mga mata.

"Kung nagpapakaasawa ka, tigilan mo na." Nag patuloy siya sa kanyang pag akyat.

Napaiwas ako ng paningin sa kanya. Mali ba? Mali bang dapat kong gawin ang nararapat kong gawin?

"D-Davin teka lang..." pagpigil ko sa kanya. Gusto kong tanungin ang tungkol sa kanila ni Inna.

Tumigil siya ngunit hindi tumingin sa akin. "T-Totoo bang nag dedate na k-kayo ni Inna?" ka'y lakas ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga.

"Oo... " Para akong tinakasan ng lakas dahil sa sinabi niya. Walang emosyon ang kanyang boses. Nanlalabo ang aking paningin habang nakatanaw sa kanyang nag papatuloy na naglalakad.

Napahawak ako sa sofa at napaupo. Sila na?

Hinawi ko ang aking mga luha sa aking mata. Pinilit kong kumalma.

Noong umagang iyon ay umalis na naman si Davin, noong tinanong ko kung saan siya p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status