Share

Kabanata 8

Pagkatapos ng tabing iyon ay bumalik na naman kami sa dating sitwasyon. Uuwi siya ng madaling araw, at ako? Parang tangang naghihintay sa kanya.

Pumunta ako sa kusina upang tumingin ng pwedeng lutuin.

Ilang araw na rin akong bagot na bagot sa bahay. Paulit ulit lang ang sistema ko, paulit ulit lang rin ang sakit.

Nang matapos akong magluto ay inilagay ko na ito sa tupperware. Bumuga ako ng hangin dahil sa pagod.

Noong matapos na akong mag ayos ng aking sarili ay sumakay na ako ng kotse. Habang binabaybay ko ang kalagitnaan ng EDSA ay may natanaw akong billboard ni Davin at ni... Inna. Nasa likod ni Inna si Davin habang nakayakap ang lalaki sa likod niya. Mukha silang masaya sa litrato at mukhang mahal na mahal ang isa't isa. Mga artista talaga.

Agad kong iniiwas ang aking paningin doon. Sa litrato pa lamang ay nasasaktan na ako.

Dapat ba akong makaramdam ng inggit kay Inna? Dapat ba? Dahil nagagawa ni Davin sa kanya ang dapat sa akin. Ang sakit lang isipin na kayang gawin ni Davin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status