Share

Kabanata 3

Buong gabi akong nag antay kay Davin hanggang sa pumatak na ang alas tres ng umaga ngunit walang Davin na dumating... Wala siya.

Wala na naman siya.

Hindi ko na namamalayang unti unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata.

Nagising ang aking diwa noong may marinig akong sasakyan ngunit dahil sa sobrang nilalamon ako ng pagod ay muli akong nilamon ng antok.

Kinaumagahan ay nagising na lamang ako sa malapad na kulay puting sofa. Dito pala ako nakatulog. 

Namumungay ang aking mga mata na umalis sa sofa at inilibot ang aking paningin. Pumunta ako sa itaas upang hanapin siya ngunit sa huli ay nabigo lamang ako. Hindi siya umuwi, hindi na naman siya umuwi.

Bago pa ako malungkot ng tuluyan ay nag ayos na ako ng sarili at pumunta muli sa sofa. Umupo ako kung saan ako kanina nakahiga, katapat ito ng tv. Binuhay ko iyon at agad na bumungad sa akin ang isang balita.

"Davin Villaroel and Inna Curtis will be together in a movie. Kung saan trending ngayon sa twitter, maraming mga taga hanga ang nagsabing bagay na bagay ang dalawa.—" Pinatay ko na ang tv. Ayoko nang marinig pa ang mga sasabihin niya dahil para na rin akong nag pakamatay.

Humihigpit ang kapit ko sa remote. Humugot ako ng isang malalim na hininga at dumilat. Hindi naman siguro papatusin ni Davin si Inna hindi ba? kahit matagal na silang magkakilala—matagal na kaming tatlong magkakilala.

Dating kaklase ko si Inna sa isang major subject ko noong college at matagal ko nang alam na may pag tingin siya kay Davin ngunit binaliwala ko iyon.

Isa si Inna sa mga nambubully sa akin noong college, isa din siya sa mga kakumpetensya ko bilang cumlaude. I graduated as cumlaude at alam kong nag tanim si Inna sa akin ng sama ng loob at sana naka limutan na niya iyon.

Nag luto muna ako nang makakain bago gumayak. Gusto ko munang magliwaliw sa labas dahil sobrang nabuburyo na ako dito sa bahay, wala akong makausap, wala akong makakwentuhan... malungkot. 

Pagkatapos ko mag bihis ay kumain ako, kahit sa pagkain ay wala akong kasabay. Sobrang gusto ko nang makita si Doña Lecia, namimiss ko ang mga payo at halakhak niya. Gusto ko siyang makita ngunit ayaw akong payagan ni Davin.

Kinuha ko na ang susi ko at lumabas ng bahay at pumasok sa aking sasakyan. 

Pumunta ako sa isang palaruan kung saan maraming bata na nag lalaro kasama ang mga magulang nila. Nakakaramdam ako ng inggit, kung mayroon ba kaming anak ni Davin ay mawawala na ang galit niya sakin? maaayos kaya kami? 

Nakaupo lamang ako sa isang bench sa ilalim ng puno habang nanonood sa mga bata. Napapangiti na lamang ako sa tuwing bubuhatin siya ng tatay niya at pupunasan sila ng pawis ng mama niya. Sana. Sana maging ganyan kami kasaya ni Davin. Nilukob ng inggit ang buong sistema ko, gusto ko man na iwasan iyon ay hindi ko magawa. 

Makikita mo sa kanila na sobrang saya nilang pamilya. Kung mag kakaanak man kami ni Davin ay ang gusto ko ay maayos na ang pagsasama naming dalawa. Atomong matupad ang anak ko sa akin na nag hiwalay ang mga magulang hanggang sa mapabayaan na. Pero kahit na anong mangyari, kung mag kakaroon kami ng anak ni Davin ay hinding hindi ko ito pababayaan.

Natigilan lang ako sa pagtitig doon ng may lumapit sa akin na marungis na bata. Nabuhay ang awa sa sistema ko, hindi ko maintindihan ang ibang magulang kung bakit pinababayaan nilang mag trabaho ang kanilang mga anak para sa kanila, hindi ba't sila dapat ang gumagawa niyon? sila dapat ang kumakayod para sa mga anak nila.

Ngumiti ako sa batang lalaki na sa tansya ko ay mga nasa anim na taong gulang pa lamang. Ang buhok niya ay gulo gulo at madumi at sira sira din ang kanyang damit.

"Mag kano ba? hmm?" tanong ko habang naka ngiti. Ngumiti sa akin ang bata ng malaki.

"Limang piso lang po isa, binili po ba kayo ate? ang sabi po ng lola ko ay mabisa daw po ang puting kandila, na kapag daw sinindihan nyo po ito at mag wish kayo ay magkakatotoo daw po iyon!" Natawa ako sa tuwang-tuwa na ekspresyon niya. 

"Sige, mag kano ba lahat 'yan?" Tiningnan ko ang mga kandilang hawak niya. 

"180 po lahat ate! Sana po matupad po ang wish nyo." Ginulo ko ang buhok niya.

Sana nga, sana mag katotoo ang mga hiling ko. Gusto kong pagtawanan ang aking sarili, ganon na ba ako kadesperada? Pati dito ay maniniwala ako? Pero ang sabi nga nila ay wala namang mawawala sayo kung hindi mo susubukan.

Pag kabigay ko ng bayad ay nagpasalamat siya sa akin at masayang umalis. Tiningnan ko ang mga kandilang nakalagay sa supot.

Napabuntong hininga nalang ako.

Biglang tumunog ang aking telepono. Sinagot ko ito. 

"Hello Amara?" boses ni Kyla, mararamdaman  mo sa kanyang boses ang konsensya at pagsisisi. 

"Im sorry, ah? Dapat nag dahan-dahan ako, dapat hindi kita binigla. Im so sorry." Ngumiti ako ng mapait. Gusto kong sabihin sa kanya na kahit dahan dahanin niya ang pagsasabi sa akin ay hindi mababago ang sakit. 

"Ayos lang, naiintindihan kita Kyla. Nadala ka lang siguro ng inis mo." at tumawa ako ng peke. "Pwede ba tayong mag kita ngayon?" tanong ko.

"Oo naman, saan ba?" sagot niya sa akin. 

"Text ko nalang sayo." nag paalam na ako at ibinaba ang tawag. 

Itinext ko sa kanya kung saan kami mag kikita at inilagay ko na sa aking bulsa ang telepono ko. 

Nasa kalagitnaan ako ng pag dadrive at bukas ang aking radyo. 

"Bagay na bagay nga itong dalawang ito, paniguradong mag hihit ang movie nila. Di ba partner?" sabi noong babaeng DJ. 

Namumutawi ko na kung sino ang tinutukoy nila. 

"Oo partner, hindi na ako magugulat kung mag de-date na ang dalawang iyan sa mga susunod na buwan. Swak na swak sila para sa isa't isa, partner." sabi noong lalaking DJ. 

Humihigpit ang pagkaka kapit ko sa manibela.

"Oo partner, pareho naman silang single kaya walang problema." sagot ng babaeng DJ. 

Napangisi ako ng mapait, really? Single?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status